Share

kabanata 4

Z POV

Nagmadali akong puntahan ang anak ko, malayo palang ay naririnig ko na ang iyak Niya. Hindi ko ugali ang kampihan ang anak ko Pag may kasalanan Pero sa Uri ng Pag iyak ng anak ko sobra naman ata ang ginagawa nila para umiyak ito ng ganito. Nasasaktan akong pakinggan ito kaya ganoon nalang ang Pagmamadali ko para mahanap ito. " excuse.... excuse...... excuse me...." Sambit ko habang pilit Kong sinisiksik ang sarili ko sa nagkukumpulang tao, Pero bigla akong nahinto ng makilala ko ang mga taong may gawa ng Pag iyak ng aking anak. Sobrang bilis ng tibok ng aking puso at halos pumula na ang mukha ko sa galit. Hindi ko aakalaing magkikita kami dito at ang masakit pa pinaiyak nila ang anak ko, hanggang kailan ba nila kami titigilang mag ina. Sinaktan na nila kami noon hindi na ako payag na sasaktan ulit nila kami ngayon.

" Bwesit Kang bata ka... alam mo.... mahal pa sa buhay mo ang damit ko, tignan mo ginawa mo.... tignan mo... tignan mo...." sigaw ni Rebecca sa anak ko, sabay yugyug sa balikat ng anak ko dahilan para matumba ito.. "Enough.... ano bang ginawa ng anak ko para saktan mo ng ganyan...?" sabay alalay sa anak ko para Maka tayo. " Manang Beth.... dalhin mo ang anak ko sa sasakyan." Utos ko Kay manang Beth sininyasan ko narin ang body guards ko na sundan ang anak ko, hinalikan ko muna ang anak ko bago tuloyang binigay Kay manang Beth.

" Auhhh... so.... ikaw ang nanay ng batang tatanga-tanga na iyon. Next time paki tali para di Maka abala." pang aasar na Sabi ni Rebecca sa akin. Hinarap ko siya at bigla siyang napatigil na para bang may pilit iniisip at ng tapunan ko din ng tingin si Heron ay agad ko ding binawi ang aking tingin, para bang bumalik ulit ang sakit na naramdaman ko dati. Mas lalong bumilis ang kabog sa dibdib ko na sakabila ng sakit na nadarama ko dahil sa ginawa Niya sa akin noon bakit gusto ko siyang yakapin at sa mabilis napagtingin ko sakanya may nag sasabi sa parte ko na namiss ko ito ng sobra. Mabilis ko lang itong tinignan dahil nakatitig din ito sa akin dahilan para mag Tama ang aming mata, bakas sa mata nito ang gulat.

"Wait... nag kita na ba tayo..??" Biglang tanong ni Rebecca na nagpagising sa akin mula sa malim na Pag iisip. Agad kung inayos ang aking sarili para ipakita sa mga ito na hindi ko sila kilala. "Actual...ly... miss...... Auh...!! wala akong pakialam if what is your f***ing name.. hindi pa tayo nag kita or nagkakilala dahil alam mo..... di mo gugustuhing makilala ako" galit ngunit may mapang asar na ngiti sa aking mga labi ng sagutin ko ito. "Shit...!!! binabastos mo ba ang Isang Rebecca Del Rio...? baka di mo ako kilala at baka... di mo alam ang kaya Kong gawin." may pagbabata niyang Sabi na kina tawa ko ng malakas. "Ha..Ha..Ha..Ha..... Louder please.... auhhmmm... ok.. ok.. ako nalang" at agad kung nilakasan ang boses ko. "Well guys... Sabi Niya, siya daw si Rebecca Del Rio baka daw di ko siya kilala at baka di ko daw alam ang kaya niyang gawin.. so please.... tell me..? who is fuc**ng Rebecca nga ba..?" mapang asar kung sambit.

"Heron... Honey.... please help me pinapahiya ako ng babaeng yan oh.." Pag susumbong Niya Kay Heron. "Miss.. pwedi bang mag sorry ka nalang kasi anak mo naman ang may kasalanan?" Sambit ni Heron na ikinakulo ng dugo ko. "Mr. Reymundo natapunan ng di sinasadya ng anak ko ang damit ng kabit mo, pinahiya Niya ang anak ko wala kamanlang ginawa kahit manlang lagyan ng busal ang bibig ng kabit mo para matago ang tunay niyang ugali, na kahit bata pinapatulan. Kung sabagay ang ahas talaga ganyan kunting sagi lang nanunuklaw agad." Nakangiting kong Sabi na kinagulat ng lahat lalo na ng dalawang taong nasaharap ko ngayon.

maraming tao na sa palibot namin Yong iba kumukuha ng video at iyong iba ay nagbubulongbulongan ang mga ito, kinatuwa ko naman ito para ipahiya ang babaeng kabit ng dati Kong asawa.

"Sino ka para sabihing kabit ako ni Heron... walang asawa si Heron at wala akong inagaw dahil akin lang siya" mangiyak iyak na Sabi ni Rebecca. "auwhsss! so... bakit nakita na ba ang bangkay ni Ella para sabihin mong wala ng asawa si Heron.... my dear wag Kang kampanti dahil paano na Pag bumalik si Ella..." nakanguso pa ako para asarin ito..

"Tell me... ikaw si Ella.." out of nowhere na Sambit ni Heron na kinagulat ng buong katawan ko para akong binuhusan ng yelo at sobrang kabog narin ng dibdib ko, paano Niya ako nakilala. "Kanina pa kita tinitignan kamukhang kamukha mo ang asawa ko... Tama ako diba.." dugtong pa nito... matagal ako bago nakasagot Pero di ito pwedi hindi maaring makilala Niya ako ngayon, hindi ako papayag. Pati si Rebecca ay gulat na gulat ito habang nakatitig sa akin.

"Hahahaha... hindi ko aakalaing kamukha ko pala ang dati mong asawa Mr. Reymundo Pero Malabong ako ang asawa mo, ngayon nga lang kita nakita ng personal at Kong ako naging asawa mo siguradong patay na ang babaeng nasa tabi mo sa sobrang sakit ng pinagdaanan ng iyong asawa Kung ako sakanya gaganti ako kaya dapat ipagpasalamat mo na nakapag asawa ka ng lumpo at Isang kahig Isang tukang kagaya Niya." walang emosyon kung Sabi.

"Tama....Tama. hindi nga ikaw si Ella dahil hindi ganyan kagaspang ang ugali ng asawa ko, at wag na wag mong laitin Ang asawa ko dahil wala Kang karapatan para sabihan siya ng masama." galit na galit si Heron at nakikita ko rin iyon sa nag aapoy niyang mga mata Pero ganoon paman di ko Alam bakit nakaramdam ako ng kunting saya dahil sa sinabi nito.

"Ok... I'm sorry Mr.Reymundo... well Rebecca ano ang feeling na ikaw ang kasama Pero di ikaw ang tinatawag na asawa?" natatawa Kong tanong Kay Rebecca. "well... ito.." sabay dukot ng bank check sa bag ko at agad na nag sulat doon ng 1 million pesos at iniabot Kay Rebecca. "1 million pesos for your dress" with smiling face pa para galitin si Rebecca.

"How dare you..... guard..! guard...!!!! kaladkarin Nyo ang babaeng ito... gawin Nyo na kung hindi, aalis ako sa pagiging endorser ng mall Nato tignan natin kung di kayo tatanggalin sa mga trabaho nyo" halos magwala na si Rebecca dahil sa kahihiyan. Wala namang kumilis na kahit Isang guard dahil kilala nila ako kaya walang sino Mang sumubok na gumalaw kahit pa naririnig din nila.

"Tara na Rebecca, umalis na tayo dito, marami ng tao nakakahiya na yang ginagawa mo." Aya ni Heron dito.

"What..???? ako pa ang nakakahiya.. Babe tulungan mo ako palayasin mo na ang babaeng yan" turo ni Rebecca sa akin. "No... kung ayaw mong tumigil... maiiwan ka dito" agad namang tumalikod si Heron, naiwan naman ang bruhang ito sa harapan ko. Nag wawala parin pilit niyang pinapakaladkad ako.

lumapit ako dito para bulongan "Alam mo di nila gagawin yan, at wag Kang mag alala aalis na din ako tapos para di ka mahirapan ako na mismo aalis sayo para maging endorser ng mall Nato." nag tatakang iniwan ko si Rebecca.

Rebecca POV

Shit..! kanina pa ako nakauwi dito sa condo, dito na ako dumiretso kasi di ko mahagilap si Heron. Dagdagan pa ng kumakalat na mga balita sa tv gusto ko ng matunaw sa kahihiyan hindi rin ako nag pakita Kay daddy dahil sigurado akong sasampalin ako nito, ang manager ko naman ay galit na galit sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko lasing na lasing na ako Pero sariwang sariwa parin ang sinabi ng babaeng yon sa utak ko na kabit ako... kabit... bwesit ka Ella kasalanan mo to lahat dahil inagaw mo si Heron sa akin.... ang masakit pa nagawa pang ipagtangol ni Heron si Ella kanina hanggang ngayon ba mahal Niya parin si Ella.. dapat wag talaga akong pakampanti dapat ko ding ipaimbestigahan si Ella para kung buhay man ito ay ipapapatay ko din ito ulit para di Maka hadlang sa amin ni Heron..

Nagulat ako sa biglang Pag ring ng phone ko, agad ko tong kinuha at tinignan kung sino ang tumawag. Ang manager ko ano naman kaya ang kailangan nito? "Hello.... Rebecca..? Nasaan ka?" tanong Niya sa akin. "What...." walang gana Kong sagot.. "look what you did, inalis kana lang bigla bilang endorser ng S&Z mall and hotel even S&Z restaurant ay inalis kana nila" Galit niyang Sambit "what..? but why? any explanation kung bakit nila ako tinanggal.." para bang nawala ang presensya ng alak dahil sa narinig ko. napakasikat na hotel and mall ang S&Z kaya napakalaking kawalan ito sa akin. Pag aari ito ng napakayamang tao sa Pilipinas na kahit ang Boyfriend Kong si Heron ay di kayang pantayan ang yaman nito.

Bigla kong na alala ang Banta ng babaeng nakalaban ko sa mall, maari kayang siya ang may gawa nito sa akin Pero paano? Hindi maari ito sirang sira na ako sa social media pati pa ba sa career ko. "Rebecca..! Rebecca.. " tawag mula sa kabilang linya , nakalimutan ko na may kausap pala ako sa kabilang linya. "nabigay ba nila ang dahilan kung bakit nila ako tinanggal" tanong ko dito "ayon sakanila hindi daw nila tinatanggap ang mga ugaling kagaya mo at masisira daw ang malinis na reputasyon nila lalo na't Isa sa mga tinutotokan nilang matulongan ay mga orphanage tapos lalapas na Isa sa mga endorser nila ay nanghamak ng Isang bata dahil lang sa di sinasadyang natapunan ang damit nito." mahabahabang pahayag nito. Halos mabaliw ako sa sitwasyon ko ngayon. Wala akong magawa kundi umiyak ng umiyak, pagbabayarin ko ang batang yon at ang ina Niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status