แชร์

Chapter 75: Selos

ผู้เขียน: rainheart
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-04-14 23:58:52

Sa isip ni Alex dahil sa kapangyarihan ng pamilya nina Adrian at ng pamilya rin mismo ni Anne kaya muli itong nagkaroon ng chance na makapag-exam ulit. Tanging buntonghininga na lamang ang naging sagot ni Alex kay Bernard.

“So si Professor Reyes na rin ang nag-suggest na mag-exam ulit si Anne?” tanong ni Alex kay Bernard pagkalipas ng ilang saglit ng kanilang pananhimik.

“Ang Board na rin mismo ng institusyon pero sumang-ayon siya syempre. Kailan ba iyon gumawa ng bagay na hindi pabor sa batang ‘yon?” tugon naman ni Bernard.

Napaismid si Alex sa mga sinabi ni Bernard dahil alam niyang puro katotohanan ang mga sinabi ng kaharap. Kahit boyfriend ito ng kaibigan niyang si Sabrina, kailanman ay hindi pareho ang naging trato nito kagaya kung paano nito tratuhin si Anne.

“Anyway, speaking of Professor Reyes, nakita namin pareho si Sabrina na may kausap na lalaki. Bata pa at parang ang close na nila. Akala ko nga noong una ay si Seth o kapatid niya pero hindi ito si Seth at lalong hindi ito
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 105: Mga bulaklak

    Na-sorpresa si Sabrina sa pagdating ni Bernard pero taliwas ang ekspresyong pinakita ni Adrian. Mukhang hindi nito nagustuhan ang pagdating ni Bernard.“Nalaman kasi ni Alex na nasa ospital si Sabrina kaya napag-utusan akong ihatid itong pinabibigay niyang mga prutas at bumili rin ako ng bulaklak,” paliwanag ni Bernard bilang tugon sa tanong ni Adrian kung bakit siya napadalaw.“Maraming salamat sa paghatid,” wika naman ni Sabrina.“Kung malapit nga lang daw sana ay siya mismo ang dadalaw sa ‘yo kaya nakiusap na lang siya sa ‘kin,” muling wika ni Bernard. Napatingin ito kay Adrian kaya alam niya na sa uri ng tingin nito sa kanya ay hindi nito nagustuhan ang kanyang pagdalaw.“Ah, Sabrina aalis din pala ako agad kasi may gagawin pa ako sa meeting,” sabi ni Bernard para hindi na siya pilitin ni Sabrina na manatili sa ospital. “She needs to recover kaya hindi siya pwedeng mapagod. Kailangan magpahinga muna,” wika ni Adrian. Kinuha rin niya sa mga kamay ni Bernard ang mga bulaklak at isa

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 104: Surprise

    Habang nasa ospital si Sabrina, hindi nawawala sa tabi niya si Adrian. Pinanindigan nito ang sinabing kasintahan niya ang dalaga kaya dapat lang na andon siya para bantayan ito. Inaalalayan niya ang dalaga sa pagpunta sa palikuran o kahit sa paglinis ng katawan hanggang sa pagbihis. Nahihiya man si Sabrina pero wala siyang magawa dahil hindi siya maaring magkikilos kahit sa pag-upo dahil baka bumukas ang tahi ng kanyang operasyon.Hapon nang mapasilip sa bintana ng kanyang silid si Sabrina. Kitang-kita mula roon ang hilera ng mga stalls ng nagbebenta ng mga pagkain sa bakuran ng ospital. Napalunok siya nang maamoy ang mga nilulutong pagkain. Nakaramdam siya ng gutom dahil mula paglabas niya ng operating room ay hindi pa siya nakakain. “Hayaan mo, kapag naghilom na ang sugat mo, ililibre kita ng marami at masasarap na pagkain,” wika ni Adrian na ikinalingon ni Sabrina sa kanya. Nagkibit-balikat lamang ang binata habang nakataas ang isang kilay na parang nagpapahiwatig na kita at ramd

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 103: Girlfriend kita, kaya babantayan kita.

    “I’m sorry! Nakalimutan kong takot ka pala sa dilim,” wika ni Adrian. Dahan-dahan niyang ibinalik sa higaan si Sabrina saka tumayo at hinawi ang kurtina para magkaroon ng liwanag ang silid. Napatakip naman saglit ng mukha si Sabrina dahil sa liwanag na bumaha sa loob ng silid. “Pero bakit ka umalis sa meeting niyo, eh hindi pa pala tapos?”“Wala naman kaming gaanong ginagawa kaya naisip kong tingnan ka dito. Malapit lang naman kaya anytime makakabalik ako kaagad.”Gumuhit ang guilt sa mukha ni Sabrina. “Pasensiya na kung nakaabala ako, Adrian.”“Girlfriend kita kaya sino pa ba ang magbabantay sa ‘yo dito gayong magkasama tayo?” seryosong tugon ni Adrian.Nagulat si Sabrina dahil sa naging tugon ni Adrian. Kailanman ay hindi niya itinuring ang sarili bilang girlfriend ng binata at lalong hindi niya hiniling na ituring siya nitong kasintahan. Nakapagtataka para sa kanya ang harap-harapang pagsabi ng binata na kasintahan siya nito pero wala siyang panahon o sa tamang huwisyo para mag-uu

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 102: Fear of darkness

    Pagkatapos ipaliwanag ni Adrian kay Sabrina kung bakit kailangan niyang ilabas ang masamang hangin sa katawan ay pinilit naman ng huli kahit hirap at nahihiya siyang gawin sa mismong harapan ng binata. Halos kulay-kamatis ang kanyang mukha sa pamumula dahil sa mga bagay na hindi naman sana dapat nilang pag-usapan. “Kailangan mong maglakad para makatulong sa muscles mo at ma-i-push siya palabas,” mungkahi ni Adrian para matulungan ang dalaga. “Masakit na nga ang operasyon ko na nandito lang ako sa bed tapos paglalakarin mo pa ako?” reklamong muli ni Sabrina. “Sandali, tutulungan kita. Maghintay ka lang dito,” wika ni Adrian. Ilang saglit lang ay bumalik si adrian dala ang isang maliit na palanggana na hindi alam ni Sabrina kung saan niya kinuha. Ipinatong niya ito sa ibabaw ng maliit na sidetable at ibinabad doon saglit ang tuwalya hanggang mabasa at pinigaan. “Para saan ‘yan at saan nanggaling ang mga ‘yan?” usisa ng dalaga na walang ideya sa ginagawa ni Adrian. “Para mailabas mo

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 101: Scar

    Unti-unting nawala ang galit at sama ng loob ni Sabrina kay Adrian. Hindi na rin namumula ang ilong niya sa kakaiyak dahil palaging nasa tabi niya ang binata para alalayan siya at tinutulungang malibang dahil sa mga kwento nito.“Sumasakit ba?” tanong ni Adrian nang makitang napangiwi ang dalaga. “Konting tiis lang. Nawala na ang bisa ng anesthesia kaya mararamdaman mo na siya ngayon. Mga dalawang araw lang naman at magiging okay na ang sugat mo,” dagdag pa ni Adrian.“Madali lang sa ‘yong sabihin ‘yan kasi hindi naman ikaw ang nakaranas ng ganitong operasyon.”Hindi na pinatulan ni Adrian ang mga sinasabi ni Sabrina dahil ayaw niyang maging dahilan para magkakomplikasyon ang sugat nito na dulot ng operasyon.Hindi naman mapalagay si Sabrina dahil sa biglang pagsulpot ng isang bagay sa kanyang isipan. “Adrian, nakita mo ba ang sugat ko sa operasyon? Malaki ba? Maayos ba ang pagkakatahi? Baka malaki ang maiwan nitong peklat sa tiyan ko,” wika ni Sabrina na napapangiwi sa isiping may pe

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 100: Naked

    Kalagitnaan ng gabi, nagising si Sabrina dahil sa matinding pananakit ng tiyan, sa bandang puson. Sa pag-aakalang dumating ang kanyang buwanang-dalaw, kaya mbilis siyang bumangon at pumasok ng banyo para magpalit ng panloob pero malinis ito nang kanyang hinubad. Napabilang siya ng araw at pitong araw pa bago ito dumating base sa cycle nito. Isa pang pinagdududahan niya ay baka dahil sa pagkain na kinain niya sa hapunan kaya sumakit ang kanyang tiyan. Lalong tumitindi ang sakit kaya muli siyang nahiga at namilipit sa sakit. Tagaktak na rin ang kanyang pawis. Naisip niyang tumawag ng tulong pero nahihiya siyang estorbohin ang iba kaya wala siyang nagawa kungdi tawagan si Adrian.Kaagad na tinanggap ang kanyang tawag pero wala siyang narinig ni isang salita mula sa kabilang linya. Alam niyang andon lang si Adrian, makikinig ng sasabihin niya.“Adrian. . .ugh! Dalhin mo. . .ako sa ospital. . .Mga katagang nasambit ni Sabrina bago panawan ng ulirat dahil hindi na niya kinaya ang tindi n

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status