MasukSA kabilang dako, sa loob ng isang malawak na bahay, nakaupo sa sofa si Megan, hawak ang remote habang nanginginig ang mga daliri habang pinapanood si Vash sa live broadcast.Kagat-kagat niya ang labi niya at awang-awa siya sa mga magulang niyang nakaluhod ngayon at humahagulgol habang nagmamakaawang itigil na ni Vash ang paggiba ng kanilang gusali.Hindi siya makapaniwala na pinagawa ni Vash ang bagay na ito.Sa tabi niya, si Harold, tahimik lang din, pero halata ang tensyon sa mukha. Nanonood din siya kay Megan na humihikbi."Megan…" mahinang tawag ni Harold, pero hindi siya sumagot.Ang mga mata ni Megan ay nakatutok lang kay Vash sa TV habang nagraragsaan ang luha niya sa pisngi.Habang pinapakinggan niya ang bawat salitang binibitawan nito, parang isa-isa ring nababasag ang mga swerteng dumaan sa buhay niya."Ayan ba ang mahal mo? 'Yung unti-unting sumisira sa buhay mo?" Tanong ni Harold na nagpintig sa tenga ni Megan."Shut up."Yung mga panahong akala niya minahal siya ni Vash.
LUMIPAS ang ilang minuto mula nang pagsisira ng mga makina sa gusali. Ang Briones Tower, na minsang simbolo ng kayabangan at yaman, ay unti-unting bumibigay sa lakas ng mga bulldozer. Ang ingay ng bakal at salamin na nababasag ay parang musika sa pandinig ni Vash.Puno ng alikabok ang paligid. Wala na rin ang mga tao at sobrang layo na sila. May kumalabit sa kanya, si Atty. Marcelo, hawak ang isang dokumento sa loob ng envelope."Mr. Ferrer," mahinang sabi ni Atty. Marcelo, "handa na po ang DNA result. Sigurado po kayong ipapakita natin 'to ngayon?"Sandaling tumingin si Vash sa paligid, sa mga camera, sa mga taong nagmamasid, sa mga Briones na ngayon ay nakaluhod na sa gilid na nakikiusap. Sa loob-loob niya, ramdam niya ang pagtibok ng puso niya."Nga pala, pinapasabi ng ama ninyo na umuwi ka mamaya sa bahay niyo."Alam niya na alam ng pamilya niya ang ginagawa niyang 'to ngunit magpapaliwanag na lamang siya. Hindi naman siguro magagalit ang kanyang ama at ang pumanaw na kanyang lol
Sa TV screen, nakikita na ang paglapit ng mag-asawang Briones, si Mr. Adan Briones at Mrs. Marga Briones. Parehong kabado, parehong pawis na pawis kahit nasa lilim."Vash, tumigil ka na. Pwede ba nating pag-usapan ‘to?" pakiusap ni Adan habang pinipigilan ang boses na manginig. Kinakain niya rin ang kanyang ego. Kilala si Adan bilang isang bossy na kahit sino minamaliit niya, ngunit ngayon ay parang tuta siya ngayon sa harap ni Vash. "Hindi mo kailangang gawin ‘to sa harap ng media."Ngumiti si Vash ng malamig. "Bakit? Nahihiya ka ba?"Inikot ni Adan ang kanyang paningin at kita niya ang maraming kumpulan ng mga tao. Napayuko siya sa kahihiyan."I’m done staying quiet, Adan. What gives you the right to mess with me and my family? It’s time everyone sees your true colors, including that child of yours."Ang mga camera ay tuloy-tuloy sa pagkuha ng bawat galaw ni Vash. Lalong napalakas ang bulungan at ang iba ay nakapukaw lahat ang tingin sa mag-asawa.Sa mansyon, halos mapabitiw si Nadi
MEDYO maingay ang buong land ng mga Ferrer nang sumapit ang hapon. May mga inaayos kasi ang mga tauhan ng mga Ferrer na mga machines at mga sasakyan. Sa loob ng bahay, medyo magulo dahil nakikipaglaro si Shayne kasama ang kanyang pinsan na si Hayes, four years old na siya, at anak ni Maureen. Madalang lamang idala ni Maureen si Hayes sa bahay ni Warren kaya't masaya siya na sa wakas ay may kalaro na ang anak niya.Sa sala, naroroon sina Nadine, si Warren pati ang kanyang mga kapatid. Kasama rin si Sean na busy sa pagbabasa ng isang libro at katabi lamang siya ni Warren.Mas gusto pa ng mga magulang ni Vash na dito tumira ang mga apo nila kaysa mahiwalay pa sila ngunit wala naman silang magawa kapag kinuha sila ni Hyacinth papunta sa condo niya."Apo, hindi ka ba nagugutom?" Tanong ni Nadine kay Sean at malambing niya itong hinaplos sa ulo."Hindi po," sagot ni Sean na nakabaling sa lola niya at ngumiti.Malaki na ang pagbabago ni Sean, unlike before, bastos siya kung sumagot. Mabuti n
Totoo nga pala na biglang manunumbalik ang pagmamahal mo sa tao kapag nagbago sila para sa 'yo.At pinapanalangin niya na sana wala ng magiging problema katulad ng nangyari sa kanila dahil gusto na niyang mamuhay ng normal kasama si Vash at ang mga bata."Mommy, you forget about me!" Reklamo ni Shayne sa sulok na ikinahalakhak ng dalawa.Oh, no. Nandito pala ang baby girl nila."Sorry, baby!" Hinila ni Hyacinth si Shayne sa tabi nila at sinama sa yakapan.Ngayong nararamdaman niya ay masaya at parang nabura na lahat ni Vash 'yung duda niya sa kanila.Bahala na. She will take the risk again. If it fails, wala na siyang magagawa. Siguro ay matututo na siya ng sobra n'on kapag nangyari pa ulit ang naging problema nila.SA kabilang banda, parehong namomroblema si Harold at ang kanyang naging driver dahil pinaalam sa kanya na may nakakaalam sa nangyari. "Boss, paano 'yan?""Manahimik ka! Ang plano ko sana ay maghanap ka ng pagtataguan namin ni Megan dahil anytime ay pwede kaming guluhin n
"AYOS na ba 'yung pinagapagawa ko sa 'yo?" Tanong ni Vash kay Atty. Marcelo nang bisitahin niya ito sa office ni Vash.Sa maluwag na opisina ni Vash, umupo si Atty. Marcelo sa malapit na mesa at inilapag ang isang makapal na folder na pinagkilala ng leather strap. Tahimik na bumuka ang pinto ng office habang papalapit si Kyla dala ang kakainin ni Vash at naglalakad ito nang hindi nagmamadali dahil nagtataka din ang sekretarya niya na mukhang seryosong usapan ang nangyayari sa pagitan nina Atty. Marcelo at Vash.Pinagkrus ni Vash ang mga braso niya habang pinupukaw ang mga mata sa mga papeles na nasa harapa niya."Kyla, give us a moment," utos ni Vash sa kanyang sekretarya na kaagad naman nitong sinundan.Si Atty. Marcelo ay kinuha ang bawat papeles na inihanda niya at ipinakita at binasa ito sa harap ni Vash.Halos narinig naman lahat ni Vash ang dapat niyang marinig kaya't wala na siyang tinanong pang iba kay Atty. Marcelo."May rights akong ipagiba 'yung building?" Vash asked. Kaaga







