Pauwi na siya sana noon nang bigla namang umulan. Kalahating oras din siyang nagpatila muna roon sa coffee shop.
Naglalakad na siya noon pauwi nang biglang may kotse na nagmamadali at tumigil sa tabi niya. Naputikan tuloy ang damit niya dahil doon. Sa sobrang inis niya ay sinigawan niya ang driver.
“Hoy! Kung sino ka mang nagda-drive, ayusin mo naman! Hari ka ba ng daan, ha?” inis na sabi ni Lenie, pagkatapos ay sinubukan niyang alisiin ang putik sa kulay puti niyang damit.
Binaba ng driver ang bintana ng kanyang kotse pagkatapos ay sumagot kay Lenie, inis din ito at parang nagmamadali.
“Miss, hindi ko naman kasalanan iyan. Isa pa, bakit ka kasi naglalakad? Alam mo namang umulan, eh. Expected na maputik ang daan! Puti pa ‘yang sinuot mong damit. Hay, naku! Nakakaubos ng oras!” sabi noong lalaki pagkatapos ay agad na tinaas ang bintana ng kanyang kotse.
Napailing na lang siya dahil sa inasta noong lalaki. Buti na lang at nakita niya ang plate number ng kotse. Agad niya iyong tinandaan para sa susunod na makita niya ito sa daan ay makaganti siya.
DVW 674. Lagot ka sa akin kapag nakita kita ulit sa daan! Bwisit! Gwapo sana pero masama ang ugali! Pasalamat talaga ang kotse na ‘yon at pauwi na ako!” sigaw niya.
Pag-uwi niya ay agad niyang nilabhan ang damit na suot. Binalita na rin niya sa kanyang ina ang paghahanap niya ng bagong trabaho. Noong una ay nag-alala ang nanay ni Lenie para sa kanya pero noong pinaliwanag ni Lenie ang lahat ay kumalma na ang nanay niya.
Pagkaraan ng ilang linggo ay tinawagan siya ni Alice. Sinabi nito na may kailangan daw silang pag-usapan. Hindi na siya nagtanong noon dahil alam ni Lenie na tungkol iyon sa magiging trabaho niya. Excited siyang umalis ng bahay, ni hindi na nga siya nakapagpaalam sa nanay niya.
“Sige, pupunta na ako dyan. Buti naman at tumawag ka na sa akin. Ang tagal ko na rin kasing naghihintay ng response nila,” sabi ni Lenie.
“Naku, pasensya ka na at natagalan, hindi ko kasi na-follow up agad. Pero, okay na. Hihintayin na lang kita rito sa bahay, ha?” sagot naman ni Alice pagkatapos ay binaba na nito ang tawag.
Nagulat na lang siya nang makitang walang katao-tao roon sa bahay ni Alice. Tanging ang baby na umiiyak sa crib ang naiwan. Hindi siya makapaniwala na may anak pala si Alice. Ang tagal na kasi nilang magkaibigan pero ni minsan ay hindi nagkwento si Alice tungkol sa lovelife niya. Sinubukan pa niyang tawagan ang cellphone number ng kaibigan pero cannot be reached na ito.
Para tuloy bumagsak ang mundo niya dahil niloko na nga siya ng ex-boyfriend niyang si Dexter tapos lolokohin rin pala siya ni Alice. Nawala na tuloy ang mga pangrap niya. Doble pa ang hirap dahil iniwan ni Alice ang anak nito sa kanya.
Makaraan ang isang linggo ay agad siyang pumunta sa Ramirez Group of Companies para mag-apply ng trabaho. Buti na lang at naalala niyang nagtanong siya kay Alice kung saan ito nagtatrabaho bago siya umalis. Para sa kanya, kahit anong position na lang ang ibigay ay okay na. Ang importante ay may trabaho siya.
Nang si Lenie na ang iinterviewhin ay nagulat siya dahil ang lalaking nakaalitan niya sa daan noong nakaraan ay ang lalaking mag-iinterview sa kanya.
“Ikaw?!” halos napasigaw na sabi ni Lenie.
“Miss Santos, kindly lower down your voice,” sagot noong lalaki, tila hindi siya nakikilala nito.
Hindi na sinubukan ni Lenie na ipaalala pa sa lalaki kung sino siya. Baka kasi lalo lang siyang hindi makapasok sa RCG kapag ginawa niya iyon.
Tinuloy na lang ni Lenie ang interview kahit inis na inis siya roon sa lalaki.
“Miss Santos, nakita ko rito na nag-submit ka na before ng resume mo. How was it? Bakit hindi ka tumuloy?” tanong ng lalaki.
Dahil sa itsura at pagiging seryoso ng lalaki ay natigilan si Lenie. Pinagmasdan niya ang lalaki at napatunayan na sobrang gwapo nga talaga nito.
“Miss Santos, are you okay? Bakit ka tulala? You’re not even answering my question,” seryosong sinabi noong lalaki, doon lang natauhan si Lenie.
Bigla niyang naalala na pinasa nga pala ni Alice ang kanyang resume. Buong akala kasi niya ay hindi na nito tinuloy iyon dahil sa panloloko niya sa kaibigan.
“Ah, naging busy lang po ako, Sir. Pero, ngayon po ay okay na. Ready na po akong pumasok sa RCG,” sagot ni Lenie.
“Sayang, pasado ka pa naman. Well, pasado ka rin naman ngayon kaya walang problema. You are hired, Miss Santos,” sagot ng lalaki, ni hindi man lang ngumiti.
Gulat na gulat naman si Lenie dahil buong akala niya ay hindi na siya makakapasok pa roon sa kumpanya.
“Po? Hala! Thank you po, Sir!” pansamantalang nawala ang inis ni Lenie sa lalaki.
Todo hawak si Lenie sa kamay noong lalaki dahil sa sobrang saya. Hindi niya namalayan na iyon na pala ang ginagawa niya. Natigilan lang siya nang magsalita ang lalaki.
“Miss Santos?”
“Ah, sorry po, Sir. Masaya lang ako,” nahihiyang sagot ni Lenie, gusto na lang niyang magpakain sa lupa nang ma-realize na magkahawak sila ng kamay.
Agad na binitawan ni Lenie ang kamay noong lalaki pagkatapos ay kinuha na niya ang kanyang bag. Nagpaalam na siya roon sa lalaki at paalis na.
Nagulat na lang siya nang tawagin ulit siya nito at tanungin kung may anak siya. Doon niya naalala na hindi nga pala pwede ang may anak na empleyado sa RCG.
“Miss Santos, do you have a child?”
“A-Ah, wala po, Sir. Dalaga po ako,” sagot ni Lenie, masakit man pero kailangan niyang magsinungaling. Para naman kay Javi ang ginagawa niya.
“Good. Then you are good to go. Thank you, Miss Santos,” sagot noong lalaki, saka palang nito nginitian si Lenie.
Lumabas na ng opisina si Lenie noon. Para bang nabunutan siya ng tinik dahil sa wakas ay may trabaho na siya ulit. Pag-uwi niya sa kanilang bahay ay sinabi agad niya ang magandang balita sa ina.
AFTER 9 MONTHS. . Sumasakit na ang tyan ni Lenie dahil siya ay manganganak na. Hiyaw na siya nang hiyaw kay Alexis dahil ang bagal nitong kumilos. "Alexis! Ano ba? Please naman! Bilisan mo ang kilos! Ang sakit-sakit na ng tiyan ko!" "A-Ah, sige. Kay Dante ka na muna magpa-drive. Susunod na lang ako sa inyo!" sagot ni Alexis, nagmamadali at hindi na rin alam kung ano ang kanyang gagawin. "Ha? Ano bang sinasabi mo? Hindi pwede! Hindi naman siya ng anak ko kung hindi ikaw!" inis na sagot ni Lenie. "Sige na, gawin mo na asawa! Please! Hindi nsman pwedeng dito ka manganak!" sagot ni Alexis pagkatapos ay sinamahan ang kanyang asawa kay Dante. Nanlaki ang mga mata ni Dante ng lumapit na sa kanya ang mag-asawa, dala-dala ang mga gamit nila. "Dante, ikaw muna ang bahala sa kanya, ha? Susunod ako sa ospital," bilin ni Alexis. "Po? Hala, manganganak na nga talaga si Ma'am Lenie! Sige po, Sir!" madaing pumunta si Mang Dante sa kotse kaya naisakay agad nila si Lenie roon. "Ahhh
AFTER A YEAR. . .Mula sa labas pa lamang ng kanilang bahay ay mainit na halik ang agad na sumalubong kay Lenie, hanggang sa makapasok sila ng kanilang bahay ay wala na itong pakialam kung mabangga bangga man ang kanilang mga likod sa pader at sa pinto sa intensidad ng kanilang halikan. Parehas man na nag-init ay naglakas ng loob si Lenie na putulin ang kanilang halikan nang nagsisimula nang tanggalin ni Alexis ang suot na blusa ng asawa. Malamlam ang mga matang nakatingin si Alexis na may pagtataka sa asawa. "O, bakit napatigil ka? May problema ba?" tanong ni Alexis, halatang dismayado sa ginawa ni Lenie. "A-Ah, hindi. Gusto ko muna kasing maligo bago tayo- hmmm-alam mo na," sabi ni Lenie na halos magkulay kamatis na ang pisngi sa hiya.Napansin naman iyon ni Alexis na ikinangiti ng lalaki at mas lalo pa siyang tinukso. "Ah, yun lang ba? Naku naman. Kahit na hindi ka pa naliligo ay gusto ko ang amoy mo.” saad nito sa mababa at nakakaakit na boses. “Kaya, tara na. Please?" na
Sa reception pa lang ng kanilang kasal ay kung anu-ano na ang naririnig ni Lenie sa mga bisita. Ang iba ay gusto na magkaroon sila ng anak at 'yong iba naman ay ayaw. Hindi tuloy niya alam ang gagawin. Pressured na siya agad kahit na kasisimula pa lang niya bilang isang Ramirez."Naku, huwag niyo naman po sanang i-oressure ang asawa ko. Isa pa, may anak naman po kami. Si Javi, 'di ba po? Mas okay na maging tutok muna kami sa kanya . Tutal, bata pa rin naman po siya eh," sabi ni Alexis."Ha? E di ba, anak mo iyon kay Alice? 'Yong nakulong? Alam mo, mas maganda pa rin na sa inyong dalawa manggaling ang bata. Iba ang pakiramdam," sagot ng isa sa mga bisita nila sa kasal.Minabuti nila na paalisin na sa tabi nila si Javi dahil ayaw nillang marinig ng bata ang kahit na anong sasabihin pa noong bisita nila. Napapikit na lang sa inis 'yong dalawa at kitang-kita naman iyon ni Beverly."Yaya Sol, ipasok mo muna si Javi sa loob. I-check mo baka kailangan na niyang matulog. Sigurado akong pagod
Pagkatapos ng ilang linggo ay napagpasyahan ng dalawa na magpaalam kay Alice. Hindi man nila alam kung anong magiging reaksyon niya ay gusto pa rin nilang i-try iyon lalo na at aalis sila ng bansa kasama si Javi pagkatapos ng kasal. "Sigurado ka ba rito? Alam mo naman kung anong ugali ang meron ang babaeng iyon. Ewan ko ba naman sa kanya kung bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa rin niya mapatawad," sabi ni Alexis. "Alexis, hanggang hindi niya pa ako napapatawad ay hindi ako titigil. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit umaasa pa rin akong magkakaayos kami kahit parang malabo nang mangyari iyon," sagot naman ni Lenie. "Hay, naku. Bilib talaga ako sa iyo. Kaya, ikaw ang pakakasalan ko eh. Ang tapang mo. Sobra. Sana lang talaga ay mapatawad ka na niya at syempre, mapatawad na rin niya ang sarili niya. Siya naman kasi ang may kasalanan ng lahat eh," sagot ni Alexis pagkatapos ay hinalikan sa noo ang kanyang fiancee. "Naku, kung anu-ano na naman ang kalokohang lumalabas dyan
Nagulat na lang si Lenie nang makita na sa isang magandang outdoor restaurant siya dinala ni Mang Dante. Mas nagulat siya nang makitang naroon ang lahat ng malalapit na tao sa buhay niya. May nabubuo na siya sa isip niya kung bakit sila naroon pero ayaw niyang mag-assume ng mga bagay. "Pasensya na po, Ma'am ha? Napag-utusan lang po ako," sabi ni Mang Dante pagkatapos ay nag-park ng kotse. "Ah, wala po iyon. Pasensya na rin po at napag-isipan ko kayo nang masama kanina, wala naman po sa isip ko na isu-surprise nila ako," sagot ni Lenie. Nang makapag-park ng kotse ay inayos na ni Lenie ang kanyang gamit at bumaba na siya mula roon. Unti-unti siyang naglakad papunta sa loob. Mas lalong nanlaki ang mga mata niya nang makita kung gaano kaganda ang lugar na iyon. Lumingon siya sa bawat sulok noon at nakita sina Zyra at Lance. Naroon din si Beverly na buhat si Javi. Surprisingly, naroon din ang ibang empleyado ng RCG. Kahit hindi sila gaanong nag-uusap ay um-attend pa rin sila.Nag
AFTER 1 YEAR. . . Nakakulong na noon si Alice at masayang naninirahan na si Lenie sa mansion ng mga Ramirez. Bumalik na siya sa RCG bilang employee ni Alexis at mahigpit niyang bilin na huwag siyang bibigyan ng posisyon sa kumpanya kahit na alam na niya ang mga pasikut-sikot dito. Naging mabuti na rin ang relasyon noong dalawa at nangako sila sa isa't isa na kahit anong laban sa buhay ay haharapin nila iyon nang magkasama. Habang sila ay kumakain ng lunch ay biglang nagsalita si Beverly. "Lenie, when will you be having your baby? Aba, kahit paano naman ay gusto kong magkaroon ng kapatid ang apo kong si Javi." Dahil sa sinabi ng matanda ay halos mabuga ni Lenie ang juice na kanyang iniinom. Si Alexis naman ay natatawa sa tabi niya. Nahihiya man pero sumagot na si Lenie dahil may takot pa rin siyang nararamdaman kapag si Beverly ang kausap niya. "Ah, Tita. Wala pa naman po sa plano namin iyan. Saka, hindi pa naman po ako inaalok ng kasal ng anak niyo," sa loob-loob ni Leni