Share

Kabanata 49.2

Author: Rhea mae
last update Last Updated: 2025-03-10 21:38:08

Inis na umupo si Natalia sa kama ng anak niya. Hindi niya akalain na magagawa ni Czarina ang lahat na ito.

"Masyado ko siyang minaliit. Dapat sana ay hindi ko na siya pinakawalan sa mental hospital noon. Paanong hindi siya nabaliw gayong regular naman ang mga gamot na pinapainom sa kaniya?" Ani ni Natalia. Hindi naman makapaniwalang tumingin sa kaniya si Natalie.

"Ginagawa mo ba siyang baliw, Mom? So, it's true na hindi talaga siya baliw? Paano mo nagawa sa kaniya yun?" Bahagyang nagulat si Natalia nang marealize niyang nasa loob pala siya ng kwarto ng anak niya. Mabilis niyang iniwas ang paningin niya pero ramdam niya ang mariing pagtitig sa kaniya ng anak niya.

"Mom, answer me. Ang alam ko ay nawala sa katinuaan ng pag-iisip si Czarina dahil sa nangyari sa Mommy niya. Hindi ba yun totoo? You're making her crazy?" Tanong niya ulit pero lumunok lang si Natalia. Hindi niya sinasabi sa anak niya ang mga pinaplano niya. "Don't tell me na pinilit mo lang din siyang papirmahin sa agreem
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (28)
goodnovel comment avatar
Mitch Partosa Duran
Ang Ganda mabawi na din nya mga anak nya
goodnovel comment avatar
PrincessDenise Tobias
waiting po sa update
goodnovel comment avatar
Remedios Villanueva Balboa
update pls
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Contract Marriage   Kabanata 103.2

    “Hindi pa naman. Bakit mo natanong? Maaga pa para umuwi.”“Pasensya na po sir, akala ko po kasi uuwi na rin kayo gaya ni sir Tyrone.” Nagsalubong ang mga kilay ni Owen.“What do you mean? Madalas bang umuwi ng ganitong oras si Tyrone?”“Opo sir, araw-araw siyang umuuwi ng ganitong oras.” Sagot ng guard. Nagtataka naman si Owen pero ng maalala niyang buntis si Czarina, ipinagsawalang bahala niya na lang yun dahil baka gusto lang umuwi ni Tyrone ng maaga para sa asawa niya.Bumili na siya ng ice coffee niya saka siya bumalik sa kompanya. Napahinto siya sa paglalakad ng makita niya si Czarina na kakababa lang ng sasakyan. Hindi ba alam ni Czarina na pauwi na si Tyrone?Nilapitan ni Owen si Czarina, malaki na ang tiyan nito pero mas blooming ito ngayon.“Hey, what are you doing here?” tanong ni Owen nang mahabol niya si Czarina. Nginitian naman siya ni Czarina.“Nagkita kasi kami ni Hailey malapit lang dito. Naisipan ko lang na bisitahin si Tyrone para sabay na rin kaming umuwi mamaya.” R

  • My Contract Marriage   Kabanata 103.1

    Pinaimbestigahan ni Chairman ang sarili niyang apo na si Tyrone. Gusto niyang malaman kung anong itinatago ng apo niya sa kanila. Bakit parang bigla siyang nakaramdam ng takot sa sarili niyang apo? Kaya ba talagang bilhin ni Tyrone ang kompanya niya? Anong pinagkakakitaan ni Tyrone para magawa ang bagay na yun?Nang may kumatok sa pintuan niya ay pinapasok niya ito. Pumasok naman kaagad ang executive secretary niya.“Anong dala mong balita?” tanong ni Chairman saka niya inayos ang mga papeles na nasa lamesa niya.“Wala pa ring nalalaman ang mga detective tungkol sa apo niyong si Tyrone pero ang isang bagong kompanya sir, ang Thundertruck motors, pumapangalawa na sila sa atin. Kaunting points lang ang lamang natin sa kanila. Kung magpapatuloy na maganda ang performance ng mga sports car nila hindi imposibleng manguna na ang kompanya nila kesa sa atin. Sa dami ng products at services ng business niyo, ang mga sportscars at iba pang sasakyan ang pinakamalaking revenue.” Wika ng secretary

  • My Contract Marriage   Kabanata 102.2

    “Now you know. Umalis ka sa daraanan ko, paharang-harang ka.” Binangga ni Owen si Marcus nang hindi ito kaagad gumilid. Hilaw na lang na natawa si Marcus saka niya nilingon si Owen na dire-diretso nang naglakad palayo.“Hintayin niyo lang, wala sa inyong dalawa ang ihihirang na magiging CEO.” Nagmamayabang na wika ni Marcus saka ito umalis. Inis pa niyang sinipa ang sahig dahil sa mga natanggap niyang salita mula kay Owen.Nang matapos ang araw na yun ay umuwi na si Tyrone. Naigarahe niya na ang sasakyan niya pero hindi pa rin siya bumababa. Tinitingnan niya ang sugat sa gilid ng labi niya. Iniisip niya kung paano niya ba yun itatago sa asawa niya pero kahit anong isipin niya, wala siyang maisip para maitago yun. Napabuntong hininga na lang siya. Kailangan niya talagang tanggapin ang galit sa kaniya ng asawa niya.“Sana lang ay hindi siya magalit sa akin ng sobra. She’s pregnant, you fool, Tyrone.” Usal ni Tyrone sa sarili niya. Ayaw niyang bigyan ng sakit ng ulo o problema ang asawa

  • My Contract Marriage   Kabanata 102.1

    Nagkaroon sila ng meeting para sa announcement ni Chairman sa pagbabalik ni Owen. Tahimik lang si Tyrone na nasa gilid habang nakatuon ang paningin sa ballpen niyang nilalaro na naman niya. Napapataas naman ang kilay ni Marcus. Hindi niya talaga gusto ang mga Fuentes pero kailangan niyang tiisin na pakisamahan ang mga ito. Nang matapos ang meeting nila ay akma na sanang aalis si Tyrone nang magsalita si Chairman.“I need to talk to you, Tyrone. Maiwan ka rito,” maawtoridad na saad ni Chairman. Napapaikot na lang ang mga mata ni Tyrone pero wala siyang nagawa kundi ang maupo ulit sa kinauupuan niya at hinintay nilang makalabas lahat ng mga board of directors. Nagpaiwan din si Owen kahit na hindi naman siya tinawag ni Chairman.“What is that? Bakit init ng ulo ang pinairal mo? Ano itong kumakalat sa kompanya na nag-away kayo ni Marcus? Hindi mo ba kayang kontrolin ang galit mo?” diretsong wika ni Chairman.“I did my best, Chairman, pero sinasagad niya ang pasensya ko.”“Yun na nga, sina

  • My Contract Marriage   Kabanata 101.2

    “Dalawang buwan mahigit pa naman bago ang kabuwanan ko. Hindi ka kasi bumibisita sa mansion. Akala ko nga dun ka uuwi kapag nadischarge ka, naghanda pa naman kami para sana sa pagbabalik mo pero dumiretso ka pala sa condo mo.”“So, what do you want to tell me?” tiningnan ni Czarina ang kabuuan ni Owen. Payat pa rin naman ito pero hindi na kagaya noong nasa hospital siya na sobrang payat talaga. Napansin ni Owen ang titig ni Czarina sa kaniya na para bang pinag-aaralan nito ang katawan niya.“Gusto lang sana kitang kumustahin personally.”“Don’t worry about me, I’m already fine. Hindi pa man gaya ng dati ang katawan ko pero maibabalik ko rin yun. Okay ka lang ba? Siraulo ka talaga, buntis ka pala, may death threat ka na nga kung saan saan ka pa pumupunta ng wala man lang kasama. Mabuti naman at walang nangyari sa baby mo.” Tumango lang naman si Czarina. Paano niya pasasalamatan ang kabaitan ni Owen sa kaniya. Si Owen itong napuruhan pero siya pa rin ang iniisip ni Owen.“Okay naman siy

  • My Contract Marriage   Kabanata 101.1

    Matapos ang ilang buwan na pananatili ni Owen sa hospital ay nakalabas na rin siya. Nasilayan na rin niya ang liwanag, narinig ang maingay na paligid dahil sa mga sasakyan. Muling naramdaman ang pagtama ng init ng araw sa kaniyang katawan.“Hospital is so boring, I can't believe I made the hospital my home for fucking six months.” Ani ni Owen habang nakatanaw sa labas ng bintana. Pinagmamasdan ang paligid kung may pinagbago ba. Nang maipit sila sa traffic ay napaikot na lang ang mga mata ni Owen.“Ganun pa rin sa dati, traffic pa rin ang Metro Manila.” Anas niya saka niya isinandal ang likod niya sa upuan.“Magpasalamat ka na lang dahil nabuhay ka pa. Gusto mo ba akong patayin sa nerbyos? Ano bang akala mo sa katawan mo, isang shield?!” nasstress pa ring saad ni Amelia. Ayaw niya na talagang balikan ang mga nangyari sa loob ng anim na buwan. Ayaw niya ng mangyari ulit yun, nakakatakot, nakakatrauma. Naging musika niya ang bawat pagtunog ng mga machine sa tuwing binisibita niya ang ana

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status