Share

Chapter 38

"Nandito na tayo," sabi ni Ella.

Bumaba naman kaagad si Zander.

Nasaan na ba kami? Malayo na ba kami sa lugar namin? Itong si Miss Tan hindi ko alam na gala pala, Pilipinas pa ba 'to?

Lilinga-linga si Zander at nagmamasid sa paligid. Tinititigan lang ni Ella si Zander at natatawa ito sa kilos ng binata.

"'Wag kang mag-alala, hindi kita ipapa-salvage. Hindi rin kita ipapabugbog, kaya 'wag kang kabahan d'yan," sambit ni Ella.

Napalingon si Zander sa kinatatayuan ng dalaga.

"Masyado bang halata na kinakabahan ako?" natatawang tanong ni Zander.

Lumapit si Ella sa binata. "Oo, halata," natatawa nitong sabi.

Naglatag si Ella ng tela at naupo. Nasa harapan nila ang isang magandang tanawin. Dinala ni Ella si Zander sa isang mataas na lugar, kung saan tanaw sa ibaba ang mga gusali, kita rin ang mga ilaw ng sasakyan na dumaraan sa malaking kalsadang matatanaw sa lugar. Malayo sa ingay ng mundo at mga kuliglig lang ang maririnig. May kalayuan ito sa kanilang lugar at liblib, kaya sila lang ang
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status