My Ex's Uncle Is My Husband[FILIPINO]

My Ex's Uncle Is My Husband[FILIPINO]

last updateHuling Na-update : 2025-07-25
By:  EcrivainIn-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
9Mga Kabanata
82views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Dahil sa isang pagkakamali ay nalagay sa alanganin ang buhay ni Miley. Ngayon ay hinahanap siya ng miyembro ng mafia para patayin. Isa lang ang naiisip na solusyon ng boss/Uncle ng ex niya at iyon ay ang magpakasal siya rito para maproteksyonan siya. “Marry me so I can give you all the protection that you need. Nothing else…” – Clifford Alfonso. Hindi alam ni Miley kung bakit nagkakaganoon ang buhay niya. Hindi pa ba sapat na nahuli niyang magkasama sa kama ang bestfriend at boyfriend niya? Ngayon naman ay nasa panganib ang buhay niya at ang tanging paraan lang ay makasal siya sa gwapo ngunit cold na Tito ng ex niya.

view more

Kabanata 1

Chapter 1. Betrayal

Miley’s POV.

ABOT TAINGA ang ngiti ko habang lulan ng elevator. May dala akong pizza at beer dahil susurpresahin ko si Jackson sa condo niya. Biglang sumama ang pakiramdam ko kaninang umaga kaya tumawag na lang ako sa opisina at nagpasabing hindi ako papasok then naisipan kong puntahan ang nobyo ko. Tamang-tama dahil alam kong nami-miss na niya ako at ganoon din ako sa kanya. Sobrang busy ko nitong mga nakaraang araw dahil magpapalit na ng management at kailangang ayusin ang mga papeles na dadalhin ng dati kong boss.

Sinipat ko pa ang hitsura ko sa repleksyon ko sa elevator. Siniguro kong nagpaganda ako bago pumunta dito. Ang hanggang balikat kong buhok ay pinalantsa ko para magkaroon naman iyon ng bagong itsura at nagpabango rin ako. Isang floral white dress na pinatungan ng cardigan ang suot ko dahil medyo nilalamig ako. Pero all-in-all ay maganda pa rin ako.

Nang bumaba ako sa elevator ay saktong natanawan ko si Chelsea at Jackson na papasok ng condo. Nagtatawanan sila at nakaakbay ang boyfriend ko sa bestfriend ko. Hindi naman ako nagtaka dahil ganoon talaga si Jackson sa mga babaeng nakakasama namin. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit magkasama silang dalawa ngayon? Ang sabi ni Jackson ay may trabaho pa siyang tatapusin bago niya ako puntahan habang si Chelsea naman ay mamaya raw ako pupuntahan.

Nagmadali na ako sa paglalakad at sakto naman na naiwan nilang nakaawang ang pintuan. Papasok na sana ako para gulatin sila nang may marinig akong tunog na nanggagaling sa loob.

“Akala ko ba ay pupuntahan mo si Miley? Bakit pinapunta mo pa ako dito? Na-miss mo ‘ko?” humahagikgik na tanong ni Chelsea.

Sinubukan kong sumilip pero napasandal lang ako sa dingding dahil natakot akong baka makita nila ako. Sa sala ko naririnig ang mga boses nila.

“Pagkatapos na natin. Oo, na-miss kita. Masama ba ‘yon?” tugon ni Jackson.

Biglang nanikip ang lalamunan ko at lumakas ang kabog ng dibdib ko matapos kong marinig ang usapan nila. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Para akong ipinako sa kinatatayuan ko at hindi ko alam kung aalis ba ako o kokomprontahin sila. Ang alam ko lang para akong binuhusan ng malamig na tubig.

“Sasabihin mo na ba kay Miley—ohh,” hindi ko na narinig ang sasabihin ng matalik kong kaibigan dahil puro ungol na lang niya ang naririnig ko. Napahigpit ang kapit ko sa box ng pizza na bitbit ko. At lalo pa iyong humihigpit habang lumalakas ang ungol nila. Napalunok ako hanggang sa naging hikbi iyon. Bahagya akong umatras at naghanda na para umalis pero pagkilos ko ay hindi sinasadyang nalaglag ang beer in can na bitbit ko at naglikha iyon ng ingay.

Natigilan ako at natulala na lang habang tuloy-tuloy sa pag-agos ang luha sa pisngi ko. At sa ganoong posisyon ako naabutan ni Jackson. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako.

“M-Millicent,” nauutal na tawag niya sa pangalan ko.

Mayamaya pa ay sumunod si Chelsea at gaya ni Jackson ay nanlaki rin ang mga mata niya. “A-anong ginagawa mo dito, Miley? A-akala ko ay may sakit ka?” tanong niya. Nakalihis pa ang white blazer niya at nakahantad sa harapan ko ang pink na bra niya.

Hilaw akong ngumiti. “O-oo nga. Pero kahit masama ang pakiramdam ko ay pilit akong tumayo para sorpresahin ang BOYFRIEND KO na nami-miss na raw ako. But guess what? Ako pala ang masosorpresa sa makikita kong ginagawa niyo!” Pinilit kong magmukhang galit pero ipinagkanulo ako ng boses kong pumipiyok dahil sa sakit na nararamdaman ko sa dibdib.

Para akong sinasaksak ng paulit-ulit. Ni hindi ko maramdaman ang mga palad ko sa mga oras na ‘to. Nanginginig, nangangatal, at para bang pagod na pagod ang pakiramdam ko.

“L-let me explain, Millicent,” sabi ni Jackson. Pero isang malakas na sampal lang ang ibinigay ko sa kanya.

“We’ve been seeing each other for a while now, Miley!” agap naman ni Chelsea at gaya ni Jackson ay isang sampal din ang iginawad ko sa kanya.

“H-hindi ko alam kung ano ang mas masakit. Ang panloloko sa ‘kin ng boyfriend ko ng apat na taon o ang panggagago sa ‘kin ng pinakamatalik kong kaibigan?” napasigok-sigok ako at ni hindi ko magawang pigilan ang paghikbi ko na pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng hininga.

Binitawan ko ang mga bitbit ko at tuloy-tuloy na lumabas ng condo unit ni Jackson habang walang patid ang luha ko sa pagtulo. Sinapo ko ang dibdib ko dahil pakiramdam ko ay aatakihin ako sa puso sa sobrang bigat. Ni sa hinagap hindi ko naisip na gagawin nila sa ‘kin ‘to dahil silang dalawa ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Lumaki akong ulila at ang taong nagpalaki sa ‘kin ay walang ginawa kundi saktan ako kaya nang makilala ko sila ay tuwang-tuwa ako. Pero it turns out na ang taong nagdala ng saya sa buhay ko ay siya rin palang magdadala ng sobrang pananakit sa ‘kin.

“Millicent, let me explain. Listen to me, please?” tumatakbong pakiusap ni Jackson nang maabutan ako sa harap ng elevator.

“Wala na tayong d-dapat pag-usapan,” napailing ako at marahas na ipinikit ang mga mata ko. “H-hiwalay na tayo Jackson. S-sana ay maging masaya kayo ni Chelsea,” marahas kong pinindot ng paulit-ulit ang elevator at nang magbukas ‘yon ay dali-dali akong sumakay.

“C’mon, Milli, ikaw ang mahal ko. N-naghanap lang ako ng atensyon d-dahil palagi kang abala, please?” sinubukan pa niyang magpaliwanag pero lalo lang nagpupuyos ang dibdib ko sa galit.

“So, past time mo lang ako? Gano’n ba Jackson?” dumadagundong ang boses ni Chelsea. Pero wala na akong pakialam pa kung magtalo sila. Nagpasalamat na lang ako nang magsara na ang lift. Sumandal ako at patuloy na umiyak.

Mahal ko si Jackson at noong kami pa ay magkasama naming pinlano ang magiging future namin. Ang kasal, kung ilang anak, at kung saan kami titira. Mayaman ang pamilya nila at hindi nila ako tanggap pero kahit gano’n ay ipinaglaban ako ni Jackson kaya labis ang saya ko na siya ang naging nobyo ko. Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamaswerteng babae sa munod dahil na sa ‘kin siya. Pero bangungot lang pala at nagising rin ako.

Buong akala ko hindi ko kakayanin kapag nawala siya. Akala ko matatanggap ko kapag nagloko siya basta sa ‘kin pa rin siya babalik pero hindi pala. Pinukpok ko ang dibdib ko dahil hindi ako makahinga at nagmamadali akong lumabas ng elevator para dumiretso sa kotse ko sa basement parking lot.

Nang makapasok ako sa loob ng sasakyan ko ay doon ako humagulgol. Iyak na kailanman ay hindi ko inakalang gagawin ko ulit. Ang unang beses na umiyak ako ng ganito ay noong namatay ang Papa ko at ngayon ang pangalawa.

Pinulot ko ang bottled water na nasa passenger seat at ininom ‘to para gumaan kahit papaano ang nararamdaman ko. Pero gaya kanina pinaluwag lang nito ang dibdibb ko para punuin na naman ng sakit. Isinubsob ko ang mukha ko sa manibela at nagpalipas ng sama ng loob. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

Nang magising ako ay madilim na kaya in-start ko na ang kotse ko at nagmaneho pauwi sa inuupahan kong apartment sa Bulacan.

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
9 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status