Chapter: Their EndearmentNatigilan si Athena. Tinawag siyang love? ‘Love, my ass!’ aniya sa isip. Itinulak niya si Calyx at nagmamadaling lumabas ng opisina. Noong nililigawan siya ng lalaki, lagi siyang tinatawag na ‘Love’. Maghapon na hindi lumabas si Calyx sa opisina. Dinadalhan lamang ang binata ng pagkain nina Jane at Mia. Nagtataka nga ang dalawa dahil ayaw ni Athena na dalhan ng pagkain ang boss nila. “Ath, bakit ayaw mong dalhan si boss? Don’t tell me nahihiya ka dahil crush kita?” tukso ni Mia na may ngisi sa labi. Magkatabi lang kasi ang desk nila. Magkasalubong ang kilay na tiningnan niya ang babae. “At saan mo naman napulot ang ideya na ‘yan, Mia? Hindi ba puwedeng busy lang ako? At tsaka naiirita ako sa pagmumukha ni sir,” aniya sabay irap. Natawa naman si Jean na ipinaikot pa ang swivel chair paharap sa kaniya. Nasa kanan naman niya ang babae. “Alam mo ba ang kasabihan na ‘the more you hate, the more you love’? Bahala ka diyan, baka hindi mo namamalayan na nagkakagusto ka na pala sa ka
Huling Na-update: 2026-01-13
Chapter: Blind DateNakahinga ng maluwag si Athena nang matapos ang report. Bumalik siya sa opisina ni Calyx at ibinigay ang naayos na report. Tumayo ang binata. “Ihahatid na kita sa inyo. Gabi na, Athena. Hindi puwedeng mag-isa kang biyabiyahe.” Umiling si Athena. Matapos siyang pagurin sa report na maayos naman, ngayon maaawa ito sa kaniya? “Hind na kailangan, Sir. May sarili akong sasakyan. Siguro wala na kayong ipapagawa. Bye!” Saktong alas dyes ay nakarating na si Athena sa isang sikat na restaurant sa Makati kung saan sila magkikita ni Gabriel. Nakasuot ng sleeveless black dress na below the knee at three inches heels. Iginala niya ang tingin sa loob. Natawag ng pansin ni Athena ang isang lalaki na na nakasuot ng checkered polo at may iniinom na tsaa. May suot itong sunglass pero bumagay naman iyon sa lalaki. Lumapit siya rito. Nasa tsaa pa rin nito ang tingin. Tinanong ni Athena kung ito ba si Gabriel. Nag-angat ng tingin ang lalaki. “Oo, ako nga. Maupo ka, Athena,” paanyaya ni Gabriel sabay
Huling Na-update: 2026-01-13
Chapter: The New BossHuminga ng malalim si Athena bago pumasok ng bahay. Nasa salas si Calyx, nakabihis at mukhang hinihintay siya habang nanonood ng TV. Pinatay nito ‘yon ng makita siya sabay tingin sa hawak niyang brown envelope. “Bakit ngayon ko lang, Athena? Saan ka galing. Alam mo na galing ako Dubai para sa business meeting tapos hindi kita madadatnan?” tanong ni Calyx habang magkasalubong ang kilay na nakatitig sa kaniya ng matalim. Natawa si Athena. “Mabuti naman at hinanap mo pa ako, Calyx. Pero ito na ang huling gabi na makikita mo ako.” Pabagsak na ibinaba ni Athena ang brown envelope sa mesa. Kinuha ‘yon ni Calyx at tiningnan ang laman. Mas lalong nagsalubong ang kilay ng lalaki. “What?! Are you crazy, Athena? Nag-file ka ng divorce?! Bakit? Nagsawa ka na ba sa ‘kin? Ayaw mo na ba ng marangyang buhay?” galit na tanong ni Calyx. Mas lalong natawa si Athena. “Me? Crazy? Baka ikaw? Halos hindi ka na umuuwi dito sa bahay. Ako na lang lagi ang nag-a-adjust para sa ‘yo! Lagi kang nasa opisina.
Huling Na-update: 2026-01-13