Chapter 146 – Iba na Ako!“Papa, Mama, si James po!” sabi ko sa kanila.“James!” magkasabay na bigkas nina Mama at Kuya Phillip.“James? Ito yung James na asawa mo? Ito yung lalaking...umano sa iyo???” galit na sabi ni Kuya Hunter, sabay tayo at anyong susuntukin si James. Mabuti na lang at pumagitna agad si Kuya Phillip at inawat si Kuya Hunter. “Hunter, pigilan mo yang galit mo! Huwag kang mag-iskandalo dito!” sabi ni Kuya Phillip. “Ikaw naman James, lumayo ka muna. We will talk about this some other time. Ilayo mo na siya, George!”Mabuti na lang at naka-dim ang ilaw sa Grand Ballroom. Kung hindi, napakalaking iskandalo ang mangyayari. Pinayapa ni Kuya Phillip si Kuya Hunter, gayun din sina Papa at Mama. Dahil nasira na ang mood ng okasyon, nagdesisyon na si Kuya Phillip na umuwi na kami.Kinabukasan sa hapag kainan habang nag-aalmusal kami ay humingi ako ng paumanhin kina Papa, Mama, Kuya Phillip, at Kuya Hunter. “Sorry po sa nangyari kagabi!” mahina kong sabi“Wala ka
Chapter 145 - Parang Walang Asawa!“Bakit may ipinagmamalaki ka na ba?” usisa ni James. “Sino? Si Ethan?”“Sino??? Si Ethan? Ipagmamalaki ko sa iyo?” nagtataka kong tanong. “Si Ethan, nagpapadala pa lang siya ng mga bulaklak sa akin, okay? What is wrong with that!”“May-asawa ka, George!” impit na sigaw ni James.“Asawa? May-asawa nga ako pero wala naman siya sa buhay ko! Sabi niya mahal niya ako pero wala naman siyang ginagawa para patunayan ito. Magkalapit nga kami pero parang long distance relationship ang nangyayari sa amin. I need to be loved and cherished, I need stability, and most of all I need him to be there for me. Sabi nga ni Ethan, 'Actions speaks louder than words!'” inis kong sabi.“So, nag-uusap pala kayo ng Ethan na iyon!” galit na sabi ni James. “Mag-iingat ka sa kanya!”“Wala namang masama kung mag-usap kami. Usap lang naman yun!. It's not as if may ginagawa kaming milagro!” inis na inis kong sabi kay James. “Besides, ngayon ko lang kasi nararanasan ang maliga
Chapter 144 -Naghahabol!Hindi ko pinansin sina James at Ethan sa stage pero nararamdaman ko na ang kanilang mga mata ay nakatitig sa akin. Nang matapos tawagin ang sampung awardee sa stage ay picture-picture muna at pakikipag-kamay ng bawat awardee sa isa't isa. Kinamayan lang ako ni James. Kinamayan at hinalikan naman ako sa pisngi ni Ethan. Nakita kong sumimangot si James sa kanyang nakita.Inalalayan naman ako ni Ethan pababa ng stage at hinatid papunta sa mesa nina Papa. Ipinakilala ko si Ethan sa aking mga magulang at mga kuya. “This is Ethan Montenegro, CFO of Publicus!” pakilala ko sa kanila.“So, ikaw yung infamous flower sender ni George!” sabi ni Papa.“Guilty as charged, Sir!” sagot ni Ethan. “So nice to finally meet you all!”“Ethan, taga-saan ka?” tanong ni Mama.“Mam, sa kabilang kalye nyo lang po ako nakatira.” sabi ni Ethan.“Ano? Sa kabilang kalye ka lang nakatira? Talaga?” gulat na sabi ni Kuya Hunter. “Wait, kapatid mo si Marcus Montenegro?”“Oo, younger
Chapter 143- Awards Night.Isang buwan ng ang nakakalipas mula ng huli kaming magkita ni James. Oo, tumatawag siya tuwing gabi upang kumustahin ako pero other than that, hindi siya nag-eexert ng effort para puntahan ako, dalawin ako o makipagkita ng personal. Naiinis na ako sa ganitong relationship set-up namin. Parang long distance relationship, gayung pareho lang naman kaming taga-Makati.Patuloy namang nagpapadala ng bulaklak o dili kaya ay chocolate o pagkain si Ethan, na kinakainis ni JJ. Hindi na kami muling nagkausap pa magmula noong magkasabay kaming nag-jogging.Dahil bakasyon ni JJ sa school at bilang regalo ko na rin sa kanya sa pagiging top 1 sa klase ay nagbakasyon kami sa aming beach resort and hotel sa Boracay dahil hindi pa nararanasan ni JJ ang maligo sa beach. Two days lang naman kami sa Boracay. Parang bonding na rin namin mag-ina ang bakasyon na ito. Pero malungkot si JJ dahil nakikita niya sa beach ang pami-pamilyang nagbabakasyon kasama ang kanilang mga ama.
Chapter 142-Bakit Ako?Isang eye-opener ang mga salitang binitawan ni JJ. Sino ag mag-aakala na talo pa ng isang maglilimang taong gulang na bata ang kanyang 26 years old na Mommy pagdating sa pagdedesisyon sa buhay!“Yaya! Kunin mo na si JJ, paghilamusin mo na at mag-brush kamo ng ngipin.” utos ko kay yaya. Kinuha nga ni yaya si JJ pero habang nilalayo ni yaya ito ay masakit na tingin ang pinupukol niya sa akin. Nang maiwan na kami sa hapag kainan ay masinsinan akong kinausap nina Papa at Mama. “Ano pa ba ang problema ninyo ni James at hindi pa kayo nagsasama?” tanong ni Papa.“Ako po ang may problema, Papa.” sagot ko. “Hindi kasi alam ni James na may anak na kami. Hindi ko pa ito naipagtatapat sa kanya.”“Di kausapin mo siya! Ipagtapat mong may anak siya sa iyo!” sabi ni Kuya Phillip.“Hindi ko alam kung matatangap niya si JJ. Basta ko na lang bang sasabihin sa kanya na 'Hoy! Nagkaanak ako sa iyo! Kilalanin at akuin mo ito!' Matagal na panahon na ang nakalipas.” sagot ko.“
Chapter 141-Imaginary friend.Gabi, habang kumakain kami ng hapunan ay lumapit si yaya na may bitbit na regalo. Naka-gift wrapped pa ito.“Ano yan, yaya?” tanong ni Kuya Hunter.“May nagpadala po ng regalo para kay JJ.” sagot ni yaya.“Regalo? That's weird! Hindi naman birthday ni JJ!” sabi ni Kuya Phillip.Inabot ni yaya ang regalo kay JJ. Binasa ni JJ ang nakasulat sa gift card. “JJ, So proud of you!”walang nakasulat kung kanino galing ang regalo. Agad namang binuksan ni JJ ang kahon at bigla itong sumigaw ng malakas sa tuwa ng makita ang nakasulat sa kahon. Isa itong 13-inch iPad Pro M4 Wi-Fi + cellular 2TB na may kasama pang Apple Pencil Pro. Top of the line at latest model ng iPad ito!Nagulat kaming lahat sa regalong natanggap ni JJ. “Kuya, sino sa inyo ang nagpadala ng iPad kay JJ?” tanong ko kina Kuya Phillip at Hunter.“Naku, hindi kami! Ni hindi nga namin alam kung anong okasyon kung bakit siya binigyan ng regalo!” sabay na sagot nina Kuya Phillip at Hunter.Hindi