LOGINKinabukasan, eksaktong alas-siyete ng umaga nang dumating si Athena Valeria Boromeo sa opisina.
Tahimik pa ang executive floor. Kakaunti pa lang ang employees na dumarating, habang ang iba ay nagkakape pa sa pantry o naghahanda ng mga gamit sa kani-kanilang desk. Dire-diretso si Valeria sa kaniyang opisina, pero pagkapasok niya ay agad siyang napahinto. May nakapatong na tasa ng chamomile tea sa desk niya. Sa tabi nito ay may sandwich. Walang note. Walang kung anong cheesy na message. Napatingin siya sa labas ng glass wall. Naroon na si Nick sa desk nito, abala sa laptop na para bang wala itong kinalaman sa pagkaing naghihintay sa loob ng opisina niya. Lumabas si Valeria. “Nick.” Agad itong napatingala. “Good morning po, Ma’am Valeria.” Itinuro niya ang desk sa loob. “What’s that?” Sumilip si Nick sa direksyong itinuturo niya. “Breakfast po.” “I can see that.” Napakurap ito. “Then… bakit n’yo po tinatanong?” Napatitig si Valeria sa kaniya. Parang saka lang na-realize ni Nick ang sinabi nito. “Sorry po.” Napailing siya. “Smartass.” “Ma’am Valeria?” “Nothing.” Bumalik siya sa loob ng opisina. Umupo si Valeria, binuksan ang laptop at sinimulang tingnan ang emails niya. Ilang segundo ang lumipas bago kusang napunta ang kamay niya sa sandwich. Kumagat siya. Then continued working. Mula sa labas, saglit siyang sinulyapan ni Nick. Wala nang tanong kung bakit may breakfast. Wala na ring reklamo. Tinanggap niya lang. Isang bahagyang ngiti ang dumaan sa labi ni Nick bago siya muling tumingin sa laptop. Good. Unti-unti nang nagiging normal kay Valeria ang presensya niya. Exactly what he wanted. Bandang alas-nuwebe, bumalik na ang dating ingay ng executive floor. At kasama niyon ang dating Valeria na kinatatakutan ng lahat. “Nasaan ang revised projection?” Nakatayo sa harap ng desk niya ang dalawang managers mula Finance. “Ma’am, hinihintay pa po namin ang final numbers. May discrepancy po kasi sa report na galing sa Batangas site.” “I asked for this yesterday.” “Yes, ma’am, pero may kailangan pa po kaming i-verify sa—” “Then you should've verified it yesterday.” Tumahimik ang dalawa. Dahan-dahang isinara ni Valeria ang folder. Hindi siya sumigaw. Hindi niya kailangan. “I have a board meeting at eleven. I specifically asked for the revised projection before nine.” “Yes, ma’am.” Tumingin siya sa relo. “It’s already 9:12.” “We’re sorry, ma’am.” “Don't be sorry. Fix it.” “Yes, ma’am.” “Thirty minutes.” Nagkatinginan ang dalawa. “Ma’am, baka po hindi—” Valeria looked up. Biglang tumahimik ang manager. “May problema?” “W-Wala po.” “Good. Thirty minutes.” “Yes, ma’am.” “Go.” Halos sabay na lumabas ang dalawa. Pagkasara ng p***o, saka lang napasandal si Valeria sa upuan. Napapikit siya habang minamasahe ang sentido. Ilang segundo lang, bumukas ulit ang p***o. “What now?” Pero nang tumingin siya, si Nick pala. Huminto ito sa may pintuan. “Sorry po.” Huminga nang malalim si Valeria. “What is it?” “May kailangan lang po ng signature ninyo.” “Leave it there.” Lumapit si Nick at inilapag ang folder sa desk. Napansin nito ang tasa sa gilid. Wala nang laman. “Naubos n’yo po.” Napatingin si Valeria sa kaniya. “Ang alin?” “Tea.” “Yes. And?” “Wala naman po.” Inayos ni Nick ang salamin nito. Napapikit sandali si Valeria. “Are you monitoring my beverage intake now, Nick?” “A-Ah… hindi naman po.” “Good. Because that's disturbing.” “Sorry po.” Napangiti nang bahagya si Valeria. “I’m kidding.” “Oh.” Napailing siya. “You really need to learn when I’m joking.” joking.” “Mahirap po kayong basahin minsan, Ma’am Valeria.” “Good.” “Opo.” “Anything else?” “Wala na po.” “Then go.” Tumango si Nick at naglakad na papunta sa p***o. “Nick.” Napalingon ito. “Yes, Ma’am Valeria?” “The sandwich was good.” May maliit na ngiting sumilay sa mukha nito. “Thank you po.” “Don't make a big deal out of it.” “Hindi naman po.” “Good.” Tumalikod na ito. “Nick.” Muli itong huminto. “Ma’am?” “Stop smiling.” Agad na nawala ang ngiti sa labi nito. “Opo.” Hindi na napigilan ni Valeria ang sariling mapailing. “Go.” “Opo, Ma’am Valeria.” Pagkalabas ni Nick, bumalik si Valeria sa kaniyang ginagawa. Samantalang naglakad naman si Nick pabalik sa desk niya. Unti-unting nawala ang maamong ngiti sa mukha nito. Another barrier down.Halos alas-dose na ng gabi, pero gising pa rin si Valeria.Nakahiga siya sa kama, nakapatay na ang ilaw sa kwarto, pero halos kalahating oras na siyang nakatingin sa kisame.Every time she closed her eyes, bumabalik lang sa isip niya ang usapan nila ng ama niya.Your brother understood that.You're being reactive.Trying won't protect what this family built.Valeria turned to her side and pulled the blanket higher.“Forget it.”Tomorrow was another day.Gigising siya, papasok sa office, aayusin ang kailangan ayusin.She closed her eyes again.After several seconds, dumilat din siya.“Damn it.”Inabot niya ang cellphone sa bedside table.May ilang unread emails, pero hindi niya pinansin.Nang makita niya ang notification tungkol sa Batangas briefing, naalala niyang may gusto siyang itanong kay Nick.At least, iyon ang sinabi niya sa sarili.She opened her contacts.Nick Sarmiento.Valeria stared at the name.11:47 PM.Late na.He was probably asleep.Maybe that w
Pagdating ni Valeria sa bahay, gusto lang niyang maligo at matulog.Para sa isang araw na nagsimula nang maaga, pakiramdam niya ay wala siyang natapos kahit sunod-sunod naman ang meetings niya.Pagpasok niya sa living room, agad niyang hinubad ang heels at iniwan iyon sa tabi ng sofa.Tahimik ang buong bahay. Exactly what she needed.She was halfway upstairs when her phone rang.Napahinto siya.Dad.For a moment, tinitigan lang niya ang pangalan sa screen.Then she answered.“Hi, Dad.”“Are you home?”“Yes. Kakauwi ko lang.”“Good. We need to talk.”Napapikit si Valeria.Of course.“Can this wait until tomorrow? Medyo mahaba ang araw ko.”“This will only take a few minutes.”Alam niyang hindi iyon totoo.She walked back downstairs instead and sat on the couch.“What is it?”“I received the latest Batangas projections.”Valeria leaned back.“And?”“The numbers aren't where they're supposed to be.”“Dad, we already addressed that. Finance is working on the revise
Pasado alas-dose na nang lumabas si Phoenix ng hotel room.Tahimik ang hallway, maliban sa mahinang music mula sa lounge sa ibabang palapag. Habang hinihintay ang elevator, inayos niya ang cuff ng polo bago kinuha ang cellphone mula sa bulsa.Several notifications were waiting.Karamihan galing sa Rodriguez Global Holdings.May dalawang messages mula kay Flynn.At may isang notification mula sa work email ni Nick Sarmiento.Bumukas ang elevator.Pumasok si Phoenix at pinindot ang basement.Saka niya binuksan ang email.Forwarded meeting documents from Valeria.May maikling message sa itaas.Please review before tomorrow's briefing.Phoenix glanced at the time.11:48 PM iyon ipinadala.Napailing siya.Typical.Kahit halos maghatinggabi na, nagtatrabaho pa rin ang babae.Binuksan niya ang attached documents at mabilis na dinaanan ang laman. Revised projections. Updated construction timeline. Supplier notes.Nothing unusual.He downloaded the files before locking his phone.Sumandal si P
(MATURE CONTENT NOTICE: This chapter contains mature themes, strong language, and explicit sexual scenes. Reader discretion is advised.)Weeknight pero halos puno pa rin ang lounge nang dumating si Phoenix Rodriguez. Hindi iyon surprising. Tucked away sa upper floor ng isang luxury hotel, hindi iyon klase ng bar na basta pinupuntahan ng kahit sino. Walang maingay na crowd o nag-uunahang kumuha ng murang drinks. Mostly businessmen, executives, old-money heirs, at mga taong sanay gumastos nang hindi tumitingin sa presyo.Phoenix liked it that way. Tahimik. Private. And most importantly, nobody there cared enough to ask unnecessary questions.Pagpasok niya, binati siya agad ng bartender. “Usual, sir?”Phoenix loosened his tie as he sat at the bar. “You already know.”Within minutes, may whiskey nang nakalapag sa harap niya. He took a slow sip. No glasses. No awkward posture. No oversized shirt. Naka-dark suit siya, sleeves slightly pulled back, expensive watch visible beneath his cuff. D
“Nick, stop touching your tie.”Agad na ibinaba ni Nick ang kamay mula sa leeg niya.“Sorry po, Ma’am Valeria.”Napabuntong-hininga si Valeria habang nakatingin sa kaniya mula sa kabilang side ng elevator.“That's the fifth time.”“Hindi po kasi ako sanay.”“I can tell.”That evening, may annual charity dinner ang isa sa long-time business partners ng Boromeo Group sa isang hotel sa Makati. Normally, kaya naman ni Valeria na pumunta nang mag-isa, makipagkamay sa investors, ngumiti para sa photographs, then leave as soon as socially acceptable.Pero dahil may ilang executives at potential suppliers na kailangan niyang makausap, isinama niya si Nick.Looking at him now, she was beginning to question that decision.At least maayos naman itong tingnan. Dark suit, white shirt, plain tie. Nandoon pa rin ang makapal na salamin, though.Unfortunately, mukhang gusto nitong tumakas.“Relax,” sabi niya.“I’m trying po.”“You look like you're attending your own trial.”Napatawa ito
Pasado alas-nuwebe na ng gabi nang tuluyang isara ni Valeria ang laptop.“Enough. Kapag may nagbago na naman sa projections tonight, bukas ko na sila sasakalin.”Napatingin si Nick mula sa kabilang side ng mesa. “Good decision po, Ma’am Valeria. Medyo late na rin para maghanap ng bagong Finance team.”Napataas ang kilay niya.“Did you just make a joke?”Bahagyang napangiti si Nick. “Hindi po ako sure kung joke iyon.”“Work on it.”Sinimulan nitong ayusin ang mga folders na nagkalat sa mesa.Kanina pa silang dalawa naiwan sa executive floor dahil kailangan nilang tapusin ang proposal para sa Batangas expansion. Tatlong beses nagbago ang projections mula Finance, kaya ang inaasahan ni Valeria na matatapos bago mag-alas-siyete ay umabot nang ganoon kalate.Napahilot siya sa batok bago sumandal.“What time is it?”“9:24 po.”Valeria sighed. “Great. Twelve hours na yata akong nandito.”“At wala pa po kayong proper dinner.”Dahan-dahan siyang napatingin kay Nick.“Don't start







