Share

Chapter 2

Fatima POV

Hindi ko mapigilang kumirot ang puso ko kapag nagsasalita ng masasakit sa akin si Gayrill, hindi ko na kase talaga alam kung saan nagmumula ang galit nito sa akin na abot hanggang langit. Sa pagkaka tanda ko naman ay wala akong nagawang kasalanan dito.

Tinapos ko ang breakfast kanina kahit hindi ko na talaga kayang lunukin. Mahirap na at baka magtampo sa akin si Tita.

"Ano na Fatima, bakit ba kanina ka pa tulla diyan?" Tanong ng kaibigan ko na si Jaya.

Sa aking pag-iisip ay hindi ko na namalayan na nandito pala kami ni Jaya sa garden ng school. Free time namin at mamaya pa ang sunod na class namin.

Napabuntong hininga ako. "Wala nag-iisip lang ako kung saan ako pwedeng maka hanap ng pagpapartime job."

"Oh! Bakit naman? Akala ko ba ay prinsesa ka na sa mansion ng Della Villa?" Tanong nito muli.

Tumingin naman ako dito. "Anong prinsesa ka diyan, itiniring lang akong parang anak pero hindi naman talafa kailangan ko pa din na kumilos sa mansion."

"Alam ko na kung bakit ka nag-iisip na magtrabaho siguro ay iniinsulto ka na naman ni Gayrill ano?" turan nito.

Napahilamos naman ako sa muka at parang stress na.

"... Sabi ko na nga ba yung asungot na lalaki na naman 'yon," patuloy nito.

"May karapatan naman siya na magsalita sa akin dahil hindi naman talaga ako tunay na anak," may lungkot sa akin habang sinasaad ko.

"Pero hindi tama 'yon, kahit na hindi ko tunay na anak dapat nirerespeto ka niya o sadyabg napaka gago lang talaga ni Gayrill," may diin sa huli nitong sabi.

Napatawa naman ako. "Hinaan mo lang ang sinasabi mo at baka may makarinig sayo."

"Hayaan mo sila Fatima ano ba ang pakiaalam nila ku-"

Napatigil na ito nang takpan ko ang bibig niya sa pagsasalita. Baka kung ano pa ang marinig ng tao sa paligid at ma-chismis pa kami.

"Jaya, alam mo naman na maraming nakakakilala sa kaniya kaya hinaan mo lang boses mo," bulong ko sa kaniya.

Kita ko na umikot pa ang mata nito bago tumango. Tinanggal ko na din anv kamay ko at umupo na muli.

"Basta kung sakaling sumobra na ang gagong 'yon, tawagan mo ko back-up," ani nito.

Napangiti naman ako dahil napaka bait din ni Jaya sa akin. Alam nito ang lahat ng ginagawa sa akin ni Gayrill kay may inis din ito kapag pinag-uusapan namin siya.

Ring!

Napatayo na kami ni Jaya ng tumunog na ang bell ng school.

Nakaramdam ako nang maiihi. "Mauna ka na Jaya magbabanyo lang ako."

"Sige dalian mo."

Nagpaalam na muna ako at patakbo na pumunta sa banyo dahil ihing-ihi na ako. Wala naman masyadong tao sa baba ng building dahil mga nakapasok na ang mga ito sa kani-kanilang silid.

Nang makita ko na walang tao sa cubicle ay umuhi na ako kaagad, umabot ng tatlong minuto bago ako nakalabas ng banyo.

"Hi Noodles!"

Napalingon ako dahil may naringi akong tumawag sa akin. Isang tao lang naman ang tumatawag sa akin ng endearment na ganiyan dahil sa buhok ko na kulot. 

Lumingon ako at hindi nga ako nagkamali sa aking hula dahil ang nasa likuran ko lang naman ay sina Darius, Jack, Steve, William at Kaye ang barkada ni Gayrill, na naroon din at walang mababakas na emosyon habang nakatingin sa akin.

"Noodles saan ang punta mo?" naka ngising tanong ni Kaye.

"Pupunta na ako sa klase ko," sagot ko.

"Bring us food." Napatingin ako kay Gayrill sa inutos nito.

"Sinula na -"

"Do you want me to repeat mayself?" Taas kilay na saad ni Gayrill.

Tumitig ako sa kaniya upang sana umasa na hindi na nito ituloy ang inu-utos nito, ngunit seryoso ang hilatsa. Napabutong hininga na lamang ako at walang nagawa kung hindi sundin ang utos ni Gayrill.

"Headquarters." Dinig ko na saad nito.

Nanlumo naman ako sa sinabi nito dahil napaka layo ng headquarters nila sa aming building.

Tumalikod na ako at napapikit ng marinig ko ang mahina nilang tawanan. 

Dagli na akong pumunta sa canteen at mabilis na pumunta sa counter para maka-order na.

"Take out or dine in?" Tanong ni Mrs. Santiago ang head ng canteen.

"Take out po."

Binigay ko ang order nila Gayrill at na-upo muna habang inaayos nila ang mga pagkain.

"Ito na ang order mo." Dinig ko na tawag sa akin kaya lunapit ako kaagad at binigay ang school I.D.

Naghintay pa ako ng ilang minuto at binigay na din nito ang I.D. Patakbo na akong lumabas sa canteen dahil kung hindi ako magmadali ay hindi ko na maabutan ang klase ko.

Bakit ba sobrang layo ng pagitan ng building at headquarters nila?

Tumingin ako sa orasan at nabigla ako ng sampung munto na akong late sa klase ko at mapapagalitan akl ni Mr. Demir kapag nagkataon.

Nakarating ako sa building at sumakay na sa elevator para mapabilis pa ang pag-akyat ko.

Nakita ko na ang pinto at binuksan ko na ito kaagad.

"Ay! Fatima? Ikaw ba 'yan?" Dinig ko na tanong ng kung sino sa loob ng silid.

Kahit hinihingal ay pinilit ko na makapagsalita. "Nandiyan na ba sila?" 

"Huh? Sino? Ang varsity player ba?"

"Oo sila, nasaan sila nandito na ang pagkain nila," sabay abot ko dito ng paper bag.

"Tumawag sa akin si couch Jim at sinabing sa labas sila ng campus kakain kasama ang mga varsity player," ani nito.

"Pero sinabi ni Gayrill na..." 

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa napagtanto ko na ang ginawa ni Gayrill.

Halos manlumo ako lalo na ng marinig ko ang tunog ng bell hudyat na tapos na muli ang klase.

"Mukang niloko ka na naman nila," komento pa ng babae sabay labas nito ng silid.

Gusto kobg maiyak dahil sa ginawa ni Gayrill, bakit ba hindi pa ako nasanay na paglaruan nito?

Kung hindi pang-iinsulto ay ganito ang ginagawa niya, walang pakiaalam kung masaktan o mahirapan ako.

Ang inaalala ko kung paano ko ito ipapaliwanang kay Mr. Demir teror pa naman ito at mahirap paki-usapan.

What a Life?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status