Mag-log inSamantala, maghapon na hindi siya ginulo ni Calyx. Nakahinga si Athena ng maluwag dahil doon. Nang oras na nang uwian, umuwi kaagad siya. Nang makalabas ang sasakyan, may mabilis na sasakyan na nauna sa kaniya at sinabayan siya. Bumaba ang windshield niyon, si Direk, ang manliligaw niya, ang unang bumungad sa kaniya. Nakasuot ang binata ng sunglesses at white suite, may ngisi na nakapaskil sa kaniyang labi.“Ath, bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko kanina?” tanong ni Direk. Umirap lamang si Athena at binilisan ang pagpapatakbo. Ngunit mas mabilis magpatakbo si Direk kaya nasabayan ulit siya. Mabuti na lang at maluwang ang kalsada kaya wala silang napeperwisyo.“Huwag mo nama akong deadmahin. Kababalik ko lang galing business trip. Gusto sana kitang yayain mag-dinner, Ath,” alok ni Direk.Hindi pinansin ni Ath ang makulit na manliligaw. Itinaas niya ang windshield. Sa di-kalayuan, may Rolls Royce na nakasundo sa kanila, minamanego ‘yon ng driver ni Calyx.“Mukhang sinunsundan ng sasa
Nanginig si Athena hanggang sa tumulo ang luha sa kaniyang mga mata.“Calyx, huwag mong gawin ‘to sa ‘kin, please?” pakiusap ni Athena. Narinig ng binata ang pakiusap niya pero hindi ito nagpatinag. Idinikit nito ang mukha sa kaniyang taenga.“I want you, Athena. Give my needs now.”“No, Calyx! Hindi mo ako puwedeng pilitin sa isang bagay na ayaw ko!” may diin na sabi ni Athena. “Pakawalan mo ako!”“Na-miss kita, Athena. Huwag mo naman sana i-reject ako. Alam kong gusto mo rin na may mangyari sa ‘tin.”Bumaba ang kamay ni Calyx sa may beywang niya.“Calyx, please. Huwag mong gawin sa ‘kin ‘to. Dahil kapag ginawa mo ito, habambuhay kitang kamumuhihan!”Natigil si Calyx sa ginagawa. Tiningnan siya nito.“Apat na taon na ang lumipas, Athena. Hindi mo ba ako namimiss? Hindi ka ba nasasabik sa mga yakap at halik ko sa ‘yo?”Naglandas ang labi ni Calyx sa kaniyang taenga. Nang-aakit ang ginagawa nito.“Hindi. Hindi kita namimiss at kailanman ay hindi kita mamimiss. Marumi ka na Calyx,” may
“Mr. Montecillo, anong kailangan mo? Bakit nandito ka? Gabi na ha? Umuwi ka na!” sigaw ni Athena.“Nandito ako para kunin ang underwear ko!” balik sigaw nito. Napaikot na lamang ni Athena ang mga mata. Bakit kailangan pang kunin ng binata roon kung puwede naman niyang ibigay sa opisina? Ano ‘yon? Para-paraan lang para makausap siya? Pero mas mabuti na ibigay na lang niya para hindi na bumalik si Calyx roon.“Sandali lang, kukunin ko lang.”Nagtungo siya sa kuwarto at kinuha sa closet ang nakahanger na suit ng binata tsaka inilagay ‘yon sa paper bag kasama ang underwears nito. Wala siyang maalala na bumili siya ng ganoong brief noong mag-asawa pa sila. Biglang sumagi sa isip niya ang pananatili roon ni Calyx. Kaagad niyang iwinaksi ‘yon sa kaniyang isip.Bumaba na si Athena at lumabas ng bahay tsaka iniabot ang paper bag kay Calyx.“Ayan, okay na? Puwede ka na bang umalis Sir Calyx? Gabi na kasi at gusto ko na magpahinga.”Papasok na sana siya nang hawakan ni Calyx ang kaniyang braso
Sa wakas, nakarating na sila sa isa sa mga sikat na restaurant sa Bulacan na tinatawag na Ji Eat. Napuntahan na ‘yon ni Athena noon kasama si Aliana, sa pagkakatanda niya, nagpa-reserve sila two weeks before. Maselan kasi ang restaurant lalo at madami talaga silang costumer. May tinawagan si Benjamin.“Make me a reservation in a VIP Room,” utos nito sa kausap. Ilang sandali lang, may lumapit sa kanilang waiter at sinamahan sila sa VIP Room. Nang makarating, naupo na sila sa mesa. Kinuha nila ang menu at sinabi sa lalaki ang order nila.“Paano mo nagawa ‘yon, Benjamin? Ang alam ko kasi kailangan magpa-reserve ng table or rooms dito,” tanong ni Athena nang makaalis ang waiter.“Isa ako sa mga shareholders dito, Athena. Kaya puwede akong hindi mag-pareserve. Sandali, may ibibiga ako.”Inilabas ni Benjamin ang pitaka at may kinuhang card doon. Isang black card. Napanganga si Athena. Hindi siya ignorante sa ganoong klase ng card.“Kunin mo ‘yan. Ang card na ‘yan ay for VIP only. Ibig sabih
Samantala, sa bahay ni Irene, naging bisita niya si Benjamin at ang kapatid nitong si Janet. Nakangiting pinapasok niya ang magkapatid sa loob ng bahay. May dalang isang basket ng prutas si Janet. Iniabot nito iyon kay Irene at inilagay sa center table.“Magandang umaga ate Irene. Kamusta na ang pakiramdam mo? Okay ka na ba ngayon?” tanong ni Janet. Tumango naman si Irene.“Oo, okay na ako ngayon. Kahit papaano ay nakakalakad na ako ng maayos. Kaya salamat kay Benjamin. Napakabait niya. Salamat din sa mga prutas na dala mo.”Seryuso lamang si Benjamin at iginagala ang tingin sa bahay. “Pumasyal ba rito si Athena, Ate Irene? Alam ko kasi pinag-off sila ni Calyx dahil sa ilang araw na puyat dahil sa meeting,” tanong ni Benjamin. Tumango ang ginang.“Oo, nandito siya. Sinundo lang si Rohan. Maya-maya nandito na siya. Sabay-sabay na tayong kakain ‘non.”Tumayo si Irene at nagpaalam na gagawa lamang ng meryenda. Sa labas, huminto ang sasakyan ni Athena. Magkahawak-kamay na pumasok sila ni
—“Grabe ang sekretarya no Sir Calyx. Napaka-iksi ng kaniyang pasensiya at ang tapang sa harap ninyo na isang CEO?” napapailing na tanong ni Gino. Natawa lamang si Calyx.“Huwag niyo na lamang pansinin. Sanay na ako. May nasabi kasi akong hindi maganda kaya nagawa niya ‘yon.”Napailing na lamang si Gino. Inutusan na ni Calyx ang driver na pausadin na ang sasakyan para makauwi na siya at makapagpahinga. Dahil kahit siya pa ang CEO, napapagod din siya sa dami ng ginagawa.Sa kabilang banda, nang makakain si Athena nang hapunan. Tinanggal na niya ang warmer at tinapon sa basurahan. Nanggigigil niyang itinuro ang basurahan.“Diyan ka lang, ha?! Hindi mo na ako mauuto pa!” sigaw niya na para bang si Calyx ang basurahan. Umirap na lamang siya. Nagtungo na siya sa silid at nagbihis para makatulog na. Kaagad siyang nakatulog dahil sa pagod. Nanaginip pa siya. Ang kaniyang panaginip ay ang intimate moments nila ni Calyx. Mayroon din ‘’yong nag-aaway sila pati iyong puno na lagi nilang pinupu
Natawa si Calyx at nagtungo sa likod niya. Napairap na lamang siya.“Puwede ba umalis ka na, Calyx. Hintayin mo na lang ako sa kompanya. Ihahatid ko pa si Rohan,” pabulong niyang sabi pero may bahid ng inis ‘yon. “Para hindi ka na mainis, aalis na ako. Hihintayin kita sa office, Athena,” bulong ni
Napatitig na lamang si Athena kay Benjamin. Tingin niya, hindi na kailangan ng direktor na makipag-blind date pa. Sa ugali nito, isang tingin palang nito sa isang babae, tiyak na malo-love at first ito sa binata. Idagdag pa ang maganda nitong ugali. Tumingin kay Athena si Benjamin. Walang emosyon a
Nang makarating si Athena sa kusina, naghanda na siya ng mga ingredients ng lomi. Iyon lang ang naisip na lutuin lalo at nag-cra-crave siya. Nang matapos, nagtungo na siya sa salas. Natigilan si Athena ng makita si Rohan na nasa kandungan ni Calyx. Nakapalibot ang mga braso nito sa malambot na kat
Natawa ng nakakaloko si Aliana. Ngumisi ang dalaga.“Noon ‘yon pero hindi na ngayon, Mr. Montecillo. Kung ayaw mong kamuhian ka niya habambuhay kapag nawala na ang kalasingan niya, ibigay mo siya sa ‘kin ngayon din,” matatag na sabi ni Aliana.Natamaan si Calyx sa sinabing ‘yon ng kaibigan ni Athen







