Share

Chapter 10

Araw ng linggo lahat ng gawain ay tinapos ni Serenity nakapamili narin siya ng mga mga kakailanganin nilang paninda. Tanghalian na, kaya naman sabay sabay silang pinag saluhan ang ginisang munggo at piniritong isda na niluto ng kanilang ina.

"Anak ako na ang magliligpit nito, dapat ay makapamahinga nga para bukas ay handang handa ka."

"Ma, wala naman akong paghahandaan bukas eh. ang kailangan lang ay unat na unat ang uniporme ko at makintab ang sapatos at naayos ko na po lahat iyon." sagot niya sa ina.

"Sabi nga pala ng ate Savannah mo ay pumunta ka sa kanya ng ala una dahil magpapasama ata siya sa iyo sa bayan, sa tingin ko dapat ay maghanda kana dahil alas dose y medya na."

"Sige po mama, maliligo na po ako."

Matapos maligo ay agad siyang nagbihis, isang shorts na maong at isang sleeveless blouse na kulay baby pink ang napili niyang isuot. Kinuha rin niya ang rubber shoes na kulay puti. Lahat ng suot niya ay galing sa kanyang ate Savannah mga pinagliitan nito at karamihan ay hindi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status