Natigilan si Athena. Tinawag siyang love? ‘Love, my ass!’ aniya sa isip. Itinulak niya si Calyx at nagmamadaling lumabas ng opisina. Noong nililigawan siya ng lalaki, lagi siyang tinatawag na ‘Love’. Maghapon na hindi lumabas si Calyx sa opisina. Dinadalhan lamang ang binata ng pagkain nina Jane at Mia. Nagtataka nga ang dalawa dahil ayaw ni Athena na dalhan ng pagkain ang boss nila. “Ath, bakit ayaw mong dalhan si boss? Don’t tell me nahihiya ka dahil crush kita?” tukso ni Mia na may ngisi sa labi. Magkatabi lang kasi ang desk nila. Magkasalubong ang kilay na tiningnan niya ang babae. “At saan mo naman napulot ang ideya na ‘yan, Mia? Hindi ba puwedeng busy lang ako? At tsaka naiirita ako sa pagmumukha ni sir,” aniya sabay irap. Natawa naman si Jean na ipinaikot pa ang swivel chair paharap sa kaniya. Nasa kanan naman niya ang babae. “Alam mo ba ang kasabihan na ‘the more you hate, the more you love’? Bahala ka diyan, baka hindi mo namamalayan na nagkakagusto ka na pala sa ka
Huling Na-update : 2026-01-13 Magbasa pa