“’Yun si Jigo Myrick? Teka. ‘Di ba barkada siya ni Carl noon sa campus?” sambitla ni Joana noong makaalis ito. “Noon ko pa iniisip na parang pamilyar ang mukha niya… kasi alumni siya sa school natin!”
“Oh my god, mas mayaman ang mga Myrick sa mga Easton, ‘di ba?” sabi naman ni Kacey. “Teka wait… siya ‘yung may-ari n’ung resort at n’ung isla!”
“Ay, gurl… ang galing…! Nakahanap ka ng rebound na much better pa kay Carl. Gwapo at sex appeal, over the roof… my god! That’s how you play the game!” buyo ni Pam na nagniningning ang mga mata. “So, may kapatid ba siya? Mga pinsan na kasing howt niya?”
Nagtawanan ang tatlo. Tumawa rin naman siya, saka naaasiwa siyang ngumiti. “Actually, hindi ko siya rebound. I like him. I really like him.”
Nagtatawanan pa rin ang mga ito, pero noong hindi ni
“Congratulations!”Iilang sandali bago nag-react si Carl sa pagbati ni Fae. Pumihit ito at humarap sa kanya. Matagal iyon para sa dalaga na nangangatal ang mga tuhod sa paghihintay na pansinin siya nito, lalo’t maraming mga matang nanonood sa kanila sa bulwagan ng hotel na iyon kung saan ginaganap ang reception ng kasal nito.Noong nakikita na niya ang pamilyar nitong mukha ay muntik na siyang mapaluha. Pero hindi maaari. Napapalibutan sila ng mga bisita, mga taong kilala nilang dalawa. Mga taong alam ang kanilang kuwento.Napakatikas nito sa suot nitong three-piece suit, ang lalaking ito na ninais niya at minahal sa halos buong buhay niya. Ni walang pagsisisi sa mukha nito habang possessive nitong hawak ang maliit na beywang ni Sarah. Nagmamalaki namang suot ng babae ang traje de boda nito para sa okasyon. At ang sumasambang ngiti ni Carl sa bride nito—na kanyang best friend—ang sa wakas ay nagsara ng pinto sa pagitan ng nakaraan ni Fae at kanyang hinaharap. Hindi na niya ito pweden
Lumabas si Fae sa pinto ng lady’s restroom, umaasang sana ay natakpan niya nang maayos ng make up ang pamumula ng kanyang mga pisngi at dulo ng ilong. Kahit papaano ay nagawan niya ng paraan ang kanyang mga mata gamit ang eye drops na binaon niya dahil alam niyang iiyak siya, pero mukha pa rin siyang miserable habang pabalik na siya ulit sa function hall ng hotel. Pinakamahalaga, nagawa niyang kumalma. May dalawang oras pa siyang bubunuin bago matapos ang kalbaryong wedding reception sa hapong iyon. At pagkatapos niyon, she could do whatever she wanted. Sa gilid ng kanyang mga mata, napansin niya ang matangkad na lalaking nakamasid sa kanya sa bandang malayo. Nagbuntunghininga siya. Si Jigo, o si Spencer Jigo Myrick, ang isa sa pinakamatalik na kaibigan ni Carl noon pa mang bata pa sila na ang pamilya ay ang may-ari ng resort na ito, ng hotel—ng isla. Hindi siya makatingin dito dahil nahihiya siya. Hindi na siya magtataka kung naroon si Jigo para bantayan siya—damage control sa esp
Ang totoo, natuwa si Fae sa paglapit ni Jigo. The last thing she needed was getting exposed to Sarah’s sex bunny. Dahil kay Jigo kaya bigla siyang binitiwan ni Tom. Pero habang lumilingon siya sa kanyang rescuer, namalayan niyang hindi pa pala siya nakakababa sa high stool. Sumuray siya, magsa-slide sa gilid, at babagsak sa kanyang mukha sa sahig. Hinawakan siya ni Jigo sa likod. Naramdaman niyang kumapit ang kamay nito sa kanyang damit at nahila siya bago siya tuluyang mag-slide all the way down… “I’m just talking to Fae,” narinig niyang katwiran ni Tom. Pumapalibot sa kanyang beywang ang braso ni Jigo, securing her in place atop the stool. Napahawak siya sa dibdib nito para bumalanse, ni hindi nag-takang malapad iyon. At matigas. Jigo had always looked solid. Now she knew that he really was solid. She could feel it. Ito ang unang beses na nahawakan niya ito nang ganito, at hindi na siya nagdalawang-isip sumandal dito kasi malakas naman ito. Parang ding-ding na bato. “No…” sabad
Natahimik sila nang sandaling sandali lang. “Thanks… for rescuing me there. I never liked Tom,” aniya. Namatay ang ngiti nito at yumuko ito sa kanya. “May ginawa ba siyang hindi mo gusto?” Nagkibit siya ng mga balikat. “Matagal na… and it’s nothing.” “Tell me,” utos nito. Napatingin siya rito. Pero nagbukas ang elevator doors at lumabas sila. Hindi pa rin siya nito binababa. “I can walk, you know…” paalala niya rito. Medyo umiikot pa rin ang paningin niya kaya papikit-pikit siya, pero nakakapagsalita siya nang maayos kahit konting slurred dahil naririnig na niya ang sarili niya kaysa kaninang nasa maingay pa silang bar. “No, you can’t. Hindi ka na makatayo kanina sa baba.” Napangiwi siya. “I would have been dancing right now… if it had been another wedding.” “Anong ginawa ni Tom?” giit nito. Napakunot ang kanyang noo. “College. Second year Pre-law. Gusto niya ng date. Sabi ko ayoko, may gusto na akong iba. But I was single… no… is. I am still single…” Pilit niyang inangat ang
“Hindi mo ba naisip kahit kailan na hindi mangyayari ang gusto mo? Fae, maganda ka. Matalino. Nasa iyo na lahat nang pwedeng hilingin ng isang lalaki sa isang babae. And if he liked you like that, it wouldn’t have taken long for you to know. Noon pa tiyak ay kayo na.” Kahit papaano ay kalmado na siya kahit sumisinok pa rin siya. Nag-uusap sila. Pinainom siya nito ng tubig at Tylenol, at gumamit na siya ng toilet. Pero nagbalik siya sa yakap nito noong muli itong naupo sa tabi niya dahil muli siyang napaiyak, hindi na nga lamang kasing bayolente nang nauna. Nakikinig siya sa sinasabi nito dahil totoo naman iyon. “It was embarassing… i-in the pa-party,” sambit niya. “I he-hate myself!” “Ssshh…” Humahagod sa likod niya ang isa nitong kamay, patuloy ang pagpapakalma sa kanya. Tinutulungan siyang maging komportable pa. Pero nagdadala ng weird na pakiramdam ang haplos nito. Iyon ang klase ng atensyon na hinahanap niyang maibigay sa kanya ni Carl pero hindi niya natanggap. Nayakap na siya
“Jigo…” sambit niya, reaksyon sa sinabi nito. “Hmmm…?” marahan nitong sagot, paos ang tinig, habang sinisimulan nitong ihagod ang katawan nito sa kanya. Napaliyad siya at napatapon ang kanyang ulo sa unan. Nakalimutan niya ang kanyang sasabihin habang nararamdaman ang matigas na laman nito, humahagod sa pagitan ng mga hita niya, tumatama sa parteng nakakikiliti. Ibang klase ng kiliti. Mainit na kiliti. Masarap na kiliti. She never thought it would feel like this. She was all nervous, excited and so… so curious. And she was on fire. “Ooohhhh… Jigo…!” “I know… it feels good, doesn’t it?” he said, his voice almost lazy if not for the sound of immense satisfaction in it. His head swooped down to kiss her lips with a possessiveness that she could not help but feel. And she was kissing him back now, a serious business, as their bodies began to mold against each other. Umangat ang kanyang mga hita at yumakap sa lower torso nito ang kanyang mga binti. Nararamdaman niya ang paudyok na pa
“Hey…” Nakangiti pa rin si Jigo. Ilang mga minuto na mula noong inangkin niya ang babae sa kanyang tabi pero nananatili pa rin itong nakayakap sa kanya. Hindi pa siya tinutulak. Hindi nagsisisi. Not yet. He hoped, not ever. Kumakalma na ang mga tibok ng mga puso nila. Natuyo na rin ang pawis sa kanilang mga balat. Bahagya siyang gumalaw pero humigpit ang mga bisig nitong nakayakap sa kanya. Lalong lumalim ang kanyang ngiti. Hindi siya nagkamali. Making love to Fae was spectacular. She was so perfect. Nagtimpi siya dahil lasing ito, but as soon as she was sober enough and she was focused on him… Sa unang pagkakataon ay nakita nito ang noon pa nito dapat nakita. Ako. Na nasa harapan siya nito. Na katabi niya ito. That he was present. And he was so relieved when she asked for him to help her forget. Lumaban ito ng halik sa kanyang halik at yakap sa kanyang yakap. Tumugon ito sa kanyang init ng sarili nitong init. Umungol ito at sumigaw, tumawa at humingal at d*****g at umiyak
Unti-unting nagising si Fae. Alam niyang umaga na kahit nakapikit pa rin siya. Hindi iyon ang unang gising niya. Isang beses na siyang naalimpungatan kagabi. Iniwan niya si Jigo sandali dahil kailangan niyang pumunta sa banyo, what with all the alcohol and then the full glass of water he made her drink last night. Mabilis siyang nag-shower ng hot water, nilinis ang sarili at ang natirang make up sa mukha niyang maga pa sa kanyang pag-iyak at paglalasing kagabi. Nag-toothbrush siya gamit ang isa sa nakita niyang stock ng bagong tooth-brushes sa banyo at nag-mouthwash habang tinitiis ang nakasisilaw sa ilaw. Hindi niya gustong magising si Jigo sa kanyang morning breath at asim ng kanyang pawis dahil alam niyang babalik siya sa kama at matutulog muli sa yakap nito. Hindi niya gustong umalis. Plano niyang bumalik sa kama nito at tumabi rito, namnamin ang init ng presensya nito, habang posible pa. Masakit ang kanyang ulo pero nagpapasalamat siya sa gamot at tubig na pinilit ni Jigong ip