“Hi mommy pasensya na may tinapos lang ako. Mag-a-update lang ako kay baby. As you can see naman po sa cardiac monitor niya, 90s na ang o2sat ni baby. Ang goal naman nila doc diyan ay 75-85 pero stable siya ng 90s ngayon. Inalis na rin yung prosta niya dahil nagawa na rin naman na ang procedure kay baby. Nagigising siya pero pasaglit saglit lang dahil may epekto pa ng anesthesia. Wala namang episode na nilagnat si baby. May reseta nga po pala si doc sa kaniya. Ibibigay ko na lang po yung reseta after visiting hours. Kailangan niyo po siyang bilhin at ibalik po dito. Available po siya sa pedia office kung gusto niyo po. Sa ngayon yun lang naman po ang ia-update ko kay baby.” Napatango na lang si Czarina. Natutuwa siyang makitang 90s ang o2sat ng anak niya dahil palagi siyang nag-aalala sa tuwing nakikita niyang 50s at 60s lang ang o2sat nito.
Nang matapos ang oras niya ay lumabas na siya para si Tyrone nama
“Mommy pasensya na pero hindi kasi maganda ang kondisyon ni baby ngayon. Malinaw naman pong nasabi sa inyo after ng procedure niya na mahihirapan pa tayo sa recovery ni baby, right?” napalunok si Czarina. Nanatili pa rin siyang tahimik. “Mommy critical ang condition ni baby. Magiging prangka na po ako. Please be ready dahil anytime may posibleng may mangyari kay baby. Ayaw naming magsabi na magiging okay din siya dahil alam din naman namin na hindi maganda ang conditon niya. Kung may mangyari man sa kaniya please be ready. I’m sorry mommy, ginagawa naman namin ang makakaya namin para mabuhay si baby at mailipat niyo siya sa ibang hospital. If ever handa ka naman mommy?” wika ng doctor. Gustong magsalita ni Czarina pero pakiramdam niya ay sasabog siya sa loob ng ICU.Sinong ina ang magiging handa kapag nawalan ng anak? Gustong sumagot ni Czarina pero yung hikbi niya nasa lalamunan niya na
Hindi maipaliwanag ni Czarina ang kasiyahan na nararamdaman niya sa tuwing binibisita niya ang anak niya. Excited na siyang makalabas ang anak niya sa ICU dahil kapag naging stable na ang mga vital signs nito siguradong makakalabas na rin siya at maililipat nila sa Germany for better treatment.Nang muling bisitahin ni Czarina ang anak niya napapansin niyang palagi itong tulog. Hindi man lang niya maabutan na gising ang anak niya. Namimiss niya ng masilayan ulit ang magagandang mga mata nito.“Nurse hindi ba nagigising ang baby ko?” nag-aalala niyang tanong.“Gising siya kanina mommy pero pinatulog muna ni doc para kumalma siya. Iyak kasi siya nang iyak.”“What do you mean pinatulog?”“Tinurukan po muna siya ng pangpatulog kasi hin
“Hi mommy pasensya na may tinapos lang ako. Mag-a-update lang ako kay baby. As you can see naman po sa cardiac monitor niya, 90s na ang o2sat ni baby. Ang goal naman nila doc diyan ay 75-85 pero stable siya ng 90s ngayon. Inalis na rin yung prosta niya dahil nagawa na rin naman na ang procedure kay baby. Nagigising siya pero pasaglit saglit lang dahil may epekto pa ng anesthesia. Wala namang episode na nilagnat si baby. May reseta nga po pala si doc sa kaniya. Ibibigay ko na lang po yung reseta after visiting hours. Kailangan niyo po siyang bilhin at ibalik po dito. Available po siya sa pedia office kung gusto niyo po. Sa ngayon yun lang naman po ang ia-update ko kay baby.” Napatango na lang si Czarina. Natutuwa siyang makitang 90s ang o2sat ng anak niya dahil palagi siyang nag-aalala sa tuwing nakikita niyang 50s at 60s lang ang o2sat nito.Nang matapos ang oras niya ay lumabas na siya para si Tyrone nama
Matamis na ngumiti si Doc Joshua sa mag-asawa.“Successful naman ang procedure ni baby. Natagalan kami kasi nahirapan kaming hanapan siya ng ugat sa singit niya kaya sa kili-kili na ni baby namin idinaan ang procedure niya. Maya-maya ay lalabas na rin si baby.” Masayang balita sa kanila ni doc Joshua. Napangiti naman si Czarina dahil sa saya.“Thank you po doc,” aniya.“Maraming salamat doc,” saad din ni Tyrone. Tumango at ngumiti lang naman si Doc Joshua.“Mommy, daddy, hindi ibig sabihin na successful ang procedure ni baby ay okay na ang lahat. Mahirap din ang recovery stage at posibleng may mangyari kay baby habang nagrerecover siya. Pray lang po talaga ang magiging sandata natin sa mga panahon na hindi pa magaling si baby. Ibabalik muna namin si baby sa PICU at ka
Hinawakan ni Tyrone ang kamay ng asawa niya.“He’ll make it. Makakalabas ng buhay ang anak natin. Malakas si Kalix, alam niyang naghihintay tayo sa kaniya sa waiting area.” Pagpapakalma ni Tyrone pero hindi pa rin napigilan ni Czarina na hindi maiyak. Marami na siyang nakita sa social media na kahit procedure lang ang gagawin ay hindi nagiging successful. Kung hindi mapuputol ang wire na gagamitin, posible naman itong bumaliktad. Paano kung habang ginagawa ang procedure ay magkaroon ng hindi inaasahan na pangyayari na mauwi sa emergency open heart? Paano yun kakayanin ng anak niya?Napayuko si Czarina saka niya hinalikan sa noo ang anak niya. Parang gusto niya na lang matapos ang araw na ‘to.“Gagalingan mo anak ha? Lalabas ka ng buhay, okay? Maghihintay lang kami ni daddy mo sa labas. Dapat kapag natapos na ang procedure at lumabas na ang doctor mo, dapat magandang balita ang maririnig namin, naiintindihan mo ba?” mahinang saad ni Czarina. Bahagya namang gumalaw ang anak nila pero ma
Magkasama na si Czarina at Tyrone. Tahimik lang silang dalawa habang nasa byahe. Ang daming gumugulo sa isip ni Czarina. Gusto niyang makausap ang asawa niya pero masyadong okupado ang isip niya. Iniisip niya kung ano bang nangyari sa anak niya para papuntahin siya ngayon sa PICU. Muli siyang nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Hinawakan naman ni Tyrone ang kamay ng asawa niya para pakalmahin ito. Kahit na ilang araw na silang hindi masyadong nag-uusap, iniintindi yun ni Tyrone dahil alam niya namang nasasaktan lang ang asawa niya.Nilingon ni Czarina ang asawa niya saka niya ito tipid na nginitian. Isang matamis na ngiti naman ang isinagot ni Tyrone. Nakaramdam ng konsensya si Czarina, paano niya nagawang balewalain ang asawa niya gayong nasasaktan at nahihirapan din naman ito?“I’m sorry,” aniya. Iyun lang ang nasabi niya dahil hindi niya alam kung paano siya hihingi ng sorry sa asawa niya. Mabuti na lamang at mahaba ang pasensya ni Tyrone sa kaniya. Paano na lang kung ibang