Kagigising lang ni Feona mula sa pagkakaidlip. Nang matapos ang shift hour niya ay agad siyang naidlip. Agad siyang nag ayos ng sarili at dumiretso sa maliit na lavatory para maghilamos at masipilyo. Nauulinigan niyang nagkakatuwaan ang mga kasamahang kawal sa kampo na offduty. Nahulaan ni Feona na malamang nanonood na ang mga ito ng paborito nilang basketball game sa tv. Dumadagundong naman ang kanyang damdamin sa kaba at kasabikan manood din. Hindi stable ang signal ng telepono sa kinaroroonan ng kumpanyang pinangungunahan ni Feona. Nasa gitna sila sa pagitan ng mga matatarik na bundok sa cordillera. Company commander si Kapitan Feona Alvarez at masigasig sa kanyang trabaho. Marami na siyang mga sinuong na kagulohan noon sa mindanao kung kaya pangalawang destino niya ngayon ang kinaroroonan niya sa Luzon. PMA graduate at beauty title holder. Bata pa lamang ay pangarap na niyang maging isang sundalo. Kaya kahit pa pwede siyang maging modelo ay pinili niya paring magsilbi sa bayan. Malalim ang pinaghuhugotan ni Feona ng kanyang propesyong pinili. Tubong Mindanaoan, ngunit naging biktima ng karahasan ang kanilang pamilya. Nahold up at pinatay ang kanyang mga magulang. Isang matibay na rason para kamuhian niya ang lahat ng kriminal at gagawin niya ang lahat mapanagot sa batas ang sino mang mahuling gumawa ng krimen.
May nalulundag na sa saya, panay tawanan at may ibang pikon at hindi natutuwa sa pinapanood na basketball game ng tropa. Biglang natahimik ang lahat ng makalapit c Feona. "Oi! Pesaras tabi! Bigyan mo ng upuan c Ma'am." Agad na baling ng isang kawal. Sa unay tuwang tuwa si Feona. Nakikita niyang ganado ang paglalaro ni James Alvaro sa kanyang kuponan. Panay puntos ito at depensa. Sobrang napapakilig talaga si Feona ng kanyang boyfriend. Panay sulyapan naman ang mga kasamahang sundalo ni Feona. May kasamahan si Feona na mag asawang kapwa sundalo at mas naiintindahan nila ang nararamdaman ng kanilang opisyal na babae. Ang ibang kasamahan naman ni Feona ay tipong naggigigil. Sa dinami dami ba naman nila na barako sa sandatahan, e!dinaig sila ng papoging basketball player sa puso ng kanilang kapitan. Naupo ng presko si Feona. "Pwede makahingi ng kape?." Mahinang sambit ni Feona at nag uunahan naman ang dalawang junior na maihanda ng isang mug na kape ang kanilang kapitan. "salamat." pasasalamat ni Feona nang maabot ang isang mug ng kape sa kanya. "Nakapagluto na ba ng haponan? mamaya niyan maaliw tayo sa panonood, wala pala tayong haponan mamaya." Nawika ni Feona pagkatapos sumimsim ng kape. "Ma'am, tapos na po. Iinitan nalang po mamaya ang puchero." Mabilis namang sagot ng isang kawal. Tipid na nangiti si Feona. Half break, lamang parin ang kuponan ng kanyang boyfriend. Muntik nang masamid si Feona nag mainit niyang kape nang masaksihang pumunta sa gitna ng court ang kanyang boyfriend at kasunod ang modelong si Kriselda Volcs, kilalang modelo na anak ng coach ng kuponan nila james. Umiling na si Feona nang makita ang iwinagayway na plakard ng mga fans mula sa bleachers ng mga nanunuod. Natahimik ang mga kasamahan ni Feona. Nagtataka man at naguguluhan nanatiling nakatutok si Feona sa screen ng tv. Halos mabuwal siya sa kanyang kinauupuan sa kabang nadarama niya na pakiwari ni Feona halos umabot na ang kaba sa tuktok ng kanyang bunbonan. Napakurap kurap si Feona. WILL YOU MARRY ME! gustohin man ni Feona na mali ang mga salitang nababasa niya ay parang binugbog parin siya sa katotohanan. Kahit pa, naging malinaw sa kanya ang lahat. Hindi lamang siya ang babae sa buhay ni James Alvaro.Hindi na hinintay ni Feona ang susunod pa na mangyayari. Agad siyang napatayo at tumakbo sa kinaroroonan ng punch bag at agad na pinaulanan ang punching bag ng mga magkasunod na suntok. Maging ang mga kasamahang sundalo ni Feona ay napailing at natahimik. Left, right, jab, jab, upper cut, sunod- sunod na mga suntok ang pinakawalan ni Feona. Right kick, double left kick at mga makakasunod na suntok pa. Halos ubosin ni Feona ang lahat ng lakas niya. Hindi man lang tumulo ne isang butil ng luha sa kanyang mga mata.Ngunit panay tulo ng kanyang mga pawis. Ilang minuto pa ay napahinto si Feona. Tahimik lang ang mga kasamahang sundalo. "Men, grab your meal. Hindi na ako kakain." Matatag na utos ni Feona at tumalikod patungo ang mga yabag sa kanyang kubo. "Ma'am Yes Ma'am." sabay- sabay namang tugon ng mga sundalo. Wala ne isa sa kanila ang nagkumento. Halos iisa ang kanilang nararamdaman, naaawa, nahahabag at nalulungkot sila sa kinahihinatnan ng lovelife ng kanilang opisyal na babae. "asus! maghaponan na tayo bago ko pa tirahin iyang telebisyon na yan." wika ng first sargeant. At prestong e sine- switch off ang tv. "Hindi naman si Ma'am ang nawalan. Iyong hambog na basketbolista ang nawalan. Lagi namang may boyfriend iyan si Ma'am. Mahal na mahal niya ang kwarenta y singko niya pati iyong service firearm niya." kumento ng isang junior. Napailing iling naman ang iba pa nilang kasamahan. Hindi na nila kailangang makialam sa buhay buhay ng bawat isa. Tahimik nalang silang nagtungo sa kitchen para maghaponan. Samantalang si Feona pagkapasok na pagkapasok sa kanyang dampa ay dumiretso isinubsob ang mukha sa unan at bumuhos lahat ng kanyang nararamdaman. Mag Childhood sweatheart sila ni James. Nagkahiwalay lang at nawalan ng komunikasyon ng mag aral na ito sa college at siya ay pumasok na sa PMA. After how many years ay muling nagkatagpo ang mga landas nila noong mag attend sila ng alumni homecoming ng kanilang High School Alma Matter. Nagkapalitan ng numero, email at f* account. Muling nagkaroon sila ng communication dahil pareho pa naman silang single. Isa nang sikat na commercial Player si James marami ang humahanga. Talaga naman kasing taglay nito ang mga katangian ng isang basketball heartrob simula pa noong high school pa sila. Nasa Army narin si Feona, High School valedictorian ng kanilang klase. Matalino, maganda, talented at pambato sa mga beauty contest. Hindi akalain ng bawat kaklase nila na pipiliin ni Feona ang magsilbi sa Sandatahan ng Pilipinas. Siya na ngayon ang maangas ngunit maganda parin na si Captain Feona R. Alvarez. Hindi makalimutan ng kanilang bayan ang trahedyang nangyari sa mga magulang ni Feona noon. Nasa kolehiyo na si Feona kumukuha ng kursong nursing ng mahold up at pinatay ang kanyang mga magualang kaya sinubukan ni Feona ang swerte sa militar. Hindi parin siya nawawalan ng pag-asang balang araw makakamit niya parin ang hustisya para sa mga magulang at mapapanagot ang mga may gawa. Naging mag boyfriend girlfriend uli sila ni James kahit LDR. Panay tawagan habang si James nasa pedistal ng kanyang karera sa Manila at si Feona naman ay nakadistino sa Jolo, Sulu sa Mindanao. Hanggang sa malipat na ng destino si Feona sa Luzon sa may bulubunduking parte ng cordillera. Bago pa man ay nagkita at namasyal pa sila ni James sa Manila. Kahit minsan ay naiirita na si James sa mga paparazi at nalalathala pa sa f******k at mga sports magazine ang rumored gf ni James Alvaro na sinasabing international model. Kampante lang si Feona na siya ang tinutukoy. Sinasadya talaga nilang hindi na muna e disclosed ang identity ng girlfriend ni James dahil baka kakalkalin pa daw ang buhay ni Feona. May mga pagkakataong sinusubukan ni James na makahomebase na sa kanya pero alisto si Feona na hanggang yakap at halik lang talaga sila. Hindi na nagtaka si Feona na kumambyo na talaga si James. On and Off ang komunikasyon nila ng kanyang boyfriend simula noong madestino na siya sa cordillera kaya di na nagtataka si Feona. Hindi man siya nagtataka pero sobra siyang nasaktan.Muling nanumbalik kay Feona ang nakaraan habang nakasubsob parin ang mukha sa unan at kasabay ng pagbuhos ng kanyang mga luha. Palinga-linga si Feona sa paligid. Andami na palang nagbago sa lugar nila, ilang taon din siyang hindi nakakauwi simula nang grumadwet sa PMA at madistino sa Jolo, Sulu. Kakauwi lang niya kahapon at madilim dilim na nang makarating siya sa ancestral home nila lulan ng kanyang kotse. Nakagarahi lamang ang kotse niya sa bahay ng tita niya sa Davao City. Mula sa airport ng Davao ay nagtungo siya diretso sa bahay ng tita niya para doon na kunin ang sasakyan at dumiretso na sa pag-uwi. Niyaya pa siya ng tita niya na manatili muna ng isang gabi doon pero hindi na siya tumugon sa paanyaya ng tiyahin. Gawa nang kinukundisyon naman lage ng pinsan niyang lalaki ang sasakyan kaya agad naman siyang nagmaneho pauwi sa probinsya. Ngayon ay maaga palang ay nagsimula na siyang mag jogging lumilibot sa kanilang bayan. Madami naring street lights at halos sementado na ang mga
Hindi namalayan ni Feona na nakatulog na pala siya sa kakaiyak at hindi man lang niya nagawang maghaponan. Mugto ang mga matang uunat- unat si Feona dala ang kanyang bihisang Type A na uniporme ay dire diretso sa banyo ng kampo. Namataan siya ng dalawang Juniors na kawal na naghahanda ng almusal sa may kitchen. Nagkatinginan lang ang mga ito at hindi umimik. Makalipas ang ilang minuto ay nakagayak na si Feona na nagtungo sa kitchen. "Private Bartolome, isang sunny side up na itlog at 1 cup na kanin tapos black coffee please. Maghihintay ako sa may mesa." Mahinahong utos ni Feona at tuloy tuloy na naupo. Hinugot ang cellphone sa bulsa, tiningnan lang ang screen at naiiling na ibinalik sa bulsa. Pagkuway, tumayo at Nagtungo sa kinaroroonan ng ibang kawal. " Pfc Santiva, ihanda mo ang platoon mo, ang saksakyan at pupunta tayo sa battalion sa bayan." Mahinang wika ni Feona ngunit ma otoridad. "First Leutenant Amorsolo will be handling this company habang nasa leave ako or baka magpadala n
Dalawang Lux Suit sa isang sikat na hotel sa Taguig ang kinuha ni Feona para makapagrelax siya at ang isa para kay Jigz at sa asawa nito. Pa complement ni Feona kay Jigz at ng kanyang misis. Nakapagbabad na si Feona sa tub mag iisang oras, nangangalahati narin ang wine na inorder niya. Sinisimsim niya ang alak habang panay parin umiikot sa kanyang isip ang mga katanungan kung paanong nagawa siyang lokohin ni James. Parang wala nang mapipigang luha sa kanyang mga mata kung kaya namamaga nalang ito at wala na siyang maiiiyak pa. Maya maya pa ay may naiisip na si Feona. Dinampi saglit ang ice pack sa dalawang namamagang mga mata. Itinawag niya ito kanina sa reception ng hotel kasabay ng wine na dalhin sa kanya. Agad siyang nagbihis ng simpleng denim shorts at black tshirt. Nagsuot lang ng flipflops at inilugay ang buhok. Nagpowder lang at hindi nagpahid ng anumang make up. Tutungo si Feona sa bar ng hotel. Lilibangin niya ang kanyang sarili dala dala ang hinanakit sa sawing damdamin. Nali
Kapwa nagmamadaling tinanggal ng dalawa ang bawat saplot sa katawan. Pinsadahan ng halik ni Hector si Feona mula sa mukha, mga labi neto pababa sa leeg at patungo sa dibdib. Natanggal narin ni Hector ang nakatabing niyang bra na nagtago sa dalawang malulusog niyang dibdib. Napaawang ang labi ni Feona nang susuan ni Hector ng salitan ang dalawa niyang dibdib at umaalalay ang dalawang kamay neto sa pagmamasahe. Napasabunot si Feona sa buhok ni Hector. Kumapa ang isang kamay ni Hector sa pagitan ng dalawang hita ni Feona. Swabeng sinalat ni Hector doon si Feona kahit na may nakatabing pang panty. Napa ungol si Feona. Bago sa kanya ang lahat ng sensasyong nadarama sa mga sandaling ito. Habang nakahalik si Hector sa may bandang pusod ni Feona ay ibinaba na nito ang huling saplot ni Feona. Napasinghap si Feona nang salatin siya muli doon ni Hector nang wala ng tabing. Nahalata ni Hector na nasasarapan ang babaeng kaniig, mamasa masa na ang pagkababae ni Feona. Agad namang idinako ni Hector a
Nakangiti ngunit nanatiling nakapikit parin si Hector nang kapain niya ang katabi sa higaan. Ora mismong napadilat siya nang mapansing wala siyang katabi sa kama. Napalinga- linga si Hector at inikot ang paningin sa buong silid. Hindi nga siya nagkakamali nag iisa lang siya and no traces of the girl last night. Oo, nakainom siya pero sigurado siya na may nakilala siyang babae kagabi na nagngangalang Feona. At natitiyak din nya na may nangyari sa kanila ni Feona sa ibabaw ng kama makailang beses pa. Pero nangunot ang noo ni Hector at hinilot ang sintido. Hubo't hubad pa nga siya at gusot gusot ang kobre kama. Inamoy ni Hector ang katabing unan, amoy ito ng pabango na pambabae. Napatiim bagang si Hector. Hinilot niya ang kanyang sintido. Bumabalik sa kanyang balintataw ang magandang mukha ni Feona. Ang mga ngiti at tawa nitong nagpapabilis sa pintig ng kanyang puso. Ang katawan nito na parang halos hinulma para lamang sa kanya. Ngunit palaisipan sa kanya kung saan na ngayon ang babae. Na
Ako'y nabagabag dahil ilang araw na ay hindi parin narereview ang 1-6 chapters na ito. Napaisip ako na kailangan ko muna siguro itong tapusin bago e submit. Nalungkot talaga ako sa mistakenly Impression ng mga editor. Ito ay isang one great romantic story na orihinal kong ginawa at hindi nangopya. Eventhough isang babaeng nagsisilbi bilang sundalo si Feona ay hindi naman makikitaan ng violence kasi love story nga. Itoy pagtatagpo nv 2 opposite individuals. Sana naman dagdagan ko siya ng ilang chapters ay maaprove na. Sinulat ko lang ito para naman pahupain ang nararamdam kong disappointment. Nakakaloka, may mga stories nga dito sa flatform nato na halos pare-pareho lang ang twist. Still, More power to Goodnovel, Salute!
Bagsak ang balikat ng bumaba si Feona mula sa sinakyang traysikel. "Salamat Manong." wika ni Feona sabay abot sa pamasahe sa driver ng traysikel. Tuwang tuwa naman si Aling Josie nang mapagsino ang lulan ng humintong traysikel sa tapat ng kanilang rehas- rehas na gate. Agad na binitiwan ang dala dalang plangganita. "Feona, anak." Tawag ni Aling Josie sa kanya. Agad siyang sinunggaban ng yakap ng makapasok na si Feona sa bakuran. Tipid lang na nangiti si Feona at niyakap din si Aling Jossie ng mahigpit. "Bert, Bert. Andito na si Feona." Sigaw ni Aling Jossie na mapapansin talaga ang kagalakan sa boses. "Diretso tayo sa hapag at may minatamis ako na saging doon at nang makapameryenda ka. Teka, nakapagpananghalian ka naba? Si Aling Jossie. " Tapos na po, bago pa po ako sumakay ng bus kanina kumain na po ako. Hindi na po ako dumaan kila Tiya Anet para gamitin ang aking sasakyang iniwan doon. Napagod ako sa byahe, baka kako makatulog ako habang nagmamaneho. Nagbus nalang po ako. Meryenda na
Ilang minuto nalang at papatapos na ang oras ng trabaho at naghahanda na rin ang mga empleyado na mag time out nang bumukas ang pintoan ng opisina. Natahimik at natulala ang lahat nang mapagsino ang dumating. Nagkatinginan at nanibago ang lahat sa taong pumasok sa nakabukas na pintoan. "Magandang hapon Fiscal Salvador." Si Nadia ang unang nakabati na may halo pang pacute ang nakasalaming medyo may katabaang babae na empleyado din sa City Justice Hall na iyon. Halos lahat ata ng babaeng empleyado doon ay di magkaugaga sa pagpapacute sa bachelor na si Fiscal Hector Salvador. Ang alam ng lahat matagal na itong binata. Papalit palit ito ng girlfried at halos lahat ng mga empleyadong single ladies doon ay nangarap na maging girlfriend ng abogado. Bukod sa gwapo ay may maganda itong pangangatawan at matangkad. Nagtataka ang iba dahil hindi naman basta bastang bumabalik agad sa trabaho si Fiscal Salvador kung galing itong convention o iba pang transaction ng alanganing oras. " I would like to