Share

Kabanata 102.2

Penulis: Rhea mae
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-30 18:20:43

“Now you know. Umalis ka sa daraanan ko, paharang-harang ka.” Binangga ni Owen si Marcus nang hindi ito kaagad gumilid. Hilaw na lang na natawa si Marcus saka niya nilingon si Owen na dire-diretso nang naglakad palayo.

“Hintayin niyo lang, wala sa inyong dalawa ang ihihirang na magiging CEO.” Nagmamayabang na wika ni Marcus saka ito umalis. Inis pa niyang sinipa ang sahig dahil sa mga natanggap niyang salita mula kay Owen.

Nang matapos ang araw na yun ay umuwi na si Tyrone. Naigarahe niya na ang sasakyan niya pero hindi pa rin siya bumababa. Tinitingnan niya ang sugat sa gilid ng labi niya. Iniisip niya kung paano niya ba yun itatago sa asawa niya pero kahit anong isipin niya, wala siyang maisip para maitago yun. Napabuntong hininga na lang siya. Kailangan niya talagang tanggapin ang galit sa kaniya ng asawa niya.

“Sana lang ay hindi siya magalit sa akin ng sobra. She’s pregnant, you fool, Tyrone.” Usal ni Tyrone sa sarili niya. Ayaw niyang bigyan ng sakit ng ulo o problema ang asawa
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Jenelyn Sechico Rivera
sana all nlng sa mapagmahal hehe
goodnovel comment avatar
PrincessDenise Tobias
na iintriga tlaga ako kng cnu si Marcus
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • My Contract Marriage   Kabanata 109.2

    Tumingin naman si Czarina sa labas ng pintuan umaasa na sana ay ideliver na rin sa kanila ang baby nila. Gusto niya ng makita ito, mabuhat at mayakap. Nang manganak siya sa kambal niya, nang magising siya ay katabi niya na ang mga ito pero sa bunso nila kinailangan itong idiretso sa NICU dahil premature baby.Natulog silang dalawa ng hindi kasama ang baby nila. Kinabukasan, nagising si Czarina sa iyak ng mga babies sa mga kabilang kwarto. Napabuntong hininga na lang siya. Gusto niya ng makita ang anak niya, gusto niya na itong marinig na umiyak, gusto niya na itong mapadede pero wala siyang magawa.Nang may pumasok na nurse ay bumangon na rin si Tyrone. Chineck lang si Czarina.“Hindi pa ba siya pwedeng pakainin nurse o kahit tubig man lang?” tanong ni Tyrone.“Umutot na po ba si ma’am?” tanong ng nurse. Tiningnan ni Tyrone ang asawa niya. Kailangan pa ba talaga nilang hintayin na umutot ang pasyente bago painumin?“Yes, umutot na siya.” Pagsisinungaling ni Tyrone dahil naaawa na siya

  • My Contract Marriage   Kabanata 109.1

    Nang magising si Czarina ay nasa recovery room na siya. Ramdam pa rin niya ang antok pero may malay na siya. Sinusubukan niya ulit igalaw ang mga paa niya pero hindi pa rin niya maramdaman ang mga ito. Hindi rin malamig sa recovery room pero nanginginig ang buong katawan niya. Pinipigilan niyang hindi manginig pero kahit na pigilan niya patuloy pa rin sa panginginig ang buong katawan niya. Makalipas ang ilang minuto ay muli na naman siyang inantok. Wala siyang nagawa kundi ang ipikit ang mga mata niya. Marahil ay may epekto pa rin ng anesthesia ang katawan niya.Nagising si Czarina sa sarili niyang hilik. Hindi niya alam kung bakit siya naghihilik gayong hindi naman siya yung taong naghihilik kapag natutulog. Sinusubukan niya na namang igalaw ang mga paa niya pero wala pa rin hanggang sa muli na naman siyang tatangayin ng antok.Gusto niyang malaman kung anong oras na pero wala siyang makitang wall clock habang si Tyrone ay matyaga pa ring naghihintay sa labas ng OR. Alas dyes ipinaso

  • My Contract Marriage   Kabanata 108.2

    “Salubungin mo kaagad si Kalix kapag nilabas na siya ha? Ikaw na muna ang bahala sa kaniya kung sakaling siya ang maunang ilabas ng OR.” Ani ni Czarina.“Bumalik ka sa akin, okay? Galingan mo sa loob ng OR. Hihintayin ko kayo ni Kalix.” Tipid na lang na ngumiti si Czarina saka siya tumango.Hindi naman na mapakali si Melanie simula nang umalis si Tyrone. Sinusubukan niyang tawagan ang mga cellphone nila pero walang sumasagot sa kanila. Nakagat ni Melanie ang kuko niya habang pabalik-balik siyang naglalakad.“Ano bang problema mo? Kanina ka pa dyan lakad nang lakad.” Wika ni Chairman na kakababa ng kwarto niya. Nang makita niya si Melanie kanina ay pabalik-balik pa rin itong naglalakad hanggang ngayon.“Check-up day lang sana ni Czarina, Pa, pero bumalik si Tyrone kanina at kinuha ang mga gamit ni Czarina sa panganganak. Hindi ko alam kung ano ng nangyayari sa kanila. Tinatawagan ko silang dalawa pero hindi sila sumasagot. Nag-aalala lang ako lalo na at kulang pa ng isang buwan si Czar

  • My Contract Marriage   Kabanata 108.1

    Dahil absent si Tyrone ngayon ay mag-isa ni Owen na dumalo sa pakikipagkita sa mga client nila. Pagdating ni Owen sa meeting place ay nakita niya si Marcus na nakikipag-usap na sa mga ito. Nang mapansin naman ng mga client si Owen ay natuon sa kaniya ang atensyon ng mga ito.“Ang sabi mo hindi makakarating si Mr. Fuentes, he’s here.” Wika ng isang lalaki. Napatayo naman ng diretso si Marcus saka niya nilingon si Owen. Napapaikot na lang ang mga mata ni Marcus, hindi niya akalain na mas maaga pa sa inaasahan niya si Owen hindi katulad ni Tyrone na palagi itong on time pumunta.“What are you doing?” blangko at seryosong tanong ni Owen kay Marcus.“Nothing,” akma na sanang aalis si Marcus nang hawakan siya ni Owen sa braso para pigilan.“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo, Marcus? Gusto mo ulit agawin ang mga client? Hindi ka pa rin ba nakakamove on hanggang ngayon? May bagong CEO na at ako yun. Umaasa ka pa rin bang may magbabago? Gusto mong magreklamo sa naging resulta ng botohan?” Ma

  • My Contract Marriage   Kabanata 107.2

    Inaantok pa siya nang bumaba siya ng hagdan. Pinaghain naman siya kaagad ng mga katulong ng almusal niya.“Nasan ang mga bata saka si mommy?” tanong niya dahil hindi niya nakikita ang mga ito.“Isinama po sila ni ma’am Melanie sa SM ma’am para maggrocery.” Sagot ng isang katulong. Nagpatuloy na lang sa pagkain si Czarina at nang matapos siya ay nagtungo siya ng pool area para dun magpalipas ng oras. Naalala niya naman ang paglikot ng baby niya kagabi ng halos tatlong oras. Hindi niya naramdaman kanina kung gumalaw ba ito dahil tulog pa siya. Madalas kasi niyang nararamdaman ang paggalaw ng baby niya tuwing 6am, 6pm, 11am at 11pm.Pagbabasa ng aklat ang ginawang libangan ni Czarina sa pool area. Nang maramdaman niya ang paggalaw ng baby niya ay napangiti siya. Nakahinga siya ng maluwag dahil mukhang okay naman ang baby niya dahil gumagalaw naman ito sa oras na madalas itong gumalaw. Sa bawat na lumilipas ay masaya silang lahat. Magkasundo na si Owen at Tyrone. Ibinigay na rin ni Chair

  • My Contract Marriage   Kabanata 107.1

    Maaliwalas na ang mukha ni Chairman. Tila ba biglang nawala ang mga problema niya. Masayang masaya kasi siya nangyaring dinner ng pamilya niya kagabi. Mapayapa, masaya, walang away na nangyari. Lahat ay masaya at higit sa lahat, nakita niyang nagtawanan na ang magpinsan na si Tyrone at Owen.Nang may kumatok sa pintuan niya ay pinapasok niya ito. Pumasok naman ang secretary niya.“Good morning sir,” bati ng secretary. Nilapitan niya si Chairman at nagdadalawang isip pa kung sasabihin niya ba ang nalaman niya.“Anong balita ang sasabihin mo ngayon?” tanong ni Chairman. Ramdam ng secretary na nasa magandang mood si Chairman kaya para bang nagdalawang isip siya kung sasabihin pa ba niya. Nang hindi magsalita ang secretary ay tiningnan na siya ni Chairman.“Magsasalita ka ba o hindi?” seryoso niya ng tanong. Napabuntong hininga na lang ang secretary.“Kilala ko na po kung sino ang owner ng thundertrucks motors.” Sagot nito. Sumeryoso na ang mukha ni Chairman. Matagal niya ring pinaimbesti

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status