CHAPTER 6
“Cheers,” sigaw ng magkakaibigang Miguel, Wilson at Benedict sabay taas nga ng kanilang hawak na shot glass. Tahimik lamang naman si Harold sa isang tabi at itinaas na lamang nga rin niya ang kanyang hawak na shot glass at nakipag cheers sa kanyang nga kaibigan. “Ano ba naman yan bro. Para namang wala kang energy ngayong gabi. May problema ka ba?” daldal ni Benedict kay Harold ng mapansin nga niya na wala man lang nga itong kagana gana at tahimik lamang nga itong umiinom. Napabuntong hininga naman nga si Harold at saka nga siya tumingin sa kanyang nga kaibigan. “Pasensya na kayo. Sadyang pagod lang ako sa opisina at maraming iniisip kaya ganito ako ngayon,” hinging paumanhin nga ni Harold sa kanyang mga kaibigan. Nagkatinginan naman nga sila Miguel, Benedict at Wilson at agad nga silang lumapit kay Harold at agad na inakbayan ito. “Bro nandito tayo para magliwaliw. Kalimutan mo muna yang problema mo sa opisina at magrelax ka na muna ngayon dito,” sabi ni Wilson kay Harold. “Oo nga naman. Parang natatakot na tuloy kami humawak ng kumpanya kung magiging ganyan din ang mangyayari sa amin kagaya sa’yo,” tatawa tawa naman na biro ni Miguel. “Wag mo ngang dibdibin masyado yang trabaho mo. Mag enjoy ka na lang muna ngayon bro. Ngayon na lang tayo ulit nagkasama sama na magkakaibigan kaya isantabi mo muna yang nga isipin mo na yan. Alam naman namin na pagod ka pero dapat kasi paminsan minsan ay i-relax mo rin ang katawan mo,” sabat naman nga ni Benedict. “Tama si Benedict. Wag ka na muna magpaka stress ngayon. Just enjoy and relax,” sabi pa ni Miguel saka nga ito prumente ng pagkakaupo nya at saka uminom ulit ng alak. “Balita ko ay may mga bago silang mga chikababes dito. Hayaan mo Harold at mamaya ay doon naman tayo pupunta at kami naman ang bahala sa'yo. Pero sa ngayon ay dito na muna tayo dahil namiss ko na ang alak,” nakangisi pa na sabi ni Benedict sabay kuha ng kanyang baso at sinalinan nga ito ng alak. Napapailing na lamang talaga si Harold dahil sa kalokohan ng nga kaibigan niyang ito. Pero sanay naman na nga siya sa mga ito. Dati pa naman kasi ay hinahayaan na lang nga niya na mag uwi ang mga ito ng babae habang siya ay hindi kumukuha ng babae dahil ayaw nga niya. Hindi naman sa pagiging mapili sa babae pero ayaw nya lang talaga. ************** Samantala naman magkasama nga ngayon sina Jillian at Jane. Pupuntahan kasi nila ang kakilala/kaibigan ni Jane na si April dahil nga may kailangan sila dito. “Jillian sa totoo lang ayoko talaga na gawin mo ito. Pero kasi nasasa’yo naman din ang desisyon kung tutuloy ka ba o hindi. Hindi ko nga rin alam kung tama ba ang desisyon ko na sinabi ko pa ito sa’yo eh,” tila nakukunsensya na sabi ni Jane sa kanyang kaibigan. Isang malalim na buntong hininga naman nga ang pinakawalan ni Jillian at saka nga siya pilit na ngumiti kay Jane. “Jane alam mo naman na gagawin ko ang lahat para kay nanay. At kung ito lang ang paraan para kumita ako ng pampa opera ni nanay ay gagawin ko,” matapang pa na sabi ni Jillian pero sa kaloob looban nga niya ay talaga namang kinakabahan na nga siya. Naaawa naman nga na tiningnan ni Jane ang kanyang kaibigan. Sakto naman nga na dumating na sila sa bahay ni April kaya naman kumatok na rin nga kaagad si Jane sa pinto ng bahay ni April. Pagkabukas nga ng pinto ni April ay napalunok na lamang nga ng sarili nyang laway si Jillian dahil sa napakasexy nga ng suot ni April at halos labas na nga ang kaluluwa nito. “Hi April. P-Pasensya na sa abala ha,” mahinang sabi ni Jane at tila nag aalangan pa nga ito kung ipapakilala pa ba niya si Jillian dito. Pero bago pa man nga ulit makapagsalita si Jane ay nauna na nga na magpakilala si Jillian dito. “H-hi. A-ako nga pala si Jillian,” kandautal pa na pagpapakilala ni Jillian sa kanyang sarili kay April at inilahad pa nga niya ang kamay nya rito. Tiningnan naman nga ni April si Jillian simula ulo hanggang paa bago nga niya tinanggap ang pakikipagkamay nito sa kanya. “April,” tipid naman na sagot ng dalaga at saka nga siya tumingin kay Jane. “Sya ba yung sinasabi mo?” tanong ni April kay Jane. Dahan dahan naman na tumango si Jane at saka nga siya bumuntong hininga. “Oo April. Sya nga yung sinasabi ko sa’yo na kaibigan ko na kailangan ng tulong,” mahinang sagot naman ni Jane kay April. “Sige pasok muna kayo,” sabi ni April at saka nga niya linuwagan ang pagkakabukas ng kanyang pinto. Nagkatinginan naman nga muna sila Jillian at Jane bago nga sila pumasok sa loob ng bahay ni April. Agad na rin naman nga na naupo ang dalawa sa sofa na naroon. “Sigurado ka na ba na gusto mong pumasok sa bar? Kapag naroon ka na ay wala ng atrasan yun,” deretsahan na sabi ni April at saka nga siya naupo sa katapat na upuan nina Jillian. Napatingin naman nga muli si April kay Jillian at kita nga niya sa mukha nito na natatakot nga ito. “Mukhang bata ka pa. Ilang taon ka na ba?” tanong pa ni April kay Jillian. “Ahm. T-Twenty three na ako,” mahinang sagot ni Jillian at saka nga siya napabuntong hininga muli bago tumingin kay April. “P-Pasensya ka na. Pero kasi kailangang kailangan ko kasing kumita ng malaki para sa nanay ko. Kailangan kasi niyang maoperahan sa puso. Aaminin ko na natatakot ako pero kakayanin ko ito para sa nanay ko,” pagpapatuloy pa nga ni Jillian at pinipilit nga niya na maging matapang ngayon.CHAPTER 343 “Sa harap ng lahat ng narito ngayon sa ating kasal ay gusto kong ipagsigawan na napakaswerte ko dahil ikaw ang napangasawa ko at napakaswerte ko dahil ikaw ang ina ng aking mga anak. At gusto ko ring sabihin sa iyo ngayon na hindi naman hadlang ang estado ng buhay mo para hindi kita mahalin dahil minahal kita kung sino ka at kung ano ka,” pagpapatuloy pa ni Harold habang hindi niya inaalis ang matamis na ngiti sa kanyang labi habang nakatitig siya sa mga mata ni Jillian. Samantalang si Jillian naman ay napangiti na lamang talaga habang may ngiti sa kanyang labi dahil palaging sinasabi sa kanya ni Harold noon na hindi naman basehan ang estado ng kanyang buhay para hindi siya mahalin nito. “Jillian Flores Villanueva, sa harap ng mga narito ngayon sa kasal natin at sa harap ng Diyos ay gusto kong malaman mo na mahal na mahal na mahal kita. Ikaw lang ang mamahalin ko at gusto kong makasama habambuhay. Pinapangako ko rin sa’yo na lalo pa kitang mamahalin. aalagaan kita hangg
CHAPTER 342 “Kaya naman Mr. Harold Villanueva ipinapangako ko na mula ngayon hanggang sa kahuli hulihang hininga ko ay ikaw pa rin ang mamahalin ko. Ipinapangako ko rin na pakamamahalin pa kita lalo, aalagaan at susuportahan kita sa lahat ng iyong mga pangarap. Basta tatandaan mo na narito lamang din ako para sa’yo at sa mga bata. Mahal na mahal kita Harold at ikaw lang ang gustong kong maksama habambuhay” pagpapatuloy pa ni Jillian at saka niya matamis na nginitian si Harold. Hindi naman napigilan ni Harold ang mapangiti dahil sa mga sinabi na iyon ni Jillian. Ngayon pa nga lang din ay excited na siya sa mga darating pang mga araw na kasama niya ang kanyang pamilya. Ang mga naroon naman na nakikinig sa sinabi ni Jillian ay hindi na malaman ang kanilang magiging reaksyon sa sinabi ni Jillian dahil naiyak din talaga sila sa sinabi nito pero bahagya rin silang kinilig sa pahapyaw na kwento ng love story ng dalawa. Sumunod naman na nagsalita ay si Harold kaya naman ibinigay na ni Jil
CHAPTER 341 Una naman na magsasalita si Jillian kaya naman medyo kinakabahan siya dahil hindi naman talaga siya sanay na magsalita sa harap ng maraming tao kaya naman ang ginawa na lamang niya ay inisip na lamang niya na sila lamang dalawa ni Harold ang naroon para masabi niya ang kanyang mga nais sabihin para kay Harold. Isang malalim na buntong hininga naman muna ang pinakawalan ni Jillian at saka siya matamis na ngumiti kay Harold. “Hubby, pasensya ka na dahil hindi talaga ako sanay sa mga ganitong klase ng pag uusap pero syempre para sa espesyal na araw nating dalawa ay kakayanin ko ito kahit na ang totoo ay kinakabahan talaga ako,” panimula ni Jillian. Bahagya naman na natawa si Harold sa sinabi na iyon ng kanyang asawa dahil alam naman niya na napakamahiyain din talaga ni Jillian. “Una sa lahat gusto kong magpasalamat sa lahat lahat ng naitulong mo sa akin at sa aking ina. Hindi ko alam kung tama ba na sabihin ko na napaswerte pa yata ako sa pagpunta ko sa bar ng gabi na
CHAPTER 340Unang una naman na nagmartsa papapunta sa unahan ay si Harold na hindi na mawala wala ang ngiti sa labi habang ito ay naglalakad sa red carpet. Sumunod naman na nag martsa ay ang nga magulang ni Harold na sinundan ng mga ninong at ninang nila. Kasunod naman na naglakad sa gitna ay ang kanilang mga bridesmaid at groomsmen.Kasali naman sa mga bridesmaid ni Jillian ay sila Rhian na kapatid ni Harold, kanilang nga kaibigan na sila April, Rose at Jane na mamaya pa maglalakad kasama ang isa sa kambal at bukod sa kanila ay may iba pa silang kinuha na bridesmaid na kamag anak nila Harold. Habang ang kasali naman sa mga groomsmen ay ang kapatid ni Harold na si Charles, si Jeffrey na mamaya pa rin magmamartsa kasama ang isa sa kambal, mga kaibigan ni Harold na sila Benedict at Wilson na kasama niya noon sa pagpunta sa bar at bukod sa kanila ay may ilang kamag anak pa rin si Harold na kinuha nila para maging groomsmen.Nang matapos na makapag martsa ang mga abay ay sumunod naman na
CHAPTER 339Samantala sa resort naman ay natapos na rin na kuhaan ng nga larawan si Jillian kaya naman naghahanda na rin ito na umalis upang pumunta sa simbahan. Pero bago pa man ito pasakayin sa sasakyan ay saglit naman munang inayos ang buhok nito na nagulo kanina sa pictorial.Hindi naman nagtagal ay agad na rin naman na umalis sa resort si Jillian at kasama niya ang kanyang ina sa loob ng sasakyan. Sila na lamang din kasi ang hinihintay sa simbahan dahil naroon na ang kanyang groom at ang kanilang mga abay.Saglit lamang din naman ang naging byahe ni Jillian lalo na at wala namang traffic at pagkarating niya sa simbahan ay agad na rin naman na nagsipasok sa loob ang kanilang nga bisita dahil magsisimula na ang kasalan.Pagkababa ni Jillian sa sasakyan ay agad niyang nakita ang kambal kaya naman sinenyasan niya si Jane at Jeffrey na ilapit muna saglit sa kanya ang kambal dahil hindi siya makalapit sa mga ito at kahit ilang oras pa lang na nawalay sa kanya ang kambal ay namimiss na
CHAPTER 338Matapos naman na kuhaan ng larawan sila Harold ay nauna na rin ito kasama ang kanyang buong pamilya na umalis sa resort dahil kailangan na sila ang mauna sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal nila ni Jillian. Malapit lamang naman din ang simbahan doon kaya saglit lang din talaga ang kanilang byahe.Pagkarating nila sa simbahan ay naabutan na nila roon ang kambal na nakasakay sa stroller at panay ang tawa. Sila Jane na rin kasi muna ang nag alaga sa mga ito at sila na rin ang nagsabay sa kambal papunta sa simbahan dahil abala pa sila Jillian at Harold. Malapit din naman kasi ang loob ng kambal sa kanilang mga kaibigan lalo na at palagi nilang nakikita ang mga ito.“Ang cute naman ng mga apo ko,” sabi ni Shirley ng malapitan niya ang kambal. Nakasuot din kasi si Harlene ng gown dahil isa rin ito sa mga flower girl pero dahil nga hindi pa naman nito alam ang kanyang gagawin ay aakayin na lamang ito ni Jane na isa rin sa mga abay nila Jillian. Samantalang si Harvey naman