Share

Chapter 2 - Remembering

Muling nanumbalik kay Feona ang nakaraan habang nakasubsob parin ang mukha sa unan at kasabay ng pagbuhos ng kanyang mga luha.

Palinga-linga si Feona sa paligid. Andami na palang nagbago sa lugar nila, ilang taon din siyang hindi nakakauwi simula nang grumadwet sa PMA at madistino sa Jolo, Sulu. Kakauwi lang niya kahapon at madilim dilim na nang makarating siya sa ancestral home nila lulan ng kanyang kotse. Nakagarahi lamang ang kotse niya sa bahay ng tita niya sa Davao City. Mula sa airport ng Davao ay nagtungo siya diretso sa bahay ng tita niya para doon na kunin ang sasakyan at dumiretso na sa pag-uwi. Niyaya pa siya ng tita niya na manatili muna ng isang gabi doon pero hindi na siya tumugon sa paanyaya ng tiyahin. Gawa nang kinukundisyon naman lage ng pinsan niyang lalaki ang sasakyan kaya agad naman siyang nagmaneho pauwi sa probinsya.

Ngayon ay maaga palang ay nagsimula na siyang mag jogging lumilibot sa kanilang bayan. Madami naring street lights at halos sementado na ang mga kalsada. "Hey!" Nabigla si Fiona nang may tumawag sa pansin niya at sumabay sa pag jajogging niya. "Feona Alvarez, right?" Tanong pa ng lalaki na kasabay na niya ngayon na nakajog din. Kumunot ang noo ni Feona at kinikilala kung mapagsino ang lalaki. Makisig ang pangangatawan nito at matangkad. Gwapo at matangos ang ilong na makikita pa ang pantay-pantay nitong mga ngipin na preskong nakangiti sa kanya. Natampal ni Feona ang kanyang noo at nahinto. Nahinto narin ang lalaki humihingal sa tapat niya. "James Alvaro? This season's PBA MVP"Diretsang turan ni Feona. Lalo namang naging proud ang lalaking kaharap. "We are highschool batchmates, remember? Sakto naman pala talaga ang pag-uwi ko ngayon at nauwi karin Ma'am." Nakangiting wika ni James at nagawa pang sumalodo sa kanya sa hulihan. Natatawa naman si Feona na sinasaway si James. " Stop it! Nakakahiya naman." saway ni Feona. "So, saan ka nag-i-stay ngayon? Sa dati niyo paring bahay. Iyong ancestral house ng mga Alvarez?" tanong ni James at lalong nagpacute. Tumango si Feona at tinuloy na ang pagjajogging papalayo kay James. Humahabol naman si James para masabayan si Feona.

Marami-rami narin ang mga tao nang makarating sila sa plaza. May nagzuzumba at nagparaktis ng arnis. "Wow! Andami na talagang nagbago sa bayan natin." Paghanga pa ni Feona na inililibot ang paningin sa kabuuan ng plaza. "Yeah, right..." Pag sang ayon din ni James. Lagi tlaga itong ngiting ngiti kay Feona. Hindi malaman ni Fiona kung nagmomodel ba ito ngayon ng toothpaste at kinukumbinse siyang palitan ang brand ng toothpaste na dati niyang ginagamit o sadyang nagpapacute lang talaga ito sa kanya. Nabigla si Feona nang biglang pagsugod ng mga ilang grupo ng kabataan doon kay James at niyayakap si James at gustong kumuha ng selfie. Inawat naman ito ng dalawang taong kanina pa pala nakasunod kay James na sa tingin ni Fiona mga guard niya ang mga ito. Napailing-iling si Feona at nangingiti. Hard court celebrity pala itong lalaking ito, bigla nalang niyang nakalimutan kanina. Idol nga ito ng ilan sa mga kasamahan niya sa campo. "Tsk" Nagwave si Feona kay James na may ibig sabihing mauuna na siya lalabas sa plaza at uuwi na. Hindi na hinintay ni Feona ang tugon ni James.Nagmamadali na siyang makaalis, hahabulin pa niya ang pandesal sa may bakery na suki ng pamilya baka maubusan siya.

"May lahi bang hapon iyan si James ate?" Natanong ni Mackie, nakababatang kapatid ni Fiona minsan habang nag-aalmusal sila. Tumikhim si Mang Bert, ang tiyohin nila. Pinipigilan nito ang pagtawa. "Iwan! Bakit mo naman natatanong?" Balik tanong naman ni Feona sa kapatid. "Eh, inaaraw-araw kana kung dalawin, iba pa iyong sundoin ka ng ke aga aga kung dalawin." Tila naaaliw na wika ni Mackie at nagbalat ng latondan na saging. "Hoy Mackie, iyang pag-aaral mo ang asikasohin mo. Hindi iyong panliligaw ng ibang tao. Anong masama doon? Dalaga ang ate mo, binata naman iyang anak ng mga Alvaro, basketbolista sa Maynila. Baka ikaw nga dyan, ibang klase ka din kung manligaw." Natatawang saway ni Aling Josie, ang maybahay nang tiyohin nila. Gawa nang walang anak ang mag asawa ay ito na ang nagsilbing mga magulang nina Feona nang mamatay ang mga tunay na magulang. Nakakatandang kapatid ng tunay nilang ama si Mang Bert. Napaismid nalang si Mackie. Natatawa naman si Feona. "Hayaan mo Mackie hindi ka naman pinagbabawalang mag girlfriend. Taposin mo lang iyang kusrso mo para din naman iyan sa iyo. Katulad ng Ate Fely at ng Kuya Tope, ang gaan na nang buhay. Stable silang pareho at parehong may trabaho sa Hall of Justice sa siyudad. Kahit magdagdag pa sila ng isa pang anak, kayang kaya pa." Mahabang sabi ni Feona. Tinutukoy nito ang nakakatandang kapatid nila na si Fely at ang asawang si Tope na may isang supling na ngayon. Ang cute na cute niyang pamangkin na si Chloe. "Speaking, dadalaw ako mamaya sa ate ninyo. Nakamaternity leave pa man din siya hanggang ngayon kasi wala pa namang dalawang buwan mula ng manganak. Samahan mo ako Feona, pindotan mo na iyong manliligaw mo na wala tayo sa bahay mamaya. Ipagmamaneho mo ako at pupunta tayo kina ate mo, sabado ngayon tamang tama nasa bahay din si Tope. Sasama ka ba mackie?" Si Aling Josie. "May tataposin po akong report nanay, ako ang nakatukang magdiscuss neto sa monday. Next time nalang po ako. E hug at e kiss nyo nlang po ako kay Chloe." Nakangiting sagot ni Mackie. "Hayaan mo nang pumunta dito si James, ako ang makikipagbasketball don." Nagsalita si Mang Bert. "S-sige po."Pagsang-ayon ni Feona. Natatawa si Aling Josie. "Naku! Akala mo naman sino itong may matibay na tuhod." Pagpaparinig pa ni Aling Josie at tumayo na para iligpit ang kanilang pinagkainan. Tumulong naman si Feona para madala ang mga kubyertos na pinagkainan sa lababo kung saan huhugasan.

Hapon na ng makauwi si Feona at si Aling Josie sa bahay nila. Pagpasok sa sala nadatnan nilang andoon talaga si James kausap si Mang Bert. Nagkakape ang dalawa. Agad na napatayo si James at nagmano kay Aling Josie at binigay ang bouquet ng mga rosas kay Feona."Ah hijo, maiwan muna namin kayo ha at magluluto kami ng haponan, halika kana Bert." Yaya ni Aling Josie sa asawa.

Nang makaalis na ang mga kinikilalang mga magulang ay sinamyo ni Feona ang bouquet ng mga rosas at napapikit siya sa masarap na amoy na nanunuot sa kanyang ilong. "You like it?" Tanong ni James. " I like the smell." Nakangiting sagot ni Fiona. "Actually James, hindi ako yung klase ng babaeng tipikal. Hindi ako masyadong mahilig sa mga tanim at bulaklak. Pasensya kana ha. Pero nagustohan ko ang bigay mo." Dagdag pa ni Feona na nakangiti. " Oh! Im sorry... Hindi ko alam iyon.Next time, i will try my best to bring yung hilig mo na. Ano ba mga hilig mo?" Nakangiting tanong ni James. "Hayaan mo na, simple lang ako oi!" Natatawa si Feona. Aminado si James na naatract siya kay Feona, bukod sa maganda ito at balingkinitan ang pangangatawan may mga galaw itong medyo boyish na napakacute para sa kanya. "Hindi ka ba nag-aalangan sa akin? Expert ako sa martial arts at bomb expert ako?"pabirong wika ni Feona. "Thats really cool.Iyan ang mga nagugustohan ko sa iyo. Walang kahalintulad mo doon sa manila sa mga nakikilala ko. Halos, pakeme, pabebe, pasocial, englisera..." Napakagwapo tlaga ni James sa pagbanggit ng mga katagang iyon kay Fiona. Napatawa si Feona ng mahina. Nagkatinginan sila ng mata sa mata. Natahimik ang paligid. Dahan dahan ang paglapit ng mukha ni James sa mukha ni Fiona. Napapikit si Feona para lang salubungin ng mga labi niya ang mga labi ni James. Masarap ang pinagsaluhan nilang halik na iyon. Nagpanic si Feona nang tapusin ang pinagsaluhan nilang halik. "Its okey, its okey!"alo sa kanya ni James at niyakap siya. Yumakap narin si Feona kay James. "Ibig sabihin ba nito, tayo na?" Mahinang tanong ni James at dahan dahan namang tumango si Feona hudyat ng pag sang ayon niya. "Yes! Yes! I will cherish you always sweetheart. I love you." Masayang wika ni James kay Feona habang yakap parin ito. "I love you too."Mahinang tugon naman ni Feona.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status