I hate you, but I love you (Markus Anderson and Kaila Mendoza) 12 years later Nagising si Markus sa ingay ng alarm clock niya. Wala sa Mansyon ang kanilang mga magulang dahil nasa business trip ang mga ito. Kaya silang tatlong magkakapatid ang naiwan sa Mansyon. Mga binata na rin naman kasi sila at nasa College na kaya hindi na kailangan pang asikasuhin ng sobra. May mga choices na rin sila sa buhay. Si Markus kumuha ng civil engineer course, samantalang si Jeremiah naman ay sumunod sa yapak ng Daddy at Mommy niya sa business naman siya at si Liam gusto niya maging model. Kaso sideline lang naman niya iyon ayaw kasi ng parents niya. Kaya kumuha siya ng kursong nursing. Habang sina Elliana at Eleanor ang kambal na babae na dose anyos pa lamang at magte trese na sa highschool. Alaga sila ng mga dating nanny ng triplets medyo may edad na rin ang mga nanny nila at ang isa nga ay namayapa na rin. Bumaba si Markus ng kwarto dahil may lakad silang magkakaibigan. Magkakaiba na kasi sila
Dumating sila sa himpilan ng pulisya. Agad nagpark si Maximo ng mabilasan dahil kita na niya ang pagka aligaga ng kanyang asawa. Pagka park niya bumaba na nga agad ito at nagtatakbo kaya hinabol na lang niya ito papasok sa loob. Nang makita ni Anastacia ang kanyang anak agad niya itong tinawag. "Markus," tawag ni Anastacia sa panganay nilang anak. Lumingon naman ang bata at nagtatakbo patungo sa kanilang Mommy Anastacia. Sumunod rin sina Liam at Jeremiah na kumawala sa pagkakahawak sa kanilang nanny. Nagyakapan ang mag-iina. Nakahinga ng maluwag sa dibdib si Anastacia ng malaman niyang safe ang kanyang mga anak gayon rin naman si Maximo.. Hindi niya yata mapapatawad ang kanyang sarili kung sakaling may mangyaring masama sa kanyang mga anak. Habang buhay niyang sisihin ang kanyang sarili. Nakausap na nila ang nanny ng bata at sinabi nito lahat lahat ng nangyari. Pinasalamatan nila ng labis ang nanny ng triplets sa katapangan nito. Nakauwi na sila ng Mansyon at sinabi naman ng
Nang makakuha na ng sapat na ebidensya si Maximo. Nagpunta siya ng headquarters at gusto niyang sampahan ng kaso si Mr. Ching. Pero nang nasa headquarters na siya sinabihan siya ng mga pulisya na hindi pa sapat ang mga ebidensyang nakuha niya. At pinaalalahanan rin siya nito na mabigat ang kalabang binabangga niya. Alam naman ng lahat na mayaman rin siya pero bilang may kakilala siya sa loob pinayuhan siya nito na hwag magpadalos dalos ng desisyon. Lalo na't tuso ang kanyang babanggain. Naiinis man pero wala siyang magawa dahil may point din naman ang mga ito. Hindi nga siya dapat magpadalos dalos dahil lang sa bugso ng kanyang damdamin. Maraming prosesong pagdadaanan para makuha niya ang kanyang hustisyang ninanais. Bumalik siya ng Mansyon na parang walang nangyari. Naroon na ang triplets pero wala pa rin ang kanyang asawa. Sanay naman siya na wala ito pero sa mga nalaman niya parang hindi siya mapalagay talaga. Pumanhik muna siya sa itaas para silipin kung aning ginagawa
Nang ilang buwan na mimanmanan ng tauhan ni Maximo ang matanda marami itong nakalap. Tinawagan siya nito para magkita sila. Pero imbes sa labas sa mismong bahay na lang niya pinapunta. Atlis safe sa loob ng kanyang Mansyon. Wala dito ang mga mag-ina niya. Ang mga anak niya nasa school na habang ang asawa naman niya nasa coffee shop at maagang umalis at hindi na nga rin sila nakapang abot. Sakto alas onse ng umaga dumating ang na hired niyang baging investigator. Pinapasok niya ito sa loob ng bahay at pinaupo sa sala. Seryosong inabot nito sa kanya ang envelope medyo makapal nga lang. Kabado man siya pero nilabanan niya ito dahil kailangan. Nang mabuksan niya ang envelope bumungad sa kanya ang larawan ng pamilyar na babae sa kanya. Ito ang dating nurse ng kanyang asawa. Pero paano at anong kinalaman nito sa matanda. "Wait bakit kasama dito ang nurse ng asawa ko?" nagtatakang tanong niya. "Mr. Anderson kasi sa kanya nagsimula ang lahat. Binayaran siya ni Dra. Pammy Angeles pa
Nag hired na si Maximo nang magmamanman sa bawat kilos ni Mr. Ching. Gusto niyang malaman kung ano pa nga ba ang masamang balak nito sa kanya at sa pamilya niya. Gayunpaman hindi pa rin siya sa titigil sa ganon lang. Kahit siya mismo gagawa rin siya ng paraan para malaman niya ang totoo. Hindi na kasi siya mapalagay na may ganong nangyayari at ang mas ikinakatakot pa niya baka sa pamilya niya na ang sunod. Lalo na ang anak niya parang hindi na siya mapalagay sa mga mangyayari pa. Nagtrabaho muna siya at pilit iwinakasi ang kanyang mga nalaman. Hindi siya dapat nagpapa apekto sa mga ito. Habang nasa loob siya ng Anderson building. Isa isang files ang pumasok sa kanyang laptop. Isa isa niya rin itong binasa dahil hindi naman pwede na i approved niya lang ito ng basta basta at di man lang binasa kung ano ang mga nakapaloob rito. Nang mabasa niya ang nakasulat. Tinawagan na niya ang secretary niya para iprint na lahat ng ito at ng mapirmahan na niya. Mga sahod kasi ito ng emp
Aligaga naman si Anastacia ng mawalan ng malay ang kanyang asawa. Kanina kasi naalimpungatan siya na may nakaluskos at may gumagalaw sa seradura ng pintuan kaya agad siyang tumayo at kinuha ang pamalo na nahawakan niya sa pag aakalang napasok sila ng masamang loob. Wala kasing pasabi ang kanyang asawa na uuwi ito ngayon at kahit nga sa text o tawag niya wala man lang paramdam. Kinakabahan na siya dahil kahit anong tawag niya sa pangalan nito ay hindi man lang nagigising. "Daddy, Maximo hala sorry. Daddy, please gising ka na." nag-aalala at kinakabahan si Anastacia sa posibleng mangyari sa kanyang asawa. Pero ang di alam ni Anastacia nagpapanggap lang si Maximo at nakikiramdam kung ano nga bang gagawin ng kanyang asawa. "What I have done. OMG! Daddy, wake up." naiiyak na wika ni Anastacia. At nang nagdial na ito sa phone niya at nakarinig na siya ng emergency. Agad niyang inagaw sa asawa ang cellphone. "Nothing to worry about. Medyo exaggerated lang ang caller." ani niya s