Home / Romance / My Deepest, Darkest Secret! / Chapter 85-Victoria Secret Angel na Ako!

Share

Chapter 85-Victoria Secret Angel na Ako!

Author: Megan Lee
last update Last Updated: 2025-05-29 10:23:25

Chapter 85 - Victoria Secret Angel na Ako!

“Huwag mo na akong guluhin pa James! Tapos na tayo!” sigaw ko sa kanya. Ang mga katagang ito ang umaligawgaw sa kamalayan ni James. Kahit na lasing siya ay tandang-tanda niya ang mga sinabi ko.

Kaya naman sumagot si James ng pasigaw, “George! Mahal na mahal kita! George, mahal kita!!!!”

Saka pa lang sinakay sa security mobile car si James para alisin sa tapat ng bahay namin. Napakalaking iskandalo ang nangyari. Tinawagan pa sina Papa at Mama ng mga kapitbahay namin at tinatanong kung ano ang nangyari. Pinalabas na lang nina Papa na away mag-asawa lang ang nangyaring kaguluhan.

May isa pang mahadera at tsismosang kapitbahay namin na nagtanong, “Bakit? Nag-asawa na ba si George? Kelan pa? Sino ang napangasawa niya? Parang wala naman kaming nakita o nalaman na kinasal siya?”

Akala mo kung sino itong mga kapitbahay namin. Mayayaman nga pero mga tsismosa rin pala. Akala mo napakalinis rin ng buhay nila at walang iskandalo! Pakialam nila sa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 87 - Problema na Naman!

    Chapter 87- Problema na naman!Sa NAIA, pag-uwi ko ng Pilipinas mula Victoria Secret Fashion Show ko sa New York ay pinagkaguluhan ako ng mga reporters. “Paano nalaman ng mga ito ang pag-uwi ko?” tanong ko sa sarili. “George!!!” boses ni Kuya Hunter yun ah. Akala ko ba si Kuya Phillip ang susundo sa akin? Yun pala, may appointment si Kuya Phillip kaya si Kuya Hunter ang sumundo sa akin. Mabuti na lang at maganda ang suot kong oversized gray amerikana suit o blazer at pants na may white na tube blouse sa loob. Ininterview ako ng mga reporters habang nasa tabi ko si Kuya Hunter na naka-akbay sa akin. “Siya ba ang boyfriend mo?” tanong ng isang tabloid reporter.“Ay hindi po. Kapatid ko po siya. Si Kuya Hunter.” sagot ko habang proud na proud naman si Kuya Hunter sa tabi ko.“Akala namin boyfriend mo! Guwapo at matangkad siya. Puwedeng artista!” sagot ng tabloid reporter na ikinangiti ni Kuya Hunter.“Ano naman ang feeling mo sa tawag sa iyong 'pantasya ng bayan'?” tanong ng tag

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 86 - Abortion??? NO!!!

    Chapter 86 - Abortion??? NO!!!“Dalawang buwan na pala kaming hindi nagkikita ni James mula nung huling magkasama kami sa Las Vegas. Kumusta na kaya siya?” sabi ko sa sarili habang inaayos ko ang aking luggage pauwi ng Pilipinas. Bukas pa naman ang biyahe ko. Pagkatapos kong maayos ang lahat ng gamit ko ay lumabas ako ng hotel pang kumain ng brunch dahil alas diyes na ng umaga. Pumasok ako sa isang delicatessen shop sa ibaba ng hotel para kumain. Subalit pagpasok ko pa lang sa pinto ay nahilo at nasusuka ako sa amoy ng kape kaya bigla akong lumabas. Nagtuloy ako sa CR sa ground floor ng hotel dahil biglang sumama ang pakiramdam ko. Sa loob ng CR ay tumapat ako sa lababo dahil nasusuka ako na wala namang lumalabas. Binasa ko ng tubig ng aking mukha para malamigan ang pakiramam ko at mawala ang aking hilo.“You are probably pregnant! I should know! I have been there twice.” sabi ng isang middle-aged na babaeng katabi ko sa loob ng CR.“I don't know!” gulat na sagot ko sa babae.

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 85-Victoria Secret Angel na Ako!

    Chapter 85 - Victoria Secret Angel na Ako!“Huwag mo na akong guluhin pa James! Tapos na tayo!” sigaw ko sa kanya. Ang mga katagang ito ang umaligawgaw sa kamalayan ni James. Kahit na lasing siya ay tandang-tanda niya ang mga sinabi ko.Kaya naman sumagot si James ng pasigaw, “George! Mahal na mahal kita! George, mahal kita!!!!”Saka pa lang sinakay sa security mobile car si James para alisin sa tapat ng bahay namin. Napakalaking iskandalo ang nangyari. Tinawagan pa sina Papa at Mama ng mga kapitbahay namin at tinatanong kung ano ang nangyari. Pinalabas na lang nina Papa na away mag-asawa lang ang nangyaring kaguluhan. May isa pang mahadera at tsismosang kapitbahay namin na nagtanong, “Bakit? Nag-asawa na ba si George? Kelan pa? Sino ang napangasawa niya? Parang wala naman kaming nakita o nalaman na kinasal siya?”Akala mo kung sino itong mga kapitbahay namin. Mayayaman nga pero mga tsismosa rin pala. Akala mo napakalinis rin ng buhay nila at walang iskandalo! Pakialam nila sa

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 84 - Tapos na Tayo!

    Chapter 84 - Tapos na tayo!Isang buwan na ako dito sa Pilipinas. Pumupunta si James sa bahay namin pero ipinagbilin ko sa mga kasambahay namin na kapag si James ang dumating, wala ako, ang sasabihin nila. Halos isang buwan ring siyang pabalik-balik sa bahay namin pero lagi siyang bigo na makita ako.Isang araw ay tinawagan ako ni Chrissy. “Love! Do you want to be a Victoria Secret Angel? You have an audition for the Victoria Secret, two weeks from now!” excited na balita sa akin ni Chrissy sa telepono.“Why me?” nagtataka kong tanong.“Why not?” sagot ni Chrissy. “You have a fit and toned physique, good posture, and a photogenic face! You also have a very good track record of success in the modeling industry as well as a strong online presence in facebook and Twitter as Love the model. The Victoria Secret has shifted towards inclusivity and diversity. Your Eurasian features will be a factor.”“You think so?” sagot ko. “Okay, I will try my best on that audition.”“I expect you

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 83- Mahal din Kita pero Galit pa Ako!

    Chapter 83 - Mahal din kita pero galit pa ako!“Kaya nga! Puntahan mo sa bahay nila! Kausapin mo!” payo ulit ni Paul.Kinagabihan pumunta sina James at ang Mommy niya na si Ninang Rose, sa bahay namin sa SanLo, Makati. Kaya sinama ni James ang Mommy niya, dahil hindi niya alam ang address ko.“Parang nakapunta na ko dito!” bulong ni James sa sarili. “Tama! Ito yung bahay nung may-ari ng BMW na kotse na pinuntahan ko four years ago.”Sa labas ng kalye sa tapat ng bahay pinarada ni James ang Mercedes niya at nagdoorbell sila sa bahay. Agad naman silang pinapasok ng kasambahay namin sa sala. Doon na sila dinatnan ng Mama ko. Nagbeso-beso ang Mama ko at Mommy ni James.“Si James ba ito?” tanong ng Mama ko. “Guwapo at matangkad ka pala!”“Oo nga, Emily! Bagay na bagay sila ni George mo!” sabi naman ng Mommy ni James.Nakipagbeso-beso rin si James sa Mama ko. “Tita, good evening po!” bati ni James.“Anong Tita??? Mama ang itawag mo sa akin. Mag-asawa na kayo ni George bagama't ngay

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chalter 82- Hi! Ako ang Rapist mo!

    Chapter 82 - Hi! Ako ang rapist mo!Sa kabilang banda, hindi pa rin lubos na makapaniwala si James na ang nakaniig niya noon sa Makati Shangrila Hotel, ang virgin na babae ay ako, si George. Muli niyang inalala ang mga nangyari noong gabing iyon at ang ginawa niyang paghahanap para malaman kung sino ako.Ang natatandaan niya ay maganda, matangkad, balingkinitan ang katawan, mahaba ang buhok ng babae at batam-bata! Lahat ng mga katangiang ito ay nasa akin. May balat na kulay pula na kasinglaki ng beinte singko ako sa kanang dibdib na hindi niya napansin. Marahil ay busy siya sa pagniniig namin noon sa Las Vegas kaya hindi niya ito nakita. Sa paghahanap nila noon ni Paul sa pagkikilalan sa akin ay natunton nila na ang kotseng ginamit ko noon na BMW ay nakarehistro sa isang Phillip Razon. Razon din ang apelyido ko. Kuya Phillip din ang pangalan ng kapatid ni Gina noon na George na ngayon. Napakaraming pagkakahalintulad ng mga circumstances na ako nga ang babae sa hotel noon.“Hay J

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status