CHAPTER 7
Dahan dahan naman na tumango si April at saka nga niya linapitan si Jillian at saka nya ito pinatayo at pinaikot sa kanyang harapan. Napataas pa nga ang isa niyang kilay habang pinagmamasdan niya ang kabuuan ni Sophia. “Maganda ka, maputi, sexy at makinis. Hindi malabo na makakuha ka kaagad ng mayamang customer. At hindi rin malabo na pag-agawan ka ng mga yun kapag nakita ka,” sabi ni April. “Pero ang tanong kakayanin mo ba? Sa tingin ko pa lang sa’yo ay virgin ka pa eh. Baka kapag hinawakan ka na ng customer mo ay magtatakbo ka na,” sabi pa ni April. Bigla naman ngang natakot si Jillian sa sinabi na iyon ni April. Totoo naman kasi na virgin pa sya at hindi pa rin kasi talaga siya nagkakaroon ng nobyo. Kaya kahit nga paghalik ay hindi nya alam kung paano. Maganda naman si Jillian at maamo pa nga ang mukha nito at marami rin nga ang nagkakagusto sa kanya noong nag aaral pa lang sya. Kaso ay mas priority nya kasi ang pag aaral nya noon at ngayon nga na nakatapos na sya ng kanyang pag aaral ang priority naman niya ay ang kanyang ina. Kaya wala nga siyang time para sa lovelife niya. “Kakayanin ko para kay nanay,” matapang pa na sagot ni Jillian. “Sige, kung buo na talaga ang desisyon mo na magtrabaho sa bar ay pwede ka naman ng sumama sa akin ngayong gabi,” sagot ni April. Nagkatinginan naman nga muli sila Jane at Jillian at tila ba nagulat pa nga sila parehas dahil hindi naman nila expect na ngayon na kaagad siya isasama ni April dahil ang plano lang sana nila ngayon ay kausapin nga muna ito. Sa loob loob ni Jane ay parang ayaw na nga niya sanang patuluyin ang kanyang kaibigan at parang nagsisi na nga talaga siya na sinabi pa niya ang tungkol dito kay Jillian. Noon kasing nasa ospital sila ay awang awa na talaga si Jane kay Jillian at naaawa rin sya sa nanay nito dahil kailangan na nga talaga nitong mapaoperahan. Parang nanay na rin kasi ang turing ni Jane sa ina ni Jillian kaya parang hindi rin talaga nya ito kayang tiisin. Kaya naman wala sa sarili na nabanggit nga niya kay Jillian ang tungkol sa trabaho ni April. At hindi naman nya akalain na maglalakas loob talaga si Jillian na suungin ang ganitong klase ng trabaho. “Kaya mo ba talaga? Pwede ka pa namang umurong. Wala ka pa naman sa bar e,” tanong ni Jane kay Jillian. “Pag isipan mo muna iyang mabuti Jillian. Hindi biro ang gagawin mo roon,” seryoso pa na sabi ni Jane. Isang pilit na ngiti naman nga ang pinakawalan ni Jillian at saka nya hinawakan ang kamay ni Jane. “Diba sabi ko naman sa’yo ay gagawin ko ang lahat para kay nanay. At kung itong gagawin ko na ito ang paraan para makaipon ako at mapaoperahan ko si nanay ay gagawin ko,” sabi ni Jillian at bakas nga sa mga mata niya ang lungkot ng maalala na naman nga niya ang kanyang ina na may sakit na nasa ospital pa rin nga hanggang ngayon. “Basta ipangako mo Jane na wala kang ibang pagsasabihan ng tungkol dito. Tayo lang ang nakakaalam nito ha,” sabi pa ni Jillian sa kanyang kaibigan dahil natatakot din naman sya na may iba ngang makaalam nito. Napabuntong hininga naman nga si Jane at saka nga siya dahan dahan na tumango. “O-oo. P-Pangako wala akong ibang pagsasabihan ng tungkol dito,” nauutal pa na sagot ni Jane sabay iwas ng tingin niya kay Jillian. “Oyyy. Nauutal ka. Tumingin ka nga sa akin. Ipangako mo yan ha. Ayoko naman na atakihin lalo sa puso si nanay kapag nalaman nya ang gagawin ko na ito. Kaya ipangako mo sa akin Jane na wala kang ibang pagsasabihan ng tungkol dito,” sabi pa ni Jillian kay Jane at seryoso pa nga niyang tinitigan ito dahil alam nya na nag aalangan nga ito sa sagot nito sa kanya. “Hmpft… Oo na. Sige na. Pangako secret lang natin tong dalawa. Bale tatlo na pala tayo nar’yan pa si April eh,” sagot ni Jane at saka nga siya napatingin sa gawi ni April. Bahagya naman nga na natawa si April dahil kanina pa nga siya tahimik na nakikinig sa pag uusap nina Jillian at Jane. At ramdam nya na talagang may pag aalangan nga si Jillian na gawin ang bagay na ito pero dahil nga sa kailangan nga nito ng pera ay alam nya na pikit mata na lamang nga itong gagawin ng dalaga. “Tsk. At nadamay pa talaga ako r’yan sa pangako nyo na yan ha,” tatawa tawa pa na sabi ni April. At napapailing na lamang nga rin siya sa dalawang ito. Si April ay matagal na rin nga na kakilala ni Jane. Nagkakilala nga sila ni Jane nang maging magkapitbahay nga sila noon. Mabait naman din nga si April pero dahil nga sa kahirapan ay nagbenta na lang nga ito ng kanyang katawan sa bar hanggang sa nasanay na lang siya na yun ang kanyang trabaho. At dahil nga sa trabaho niya na iyon ay pinapag aral nya ngayon ang dalawa pa niyang kapatid dahil sa ulila na rin nga ito at siya na lang nga ang inaasahan ng kanyang nga nakababatang kapatid. “April, mabait naman itong si Jillian. Pwede mo rin siyang maging kaibigan,” baling ni Jane kay April at saka nga siya bumuntong hininga at hinawakan ang kamay ni April. “Alam ko naman na naiintinfihan mo ang kalagayan ni Jillian ngayon. Kaya naman sa’yo ko na muna ipagkakatiwala si Jillian. Para ko na rin yang kapatid. Kaya ikaw na sana ang bahala sa kanya ha. Nangangailangan lang talaga sya kaya nya gagawin ito,” pagpapatuloy pa niya. Ngumiti naman nga si April kay Jane bago nga siya tumingin kay Jillian. “Naiintindihan ko naman si Jillian. Napagdaanan ko na rin naman yan noon. Sobra rin akong nangailangan noon kaya pinasok ko ang ganitong klase ng trabaho,” nakangiti pa na sagot ni April.CHAPTER 161Pagkauwi naman ni Jillian ay laking pasalamat talaga niya dahil hindi na siya inusisa pa ng kanyang ina kung saan ba siya galing. Saglit pa nga na napatitig si Jillian sa kanyang ina dahil parang bigla siyang naguilty dahil sa kanyang pagsisinungaling dito.“Ginabi ka na yata ng uwi anak. Masyado mo na naman yatang pinapagod ang sarili mo sa kakatrabaho. Magpahinga ka rin paminsan minsan,” sabi ni nanay Leony kay Jillian ng makita niya ito na kararating lamang.“Hindi naman po nay. At saka kaya ko pa naman po. Kapag hindi ko na po kaya ay magpapahinga naman po ako,” sagot ni Jillian at saka siya lumapit sa kanyang ina upang magmano. “Kumusta po ang maghapin nyo nay? Baka masyado na po kayong nagpapagod ha,” pagpapatuloy pa niya.“Hindi naman anak. Pinapakiramdaman ko rin naman ang sarili ko at kapag alam ko na hindi ko kaya ay hindi ko naman na ginagawa,” sagot ni nanay Leony.Pagkasabi pa nga ni nanay Leony noon ay saglit pa siyang napatitig kay Jillian dahil napansin niy
CHAPTER 160“Alam ko na marami kang iniisip ngayon, Jillian. Pero wag mong kakalimutan na narito lang ako para sa inyo ha. Parang kapatid na rin kita kaya nag aalala rin ako para sa’yo at sa bata na nasa sinapupunan mo. Wag ka masyadong mag isip ng kung anu-ano dahil baka makaapekto iyan sa bata. Diba sabi nga ni dok think positive lang para kay baby. Kung anuman yang gumugulo sa isipan mo ay pwede mong sabihin sa akin dahil baka matulungan kita o baka mabigyan kita ng payo. Basta tatandaan mo na nandito lang ako palagi ha,” sabi ni Jane sa kanyang kaibigan.Totoong nag aalala siya para kay Jillian dahil nitong mga nakaraang mga araw ay napapansin na nila ni April ang pagiging matamlay nito at marahil ay dahil nga ito sa pagbubuntis nito. “S-salamat, Jane ha. Salamat at palagi kang nandyan para sa akin. Pasensya ka na kung naabala na kita pero siguro kung wala ka at si April baka hindi ko na talaga ito kinaya,” sagot ni Jillian at muli na naman na tumulo ang kanyang luha.Napabuntong
CHAPTER 159Sigurado si Jillian na kung narito lamang si Harold ay matutuwa ito kapag nalaman nito na buntis siya. Pero bigla rin siyang napaisip kung bakut siya nabuntis gayong may pills naman siyang iniinomBigla rin nga na naalala ni Jillian ang kanyang ina dahil paano niya ito sasabihin dito gayong wala naman siyang ipinapakilala na nobyo rito.Napatingin naman si Jillian sa kanyang kaibigan at saka niya pinunasan ang kanyang luha.“P-paano ko ito sasabihin kay nanay? Baka kung mapaano si nanay kapag nalaman nya ang tungkol dito,” sabi ni Jillian sa kanyang kaibigan.Napabuntong hininga naman si Jane at sandali pa nga siyang napaisip dahil paano nga ba ito sasabihin ni Jillian sa kanyang ina. Nag aalala rin siya na baka kung mapano ito kapag nalaman nito ang totoo.“S-siguro pag isipan na muna natin kung paano mo ito sasabihin kay nanay Leony. Pero sa ngayon ay mas mabuti na malaman muna natin kung maayos ba ang kalagayan ng bata sa sinapupunan mo,” sagot ni Jane sa kaibigan niya.
CHAPTER 158 Sandali namang natigilan si Jillian at pilit nga niyang inaalala ang mga nangyari at nagtataka pa nga siya kung bakit siya naroon. “B-bakit ako narito? Anong nangyari? B-bakit ako dadalhin sa ospital?” tila naguguluhan pa nga na tanong ni Jillian at saka siya dahan dahan na bumangon. Agad naman na inalalayan nila Jane at Rose si Jillian para makaupo nga ito. “Hindi mo ba natatandaan na nawalan ka ng malay sa CR kanina pagkatapos mong magsuka? Ano ba ang nangyayari sa’yo Jillian?” sagot naman ni Rose sa dalaga. Saglit pa nga na nag isip si Jillian at napabuntong hininga na lamang siya ng maalala niya na nagsuka siya kanina. “Masama ba ang pakiramdam mo? Dapat nagsabi ka sa akin kanina nung kumain tayo ng lunch,” nag aalala naman na sabi ni Jane sa kanyang kaibigan. “Ayos naman na ako. Hindi naman masama ang pakiramdam ko ngayon. Siguro ay napagod lang talaga ako kaya ako nawalan ng malay kanina,” mahinang sagot ni Jillian. Nagkatinginan naman sila Jane at Rose dahi
CHAPTER 157Agad naman na sinundan ni Ms. Rose si Jillian dahil nag aalala siya rito. Kita rin niya na hawak na ni Jillian ang bibig nito ng tumakbo ito kaya agad na siyang sumunod dito at nadatanan niya ito na sumusuka na nga roon.“Masama ba ang pakiramdam mo, Jillian? Dapat ay nagsasabi ka kaagad sa akin para naman napag under time kita. Kesa naman mahirapan ka sa pagtatrabaho. Maiintindihan ko naman kayo basta magsabi lang kayo ng maayos sa akin kung hindi kayo makakapasok sa trabaho,” sabi ni Ms. Rose na pumasok na rin sa loob ng CR at sinarahan na rin muna niya ito dahil baka may makakita pa kay Jillian sa ganoong kalagayan.Nagmumog naman na muna si Jillian at saka siya napasandal sa pader dahil pakiramdam niya ay nanghihina nga siya.“Ayos ka lang ba, Jillian? Namumutla ka na,” puno ng pag aalala na tanong ni Rose sa dalaga dahil napansin kaagad niya na bigla nga itong namutla.Tila naman habol ang hininga ni Jillian habang nakasandal sa pader. Pakiramdam niya ngayon ay babags
CHAPTER 156Sa kabilang banda naman ay naging abala rin nga si Jillian sa kanyang trabaho sa mga nakalipas na linggo. Sinadya niya iyong gawin para kahit papaano ay makalimutan niya ang lungkot na nararamdaman niya kapag naaalala niya ang kanyang nobyo. Sa nakalipas din kasi na mga linggo ay wala pa rin siyang balita kung nasaan na nga ba ngayon si Harold kaya naman hindi talaga niya maiwasan na hindi mag alala rito.Ngayon nga ay narito si Jillian sa kanyang pwesto at abalang abala siya ngayon sa mga prinint niya na mga papeles na kailangan niyang ipamigay sa mga kasamahan niya roon.“Psst. Tara nang kumain,” aya ni Jane kay Jillian ng dumaan nga ito sa pwesto ni Jillian.“Medyo busog pa ako e. Maya maya na lang siguro ako kakain,” sagot ni Jillian sa kanyang kaibigan.“Busog? Hindi ka pa naman kumakain simula kanina,” kunot noo pa na sagot ni Jane. “Alam ko naman na may iniisip ka. Pero wag mo naman pabayaan yang sarili mo. Sa tingin mo ba ay matutuwa siya kapag bumalik siya at naki