Chapter 25 – Prostitution sa Modeling Isinama ko nga ang Kuya Hunter ko sa London Fashion Show. Doon na kami nagkita ni kuya dahil mangagaling siya sa Pilipinas at kami naman ni Chrissy ay sa Los Angeles naman mangagaling.Natupad nga ang hiling ni Kuya Hunter na mai-display ang mukha niya sa red carpet ng London Fashion Show dahil siya ang naging escort ko. Hindi naman pahuhuli sa kagwapuhan at tangkad ang Kuya Hunter ko sa mga dayuhang models na kasama ko sa runway. “O ayan! Wish granted ka na!” sabi ko kay Kuya Hunter. “May isang taga-media ang nagtanong kay Kuya Hunter, “Are you the boyfriend of Love?”Hindi sumagot ang kuya ko. Ngumiti lang siya na may pagka-misteryoso.Pagkatapos ng London Fashion Show ay nagkaroon ng isang after party event na sponsored ng Burburry sa Q-Shoreditch kung saan umattend din ang mga kilalang fashion models na kasama ko rin sa show. Nandoon din si Chrissy at si Kuya Hunter na tila starstruck sa mga nakikita ang nakakahalubilong mga internat
Chapter 26 - Arranged MarriageOne week pagkatapos ng London incident na kinasangkutan ko nagpasya na akong umuwi sa Pilipinas. Kulang tatlo at kalahating taon na rin ako dito sa Los Angeles. Tinapos ang pag-aaral ng dalawang taon at nagtrabaho bilang isang commercial at fashion model ng isang taon. Nagpaalam ako kay Chrissy na babalik na ako sa Pilipinas pagkaraan ng dalawang buwan.“What??? Was it because of that London incident? What are you going to do in the Philippines?” tanong ni Chrissy. Ako kasi ang may pinakamataas na bayad at laging kinukuha sa kanyang grupo ng mga models. Siyempre, malaki na rin ang komisyong nakukuha niya mula sa talent fees ko kaya nanghihinayang siya. “Anyway, that won't be a problem. I'll just call you if there is a nice and good-paying projects for you to do. Will that be okay with you?”“I am going back to the Philippines to rest for one month and look for a low-key, uncomplicated job over there.” paliwanag ko sa kanya. “Modeling for you will not
Chapter 27 – Sino si James?Kinagabihan, tumawag ang Kuya Phillip ko. “George! Nasa Makati Medical Center kami. Inatake si Mama sa puso!” sabi ni Kuya Phillip. “Nasa surgery siya ngayon at kritikal ang kanyang kalagayan. Inooperahan siya ngayon! Heart by-pass operation.” “Baka na-trigger ang sakit niya sa puso dahil sa sinabi ko, kuya! Sabi ko kasi kung ipipilit niya ang arranged marriage na gusto niya, ituring na lang niya akong patay.” umiiyak kong kuwento ko kay Kuya Phillip. “Kasalanan ko kapag may nangyaring masama kay Mama!”“Puwede ngang na-trigger ang sakit sa puso ni Mama dahil sa hindi ninyo pagkakaunawaan.” sagot ni Kuya Phillip. “ Huwag mong sisihin ang iyong sarili. Actually, kinausap ko siya tungkol sa pagpapakasal mo sa anak ng bestfriend niya. Ang katwiran niya, bukod sa ito ay isang sagradong kasunduan nilang mag-bestfriend ay nais niyang makita na nasa maayos kang kalagayan sa iyong buhay may-asawa.”“Sige kuya, balitan mo na lang ako sa kalagayan ni Mama.” paa
Chapter 28 – Bakla si James?Naudlot ang pagbalik ko sa Pilipinas dahil sa arranged marriage na gusto ng Mama ko. Bukod kasi sa ayaw kong makita ng personal ang kalunus-lunos na kalagayan ng Mama ko sa Pilipinas pagkatapos niyang operahan sa puso ay ayaw kong bumalik agad sa bansa baka hanapin at puntahan ako sa bahay namin ng James na anak ni Ninang Rose na siyang mapapangasawa ko raw .Naihinga ko kay Chrissy ang aking problema. Humingi ako sa kanya ng payo. “What??? Arrange marriage??? Is that still done? Darling, you can always refuse that arrangement!” gulat na sabi ni Chrissy. “Besides, you're already an accomplished model! You don't need him or his money!”“Chrissy, you know us Filipinos, we value our parents more than anything else. I was the cause of my mother's recent heart attack which almost cost resulted to her death. I don't want my mother to die!” umiiyak kong kuwento kay Chrissy. “Please help me!”“If you cannot avoid marrying this man, you can at least do it here
Chapter 29 – Ano ang hidden agenda ni James?Inumpisahan ko na ang pagsisiyasat sa background ni James.Kailangan malaman ko kung ano ang sikreto ng James na ito. Bakit pumayag itong magpakasal sa akin. May hidden agenda ang lalaking ito.Alas nuwebe ng gabi sa Los Angeles, tinawagan ko si James sa kanyang cellphone. Hindi via messenger para hindi niya ako makita at hindi niya malaman ang FB account ko. Matagal bago niya sinagot ang kanyang cellphone.“Hello! Is this James Vergara?” magalang kong tanong.“Hello! Sino ito? Ang aga aga mong tumatawag! Alas-kuwatro pa lang ng madaling araw! Nakaka-istorbo ka ng tulog!” sigaw ni James na parang pupungas-pungas pa ang kanyang boses. “Sino ka ba.? Paano mo nalaman ang cellphone number ko? Put......ina mo!“I am so sorry! My fault! I forgot the time difference between here in Los Angeles and Manila. Anyway, I'll call you later!” paghingi ko ng paumanhin kay James. “By the way, this is George Razon. Ninang Rose gave me your number. Bye!”
Chapter 29 – Money and Power ang dahilan!“No way! Kailangang matuloy ang kasal na ito! Kahit na sa anong paraan!” galit na sagot ni James. “Kailangang mangyari ang ating kasal two week from now! Yan ang pinangako ko kay Mommy!”“Ang kapal ng mukha mo! Hindi mo pa nga ako kilala, o namumukhaan man lang at higit sa lahat hindi mo pa ako nakakausap kung payag ba ako o hindi sa kasalang ito, nangako ka na sa mommy ng petsa ng kasal?” galit kong sabi. “Ang kapal na ng mukha mo, assumero ka pa! Ano ang tingin mo sa sarili mo? God's gift to women?”“I am so sorry, pero ako nga iyon!” “ patawang sabi ni James.“Gago ka pala! Sobrang bilib mo sa iyong sarili!” galit kong sagot.“E ikaw, ano naman ang hitsura mo?” tanong ni James. “Wala ka kasing picture profile sa iyong FB account. Wala ka ring Tiktok, Snapchat o X account. Actually, parang dormant na nga ang FB page mo, kasi yung huling posting doon was three years ago pa.”“Aba't bina-background check mo na ako? Stalker ka! Pangit
Chapter 30 – Kontrolado ko Dapat ang Arranged Marriage ko!Tatlong araw na ang nakalipas, hindi ko pa rin tinatawagan si James. Tatlong araw kasi ang palugit na hiningi ko para makapagdesisyon kung magpapakasal ba ako sa kanya o hindi. Habang nagpapahinga ako sa photo shoot ko para sa isang sports magazine ay tumawag siya. Dahil maingay ng paligid ay medyo lumayo ako ng puwesto.“Hello, James!” sago ko sa kanyang tawag.“Hello, George! Hinihintay ko ang tawag mo sa akin kahapon. Hindi ka tumawag, kaya tinawagan na lang kita! Ano ang desisyon mo?” tanong ni James.“Kung hindi lang dahil kay Mama ay hindi talaga ako magpapakasal!” sagot ko.“So, payag ka nang magpakasal tayo?” tanong ulit ni James.Payag na ako but it has to be on my own terms! Either you take it or leave it!” ultimatum kong sabi ka James.“Your terms????” tanong ulit ni James.“Bingi ka ba? Ayaw mo???” hamon ko kay James.“Hindi naman sa ayaw, kaya lang.....” sabi ni James“Love! Let's resume the photo shoot
Chapter 32 - Pagdating sa pera, una ako diyan!Nagdadalawang-isip si James kung itutuloy pa niya ang kasunduan ng Mommy niya sa Mama ko na pakasalan ako. Una, pangit ako. Ikalawa, sobrang dominante ako at dinidiktahan siya. Pangatlo, nanghingi ako ng kabayarang Ten Million Pesos para magpakasal sa kanya! Sinadya ko talagang gawin ito para umatras si James sa aming kasal.Isang araw pagkatanggap ng aking email ni James ay nag-reply itong payag siya sa lahat ng aking mga kondisyon. “Hala! Pumayag siya! Ano ang hidden agenda ni James? Kapit sa patalim?” sabiko sa sarili.Muli ko na namang tinawagan si James. Sinadya kong tumawag ng madaling araw sa Pilipinas para magalit at mainis na naman siya sa akin. “Hello, George! Talaga bang nananadya kang tawagan ako tuwing madaling araw? Antok na antok pa ako!” sabi ni James.“Magdusa ka! Gusto mo akong pakasalan di ba?” panunudyo ko kay James. “Sobra ka namang kapit sa patalim, matuloy lang ang kasal natin!”“Wala ka ng pakialam doon!” g
Chapter 57 – Takot sa Pakikipagrelasyon!Magaling na ako at nakabalik sa rin sa trabaho. Open secret na ang relationship namin ni James sa opisina. Si James naman lalo siyang naging sweet sa akin. Every Sunday ay sa condo ko na siya nagbababad pagkatapos naming magsimba sa umaga, mamasyal at kumain sa labas.Minsan tinanong ko siya tungkol sa aming relasyon. “James? Saan hahatong itong relasyon natin? Pareho tayong may-asawa! Kung saka-sakaling magkatuluyan tayo, gusto mo bang magka-anak? Ano ang hinahanap mo sa isang babae? Ano ang expectation mo sa magiging asawa mo?” sunud-sunod na tanong ko sa kanya.Nagulat at parang nalito si James sa mga tanong ko. “Bakit parang nalito ka sa mga tanong ko? Wala ka bang balak na magkatuluyan tayo?” malungkot kong tanong.“Hindi naman ako nalito. Nagulat lang ako sa mga tanong mo. Kasi coming from you, para kasing ikaw yung may mga agam-agam sa ating relasyon. Lagi kang umiiwas kapag medyo umiinit na tayo sa romansa. Ikaw itong takot na ipa
Chapter 56- Pantasya ng BayanSinusubuan ako ni James ng pagkain para raw makakain akong mabuti. Patingin-tingin lang naman sa amin si Kuya. Nang matapos akong pakainin ay saka pa lang ito kumain. Maya-maya may kumatok sa pinto, si Kuya Hunter pala.“Sis! Ano ba ang nangyari? Ngayon lang ako nakarating dito kasi ang dami kong inasikaso sa office.” sabi ni Kuya Hunter habang nakatingin kay James. “Kumusta ka na?“Okay lang kuya! Masakit kapag gumagalaw ako.” sagot ko kay Kuya Hunter. “Si James pala, Boss ko. Siya ang CEO ng JV Groupe Advertising.”Nakipagkamay naman si Kuya Hunter kay James.“Boyfriend niya!” pahabol ni Kuya Phillip.“Boyfriend? That's a first!” sabi ni Kuya Hunter. “Gaano na kayo katagal naging magboyfriend?”“Kuya!!!” sawata ko kay Kuya Hunter.“Well, three months na!” sagot ni James.“Three months and we got to know about it now?” galit na sabi ni Kuya Hunter. “You know James, she is our baby sister! That is why, overprotective kami sa kanya ni Kuya Phillip
Chapter 55 - Si Ava ang sumaksak sa akin!Sinugod ako sa Emergency Room ng Makati Medical Center. Si James pala ang nagsugod sa akin doon. Hindi na siya pinapasok sa ER pero kinunan muna siya ng statement sa kung ano ang nangyari sa akin ng mga pulis na naka-assign sa ospital dahil nasaksak nga ako.Nagising ako sa aking hospital bed kinabukasan ng umaga. Si Kuya Phillip ang una kong nakita na natutulog sa may sofa na katabi ng kama ko. “Kuya Phillip?” mahinang tawag ko sa kanya.“George! Kumusta na ang pakiramdam mo! Napasugod ako dito kaninang madaling araw ng tawagan ako ni James sa cellphone ko. Nag-ala tsamba lang siya ng pagtawag sa akin at tinanong kung kapatid daw ba kita dahil ang nakalagay lang sa contact ng cellphone mo ay kuya. Akala ko nga ay prank call.” sabi ni Kuya Phillip. “Pero nung makita kita dito ay natakot ako!”“Ngayon ko lang naramdaman ang sakit ng sugat kuya.” mahinang sagot ko. “Nasaan na si James?”“Kakaalis lang niya at babalik daw siya after two hou
Chapter 54 – The Disgruntled Ex!Ahhhh... wala na akong mahihiling pa. Unti-unti ko ng nakakalimutan ang rape na nangyari sa akin almost four years ago. Nawala na rin ang takot ko sa mga lalaki dahil sa pagmamahal na ipinapakita sa akin ni James. Subalit, may agam-agam pa rin sa aking puso. Matangap kaya ni James ang nangyari sa akin noon? Pabigat pa rin sa aking damdamin ang aking nakaraan kaya naman sukdulan ang galit ko sa taong gumawa nun sa akin.Isang araw ay dumalaw si Ms. Ava sa aming kumpanya upang kunin ang kanyang separation pay. Hindi siya sinesante ni James noon kundi pinag-resign na lamang upang hindi magkaroon ng bahid ang kanyang employment record at upang makakita agad ito ng trabaho. Sa accounting, napag-alaman niya na ako na ang girlfriend ni James. Noon kasi ay ipinagkakalat niyang siya ang girlfriend ni James kaya ilag sa kanya ang mga empleyado ng kumpanya. “Ms. Ava alam mo bang si Ms. Granny na ang girlfriend ni Boss ngayon?” sabi ng taga accounting habang
Chapter 53 – Ginayuma ko si James?Tama nga ang hinala ko. Kumalat na sa buong kumpanya na girlfriend na ako ni James. Noong una ay puro spekulasyon lang dahil sa mga bulaklak at mga regalo na pinapadala niya para sa akin sa aming department. Pero ngayon ay may patunay na at sa bibig mismio ni James nangaling ang kumpirmasyon na ako si Gina na isang Ms. Granny ay girlfriend na niya!Hindi naman ako naapektuhan ng mga ganitong usap-usapan dahil wala naman akong inaagrabiyadong tao. Medyo proud pa nga ako na boyfriend ko ang may-ari ng kumpanya dahil ipinamamalita niya ito sa kabila ng aking ayos. Ang hindi ko lang kinaya ay ang pag-alipusta ng ibang kasamahan ko sa trabaho sa aking pagkatao.Minsan sa canteen habang kumakain kami ni Ana ng tanghalian ay may narinig ako. “Ano kaya ang nakita sa kanya ni Boss? Tingnan mo kung manamit, parang matanda.” sabi ng isang taga accounting. “Talo ko pa nga yang kung pananamit ang pag-uusapan!”“Baka naman ginayuma nyan si Boss kaya nagustuhan
Chapter 52 - Girlfriend na niya Ako!Pumunta kami ni James o Paul sa Alfred Restaurant sa loob ng hotel. Halos magkasingtaas na kami dahil naka stilleto highheel shoes ako. Ang suot ko ay ternong pantsuit na kulay beige, naka make-up, walang eyeglasses at nakalugay ang mahaba kong buhok. Habang kumakain kami ng tanghalian ay tinanong ako ni James, “So, Love, you are a Filipina right?”“Yes, I am! “ sagot ko. “I finished my degree in UCLA. I was discovered by my agent Chrissy while doing my internship program at McCann.”“McCann? As in McCann WorldGroup? The leading advertising company?” gulat an tanong ni James. Same school as my wife, UCLA na biglang naisip ni James.“Yes, McCann!” sagot ko.“In case you decide to retire here in our country, perhaps, I could offer you a job in my company.” alok ni James.“Unggoy na ito! Inaalok pa ako ng trabaho sa kumpanya niya, e nagtatrabaho na nga ako dun!” sabi ko sa sarili. “Mali yata nang mabangit ko na sa UCLA ako nagtapos.”“Are you
Chapter 51 – Asawa ko, boyfriend ko rin!Tama nga ang hinala ko! Si James nga ang inireto sa akin ni Mama sa arranged marriage. Nagtutugma lahat ng mga pangalang binabangit niya at ang sirkumstansiya sa naganap na kasalan. Pero si James clueless pa rin na ako at si George ay iisa. Hahayaan ko siyang ligawan ako at kapag hiniling ko sa kanya na diborsyohin na niya ang kanyang asawa ay magugulat siya.Sa opisina, panay ang padala ni James ng kung anu-ano sa akin. May bulaklak, may chocolates, may stuff toys na pagkalaki-laki at higit sa lahat may mga sweet notes ding kalakip ang mga ito. Tinatawagan din niya ako sa cellphone, umaga pagkagising ko at sa gabi bago ako matulog. Kung anu-ano lang ang pinag-uusapan namin, pati mga tsismis sa opisina. Hay... nakakataba pala ng puso kapag nililigawan ka!Sumapit na ang photo shoot ng Belo project. Para ito sa promotion ng Belo Medical Group para sa kanilang bagong service, ang body contouring. Ginanap ito sa indoor lap pool ng Makati Diamon
Chapter 50 – May Koryente!Habang kumakain ay kung anu-ano ang pinag-uusapan namin ni James. “Manliligaw ka ba talaga sa akin?” usisa ko kay James.“Kung papayag ka, magnobyo na agad tayo para wala ng hassle, magde-date na lang tayo lagi.” sagot ni James.“Ay! Ayoko nun. Hindi ko pa kasi nararanasan ang ligawan kahit na noong high school at college days ko. Pangit kasi ako at tomboy!” pag-amin ko kay James.“Talaga? Hindi mo pa naranasan ang ligawan? Nagka-asawa ka na at lahat? Hindi ka ba niligawan ng asawa mo? Leave it to me! I will make my courtship to you as memorable as ever. Kahit mag-asawa na tayo? Patuloy pa rin kitang liligawan.” sabi ni James habang kumakain.“Hayyyy, James! Bolero ka talaga! Hindi ko tuloy alam kung seryoso ka o nambobola!” biro ko. “Ngayon pa lang parang kinikilig na ako! Speaking of asawa, hindi ako niligawan ng asawa ko!”“Seryoso ako pagdating sa iyo.” sabi ni James nang hawakan niya ang aking mga kamay. Naramdaman ko na naman ang tila nakakaki
Chapter 49 - Ano ka prosti?Nakauwi na rin ako sa aking condo. Si Boss James lahat ang nag-asikaso sa hospital bills ko hanggang sa makauwi ako. “Nakakahiya naman po sa inyo! Hayaan nyo kapag malakas na ako ay irerefund ko lahat ng nagastos ninyo sa ospital.” sabi ko. “Bakit nyo ba ginagawa ito sa akin, Sir?”“Bakit? Mahal kita! Hindi mo pa ba nahahalata? Nagsimula ito noong maglaro tayo ng basketball? ” pahiwatig ni Boss. “Una, naiintriga ako sa iyo dahil napakarami mong contradictions at inconsistencies. Pangalawa, na-attract ako talino mo. Kaya nga madalas kitang paakyatin sa penthouse office ko para lang makita kita kahit wala namang dahilan.. Pasakalye ko lang ang pagpapadala ng mga bulaklak na iyo. Nakakahiya kasing ako ang pupunta sa opisina mo baka pagtsismisan ka ng mga kasamahan mo doon.”“Mahal mo ako? Pero, pareho tayong may-asawa! Hindi puwede!” pagtutol ko.“Mahal mo rin ba ako?” direkta at walang paligoy-ligoy na tanong ni Boss.“May nararamdaman po ako para sa