Share

CHAPTER 242

Penulis: Anne
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-02 15:48:09

CHAPTER 242

“Pumunta ang anak ko sa iyong kumpanya? Kelan?” kunot noo pa na tanong ni Miguel kay Louie.

“Oo, Miguel nagpunta raw dito ang iyong anak kanina at hinahanap nga nito ang aking anak,” sagot ni Louie.

“Sigurado ka ba na anak ko iyon? Baka naman nagkakamali lang kayo dahil nakausap ko na si Camille tungkol sa bagay na iyan,” tila hindi pa rin makapaniwala na sabi ni Miguel.

“Oo naman sigurado ako na siya yun,” sagot ni Harold. “ “Mr. Rodriguez, pwede ba tayong mag usap ng personal? Mas maganda kasi na personal tayong mag usap tungkol sa bagay na ito para magkaliwanagan din tayo ng maayos,” sabi pa ni Louie.

“Sige. Walang problema at mas mabuti pa nga iyon. Pero marami pa kasi akong kailangang gawin ngayon kaya bukas na lamang ng hapon tayo magkita,” sagot ni Miguel dito.

“Sige. Magkita na lamang tayo bukas. Isesend ko na lamang din ang lugar kung saan tayo magkikita,” sagot ni Louie at siya na nga ang nagputol ng kanilang tawag.

Isang malalim na bunyong hininga naman ang pina
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 243

    CHAPTER 243Dahan dahan naman na tumango si Louie. Alam naman niya na dapat na talaga siyang kumilos ngayon pa lang para hindi na masira ang kanilang pamilya.“Wag kang mag alala dahil gagawa ako ng paraan para tigilan na ni Camille ang anak natin. Alam ko naman na ako ang may kasalanan ng lahat ng ito kaya dapat lang talaga na ako ang gumawa ng paraan para matigil na ito. At kagaya mo ay ayoko rin naman na masira ang pamilya natin. Kaya umasa ka na gagawa ako ng paraan para matigil na ang lahat ng ito,” sagot ni Louie sa kanyang asawa.“Mabuti naman kung ganon. Gawin mo ang lahat ng makakaya mo para matigil na sila sa panggugulo kay Harold. Ayoko rin na ma-stress si Jillian kapag nalaman niya ang tungkol sa Camille na iyan kaya ayusin mo ang pinaggagagawa mo,” sagot ni Shirley.“Oo. Naiintindihan ko,” tipid na sagot ni Louie.Tumayo na rin naman kaagad si Shirley at saka siya diretsong lumabas ng silid na iyon kaya naman naiwan na naman na mag isa si Louie roon.Napabuntong hininga n

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 242

    CHAPTER 242“Pumunta ang anak ko sa iyong kumpanya? Kelan?” kunot noo pa na tanong ni Miguel kay Louie.“Oo, Miguel nagpunta raw dito ang iyong anak kanina at hinahanap nga nito ang aking anak,” sagot ni Louie.“Sigurado ka ba na anak ko iyon? Baka naman nagkakamali lang kayo dahil nakausap ko na si Camille tungkol sa bagay na iyan,” tila hindi pa rin makapaniwala na sabi ni Miguel.“Oo naman sigurado ako na siya yun,” sagot ni Harold. “ “Mr. Rodriguez, pwede ba tayong mag usap ng personal? Mas maganda kasi na personal tayong mag usap tungkol sa bagay na ito para magkaliwanagan din tayo ng maayos,” sabi pa ni Louie.“Sige. Walang problema at mas mabuti pa nga iyon. Pero marami pa kasi akong kailangang gawin ngayon kaya bukas na lamang ng hapon tayo magkita,” sagot ni Miguel dito.“Sige. Magkita na lamang tayo bukas. Isesend ko na lamang din ang lugar kung saan tayo magkikita,” sagot ni Louie at siya na nga ang nagputol ng kanilang tawag.Isang malalim na bunyong hininga naman ang pina

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 241

    CHAPTER 241Samantala pag alis naman nila Camille at Hazel sa kumpanya nila Harold ay inis na inis pa nga ito habang nakasakay sa kanyang sasakyan dahil sa mga nangyari kanina.“Sa tingin mo ba ay tama ang ginawa mong iyon Camille? Hindi mo naman na kailangan pang sigawan yung babae kanina. Pwede mo naman siyang kausapin na lamang ng maayos. Paano kung magsumbong yun? E di mas lalo ng hindi ka nagustuhan ng lalaking pinapangarap mo,” panenermon ni Hazel sa kanyang kaibigan.“Tsk. Kung hindi ba naman kasi siya t*nga. Wala naman pala roon si Harold magtatanong pa siya kung ano ang kailangan ko. Estupida talaga. Magsumbong sya kung magsusumbong siya at wala akong pakialam sa kanya,” inis naman na sagot ni Camille at panay pa nga ang irap nito na para bang kaharap lang nito ang taong kinaiinisan nito.Napabuntong hininga na lamang nga si Hazel at napapailing na lang talaga siya sa kanyang kaibigan.“Ano na ang plano mo ngayon? Saan mo hahanapin ang Harold na iyon kung wala pala ito sa kan

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 240

    CHAPTER 240Napabuntong hininga na lamang si Rose habang nakatingin siya sa kanyang kaibigan at kitang kita niya sa mukha nito na galit na galit pa nga ito. Kaya naman kumuha na muna siya ng tubig para kahit papaano ay kumalma nga ang kanyang kaibigan.“Uminom ka na muna ng tubig at ikalma mo iyang sarili mo. Kilala na kita Harold at kapag ganyan na galit na galit ka ay hindi mo kayang kontrolin ang iyong sarili,” seryoso naman na sabi ni Rose at saka niya inilapag na muna ang isang baso ng tubig sa may harapan ng binata.Umayos naman ng pagkakaupo niya si Harold at pilit nga niyang pinapakalma ang kanyang sarili. Pero sa totoo lang ay grabeng pagpipigil na talaga ang ginawa niya kanina dahil baka nga makalimutan niya na ama niya ang kanyang kausap at baka masaktan niya ito. Kinuha naman na rin ni Harold ang tubig na ibinigay ni Rose at inilang lagok lamang nga niya iyon.Napapailing naman si Rose habang nakatingin siya sa kanyang kaibigan. Hindi kasi niya akalain na talagang susugod

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 239

    CHAPTER 239“Dad, alam nyo po kung ano ang hindi ko maintindihan? Hindi ko po maintindihan kung bakit ako nadamay sa pinaggagawa ninyo,” halos pasigaw pa nga na sgaot ni Harold sa kanyang ama dahil talagang galit na galit siya ngayon at hirap na hirap na talaga siyang kontrolin ang kanyang sarili. “Wala po akong kaalam alam sa ginawa ninyo na iyan pagkatapos ngayon na nagkaroon kayo ng problema ay idinamay ninyo ako. Dad ayoko po na magkasira tayo at alam nyo po kung gaano ko po kayo rinerespeto at iginagalang pero kung ganito na kalayaan ko na ang nagiging kapalit ng ginawa ninyo ay pasensyahan na lang po tayo pero hindi ko na kayo mapagbibigyan pa sa bagay na yan,” pagpapatuloy pa niya.“Wag kang mag alala dahil pipilitin ko na makahanap ng paraan para tigilan ka na nila. Pasensya ka na talaga anak kung nadamay ka pa rito. Alam ko naman na kasalanan ko ito kaya humihingi ako ng tawad sa iyo,” sagot ni Louie at nagyuko na nga siya ng kanyang ulo dahil nahihiya na siya sa kanyang anak

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 238

    CHAPTER 238Pagkatapos na makausap ni Harold ang babae na naroon sa front desk ay imbes na dumiretso na siya ng alis papunta sa bahay nila Jillian ay napaakyat nga muli siya upang puntahan naman ang kanyang ama na siyang dahilan kaya siya ginugulo ng Camille na iyon.Kung hindi kasi dahil sa kanyang ama ay hindi naman magkakaroon ng pagkakataon si Camille na mapalapit sa kanya at hindi nito maipipilit ang gusto nito.Habang naglalakad pa nga lang si Harold papunta sa opisina ng kanyang ama ay kitang kita mo na sa mata nito na galit nga ito. At kahit nga nakasalunong niya si Rose ay para bang wala itong nakita at dire diretso lamang ito sa paglalakad.“Harold! Harold!” tawag ni Rose sa kanyang kaibigan pero ni hindi man lang nga siya nito liningon at dire diretso lamang ito sa paglalakad kaya naman napakunot ang noo niya. At dahil nag aalala nga siya rito dahil napansin niya na galit nga ito ay dali dalu na nga niya itong sinundan.Pagkarating naman ni Harold sa opisina ng kanyang ama

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status