Share

Chapter 34

DOS:

ILANG araw lang kami ng hacienda dahil kailangan din naming bumalik agad ng syudad. Nagpaiwan naman si Mommy at Daddy doon maging si Tight at Angelica. Para doon na magsimula ng bagong buhay kasama ang dating ka-nayon ng mga ito.

Sumama naman pabalik si Bagyo at Rose sa amin. Syempre, hindi ako makakapayag na maiiwan ang sweetheart ko doon sa hacienda. Lalo na't nagkalat din kaya ang mga binatang tauhan namin doon. Mahirap ng malingat lang ako ay makuha nila ang bulaklak kong hindi ko pa nadidiligan.

"Bunso, kinakabahan ako. What if, what if may mangyari sa mission nating ito?" kabadong saad ko dito.

Kasalukuyan kaming naghahanda sa paglusob sa hideout ni General Altamerano. Mabuti na lang at naiintindihan ni Angelica na kailangan naming dakpin ang ama nito. Siya nga rin ang nagbigay ng hideout na kinaroroonan ng ilang warehouse na lutuan ng mga bawal na gamot na pinoprotektahan ng ama nito.

Pinagtapat din namin ang tungkol sa biological mother nito na natanggap nito. Matagal
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status