LOGINMiley’s POV.Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang paglapat ng tela sa balat ko. Nang imulat ko ang mga mata ay nakita ko aang nakangiting mukha ni Clifford.“Nakatulog na pala ako. Kumain ka na ba? Ipaghahanda kita—”“No need. Katatapos ko lang. Hindi na kita ginising dahil ang sarap ng tulog niyo ni baby,” turan niya na ang atensyon ay nakatuon kay Levy na mahimbing na natutulog sa crib.Malapit ng dumilim sa labas at kararating lang niya galing sa farm. Magulo ang buhok niya at may bakas pa ng pawis sa noo. Inakbayan ko siya at tila awtomatiko naman na pumulupot ang braso niya sa baywang ko.“He looks peaceful,” aniya.“He is. Hindi niya pinasakit ang ulo ko at natulog lang siya maghapon,” tugon ko.“That’s good to hear.” Dahan-dahan niyang inilapit ang daliri niya sa maliliit na kamay ng sanggol hanggang sa magdikit sila.Hinayaan ko lang siyang gawin ‘yon at nagtungo ako sa walk in closet para ikuha siya ng pamalit na damit. Paglabas ay napamulagat ako nang makitang hawak na
Miley’s POV.One Year Later…“Clifford, where’s the baby’s milk?!” Sigaw ko mula sa sala ng bahay na tinutuluyan namin dito sa Austin, Texas.Hawak-hawak ko sa bisig ko ang one-month old baby na pinangalanan naming Levy na kasalukuyan kong pinapatahan sa pag-iyak.“Ito na malapit na!” Mayamaya pa ay lumabas na siya galing sa kusina bitbit ang feeding bottle na kasalukuyan niyang inaalog.Nangingitim ang ilalim ng mata niya dahil sa eyebags at gulo-gulo ang buhok. Nakasuot pa siya ng pajama at tshirt na nasukahan ng baby.Agad kong kinuha ang bote sa kamay niya, saglit itong inalog pagkaraan ay ibinigay na sa umiiyak na sanggol. Saka lang ito tumigil kaya nakahinga na kami ng maluwag.Nahahapong sumalampak sa couch si Clifford at ikinurap-kurap ang mga matang inaantok pa.“P’wede ka nang matulog ulit. Thank you sa pagtitimpla ng gatas ni Levy,” sabi ko sa halos pabulong na tinig.“What’s my name again?” tanong niya sa naniningkit na mga mata. Alam kong antok na antok pa siya dahil kala
Clifford’s POV.Nang makauwi kami ay nakatulog na si Miley marahil ay dala ng pagod sa maghapon naming pag-aasikaso sa mga kailangan. Hindi ko na siya ginising at hinayaan ko siyang magpahinga sa silid namin.Nagtungo ako sa study room at doon ay naabutan ko si Gustav at Chanda na naghihintay sa ‘kin.“How is she?” tanong ng huli.“She’s good. She’s sleeping now.”“May petsa na ba ang pag-alis niyo Boss?” pag-iiba ni Gustav ng paksa.Dumiretso ako sa mini bar at nagsalin ng alak sa baso at diretso itong nilagok. Ramdam ko ang pagguhit ng init sa lalamunan ko, it’s just what I needed right now.Muli akong nagsalin pero nilaro-laro ko lang ang likido na nasa loob ng baso. Pagkaraan ay hinarap ko silang dalawa. “Plano kong hindi na bumalik rito kapag nakaalis kami,” puno ng kaseryosohan na turan ko.“Whaaat?!” Just what I expected from her. Inisang lagok ko ulit ang alcohol pagkaraan ay sinalinan iyon ng bago.“Don’t tell me you are running away from the mafia? Why, Clifford? You will ta
Clifford’s POV.“WHAT?! You are leaving the country?” Bulalas ni Chanda nang malaman ang plano ko.Nasa loob kami ng study room kasama si Gustav. I told them my plans and I entrusted all my businesses to them. Gusto kong sila ang mamahala sa lahat habang wala kami.“Bakit biglaan? Anong nangyari? Tell me?” pakli niya habang nakapameywang na palakad-lakad sa harapan ko.“Will you stop pacing and listen to what he has to say?” tila naiirita na na saway ni Gustav sa kanya.“Answer me, Cliff. Why are you planning to go abroad all of a sudden?” pag-uulit niya sa tanong kanina.Tumuwid ako ng upo mula sa pagkakasandal sa recliner chair at pinagsalikop ang mga palad sa ibabaw ng mesa. “We are going to seek medical advice regarding Miley’s condition…” tugon ko.Noon naman siya natigilan at humarap sa ‘kin na puno ng pagtataka. Kunot ang noo niya at tila hindi makaapuhap ng sasabihin. “Anong nangyari, Boss? Akala ko ay okay na si Ma’am Miley?” ani Gustav.“Don’t tell me you are actually agree
Miley’s POV.“Bitawan mo ‘ko!” Makailang ulit akong nagpumiglas habang ramdam ko ang pandidiri sa tuwing dadapo sa ‘kin ang balat niya.“Akin ka na! ‘Wag ka ng magpumiglas pa!” Hindi ako nakahuma nang dumapo ang isang malakas na sampal sa pisngi ko at dahil do’n ay sumubsob ako sa sahig.Hindi pa siya nakuntento at hinila niya ‘ko paharap sa kanya saka marahas na nililis pataas ang pantulog na suot ko.“Huwag… parang awa mo na…” Sinubukan kong takpan ang katawan ko pero marahas niya iyong pinalis habang hayok na hayok na nakatitig sa hinaharap ko.Tumigil siya panandalian at akmang huhubarin ang pang-itaas niya nang bigla ko siyang sipain sa pagkalalaki niya. Namilipit siya sa sakit at bumagsak sa sahig. Kinuha ko ang pagkakataon na ‘yon at tumakbo ako patungo sa pintuan. Sa pagkataranta ay hindi ako magkandatuto sa pagbubukas niyon. Mayamaya pa ay nakarinig ako ng nakabibinging tunog.Nang lingunin ko si Horacio ay may hawak siyang baril at nakatutok ‘yon sa ere kung saan niya ito pi
Miley’s POV.“Kailangan kong mahanap si Clifford… Ililigtas ko siya,” humahangos na sabi ko habang naglalakad sa malawak na sala ng mansion ni Horacio.Hindi ako mapakali at palinga-linga sa paligid. Hindi ko magawang tingnan ang nagkalat na bangkay sa bawat sulok. Kahit saan ako lumingon ay may nakikita akong marka ng dugo.Tila nawawala sa sarili na sinapo ko ang ulo ko. Hindi ko maramdaman ang mga palad ko at nanunuyo ang lalamunan ko. Pero isa lang ang nasa isip ko at ang dahilan kung bakit ako narito.Tumakbo ako patungo sa elevator at pinindot ang top floor. Alam kong narito lang si Clifford. Baka nagtatago lang siya sa kung saan kaya hindi siya makita nila Chanda.Pagbaba sa elevator ay nanlaki ang mga mata ko at bahagya akong napaatras. Napahawak pa ako sa pintuan ng lift para hindi ito tuluyang magsara. Sa harapan ko ay nakatayo ang taong naging puno’t dulo ng gulong kinakaharap namin.Kitang-kita ko ang panghihina niya habang sapo ang braso na nagdurugo. “You came back for m







