Share

Kabanata 110.1

Auteur: Rhea mae
last update Dernière mise à jour: 2025-06-02 15:41:55

Pinuntahan ni Czarina at Tyrone ang baby nila na nasa NICU. Nang makita ni Czarina ang baby niya ay mabilis na nanubig ang mga mata niya. Pinipigilan niyang huwag bumagsak ang mga yun, ayaw niyang maging mahina sa harap ng asawa niya at sa ibang tao. Tipid siyang ngumiti nang lapitan niya ang incubator ng baby niya. Nasasaktan siyang makita itong may swero at hindi niya inaasahan na maliit talaga sa personal ang anak niya. Mahimbing itong natutulog. May oxygen din na nakalagay sa ilong niya at nang tiningnan ni Czarina ang level ng oxygen ng anak niya ay pinanghihinaan siya ng loob. Nasa level 5 ang oxygen ng anak niya at halos rinig niya ang pressure ng hangin ng oxygen.

“Hi baby,” her voice cracked dahil sa pagpigil niya ng iyak niya. Nasa tabi niya lang naman si Tyrone.

“Sa ngayon kinailangan naming itaas ang pressure ng oxygen niya dahil may time na bigla siyang titigil sa paghinga pero segundo lang naman. Hindi pa rin stable ang oxygen level niya. Ang oxygen dapat niya ay nasa 90
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Latest chapter

  • My Contract Marriage   Kabanata 113.2

    “Lumipat sila sa mas malaking hospital, Mr. Jimenez. Wala rin ako sa posisyon para sabihin sa inyo ang kalagayan ni Kalix. Si Czarina o Tyrone na lang po ang tanungin niyo. Pasensya na.” sagot ni Owen saka siya umalis. Naiintindihan naman ni Mateo. Napabuntong hininga na lang siya. Umaasa na sana ay okay lang ang anak niya at ang apo niya.Nang makarating sa hospital si Czarina at Tyrone ay inasikaso na sila kaagad ng nakuha nilang magiging doctor ni Kalix sa puso. Nagrequest kaagad ang doctor para sa 2d echo ulit ni Kalix. Habang naghihintay sila ay nasa emergency room lang sila. Nakahiga ang baby nila sa malaking kama. Mabuti na lamang at nagdala sila ng makakapal na pagbalot sa baby nila dahil masyadong malamig ang hospital.Dahil kurtina lang ang tanging harang nila rinig na rinig nila ang iyak ng mga bata na pasyente rin. Napapabuntong hininga na lang si Czarina. Ginagapang na naman ng kaba ang puso niya.“Hello sir, kailangan niyo po itong fill apan para sa admission ni baby pag

  • My Contract Marriage   Kabanata 113.1

    Walang tigil sa pag-iyak si Czarina habang yakap-yakap ang anak. Natatakot siyang mawala ito sa kanila, lahat sila ay naging excited sa pagdating niya pero bakit kailangan niyang maranasan ang lahat ng sakit? Napakabata pa niya para magkaroon ng sakit sa puso?“P-Paano? Paano siya nagkaroon ng sakit sa puso? May mga nakain ba ako o may nagawa ba akong hindi dapat habang ipinagbubuntis ko siya? B-Bakit Tyrone? Bakit ang anak pa natin? He’s too young for that illness.” Umiiyak na saad ni Czarina. Kanina pa naman tahimik si Tyrone. Pilit pa rin niyang pinoproseso sa isip niya ang sakit ng anak nila. Kaya pala kahit anong gawin nila hinding hindi magiging stable ang oxygen saturation nito.“Hindi ko alam kung paano ko kakayanin, hindi ko alam.” Humihikbi na saad ni Czarina. Malalalim na naman ang bawat paghinga niya dahil sa matinding paghikbi niya. Ayaw niyang maranasan ang mawalan ng anak. Kaya niyang tanggapin kapag namatayan siya ng magulang pero tila ba ibang usapan na pagdating sa a

  • My Contract Marriage   Kabanata 112.2

    “So, ang sakit ni baby ay pulmonary valve atresia, tricuspid valve atresia at PDA – like structure. Complex case si baby, hindi pangkaraniwan ang sakit niya. Dalawang valve ang close kaya hindi makadaloy ng maayos ang dugo niya. So dito sa left, ito ang normal heart natin. Dito dumadaloy ang dugo papasok sa kabilang kwarto pagkatapos ay pupunta sa baga at dahil close ang dalawang valve ni baby hindi makapasok ang dugo niya papunta sa baga. Nakukulangan ng oxygen ang baga niya na siyang dadaloy sa buong katawan niya, yun ang dahilan kung bakit hindi stable ang oxygen saturation ni baby. Ang butas sa puso ni baby, dun pansamantalang dumadaloy ang dugo ni baby pero oras na nagclose ang butas sa puso ni baby mamamatay siya. So, tayong lahat ay may butas sa puso pagkapanganak sa atin pero kusa rin yung magkoclose pagkatapos ng ilang araw o linggo pagkatapos ng kapanganakan. May mga cases na hindi nagkoclose ang butas sa puso kaya kailangan din nila ng intervention pero sa case ni baby hind

  • My Contract Marriage   Kabanata 112.1

    Tahimik lang silang dalawa habang naglalakad. Nauna nang maglakad ang nurse at ang isa nilang kasamang lalaki na siyang may hawak sa oxygen tank. Hindi makapaglakad ng mabilis si Czarina sa tahi niya. Sinusundan na lang ni Tyrone ng tingin kung saan lumiko o pumasok ang nurse na siyang may buhat sa anak nila.Nang makarating sila sa 3rd floor ay marami ring mga pasyente ang nakapila pero dire-diretsong pumasok ang nurse sa isang kwarto.“Kay doc Victor po? Nirefer po kami ni doc Gamponia para sa 2d echo ni Baby Kalix Fuentes.” Ani ng nurse. Inasikaso naman sila kaagad ng secretay ng doctor. Hinawakan ni Tyrone sa balikat ang asawa niya. Pareho silang tahimik pero ang mga mukha nila bakas ang pag-aalala, halo-halong emosyon. Maliit pa lang ang anak nila pero kung saan-saan na ito nakakarating, puro pa hospital ang pinupuntahan nila.“Love, ikaw na ang kumausap mamaya sa doctor ha? Para kasi akong nabablangko.” Saad ni Tyrone. Tumango na lang si Czarina. Nang matapos si doc Victor sa gi

  • My Contract Marriage   Kabanata 111.2

    Kinabukasan, maagang dumating si Tyrone. Dumiretso siya sa kwarto ni Czarina. Niyakap niya kaagad ito na tila ba nangunguha ng lakas. Hindi naman nagsalita si Czarina. Hinayaan niya ang asawa niya. Hinaplos niya na lang ang buhok nito. Ramdam niyang pagod na pagod at puyat na si Tyrone. Hindi niya magawang magpahinga at matulog sa hospital dahil natatakot siyang may mangyari sa anak nila.“Kumain ka na ba?” tanong ni Tyrone.“Hindi pa, hinihintay kita para sabay na tayong kumain.” Tumayo naman na si Tyrone para makapag-asikaso ng kakainin nilang mag-asawa.“Nasan nga pala yung kambal?” tanong ni Tyrone.“Hiniram na muna ni Hailey para ipasyal at malibang sila.” Napatango-tango na lang si Tyrone.“Saan mo gustong kumain? Dito na lang ba o sa labas? Kaya mo na bang maglakad?”“Sa pool area na lang tayo para naman hindi na lang ako palaging nandito sa kwarto.”“Sige, ipahahanda ko lang yung mga pagkain.” Nauna nang lumabas si Tyrone para ihanda ang mga kakainin nila. Dahan-dahan namang t

  • My Contract Marriage   Kabanata 111.1

    Halos oras-oras ay magkausap sa video call si Tyrone at Czarina. Hindi na masyadong nakakatulog si Tyrone dahil sa pag-aalala sa anak nila. Minsan ay ginigising pa siya ng nurse kapag may kailangan na bilhin na gamot para sa anak nila. Kahit na inaantok pa siya wala siyang magawa kundi ang pumunta sa pharmacy at bilhin ang kailangan ng baby nila.“He’s sleeping, malakas siyang umiyak pero nangingitim siya sa tuwing umiiyak siya, umiire at umiinat.” Wika ni Tyrone. Nakatutok ang camera sa baby nila na nasa loob pa rin ng incubator.“Sa tube pa rin ba pinapadaan ang gatas niya?” tanong ni Czarina. Nakahiga siya habang kausap ang asawa niya.“Oo pero pinagpapacifier siya para makita kung marunong na ba siyang magsuck. So far, okay naman ang sucking niya. Ang sabi ng nurse niya kanina susubukan na nilang pagatasin sa feeding bottle dahil magaling naman siya magsuck.” Pagkwekwento ni Tyrone. Napangiti naman si Czarina. Lumalaban ang anak nila.“Okay na ang lahat sa kaniya, malapit na ring

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status