LOGINChapter 150Muling kumunot ang mga noo ni Cormac, nagpapakita ng isang halong pilit na ngiti.“Kailangan mo ring isaalang-alang ang nararamdaman mo. Ayokong pilitin ka, pero kailangan din nating magpatuloy. Kahit wala ng maging anak na magmamana, kailangan ng Lagdameo family ng tagapagmana iyon ang mahalaga.”Walang sariling anak sina Havoc at Ashley, tanging anak na ampon nilang si Maxine, na itinuturing nilang apo.Natural na nag-alala sina Olivia at Rigor.Bahagyang kumunot ang noo ni Cormac.Tahimik siya ng ilang segundo, ang kanyang itim na mga mata ay tila hindi maunawaan.“Sa anumang paraan, marami na tayong ampon sa pamilya. Kung gusto mo ng tagapagmana, puwede kayong pumunta ng Papa mo sa welfare center at pumili ng isa na iaampon at palalakihin sa ilalim ng pangalan ko.”“Hindi mo puwedeng sabihin iyon!” Hindi pangkaraniwan ang tindi ng mukha ni Olivia.“Kung magkakaroon ka ng lakas ng loob na sabihin iyon sa harap ng Papa mo, mag-ingat ka, baka ipataw niya ang disiplina ng
Chapter 149Mabilis ba yumuko si Cormac, kinurot ang magkabilang pisngi ni Yuan at bahagyang inangat siya. Mabigat nga ang bata.Agad namang lumapit si Glenn at kinuha ang bata mula sa gilid.“Ako na,” sabi nito.Magaan na binuhat ni Glenn si Yuan at inangat hanggang makaupo ito sa kanyang balikat.Malawak at maliwanag ang tanawin.Unang beses ni Yuan na makita ang mundo mula sa ganitong taas.“Wow!” napasigaw siya.Lumaki ang mga mata niya sa gulat at tuwa.Samantala, nanlilim ang mukha ni Cormac.“Bumaba ka,” malamig niyang utos.Napaurong si Yuan, bahagyang yumuko ang ulo.Tumingin ito kay Cormac na madilim ang expression.Malinaw ang pagkainis sa pagitan ng kanyang mga kilay.Naduwag si Yuan. Bumaba siya mula kay Glenn habang pinagmamasdan si Cormac. Pag-uwi niya, isusumbong niya ito sa kanyang lola.Nanatiling ilang metro ang layo ni Cormac sa kanila.“Lumapit ka rito,” sabi ni Cormac.Dahan-dahang lumakad si Yuan, parang pagong.Inabot ni Cormac ang bata, hinawakan siya sa kilik
Chapter 148“Ayoko pong sumama kay Manang Lorie,” mahina ngunit matigas ang boses ng bata habang nakayuko.Ayos lang naman sana na ito ang sumama, pero masyado na itong matanda. Wala silang masyadong mapag-usapan, ramdam ang agwat ng henerasyon. Iba pa rin kapag si Uncle Cormqc ang kasama niya—masaya, cool, at pakiramdam niya ay naiintindihan siya nito.Mas ayaw niya kay Manang Lorie kaysa sa pinsan niyang si Maxine. Mula pa noong maliit siya, hindi na talaga niya gusto makipaglaro kay Maxine.Kinurot ni Cormac ang pisngi ng bata. Namaga ang mga pisngi nito na parang pufferfish habang bumubuka-sara ang bibig.“Please, Uncle,” pakiusap ni Yuan.Tumango si Cormac. “Sige, tara na.”“Uncle, ikaw na talaga ang best uncle sa buong mundo!” biglang niyakap ni Yuan ang binti ni Cormac. Hindi na siya pinatapos magpalit ng damit—hinihila na agad pababa ng hagdan.Sa ibaba, nasalubong nila sina Havoc at Ashley.Yumuko si Havoc, hinaplos ang buhok ni Yuan, saka ito binuhat. “Mukhang hindi ako ang
Chapter 147Dumating sina Naomi at Neriah sa bahay ni Lola Maria. Umaalingasaw mula sa kusina ang masarap na amoy ng nilulutong pagkain. Pinaupo ni Naomi ang anak sa sala upang manood ng cartoons, saka siya nagtungo sa kusina. Naghugas siya ng kamay at tumulong kay Lola Maria.May bahid ng lungkot sa mukha ng matanda.Umuugong at bahagyang nanginginig ang range hood—isang lumang modelo na kapag umaandar ay tumutulo pa ang mantika. Napatingin doon si Naomi at naisip niyang bago siya tuluyang umalis, kailangan niyang ibili si Lola Maria ng bago.Kapag hindi binabanggit ng mas nakababata, ang mga matatanda ay laging nagtitipid— nagtitipid sa pagkain at damit, at tinitiis kahit may karamdaman.Bumuntong-hininga si Lola Maria. “Kung talagang kailangan mong umalis, sobra kitang mami-miss… pati ang bata.”“Madalas naman po akong babalik,” sagot ni Naomi.Hindi napigilan ni Lola Maria na magtanong, “Talaga bang wala kang nararamdaman para sa anak kong si Glenn? Kahit kaunting gusto man lang?
Chapter 146Pinunasan ni Naomi ang gilid ng kanyang labi, at ang laway nilang magkahalo ay naglasang dugo. Bigla niyang naalala ang malamig na anyo ni Cormac. Akala ba nito ay si Glenn ang nasa labas?Sumunod siya kay Cormac.Malalaking hakbang ang ginawa ng lalaki; ilang sandali lang ay nasa pintuan na siya at bigla niya itong binuksan.Sa labas, isang estrangherang babae ang nakatayo.Tumingin ito kay Cormac. Na—s-sorry… narito ba si Naomi?”Natigilan si Cormac at lumipad ang tingin sa labas, hinahanap si Glenn pero wala ito. Nakatitig sa kaniya ang babae.“Charlotte ,” sabi ni Naomi habang papalapit, biglang lumipat ang tingin ni Charlotte kay Naomi tas kay Cormac tas pabalik kay Naomi ulit. Kinuha ni Naomi ang isang tumpok ng libro mula sa coffee table saka inilagay sa plastik, at iniabot sa babae. “Handa na itong mga libro, ito.”“Ay, salamat,” sagot ni Charlotte . Sandaling tumingin ito kina Naomi at Cormac, saka ngumiti na parang may alam. “Nakaistorbo ba ako?”“Hindi ano ka ba
Chapter 145Tahimik si Cormac na ikinagulat ni Naomi, pero inaasahan na niya iyon. Kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita.“Hindi mo ako gusto, naaawa ka lang sa sitwasyon ko. Isa pa, hindi naman dapat nag-umpisa ang relasyon natin. Magkaiba ang buhay natin, magkaiba ang tinatahak nating landas, at wala talagang posibilidad na magtagpo ang mga iyon. Hindi dahil kay Glenn o may asawa ako, hindi iyon ang dahilan kaya hindi tayo magkakasama. Kahit wala siya, hindi pa rin tayo aabot sa puntong ito. Langit ka at lupa lang ako.”Tumingin sa kanya si Cormac, bahagyang kumunot ang noo. “Hindi ikaw ako, kaya paano mo nasasabing hindi kita gusto?”“Alam ko lang,” mahinahong sagot ni Naomi habang nakatingin sa kanya, kalmado ang tinig.Itinulak niya si Cormac palayo.Hindi malinaw kung nalihis ba ang isip ni Cormac sa sandaling iyon, ngunit madali siyang napaatras ni Naomi. Dumiretso siya sa may pintuan ng silid saka binuksan ang ilaw, at agad na naliwanagan ang maliit na kwarto, sapat upang pawiin







