Home / Romance / My Deepest, Darkest Secret! / Chapter 5 - I Rose from the Dead!

Share

Chapter 5 - I Rose from the Dead!

Author: Megan Lee
last update Last Updated: 2025-03-05 15:36:53

Chapter 5 –I Rose from the Dead.

Pilit akong kinakausap ng duktor sa ospital pero hindi ko sila masagot. Para kasing napakalayo nila kaya hindi ko marinig. Mabuti nalang at dala ng Mama ko ang bote ng sleeping pills na ininom ko at ito ang pinakita sa duktor.

Sa loob ng emergency room ng ospital naririnig ka na sobrang mababa raw ang blood pressure ko at sobrang bilis daw ng tibok ng puso ko. Naaninag ko ang Papa at Mama ko, maging sina Kuya Phillip at Hunter. Lahat sila umiiyak. Bakit sila umiiyak? Natulog lang naman ako!

Kinabitan ako ng dextrose, oxygen sa ilong at heart monitor. At ang huli kong narinig, “May gamot na inilagay kami sa dextrose para intra-venous. Hidi natin siya mapa-inom ng gamot sa kanyang condition na tulog. Kritikal ang susunod na twenty four hours. Kailangang malagpasan niya ito kung hindi, maaari siyang magkaroon ng kumplikasyon tulad ng brain damage dahil nakulangan ng oxygen ang kanyang utak.” sabi ng duktor.

“Anak bakit mo nagawang magpakamatay?!?!” pahagulgol na sabi ng Mama ko. “Pilit kitang kinakausap kung ano ang problema mo, sabi mo wala!!!!”

“Mama, Papa umuwi na kayo at magpahinga. Ako na ang bahala dito sa ospital. Sasamahan ko si George. Tatawagan ko na lang kayo kung may balita. Hunter, iuwi mo na sina Papa. Ikaw na ang bahala sa kanila.” sabi ng Kuya Phillip ko. “Hunter, ipadala mo rin dito sa ospital ang laptop ko at mga pangpalit na damit. Para ma monitor ko rin ang nangyayari sa ating mga kumpanya.”

“Sige, Kuya Phillip.” malungkot na sagot ni Kuya Hunter. “Gusto mo samahan kita dito? Babalik ako pagkahatid ko kina Papa at Mama sa bahay.”

“Hindi na. Kaya ko na ito.: sabi ni Kuya Phillip. “Walang makakasama sina Mama at Papa.”

“Balitaan mo kami agad, anak kung ano and development kay George.” sabi ng Papa ko.

Madaling araw nagising ako. Uhaw na uhaw ako! Bakit parang nasa ospital ako? Wala naman akong sakit! Napansin ko si Kuya Phillip na natutulog ng nakaupo sa gilid ng kama ko habang hawak hawak ang kamay ko.. “Kuya Phillip, nauuhaw ako!” mahinang sabi ko.

“”Huh!! George! Gising ka na! Nauuhaw ka?” gulat na nagising ang aking kapatid. Kinuha niya ang basong may straw at lamang tubig. Pinainom niya ako. “Dahan dahan lang ang pag-inom baka mabulunan ka.”

Pagkatapos nya akong painumin ay pinindot niya ang emergency button sa may ulunan ng aking kama. Dumating naman ang isang duktor at may kasamang nurse. Sinuri ako ng duktor, ang aking blood pressure, pulse rate, tinignan niya rin ng flashlight ang aking mga mata at tinanong kung may nararamdaman ba ako. “Mabuti at wala pang twenty four hours ay nagising na siya at ayos naman ang mga vital signs niya.” sabi ng duktor.

“Salamat po duktor!” sabi ni Kuya Phillip. Nang maka-alis na ang duktor at nurse ay kinausap ako ni Kuya Phillip.

“George, salamat at walang masamang nangyari sa iyo sa sleeping pills overdose. Di ba sabi ko sa iyo huwag kang gagawa ng ikapapahamak mo? Nangako ka pa sa akin na wala kang gagawing taliwas. Bakit ka nagpakamatay? Alam mo bang lahat kami ay halos mamatay na rin ng makita namin ang kundisyon mo? Lalo na sina Papa at Mama!” sabi ni Kuya Phillip.

“Kuya, hindi ako nagpakamatay! Gusto ko lang makatulog para makalimutan ko ang nangyari sa akin. Halos tatlong linggo na akong walang tulog kaya imbes na isang sleeping pill lang ang iinumin ko, ginawa kong lima para tumalab agad.” halos umiiyak kong sabi. “Hindi ako magpapakamatay dahil ayaw kong may masamang mangyari kina Papa at Mama. Inaalala ko rin ang kanilang kalagayan.”

“Kaya siguro sumobra ang epekto sa iyo ng sleeping pills ay dahil sobrang payat mo na. Hindi ka kumakain at kulang sa tulog kaya hindi kinaya ng iyong katawan ang epekto nito. Huwag mo na uulitin iyon.” payo ni Kuya Phillip. “Sige magpahinga ka na. Mamaya ay oorder ako ng pagkain natin. Tatawagan ko pa sina Papa at Mama para malaman nila ang kalagayan mo. Para malibang ka, nandiyan ang cellphone at IPad mo. Sasamahan at babantayan kita dito hanggang sa makalabas ka ng ospital.”

“Huwag na kuya! Kahit si yaya nalang ang patauhin mo dito. Baka kailangan ka ng kumpanya!” pilit ko kay kuya.

“Hindi! Sasamahan kita dito hanggang sa makalabas ka ng ospital. Para ke pa naging CEO ako ng kumpanya! Competent lahat ng mga tao ko at pinagkakatiwalaan ko sila. Isa pa para saan ang technologies ngayon kung hindi ko mamomonitor ang nangyayari sa opisina?” paliwanag ni kuya.

“Salamat sa pagmamahal mo kuya! Kung wala ka, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin. Baka nga patay na ako ngayon!” mahina kong sabi.

“Ayan ka na naman! Alisin mo sa utak mo yang patay, patay. Masarap mabuhay! Bata ka pa, makakalimutan mo rin ang nangyari sa iyo. Besides, hindi lang naman ikaw ang nagkaganyan. What is breaking virginity? It's but a piece of tissue that is broken. When you are old enough and fell in love, you come clean with your boyfriend or husband -to-be. Tell him that you are no longer a virgin! If he accepted you as you are, then he truly loves you. If not, it's his loss. Tatagan mo ang sarili mo at nandito kami nina Mama, Papa at Hunter para subaybayan ka at tulungan. “ mahabang payo ni Kuya. “Kapag gumaling ka na at lumabas ng ospital, magbonding kayo ng mga friends mo!”

“Sige kuya. Salamat sa mga payo mo. tatandaan ko yan.” sagot ko.

Isng linggo akong nanatili sa ospital. Inalis na ang mga tubo at dextrose na nakakabit sa akin. Isang linggo rin akong sinamahan ni Kuya Phillip. Sa ospital na siya kumakain, naliligo at nagtatrabaho. “Kuya, wala ka bang lovelife? Isang linggo kang hindi umaalis sa tabi ko!” tanong ko sa kanya.

“Sa ngayon, wala pa! May mga propeks ako pero sinasala ko pa.” sagot ni kuya.

“Ano naman ang hinahanap mo sa babae?” tanong ko ulit.

“Yung mahal at aalagaan ako! Yung matalino, smart, mabait at makakatulong ko sa buhay.” sabi ni kuya.

“Ayaw mo ng maganda, matangkad, seksi, mayaman at higit sa lahat virgin?” makulit na tanong ko.

“Bonus na yun kung lahat ng sinabi mo ay kasama sa requirements ko. Perfect woman na yun! There is no such thing as a perfect woman. Lahat tayo ay may kapintasan.” paliwanag ni kuya.

Pagkapananghalian, pag labas ko ng CR sa loob ng kuwarto ko sa ospital ay umiiyak ako. Nagkataon namang nandoon din ang mga magulang ko at si Kuya Hunter. Bigla silang naalarma dahil sa iyak ko kaya pinagsalikupan nila ako upang alamin kung bakit.

“O anak! May masakit ba sa iyo?” tanong ng Papa ko.

“Wala po! Masaya lang ako at nakita ko kayong apat.” sagot ko. “Gusto ko na pong umuwi ng bahay.”

“Ay sus! Akala namin may nangyari na naman sa iyo! Pinakaba mo kaming lahat.” sabi ni Kuya Hunter.

“Kapag nag round na ang duktor mamaya, tatanungin natin kung pwede ka ng umuwi.” sabi ni Mama.

Lumabas ang Papa, Mama at Kuya Hunter ko para magmeryenda. Naiwan kami ni Kuya Phillip sa ospital. “Kuya, kaya ako umiyak kanina dahil nagkaroon na ako ng monthly period ko. Mag-iisang buwan na kasi mula ng mangyari ang rape ko.” balita ko kay Kuya Phillip.

Napabuntong hininga si Kuya Phillip. “Salamat po Diyos ko! Mabait pa rin ang Diyos sa atin! Sa iyo!” maluha luha na sabi ni Kuya Phillip.

“Oo nga Kuya!” umiiyak kong sagot at yumakap ako sa kanya.

Nang mahimasmasan kami ni Kuya, siya namang pagpasok ng duktor ko upang alamin ang aking kalagayan. Pisikal na sinuri ako ng duktor at chineck ang mga laboratory results ng urine, blood, chest x-ray ko na muling tinest noong isang araw mula sa aking hospital chart.

Tamang tama naman na bumalik na sa kuwarto ko sina Papa, Mama at Kuya Hunter kaya narinig nila ang sinabi ng duktor. “All clear na ang mga laboratory exam ni George. Pwede na siyang umuwi bukas. Pahinga, kumain atmatulog ng maayos dapat niyang gawin. May isa pa akong ipapayo, dapat mgpakunsulta si George sa isang psychiatrist para malaman ang sanhi ng kanyang depression at upang hindi na maulit ang ganitong pangyayari.” payo ng duktor.

Masaya sina Mama na lalabas na ako ng ospital. Pero nagkatinginan kami ni Kuya Phillip. Gusto kong sabihin na kanya na ayoko ng psychiatrist. Makakalkal ang traumatic experience ko! Bigla akong kinabahan baka ipilit ng mga magulang ko ang pagpapatingin ko sa psychiatrist!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 160-Kung Alam ko Lang!

    Chapter 160 – Kung Alam ko Lang!“We have a basketball court?” tanong ko kay James.“Opo, pero half court lang! Para sa iyo.” sagot ni James. “Gusto mong maglaro tayong dalawa ngayon!”“Why not!?!” Kaya mo ba akong talunin?” hamon ko kay James. “Nasaan ang bola?”“Nandito lang yun! Kasama iyon nung binili ang board.” sabi ni James. Nakita naman niya ang bola.Naglaro nga kami ni James ng basketball habang si JJ naman ang taga-cheer! Iniikot-ikutan ko lang ng pagdidribble ng bola si James. Hindi niya ako maharangan hanggang sa nai-shoot ko ang bola. Kapag hawak naman ni James ang bola ay man to man ang pag-guwardiyang ginagawa ko na halos idikit ko na ang katawan ko sa kanya kaya nadidistract siya. Kapag nawala na siya sa focus ay naaagaw ko ang bola sabay shoot! Nang ako naman ang nag-dribble ng bola ay niyakap niya ako para hindi ako makagalaw! “Foul!” sigaw ko. “Holding foul ka and that is a personal foul!” “Foul na kung foul! Basta gusto kitang kayakap!” tatawa-tawang sab

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 159-Pinagtagpo ang Mag-ama.

    Chapter 159-Pinagtagpo ang Mag-ama.Biglang pumasok ng kuwarto si Paul ng hindi man lang kumakatok kaya nakita niya ng halikan ko si James. “Sorry! May nagpi-PDA pala dito! Kumusta na si JJ?” tanong ni Paul dahil nakita niyang tulog na ito.“JJ is fine! Lalabas na nga siya ng ospital bukas!” sagot ko. “Teka, paano mo nakilala si JJ?” Ano yang papel na hawak mo?”“Ha?..A...e..Para kay James ito!” sagot ni Paul sabay abot kay James ng papel kaya bigla itong tumayo mula sa sofa. Binasa niya ang papel sa tabi ng bintana para maliwanag. Nagpabago-bago ang ekspresyon ng mukha ni James. Lumapit ito sa akin at bigla akong hinalikan sa bibig.“Whoa!!! Hello??? Nandito pa ako!” gulat at parang nahihiyang sabi ni Paul.“Salamat!!!” sabi ni James sa akin pagkatapos niya akong halikan. Samantalang si Paul na tila nahihiya ay tinitigan ang natutulog na si JJ.“James? Di ba siya yung bata sa Makati Sports Plaza noon na lumapit sa iyo. When was that? One year ago?” tanong ni Paul kay James. “Si

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 158-Do the Math!

    Chapter 158-Do the Math!Nabuhayan kaming lahat ng loob, lalo na ako, ng magising at magsalita si JJ. Lahat kami ay naluluha sa galak.“JJ, Mommy is here!” sabi ko kay JJ sabay haplos sa kanyang buhok.“Daddy is also here, son!” sabi naman ni James.“Mommy, Daddy!” mahinang sagot naman ni JJ.“Uncle Phillip, don't let Mommy and Daddy be separated! I love them both !” pakiusap ni JJ sa Uncle Phillip niya. “I just had my Daddy, please!”“JJ, nobody is separating. I am mad at them because they are both hardheaded! They love each other, and yet they don't want to be together!” paliwanag ni Kuya Phillip.“You see son, love is complicated!” sabi ko sa kanya.“Then, uncomplicate it! It's simple!” sabi ni JJ.“Para naman kaming sinampal ng anak namin. Eto kami, matatanda at may-isip na, pero mas may-isip pa pala ang anak namin!” nangingiting sabi ni James. “Don't worry son, from now on, I will be staying at Mommy's house until our new house is finished.”Talaga, Daddy? Yeheyyyyy!!!!

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 157. Maghiwalay na!

    Chapter 157- Maghiwalay na!“Kung alam mo lang ang mga pinagdaanan ni George noon, hindi sapat ang paghingi ng tawad lang!” sabi ni Kuya Phillip. “Ako ang naging piping saksi sa lahat ng nangyari sa buhay ni George mula sa hotel kung saan nangyari ang ginawa mo sa kanya hanggang sa ipanganak niya si JJ.“Pinanganak nya si JJ??” nanlulumong sabi ni James sa sarili. “Nag-iisa sya at wala ako sa tabi niya?”“Alam mo ba ang hirap at sakit na pinagdaanan ni George na ikaw lahat ang may gawa? Hindi ito alam nina Papa, Mama at Hunter! Muntik ng mamatay si George dahil sa overdose ng sleeping pills, muntik na rin siyang mamatay ng saksakin siya ng tao mo sa opisina, muntik na rin siyang mamatay ng ipanganak niya si JJ sa Aklan. Lahat ng iyon ay dahil sa iyo!” pahayag ni Kuya Phillip. “Lahat ng iyon ay matapang na hinarap ni George ng mag-isa. Sabi ko nga sa kanya, ang mga kasawian at problema niya ang nagpalakas sa kanya. Hindi siya magiging ganito ngayon kung hindi siya pinatapang ng mga

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 156-Anak ni James

    Chapter 156-Anak ni JamesPagpasok ni James sa kanyang opisina kinalunesan ay tinawagan niya si Paul. “Hello, Paul! May request sana ako sa iyo, pare. Alam ko kasing marami kang contact sa mga ahensiya ng gobyerno. May kakilala ka sa Philippine Statustics Office?” tanong ni James.“Bakit? May ipapahanap ka bang tao?” sagot ni Paul.“Meron sana!” sabi ni James. “Natatandaan mo yung batang lalaki sa Makati Sports Club noon na ang sabi mo ay kamukha ko? Could you check yung birth certificate nya? Kung puwede, kumuha ka na rin ng kopya? Hindi ko alam ang birth date niya, Birth year siguro. Pero alam ko ang kumpletong pangalan nung bata at ng mga magulang niya.”“Hindi ako sure kung mareretrive ang birth certificate ng bata. Normally kasi, dapat alam mo ang kumpletong pangalan ng bata, birth date, birth place, at pangalan ng mga magulang.” paliwanag ni Paul. “Anyway, susubukan ko doon sa kakilala ko. Ano ang pangalan ng bata?“Ang pangalan ng bata ay James John Razon Vergara. Taong

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 155-Galit sa Cheaters

    Chapter 155 – Galit sa Cheaters.“Daddy lolo, Mommy lola! This is my Daddy!” pakilala ni JJ sa mga magulang ko.“Daddy???” nagtatakang sabay na bigkas nina Papa at Mama. Sinenyasan ko sila na tumahimik muna.“Yaya! Pakikuha muna si JJ, punasan mo at palitan ng damit.” tawag ko kay yaya.Pagkaalis nina JJ at yaya. “Finally, you two are back together! Salamat sa Diyos!” masayang sabi ni Mama.“Ah, opo! Matagal na! Hinihintay ko na lang po na matapos ang pinapagawa kong bahay sa Corinthian Hills. Actually, tapos na ang bahay! Interior decorations na lang po ang kulang!” sabi ng James sa mga magulang ko.“So, when do you plan to move in?” tanong naman ni Papa.“Any time soon po! Depende kay George!” sagot ni James. “At gusto ko kasing si George ang mag-asikaso ng interior ng bahay batay sa gusto niya!”“E, si JJ? Kilala ka na ba niya?” tanong ulit ni Papa.Dahil ayaw ni James na nadismaya ang mga magulang ko kaya nagsinungaling siya, “Opo! Daddy na nga ang tawag niya sa akin!” sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status