Partager

Chapter 5: Seven Years Later

Auteur: Chloe Laurent
Revarie's POV

Seven years later.

“Mommy, I'm hungry.”

Napatingin ako sa anak kong si Lavender. Itim ang buhok niya, katulad ng sa akin, pero ang mga mata niya ay galing sa tatay niya. Those same intense brown eyes that had haunted me for seven years.

“Alam ko, sweetheart. We'll eat soon, okay? I promise.”

Naglalakad kami pauwi mula sa school niya. Forty minutes ang kailangan naming lakarin dahil wala kaming sapat na pera para sa pamasahe sa bus ngayong buwan. Masakit na ang mga paa ko dahil sa luma kong sneakers. Masakit din ang likod ko dahil sa maghapong pagkuskos ng sahig sa trabaho ko kaninang umaga.

Pero si Lavender, masayang naglalakad sa tabi ko habang kinukwento ang mga nangyari sa school niya. Six years old na siya at napakagandang bata. She was my entire world.

At ang pinakamasakit sa lahat? Walang kaalam-alam ang tatay niya na nabubuhay siya.

Noong nalaman kong buntis ako seven years ago, sobrang natakot ako. Ilang beses kong pinag-isipang sabihin ang lahat kina Papa at Janus. Sila ang pamilya ko, at alam kong may karapatan silang malaman kung ano ang nangyayari sa akin.

Pero nagbago ang lahat nang makita ko ang isang post sa Facebook.

Alaric Castillo was engaged to Ellaine Valencia.

Kumalat sa internet ang announcement. May mga litrato silang dalawa sa isang military ball. Nakapatong ang kamay ni Ellaine sa dibdib ni Alaric, kung saan kitang-kita ang malaking diamond ring nito. He looked handsome and distant in his uniform, parang walang anumang problema sa buhay niya.

Ang caption sa post ay, “She said yes. I couldn't be happier.”

Ilang oras akong nakatitig sa announcement na iyon, hindi makapaniwala sa nababasa ko.

Engaged na pala siya.

All this time.

Noong hinalikan niya ako. Noong naging una ko siya. Noong sinabi niyang perpekto ako. May fiancée na pala siya. At ang mas masakit, hindi ko man lang alam.

I was the other woman without even knowing it.

Doon ako nagdesisyong umalis. Nag-impake ako ng mga gamit ko, kinuha ang lahat ng perang naipon ko mula sa part-time job ko sa library, at tuluyan nang umalis sa bahay. Wala akong iniwang sulat. Hindi ako nagpaalam sa pamilya ko o sa kahit na sino.

I simply disappeared.

Lumipat ako sa isang lugar na tatlong suburban town ang layo mula sa amin. Pinalitan ko ang phone number ko at binura ang lahat ng social media accounts ko. Nag-enroll ako sa isang community college gamit ang apelyido sa pagkadalaga ng ina ko. Nakahanap ako ng maliit na apartment at nagtrabaho bilang waitress para matustusan ang mga pangangailangan ko.

Nine months later, ipinanganak ko si Lavender.

Nag-file ng missing person report si Papa nang malaman niyang nawawala ako. Alam ko iyon dahil nakita ko ang mga poster na ipinaskil nila para hanapin ako. Minsan, tumawag pa ako sa kanya gamit ang isang pay phone para sabihin na buhay ako at ligtas.

Sinabi kong kailangan ko lang ng space at hindi pa ako handang bumalik.

Pero nagmakaawa siyang umuwi ako. He begged me to come home. At hindi ko kinaya…

I hung up.

Six years ago iyon. Mula noon, hindi na ako nakipag-usap sa kanya. Hindi na rin ako nakipag-ugnayan kay Janus. Walang sinuman mula sa dati kong buhay ang nakakaalam kung nasaan ako.

Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na mas mabuti na ang ganito.

Alaric had made it clear that he didn't want me.

At hindi ko ipipilit ang sarili ko sa isang lalaking ayaw naman sa akin. Lalo na kung ang ibig sabihin noon ay pipilitin ko rin siyang maging ama kahit hindi niya iyon gusto.

“Mommy, look! A bird!”

Napabalik ako sa kasalukuyan nang ituro ni Lavender ang isang kalapati sa tabi ng kalsada. Kahit pagod na pagod ako, hindi ko napigilang ngumiti.

“That's a pigeon, sweetheart. Remember? We saw some at the park.”

“Oh, yeah!” Masayang tumango siya. “Can we go to the park this weekend?”

“Maybe, baby.”

Maybe, kung makakuha ako ng dagdag na shift sa trabaho. Maybe, kung may sapat kaming pera para sa groceries. Maybe, kung bibigyan naman ako ng pagkakataon ng mundo na makahinga kahit sandali lang.

Pero hindi ko sinabi sa kanya ang mga iniisip ko. Ayokong maramdaman niyang kailangan niyang mag-alala sa mga problema ko.

Sa wakas, nakarating din kami sa apartment building namin. Luma na ang building at marami nang sira. At gaya ng inaasahan, hindi na naman gumagana ang elevator.

Napabuntong-hininga ako.

Four floors.

Kailangan naming akyatin ang apat na palapag bago kami makarating sa apartment namin. Hinawakan ko ang kamay ni Lavender at nagsimula kaming umakyat.

Pagdating namin sa maliit naming apartment na iisang kwarto lang, naghanda ako ng sandwich para sa kanya gamit ang natitirang tinapay at peanut butter namin. Masayang kinain iyon ni Lavender habang nanonood ng cartoons sa luma naming TV.

At least, she was happy.

Kahit papaano, gusto kong maramdaman niyang normal lang ang buhay namin. Na kahit hindi kami mayaman, mayroon pa rin siyang mga bagay na pwede niyang ikatuwa.

Umupo ako sa maliit naming mesa at binuksan ang mga sulat na kinuha ko mula sa mailbox sa ibaba.

Bill. Notice of late payment. Eviction notice.

Biglang nanginig ang mga kamay ko. This was the second eviction notice.

Kapag hindi ko nabayaran ang renta bago matapos ang linggong iyon, mapapaalis na kami sa apartment. Tumingin ako sa cellphone ko at binuksan ang banking app ko.

Twenty thousand pesos. Iyon na lang ang laman ng account ko.

At forty thousand pesos ang kailangan kong pambayad sa renta.

I lowered my head and covered my face with both hands. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

I had worked so hard to get where I was!

Natapos ko ang college degree ko at naging art teacher. Akala ko, kapag nakapagtapos ako at nagkaroon ng maayos na trabaho, unti-unti ring gagaan ang buhay namin ni Lavender. Pero napakababa ng sahod ko, at kulang ang oras ng trabaho para matustusan ang lahat ng pangangailangan namin.

Kaya humanap ako ng pangalawang trabaho.

Naglilinis ako ng mga kwarto sa hotel tuwing weekend at sa mga gabing wala akong pasok sa school. Kapag nagtatrabaho ako, naiiwan si Lavender sa kapitbahay naming si Mrs. Rose, isang mabait na matandang babae na ayaw talagang tumanggap ng bayad sa pag-aalaga sa anak ko.

I was grateful for her.

Kung wala siya, hindi ko alam kung paano ko mapagsasabay ang dalawang trabaho at ang pag-aalaga kay Lavender. Pero kahit ginagawa ko na ang lahat ng kaya ko, kulang pa rin.

“Mommy? Why are you sad?”

Napatingala ako nang marinig ang boses ng anak ko. Nakatayo siya sa tabi ko, at halatang nag-aalala ang maliit niyang mukha.

“I'm not sad, sweetheart. I'm just tired.”

“You're always tired.”

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit, pero mas masakit marinig iyon mula sa kanya kaysa sa kahit anong problemang kinakaharap ko.

“I know, baby. I'm sorry.”

Umupo siya sa kandungan ko at mahigpit akong niyakap. At sa simpleng yakap na iyon, pakiramdam ko ay tuluyan nang nadurog ang puso ko.

She deserved so much better.

Mas maayos na tirahan kaysa sa maliit naming apartment na natutuklap na ang pintura sa mga dingding. Mas masarap na pagkain kaysa sa pancit o sinabawang isda na halos limang gabi sa isang linggo naming kinakain.

At higit sa lahat, isang ina na hindi laging pagod at may sapat na oras para makipaglaro sa kanya.

She deserved a father, too.

Isang tatay na mag-aalaga sa kanya, magtuturo sa kanya, at yayakap sa kanya kapag kailangan niya ng comfort. Pero hindi ko na kayang bumalik sa dati kong buhay. Hindi ko kayang harapin si Alaric.

At higit sa lahat, hindi ko kayang makita siyang itakwil si Lavender, gaya ng ginawa niya sa akin.

Kaya patuloy akong nanahimik.

That night, matapos makatulog si Lavender sa kama namin, lumabas ako sa fire escape at doon umiyak nang ilang oras. Pagod na pagod na ako. Pakiramdam ko, lahat ng desisyong ginawa ko sa buhay ko ay nagdala sa akin sa sitwasyong ito.

Mahal ko si Alaric. Ibinigay ko sa kanya ang sarili ko. Tumakas ako at naniwala akong kakayanin kong mag-isa ang lahat.

Pero heto ako ngayon, halos wala nang natitirang pera at isang maling hakbang na lang ay maaari na kaming mawalan ng tirahan ng anak ko.

I had made so many mistakes. Pero kahit ganoon, hindi ako pwedeng sumuko.

Not when I had Lavender.

Siya ang dahilan kung bakit patuloy akong lumalaban. Siya ang dahilan kung bakit bumabangon pa rin ako tuwing umaga kahit pakiramdam ko ay wala na akong lakas.

Tomorrow, I'd ask my boss for more hours. Ibebenta ko ang laptop ko kung kinakailangan.

At kung hindi pa rin sapat iyon, maghahanap ako ng ibang paraan. I had always found a way somehow. At kailangan kong gawin iyon ulit.

Para kay Lavender.

*

Kinabukasan, ihinatid ko siya sa school bago ako dumiretso sa weekend job ko sa Grandiose Hotel. Ito ang pinakamagarbong hotel sa buong siyudad. Iyong tipo ng lugar na hindi ko kailanman kayang bayaran kung gugustuhin kong mag-check in doon.

Pagdating ko, nagpalit ako ng cleaning uniform at kinuha ang cleaning cart ko. Sinimulan ko na sana ang trabaho ko nang biglang pigilan ako ng supervisor kong si Mr. Gregorio sa hallway.

“Revarie. Conference Room 3. Now.”

Bigla akong kinabahan. May nagawa ba akong mali?

“Did I do something wrong, sir?” tanong ko.

“Just go.”

Hindi na siya nagbigay ng paliwanag. Napatingin ako sa direksiyon ng conference room, pilit na pinapakalma ang sarili ko.

What if I was getting fired?

Hindi ko pwedeng mawala ang trabahong ito. Kailangan ko ang perang kinikita ko rito para kay Lavender at sa mga bayarin namin.

Nanginginig ang mga binti ko habang naglalakad papunta sa conference room. Pagdating ko sa pinto, huminga muna ako nang malalim bago kumatok.

“Come in.”

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto.

At sa sandaling iyon, pakiramdam ko ay tumigil ang buong mundo ko.

May lalaking nakaupo sa conference table, suot ang isang mamahaling suit. Mas mature na siya ngayon, mas matalim ang mga features, at mas mapanganib ang dating kaysa sa lalaking naaalala ko.

Alaric Castillo.

Hindi ako makagalaw. Hindi rin ako makahinga nang maayos. Nagtagpo ang mga mata namin.

Seven years.

Pitong taon akong tumakas.

Pitong taon akong nagtago at ginawa ang lahat para hindi na muling magkrus ang landas namin.

And in a single moment, everything came crashing down.

“Hi, Revarie,” mahina niyang sabi.

Hindi ko alam kung paano ako makakasagot. Hindi ko alam kung bakit naroon siya o kung paano niya ako nahanap.

Pero isang bagay ang sigurado. Hindi na ako makakatakas sa kanya ngayon.

“We need to talk.”

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • My Brother's Bestfriend, My Baby Daddy   Chapter 50: Ang mga Bagay na Hindi Ko Kayang Takasan

    Revarie's POVHindi ako makatulog.Hindi naman ito bago sa akin. Sanay na akong ilang oras na gising pa rin kahit tulog na si Lavender. Iyon ang oras ng araw na wala na akong kailangang gawin, at hindi ko na alam kung saan ko ilalagay ang lahat ng naiisip ko habang abala ako sa buong maghapon.Kadalasan, nakakahanap naman ako ng paraan para makatulog. Nakikinig ako ng musika, nagbabasa ng libro, nagdo-drawing sa mesa sa kusina, o kaya naman ay nakahiga lang sa dilim habang dahan-dahang humihinga hanggang sa kumalma ang isip ko.Pero ngayong gabi, ayaw tumigil ng mga iniisip ko.Katabi ko si Lavender sa kama, gaya ng nakasanayan niya mula pa noong bata siya. Dalawang kwarto na ang apartment namin ngayon. May sarili na siyang kwarto at kadalasan ay doon siya natutulog. Pero tuwing Sabado ng gabi, madalas pa rin siyang napupunta sa kama ko. Pagsapit ng hatinggabi, tahimik siyang dumudulas papunta sa tabi ko, na para bang may kung anong instinct na gumagabay sa kanya. Matagal ko nang

  • My Brother's Bestfriend, My Baby Daddy   Chapter 49: Ang Bitak sa Puso Ko

    Revarie's POVMay kung anong tumutulak mula sa loob.Ayoko nito. Agad kong naintindihan iyon, at ayoko talaga. Alam ko kung ano ang nangyayari kapag hinahayaan kong makawala ang bagay na iyon mula sa lugar kung saan ko ito nakakandado. May patunay na ako kung ano ang pwedeng mangyari. Isang gabi noong tag-init, noong labinsiyam na taong gulang ako, at pitong taon ng mga naging bunga ng gabing iyon.Kaya agad ko itong pinigilan.Buong lakas kong pinanatiling nakasara ang pinto sa loob ko. Pinanatili kong neutral ang ekspresyon ko habang pinagmamasdan sina Lavender at Alaric na abalang binabasa ang fairy tale, kasama ang mga kakila-kilabot na boses ni Alaric at ang walang tigil na pagwawasto ni Lavender sa bawat isa sa mga iyon.Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na okay lang ang lahat. Nakasara nang mabuti ang pinto. Nasa tamang lugar ang lahat, gaya ng nararapat.Pero nagkaroon na ng bitak ang pinto.Nararamdaman ko iyon sa kabila ng lahat ng pagsisikap kong pigilan. May kun

  • My Brother's Bestfriend, My Baby Daddy   Chapter 48: Isang Kwentong Hindi Ko Inasahan

    Revarie's POVPlano kong umalis agad pagkatapos ng hapunan.Iyon ang nasa isip ko bago pa ako dumating. Kakain kami, maglalaan ng sapat na oras, makikita ni Lavender na magkasama sa iisang kwarto ang mga magulang niya at maayos ang pakikitungo sa isa't isa, tapos uuwi na ang bawat isa sa amin. Malinis ang lahat, walang aberya at walang anumang komplikasyon.Sinigurado ko pa ngang magkahiwalay ang sasakyan namin para ako mismo ang makapagdesisyon kung kailan kami aalis. Hindi ko kailangang maghintay ng kahit sino o makipag-usap pa tungkol sa kung kailan matatapos ang gabi namin.Pero may ibang plano si Lavender.Nakapagligpit na kami ng hapag-kainan. O, mas tamang sabihin na si Alaric ang nagligpit dahil mariin niyang tinanggihan ang pagtatangka kong tumulong. Hindi naman siya naging bastos. Sadyang desidido lang siyang siya na ang bahala.Ilang sandali akong nanatili sa may pintuan ng kusina, hindi alam kung ano ang gagawin ko sa sarili ko habang naghuhugas siya ng mga pinggan. S

  • My Brother's Bestfriend, My Baby Daddy   Chapter 47: Ganito Dapat ang Dinner

    Alaric's POV“Spaghetti,” sabi ko.Sandaling natahimik si Revarie.“Okay,” sagot niya. “Saturday. Six o’clock.”“I’ll prepare everything.”Pagkatapos, ibinaba niya ang tawag.Mas matagal kaysa sa inaasahan ko ang paglilinis ko ng apartment noong Sabado. Malinis na naman talaga ito, pero nilinis ko pa ulit sa pangalawang pagkakataon.Pagkatapos, nag-grocery ako at bumili ng mga sangkap para sa sauce, pati ng masarap na tinapay. Binili ko rin ang eksaktong brand ng apple juice na nabanggit ni Lavender na gusto niya noong napag-usapan namin ang mga pwedeng kainin sa lunch tatlong linggo na ang nakalipas. Isa iyon sa mga detalyeng naalala ko at isinulat nang hindi ko man lang masyadong iniisip kung bakit ko kailangang tandaan.Inayos ko nang maayos ang hapag-kainan. Tatlong set ng kubyertos. Walang kandila. Sakto lang ang liwanag mula sa ilaw sa kisame.Eksaktong alas-sais nang may kumatok sa pinto.Si Lavender ang unang pumasok. Kitang-kita sa mukha niya kung gaano siya kasabik

  • My Brother's Bestfriend, My Baby Daddy   Chapter 46: Isang Hapunan Bilang Isang Pamilya

    Alaric's POVTinanong ko siya noong Biyernes ng gabi sa pamamagitan ng text message. Napansin ko kasing mas nagiging maayos ang ilang usapan namin kapag may oras siyang basahin ang mga mensahe ko at pag-isipan ang isasagot niya nang hindi ako kaharap.Simple lang ang sinabi ko. Sinabi kong may gusto akong itanong na hindi tungkol sa karaniwan naming mga pagbisita, at tinanong ko kung may sampung minuto ba siyang mailalaan para sa akin.Tinawagan niya ako sa loob ng isang oras. Mas mabilis iyon kaysa sa inaasahan ko, kaya naisip kong baka curious din siyang malaman kung ano ang sasabihin ko.“I'd like to invite Lavender over for dinner at my apartment,” sabi ko. “Instead of our usual trip to the park or the museum. Just dinner. Something normal, like what families do.”Sandali siyang natahimik, pero malinaw ang sagot niya.“No.”“Okay.”Muli siyang natahimik nang ilang sandali.Inaasahan niyang mas igigiit ko ang gusto ko. Naramdaman ko iyon sa paraan ng katahimikan niya, sa ba

  • My Brother's Bestfriend, My Baby Daddy   Chapter 45: Ang Pagkakita Niya sa Tunay Kong Sarili

    Revarie's POVNapakainteresante ng dingding. Sobrang interesado ako sa dingding na iyon.O, at least, iyon ang pilit kong ipinapakita sa sarili ko.Tinanong ni Dr. Susanna si Alaric kung may gusto pa ba siyang idagdag. Umiling siya at sinabing wala na. Para sa kanya, sapat na raw ang pagkakalarawan niya sa akin dahil iyon naman talaga ang totoo.Sa wakas, ibinaba ng doktor ang hawak niyang ballpen.Tumingin siya sa aming dalawa. Ramdam ko ang tingin niya sa akin kahit nakatitig pa rin ako sa dingding at hindi sa kanya. Pinilit kong ibaling ang atensyon ko sa paligid ng kwarto. Sa armchair ng doktor, sa bintana, at sa maliit na mesa sa tabi niya kung saan nakapatong ang notepad niya.Kahit saan, huwag lang kay Alaric.“Thank you, both of you,” sabi ng doktor. “You were both honest, and that was the point of the exercise.”Sandali siyang tumingin sa akin.“Revarie, I noticed that you focused more on Alaric's actions and behavior. His reliability, the attention he gives Lavender,

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status