Home / Romance / My Ex's Uncle Is My Husband[FILIPINO] / Chapter 111. A Cry For Help

Share

Chapter 111. A Cry For Help

Author: Ecrivain
last update Last Updated: 2025-10-07 20:31:55

Miley’s POV.

Lumalalim na ang gabi pero hindi ako makatulog. Hindi ako mapakali dahil sa sinabi ni Horacio na babalikan niya ako. Iniisip ko rin si Mickey, kung natawagan ba niya ang numero na ibinigay ko.

Kanina pa ako palakad-lakad sa loob ng silid nang maisipan kong lumapit sa pintuan. Sinubukan kong pihitin ang seradura at himalang bumukas ito. Bahagya akong napangiti at sumilip sa maliit na siwang.

Nang wala akong makitang tao ay unti-unti akong lumabas. Matindi ang kabog ng dibdib ko at pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko sa sobrang kaba. Dahan-dahan akong naglakad habang alerto sa buong paligid ko.

Nagpatuloy pa ako sa paglalakad nang matanawan ko ang elevator na nakailaw at tila may lulan iyon sa loob. Natigilan ako at hindi malaman kung ano ang gagawin. Luminga-linga ako at naghanap ng pagtataguan pero wala akong makita kaya no choice na tumakbo ako pabalik sa loob ng silid at isinara ang pintuan.

Mayamaya ay narinig ko ang pagkagat ng lock sa pintuan. Sinubukan kong pihitin
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Ex's Uncle Is My Husband[FILIPINO]   Chapter 112. Finding His Way To Her

    Chanda’s POV.“We better leave now, Clifford. Any minute now ay darating na si Gustav at baka sa mga oras din na ito ay nakaengkwentro n ani Horacio ang grupo ni Aurelius,” turan ko at isinukbit na ang AK-47 sa leeg ko at ang bag na puno ng ammo at baril sa balikat ko.“Narito si Aurelius?” kunot ang noong tanong niya.“Yeah, ginawa ko siyang pain para malihis sa ‘tin ang atensyon ni Big Boss. After all, he’s the real traitor. He’s the one who brought you in this mess kaya dapat lang na pagbayaran niya ang lahat ng kasalanan niya,” tugon ko.Tiningnan ko si Clifford habang isinusukbit niya ang dalawang baril sa balikat niya. Napapangiwi pa rin siya marahil ay dala ng mga sugat sa buo niyang katawan na nadidikitan ng strap ng baril. Nang tumango siya bilang tugon na handa na siya ay unti-unti ko ng binuksan ang pintuan saka sumilip sa labas.Nang masigurong walang tao ay nauna na akong lumabas. Sinenyasan ko lang siya na manatili sa likuran ko. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya n

  • My Ex's Uncle Is My Husband[FILIPINO]   Chapter 111. A Cry For Help

    Miley’s POV.Lumalalim na ang gabi pero hindi ako makatulog. Hindi ako mapakali dahil sa sinabi ni Horacio na babalikan niya ako. Iniisip ko rin si Mickey, kung natawagan ba niya ang numero na ibinigay ko.Kanina pa ako palakad-lakad sa loob ng silid nang maisipan kong lumapit sa pintuan. Sinubukan kong pihitin ang seradura at himalang bumukas ito. Bahagya akong napangiti at sumilip sa maliit na siwang.Nang wala akong makitang tao ay unti-unti akong lumabas. Matindi ang kabog ng dibdib ko at pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko sa sobrang kaba. Dahan-dahan akong naglakad habang alerto sa buong paligid ko.Nagpatuloy pa ako sa paglalakad nang matanawan ko ang elevator na nakailaw at tila may lulan iyon sa loob. Natigilan ako at hindi malaman kung ano ang gagawin. Luminga-linga ako at naghanap ng pagtataguan pero wala akong makita kaya no choice na tumakbo ako pabalik sa loob ng silid at isinara ang pintuan.Mayamaya ay narinig ko ang pagkagat ng lock sa pintuan. Sinubukan kong pihitin

  • My Ex's Uncle Is My Husband[FILIPINO]   Chapter 110. The Night of the Abduction

    Chanda’s POV.“How’s the booze?” tanong ko kay Clifford matapos niyang mapangalahati ang laman ng bote ng alak na iniabot ko sa kanya.“I felt energize already,” tugon niya at tumayo siya mag-isa pagkaraan ay ngumisi.“Well, that’s good to hear. Kailangan na nating kumilos dahil baka pabalik na rito ang mga tauhan ni Horacio,” sabi ko at naglakad ako palabas ng maindoor para lang agad na pumihit pabalik. “Sh*t! They are coming here. Mukhang alam na nilang niloko ko lang sila,”Naging malikot ang mga mata ko at inilibot ang tingin sa buong paligid. I need to think of a plan. Masusukol nila kami agad kapag hindi kami nakaalis dito, Frustrated kong kinamot ang ulo ko.“F*ck! Think, Chanda, c’mon…” Tiningnan ko ang laman na bala ng magazine at iilang piraso na lang iyon. Sa dami ng nakita kong papalapit ay kulang pa ang balang mayroon ako.Right! Naalala kong mayroon nga palang silid sa bahay na ito na pinagtataguan ng armas ni Horacio.“C’mon, Clifford, follow me,” utos ko at tumakbo sa

  • My Ex's Uncle Is My Husband[FILIPINO]   Chapter 109. Lure The Enemy Part 2.

    Chanda’s POV.Ilang minuto nang nakaalis sila Horacio at ang mga tauhan niya. I’m sure umiinit na ang bumbunan niya sa takot. Tsk!Kapag naiisip ko ang tagumpay ay hindi ko maiwasang mapangiti ng matamis. It’s good to be back here in this hell hole. Dapat ay maging akin ito pambayad man lang sa mga taon ng bangungot na idinulot niya sa ‘kin.Tumayo ako mula sa sofa at nag-hum ng isang kanta habang patungo sa mini bar na nasa isang sulok. Pinasadahan ko ng tingin ang mga alak sa rack at kinuha ang pinakamahal doon. Pagkaraan ay nagsalin sa baso at dinala iyon sa labi ko.Ninamnam ko ang bawat likido na dumampi sa labi at lalamunan ko. “Wow, is this what victory taste like?” nakangiting pakli ko.Isang beses pa akong nagsalin at uminom ng alak saka ako humugot ng malalim na hininga. “Let the show begin!” Bulalas ko at naglakad na palabas ng maindoor.Paglabas ay nagtago lang ako sa gilid at hinubad ang wig na suot ko saka kinuha ang baril na nakatago rito. Pagkaraan ay basta ko na lang

  • My Ex's Uncle Is My Husband[FILIPINO]   Chapter 108. Lure The Enemy

    Chanda’s POV.Matalim ang tinging ipinukol ko kay Horacio. Sa peripheral ko ay kita ko ang mga tauhan niya na tila naghihintay ng mali kong galaw. Lahat sila ay armado maliban sa kanya.Kanina bago ako pumasok dito ay kinapkapan na ako ng mga tauhan niya para tingnan kung may dala akong armas at wala naman silang nakita. Pero hindi nila nakita ang senyorita sa pekeng buhok na suot ko.Ngumisi ako kay Horacio. “Ang kaya ko lang ibigay sa ‘yo ay ang kamatayan mo, tandang hukluban,” pagkasabi ko no’n ay hinubad ko ang wig at tumambad sa kanila ang ulo kong wala ng buhok. Inilabas ko ang baril at pinaputukan si Horacio sa isang binti niya na hindi umiika. Pagkaraan ay ipinulupot ko ang braso ko sa leeg niya at kinaladkad siya paatras.Hindi magkamayaw ang mga tauhan niya kung paano ako patatamaan dahil kapag nagkamali sila ay ang amo nila ang matatamaan. Naririnig ko pa ang pagdaing niya dahil sa sakit at tuloy ang pagtulo ng dugo sa maputing muwebles na sahig.“Dapat noon palang pinatay

  • My Ex's Uncle Is My Husband[FILIPINO]   Chapter 107. Execution Plan

    Chanda’s POV.Itinapon ko ang sigarilyo sa kalsada pagkaraan ay marahas itong tinapakan gamit ang suot kong itim na stiletto. Huminga ako ng malalim. Ililigtas ko si Miley at Clifford pati na rin ang magiging anak nila. Pero bago ‘yon ay kailangan ko ng backup.Inilabas ko ang telepono ko at tinawagan si Gustav, Ilang ring lang ay sumagot na siya.“I’m here in the enemy’s lair. I need you to listen to everything I say—”“Ano?! Nasisiraan ka na ba ng bait? Bakit sumugod kang mag-isa? Bakit ngayon mo lang kami sinabihan?”“Hindi ko kailangan ng sermon mo ngayon, Gus! Listen to me, I will tell you every ins and outs of this place. Mali ang floorplan na hawak mo…” sinabi kong lahat ang alam ko tungkol sa malaking lupain ni Horacio. Ang lahat ng entrance at exit maging ang mga hidden passage.Mataman lang na nakinig si Gustav sa kabilang linya pero panaka-naka ay naririnig ko ang pagbuntong-hininga niya. Alam kong salungat siya sa ginawa ko pero wala na siyang magagawa dahil narito na ako

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status