Magnus' Protection

Magnus' Protection

last updateTerakhir Diperbarui : 2026-05-02
Oleh:  CursedExpensiveOngoing
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
8Bab
124Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Alina Montemayor was bound in marriage to Viktor Villaflor—the son of her father’s business partner and heir to a powerful and influential family. Her marriage to Viktor was far from what she had hoped. Instead of love, she endured cruelty. He hurt her, disregarded her, and never treated her as his wife. After her father’s death, Alina uncovered an even deeper betrayal. She found Viktor in their own house with another woman—Ellice Montemayor, her own stepsister. The pain pangs in her heart because of betrayal. A night that she experienced an ultimate betrayal, when her husband cheated on her. She ran, crying under the rain. In the darkest moment of her life, she saw a man she never expected—Magnus Sebastian Blackwood, a young billionaire, flawless, cold, untouchable—a major enemy of her ex-husband’s family, Viktor's own half-brother. In a single night, Alina’s world was thrown into deep chaos… and nothing would ever be the same. She promised herself that when she returned to the city, she would take revenge on all the people who had ruined her life.

Lihat lebih banyak

Bab 1

Prologue

“Oohhh damn, Viktor! You're so good,” iyon agad ang bumungad sa aking tenga, pagkatungtong ko pa lamang sa unang baitang ng hagdan papasok sa aming pintuan.

“Yeah? You like it so much, hmm?” Si Viktor, alam kong si Viktor iyon.

Ang boses nilang dalawa, pamilyar sa akin pareho. Ayokong isipin na ang babaeng naririnig ko ngayon, ay siya rin na nakasama ko sa loob ng sampung taon.

Nanginginig man ako, nagpatuloy ako sa pagpasok. Nanginginig ang katawan kong sinulyapan mula sa pintuan ang dalawang taong taksil ngayon na nasa aking harapan. Pumatak ang luha ko, hindi ko binigyan iyon ng pansin, hinayaan ko lamang itong tumulo nang tumulo.

“Mas—mas masarap ba ako–oohhh–sa a-asawa mo, Viktor?” rinig kong tanong ng babae habang may kasamang halinghing.

“Of course, Ellice,” sagot ni Viktor, ang asawa ko. Patuloy lamang itong gumagalaw sa ibabaw ng babaeng iyon, sa ibabaw ng sarili kong stepsister, si Ellice.

Nanghihina akong napaatras at tahimik na tumakbong palayo sa bahay na iyon.

Paulit-paulit na bumabalik sa utak ko ang mga sinasabi nila sa isa't isa, paulit-paulit kong naririnig ang mga halinghing na galing sa bibig nilang dalawa.

Habang tumatakbo ako, may babae akong nabangga dahilan para matumba ako.

“Ano ba? Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?” naiinis na tanong sa akin nito.

Hindi naman ako nagsalita at tumayo lang, handa na sana ako umalis ulit ngunit agad akong hinila pabalik no'ng babae.

“Pipe ka ba? Ano? Hindi ka man lang ba magso-sorry?” bakas na sa boses niya ang pagkapikon sa akin, tumingin ako rito at agad na nagsalita.

“I’m sorry, I didn't mean na mabangga ka,” mahina kong usal, humihingi ng paumanhin. Binitawan naman ako ng estrangherang babaeng ito.

“Marunong naman pala mag-sorry.” Muling singhal niya‘t inirapan ako bago ako lagpasan.

Muli na sana akong tatakbo noong tumunong ang aking cellphone, na noong makita ko kung sino’y naalala ko muli sa aking isip ang ginagawa nila.

“H-hello?” saad ko matapos kong sagutin ang tawag, naririnig ko pa ang pagod na hingal ni Viktor.

Alam ko, sa puntong ito ay nasusuka na lamang ako sa pandidiri sa mga taksil na ito

“Where are you? Anong oras na, hindi ka pa rin umuuwi?” mahinahon niyang tanong sa akin, pero kahit gano'n ay bakas sa tono niya ang galit sa akin. Pumikit ako nang mariin, pinipigilan ang sarili na huwag umiyak.

“N-nandito pa kasi ako kila tita, u-uuwi rin ako mamaya…” pagsisinungaling ko sa kaniya.

Uuwi? Uuwi nga ba talaga ako sa bahay na iyon?

Wala na akong narinig pa mula sa kabilang linya, akala ko ay pinatay na niya ang tawag dahil isang minuto na siyang hindi nagsasalita, gano'n na lang ang gulat ko pagkatapos kong marinig ang mga boses nilang dalawa ni Ellice.

“Bakit kasi hindi mo na lang siya iwan? We have everything naman na ah?” malandi ang kaniyang boses matapos niyang itanong kay Viktor iyon.

“Kapag iniwan ko siya, wala na akong magiging katulong rito. Huwag ka mag-alala, habang naririto siya ay sa condo na muna kita hmm? We will live there na parang tunay na mag-asawa, hanggang sa manganak ka,” natutuwang sabi ni Viktor kay Ellice, narinig ko naman siyang tumawa dahil sa kilig.

Pero natigilan ako. Manganak? Buntis si Ellice? Ang ama ay si Viktor?

Dahan-dahan kong nilayo ang cellphone ko sa tenga ko at pinatay ang tawag. Hindi inaasahan ay sinabayan ako ng kalangitan sa aking pagtangis, sa sakit na nararamdaman ko dahil sa taong nangako noon sa harapan ng Diyos at maraming tao na aalagaan niya ako, na mamahalin niya ako, at hindi ako sasaktan.

Ngunit sa loob ng dalawang taon, wala akong naranasang iba kundi sakit, takot at lungkot. Ang akala ko na magiging bagong buhay ko na masaya, ay bubuo lang pala sa aking pagkatao na puno ng pagtatanong sa aking sarili kung nararapat lamang ito sa akin.

Hindi ko maintindihan kung kaya ba ako tumatakas dahil sa takot o dahil sa sakit sa mga nakita ko noong mga oras na iyon. Hindi ko alam, gulong-gulo ang isipan ko, iyon ang naiintindihan ko sa puntong ito.

Kasabay ng malakas na pagpatak ng ulan ay ang bilis na pagpatak ng mga luha ko.

Muli ay tumakbo ako. Lakad at takbo ang ginagawa ko, walang pakealam kung madulas ako dahil sa lakas ng ulan. Alam kong dapat ko na asahan ang senaryong iyon, pero bakit ang stepsister ko pa?

Hindi naging mabuti si Ellice sa akin, lalo na ang aking asawa. Tumigil ako sa pagtakbo noong mapansin na malayo na ako, wala sa oras akong napahilamos sa aking mukha at mariin na pumikit.

“Tangina! Bakit ganito?” malakas kong sigaw, kasabay no'n ay ang malakas na kulog mula sa langit.

“I didn't do anything bad, so why?! Do I deserve this?! Am I a bad person?” I shouted while looking at the dark sky.

Shit this life, I hate my life. My life back then was perfect, I have my dad that's always supportive, everyone likes me because they said na I'm kind. So why? Bakit ko nararanasan ito? Kung naging mabuting tao ako, bakit ko nararanasan ang karmang ganito? I just lost my dad last week, kakahatid ko lang sa kaniyang huling hantungan, kinuha ng aking tinanggap na pamilya ang lahat na dapat sa akin, at ngayon makikita ko ang kawalang-hiyaan ng mga taong nasa paligid ko.

Umiiyak akong tumayo ng tuwid at kalaunan ay tumawid ako sa kalsada kahit maraming rumaragasang sasakyan, hindi iniisip kung ano ang aksidente na maaari kong harapin, malalakas na busina ang aking narinig na hindi ko pinapansin. Sa sakit na nasa aking isipan, wala sa oras akong nadapa, at wala na akong pakealam pa kung may mga dumadaan na sasakyan.

Sa isang iglap, isang maliwanag na ilaw ang bumalot sa aking mga mata galing sa kotse na ngayon ay malapit na akong masagasaan. Pinikit ko ang aking mga mata, handa na akong tanggapin ang mangyayare sa aking trahedya. Ngunit makalipas lang ang ilang segundo ay wala akong naramdaman na sakit o pagtama ng kung ano sa akin, ngunit ang maliwanag na ilaw ay naroroon pa rin.

Dahan-dahan ay minulat ko ang mga nakapikit kong mata, pero isang kilalang pigura ang dahan-dahan na lumabas sa kotse, hanggang kaniyang natakpan ang ilaw, dahilan upang mas lalo ko siyang maaninagan kahit madilim, at malakas ang ulan.

“Magnus,” mahina kong tawag sa kaniya.

Pinanood ko siyang iluhod ang isang hita paharap sa akin, habang pinapanood niya akong umiiyak sa ilalim ng ulan na ito.

Basa na rin ito ng ulan.

Inangat niya ang kaniyang kamay at walang atubiling pinunasan ang aking pisngi, nagitla man ako ngunit hindi ko malaman ang dahilan kung bakit nagpatianod ako sa kaniyang mga haplos.

“Stop crying, they don't deserve it,” usal niya sa aking harapan. “Shh, it's okay,” dagdag pa nito.

Wala sa wisyo kong inangat ang aking mga braso at niyakap siya ng mahigpit, naramdaman ko ang kaniyang pagyakap pabalik.

“H-hayop silang lahat,” umiiyak at humahagulgol kong sambit. Hinaplos niya pataas at baba ang aking buhok, dahilan para mas lalo akong umiyak sa kaniyang mga bisig.

Lumayo ako sa kaniya, nakatitig sa akin na animo’y naiintindihan kung ano ang nararamdaman ko ngayon, kung ano ang pinagdadaanan ko.

“I will help you get your justice.” Ang tanging nagawa ko lang ay tumango.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Tidak ada komentar
8 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status