Share

CHAPTER 218

Author: Anne
last update Last Updated: 2025-07-25 15:32:02

CHAPTER 218

Napatitig na lamang talaga si Miguel kay Camille at mukhang hindi na talaga magbabago pa ang isip nito. Talagang pursigido na ito na si Harold ang gusto nitong mapangasawa.

“Okay fine,” sumusukong sagot ni Miguel sa kanyang anak at bahagya pa nga siyang tumango. “Kung yan na talaga ang gusto mong mangyari ay gagawa ako ng paraan para mahanap si Harold at maipakasal kayong dalawa. Pero anak ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa’yo na hindi ko kayang diktahan ang puso ni Harold. Hindi ko maipapangako sa’yo na magagawa ko siyang pilitin na mahalin ka. Kaya kong ipakasal kayong dalawa sa lalong madaling panahon pero hindi ko maipapangako sa’yo na mapipilit ko si Harold na mahalin ka. Kaya habang may panahon pa ay pag isipan mo na muna itong mabuti anak,” pagpapatuloy pa niya.

Napabuntong hininga naman si Camille at saka niya seryosong tiningnan ang kanyang ama.

“Basta ipakasal nyo lang po kami dad at ako na po ang bahala sa pagsasama naming dalawa. At alam ko na matututunan din
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Archie Love Archie
ay mabuti naman at natauhan kna Louie,,,d kna pagtataguan ng mga apo ng asawa mo hehe
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 365

    CHAPTER 365“Siguro nga ay nasisiraan na ako ng bait dahil sa pagmamahal ko sa’yo Rose,” sagot naman ni Jeffrey at saka siya muling dahan dahan na lumapit kay Rose. “Sana ay bigyan mo naman ako ng pagkakataon na patunayan sa’yo kung gaano kita kamahal,” pagpapatuloy pa niya at saka niya kinuha ang isang kamay ni Rose at saka niya ito hinalikan.Hindi naman makapaniwala si Rose sa pag amin na iyon sa kanya ni Jeffrey at para bang isang panaginip lang iyon sa kanya dahil hindi niya akalain na magkakagusto ang isang katulad nito sa kanya.Agad naman na binawi ni Rose ang kanyang kamay mula sa binata.“Nahihibang ka na talaga. Alam mo pa ba yang mga sinasabi mo, Jeffrey? Nag aadik ka ba at nasasabi mo ang mga yan? Alam mo kung pinagtitripan mo lang ako ay tigil tigilan mo ako dahil hindi gagana sa akin ang mga ganyang trip mo na yan. Humanap ka na lang ng ibang babar na mapapagtripan. Wag ako,” sagot naman ni Rose.“Tsk. Ano pa ba ang gusto mong gawin ko para lang maniwala ka sa sinasabi

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 364

    CHAPTER 364“Ano ba, Jeffrey? Bitawan mo nga ako,” sabi pa muli ni Rose at pilit niyang hinihila ang kanyang braso na hawak ni Jeffrey.Nang mapansin naman ni Jeffrey na wala na talagang katao tao sa lugar na iyon ay binitawan na niya si Rose pero hindi siya humarap dito at naipikit na lang talaga niya ng mariin ang kanyang mata para pakalmahin ang kanyang sarili.“Ano ba ang problema mo ha? Bakit bigla mo na lang sinuntok yun? Hindi mo ba alam na pwede ka nilang idemanda sa ginawa mong yun?” tila naiinis ng sigaw ni Rose kay Jeffrey.Napabuga naman ng hangin si Jeffrey sa kanyang bibig at nanatili lang siyang walang imik habang nakatalikod kay Rose.“Tsk. Magsalita ka nga r’yan. Ano ba ang naiisip mo at ginawa mo iyon?” muli ay daldal na naman ni Rose.“Bakit kasi nakikipagsayaw ka sa mga ganong klase ng lalaki? Nababastos ka na pero parang wala lang sa’yo. Ganon ka ba talagang klase ng babae ha?” inis naman na sigaw ni Jeffrey nang humarap siya kay Rose at hindi na talaga niya napig

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 363

    CHAPTER 363Tuwang tuwa naman sila Rose at April habang nagsasayaw sila roon at habang nagsasayaw sila ay may hawak hawak pa sila na baso na may lamang alak at dahil talagang napaparami na ang inom ni Rose ay tila ba hindi na nito alam ang ginagawa nito dahil nakikipagsayawan na ito sa mga kalalakihan na naroon.“Woah… Party! Party!” sigaw pa ni Rose habang sumasayaw siya.Todo sayaw din naman si April dahil sanay naman na talaga ito sa mga party na ganito.“Hi miss. Ang sexy mo naman,” sabi ng isang lalaki na bigla na lang lumapit kay Rose.“Oh, thank you,” sabi naman ni Rose. “Let’s dance,” sabi pa niya at saka ito lalong nagsasayaw.Napangisi naman ang lalaki na lumapit kay Rose at sinabayan na rin nito ang pagsayaw ni Rose. At dahil nga may tama na ng alak ang dalaga ay hindi na nito napapansin na nahahawakan na pala siya ng lalaki na iyon.Tuwang tuwa naman ang lalaki na iyon dahil hindi man lang nagrereklamo si Rose lalo na ng hawakan niya ito sa baywang. Kaya naman nagpatuloy l

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 362

    CHAPTER 362“Huy! Ano na naman ang nangyayari sa’yo r’yan? Baka mamaya ay mahanginan ka r’yan at matuluyan ka ng tulala ha,” sabi ni Jane sa kanyang kapatid at biniro pa niya ito.Napatingin naman si Jeffrey sa kanyang ate Jane at saka siya bumuntong hininga.“Alam ko kung magkakaganyan ka lang din naman ng dahil sa kakaisip sa kanya ay wag mo na ngang pahirapan pa yang sarili mo. Ligawan mo na lang siya kesa magkaroon ako ng kapatid na baliw,” sabi pa ni Jane at saka nito ipinagpatuloy ang kanyang pagkain. “Bilisan mo na r’yan ng makasunod na tayo sa kanila roon. Wala namang mangyayari r’yan sa kakatulala mo na yan e,” pagpapatuloy pa niya.Tiningnan naman ni Jeffrey ang kanyang pagkain at para bang bigla na siyang nawalan ng ganang kumain. Parang gusto na lamang niya na puntahan na si Rose para makasigurado na walang lumalapit at pumoporma rito na ibang lalaki.Napapailing na lamang talaga si Jane dahil sa itsura ng kanyang kapatid ngayon. Kung kanina ay para bang ayaw nitong pumunt

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 361

    CHAPTER 361“Kunwari pa na ayaw pumunta pero tingnan mo naman ang itsura mong yan. Posturang postura ka pa nga kesa sa akin,” sabi ni Jane at inirapan pa niya si Jeffrey dahil napakatagal talaga nito.“Sorry na. Bakit kasi hinintay mo pa ako? Kaya ko namang pumunta roon ng mag isa,” sagot naman ni Jeffrey.“Wow, sorry ha kasi hinintay kita. Imbes na magpasalamat ka kasi hinintay kita ikaw pa itong may gana na magsabi ng ganyan?” sagot ni Jane at saka niya inirapan ang kanyang kapatid.“Magsusungit ka na naman. Sige na. Sorry na.. tara na sa labas dahil hinihinitay na nila tayo roon,” sagot naman ni Jeffrey at saka niya inakbayan ang kanyang ate Jane na nagsusungit na naman.Para namang bata na nakasimangot si Jane habang naka akbay sa kanya ang kanyang kapatid na si Jeffrey. At dahil mas matangkad si Jeffrey kaysa sa kanyang ate ay parang tropa lang niya ito kung akbayan.“Wag ka na ngang sumimangot dyan ate,” natatawa pa na sabi ni Jeffrey habang naglalakad silang dalawa sa pasilyo.

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 360

    CHAPTER 360Pagsapit ng gabi ay isa isa naman ng nagpupuntahan ang mga bisita nila Jillian at Harold sa may tabing dagat dahil doon idaraos ang after party ng kanilang kasal.Naroon na rin at nakahanda na ang mga pagkain at inuming nakalalasing. Maririnig mo na rin sa buong paligid ang malakas na tugtugin at nagliliwanag din ang lugar dahil sa iba’t ibang klase ng ilaw na nakalagay roon at handang handa na talaga ang lugar para sa party.Habang nag aayos naman ng kanyang sarili si Jane sa kanilang silid ay napansin naman niya na para bang matamlay ang kanyang kapatid habang nakaupo pa ito sa kanyang kama.“Anong na namang nangyari sa’yo? Nag usap na tayo kanina diba? Hindi ka ba nakatulog?” sunod sunod naman na tanong ni Jane kay Jeffrey. “Saka bakit hindi ka pa nakabihis dyan? Anong oras na baka naroon na sila sa labas. Nakakahiya naman kung pahuli huli pa tayong dalawa,” pagpapatuloy pa niya ng mapansin niya na yun pa rin ang suot na damit ni Jeffrey.“Parang tinatamad akong lumabas

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status