Share

Chapter 3

Fatima POV

Saktong 6:50 pm na ako nakarating ng bahay naghintay pa kasi ako ng bus at umulan pa kanina kaya medyo natagalan.

Bagsak ang balikat ko na pumasok sa mansion naalala ko parin yung kanina. Pagkatapos ko kasing malaman na niloko lamang ako ni Gayrill ay sinubukan ko paring humabol sa klase pero wala na tapos na ang klase at naka alis na si Professor Dayuan ang history teacher ko.

  Ang sakit ng binti ko sa kakatakbo kanina dumagdag pa na ilang minuto akong nakatayo sa waiting shed sa tagal ng bus may sundo naman talaga ako dahil yun ang gusto ni tita Rose ngunit tumanggi ako dahil naiilang ako sapagkat hindi naman ako sanay na may mag hatid sundo sa akin sa University.  

Napabuntong hininga na lamang ako at papanhik na sa itaas ng may tumawag sa akin.  

"Hello maganda kong anak." Tawag sa akin ni tita Rose.  

Napatingin ako dito. "Hi din po tita."  

"Bakit sampong minuto kang' late sa pag-uwi?" tanong ni Tita.

  Napa kamot ako sa batok ko. "Kasi po n-nag hintay pa po ako ng bus kanina."

  "I told you before Fatima, na dapat may sundo ka para hindi ka na la-late sa pag-uwi. Pano kung maabutan ka ng cut-off sa bus? Edi hindi ka naka uwi," pag-sermon pa nito sa akin.

  "Sorry po tita next time po ay hindi na ako mag papa-late nang uwi." Itinaas ko ang kanan kamay ko para mangako.   Ngumiti ito sa akin.

"Okay Fine. Pero pag naulit pa ito whether you like it or not ipapa-service kita okay?"  

Hindi naman ako nakasagot agad at ngumiti lang dito.  

"Okay po tita,"sagot ko na lang.  

"Sige na magpalit ka na at kakain na tayo pagkatapos kong maluto ang ulam."

Patakbo na itong bumalik sa kusina.   Umakyat na ako sa itaas para makapunta sa room ko dahil nanglalagkit na rin ako pinaghalong ulan at pawis na ang buong katawan ko.

  Nasa second floor na ako ng bahay nang may hindi ako inaasahang makasalubong.  

"Magandang gabi," bati ko dito.  

"What's good at night?" sarkastikong tanong nito.

  Tsk. Napaka gwapo sana nitong lalaking ito may magandang muka, at katawan parang sa mga american model gano'n kaso ang sama kasi talaga ng ugali.  

"Kanina pala bakit mo ginawa yun? Hindi mo ba alam na hindi tuloy ako nakapasok sa klase ko dahil sa ginawa mo," reklamo ko dito sa mahinang boses pero sinigurado ko naman na maririnig niya.  

Tumaas ang isang kilay nito. "So what?"

  "Yun lang ang sasabihin mo? Dahil sa pinagawa mo sakin hindi ako nakapasok sa-" may sasabihin pa sana ako pero pinatigil ako nito sa pag-sasalita.  

"I dont care kung nahuli ka kanina, It's your job dahil utusan ka lang naman talaga. Diba? And why do you think  I made you do that? Because you're just a maid like before, parang asong sunod sunuran lang sa utos ko."

Lumakad na 'to paalis.  

Napa tameme naman ako dahil sa sinabi niya. Ilang segundo pa ako na nakatayo at pinoproseso ang sinabi niya bago ako lumingon ngunit naka baba na 'to agad.  

Kailan ba ako masasanay? Noon pa man ay galit na ito sa akin lalo pa ngayon na isang anak na ang turing sa akin ng mag-asawang Della Villa sagad na sa buto ang galit nito sa akin.  

Napasinghot na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad papuntang silid ko.  

Tunog lang ng kubyertos ang maririnig sa buong dining table habang ako ay di maka pag-salita at makapag kwento kay tita.  

Paano ba naman nasa harapan ko si Gayrill habang kumakain ito naka sentro lang sa pagkain niya. Dahan-dahan lang ako nasubo ng pagkain dahil mahirap na at baka mapansin na naman ako ni Gayrill at baka may baon pa akong insulto dito bago matulog.  

"What's wrong Fatima, di mo ba nagustuhan ang food?" tanong bigla ni tita.   Napatingin ako kay tita dahil sa tanong nito.  

Umiling ako dito. "Naku! Sobrang sarap po tita."

  Tumingin ako kay Gayrill na patuloy parin ang pagkain. Buti na lamang ay wala itong sinabi.  

"You should be thankful, ikaw lang ang nag-iisang katulong na kasabay kumain nang mga amo niya." Kumakain pari'n turan ni Gayrill.

  Mali mukang napansin na naman niya ito.  

"Gayrill, stop it." Saway dito ni tita.

  "Ok lang po tita, hayaan ninyo na po." Sumubo na rin ako at di na lang umimik.

  "You should eat our leftovers tulad nila manang, but look at you eating with us same utensils ang ginagamit mo like we use. You don't have the right to compline." Nakatingin na ito sa akin habang sinasabi niya ang mga katagang 'yon.  

"Gayrill, I told you to stop," sabi ni tita.   "Hindi naman ako nag-rereklamo Gayrill," ani ko dito.  

Tumitig ako sa mga mata nito kita ko ang pagka dis-gusto nito at walang emosyon na makikita sa kanyang muka.

  "What's with the atmosphere?"

  Kita ko sa likuran ni Gayrill ang pag pasok ni tito Erwan sa dining room.

"Ito na naman kasing si Gayrill inaaway na naman si Fatima," sumbong ni tita.  

"Gayrill stop your attitude mamaya pumunta ka sa office may idi-discuss ako." Utos dito ni tito.

Niyakap ni tita si tito Erwan sa bewang.

"Kumain ka muna hon."  

"Later hon I will just finish my work ok." Hinalikan pa ni tito ang noo nito. 

Napangiti naman ako dahil sa ka-sweetan nila sana ay tulad rin nila ako kapag nag-asawa na kahit matanda na ay sweet pa rin.

Ramdam ko na may nakatingin sa akin kaya napalingin ako sa aking harapan.

Kita ko parin ang tingin na pinupukol sa akin ni Gayrill, hindi ko mahulaan ang nasa ekspresiyon nito.

Kalaunan ay tumalim na naman ang tingin niya at sinamaan na ako ng tingin. Umiwas na ako at tumingin na lamang sa pagkain ko.

Ano ba ang problema nito?

Lahag na lamang ay napapansin minsan ay napaka wirdo ng ginagawa niya yung tipong hindi ko na alam ang rason niya.

Kung ano man ang iniisip niya sa akin ay siguradong hindi 'yon maganda kung hindi puro kapangitan lamang.

Walang pagbabago.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status