Share

MFAMLL 01

Chapter 01:

   Nice To Meet You

" WELCOME TO NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT, THANK YOU FOR YOUR SERVICE, HOPING YOU'LL BE COMING AGAIN,  WE'RE ALWAYS HERE TO SERVE AND ASSURE YOUR SAFETY TRIP, THANK YOU!!!"

Ohh My Ghaad!!! This is it, Pansit. Kyaahh!!! Nandito na talaga ako for real yeheyyy! HAHAHA nababaliw na us self HAHAHA.

Ayt pasensya na sa pagiging hyper ko hehehe kasi naman po Im still in my shock condition right now, ohws kita mo na napapa ingles tuloy ako sa tuwa HAHAHA. Opss wag na tayo mag ingles di bagay sa tulad natin HAHAHA.

Sensya na, taga probinsya lang na napunta dito sa siyudad para maabot ang kanyang pangarap. Yup! Dahil sa angking katalinuhan na mayroon ako at determinasyon sa buhay ay nakapunta ako dito sa Maynila para simulan ko na ang pag abot ng aking mga pangarap.

" Excuse me! Are you Ms. Messhanie Grace Monteverde?" sabi ng isang mid 30s na lalaki na naka formal black suit. 

" Ako nga po yon," sagot ko naman sa kanya na may mga ngiti sa aking munting kulay rosas na labi.

" I am Eddison Rodriguez, the head servant of the bodyguards in Gem Stone Academy. Im send here to fetch you, if you don't mind can we go now?" sabi naman niya sa akin at binuksan ang pintuan ng woahh limousine to ah, alam ko noh hahaha syempre ako pa hehe.

"Okay lang po, salamat po," sambit ko naman sa kaniya habang pumapasok na ako. Agad naman akong napatigil nang madatnan ko sa loob na di lang pala ako nag iisa. May limang babae na pala dito sa loob. 

Ngumiti naman ako sa kanila bago umupo sa sahig este sa upuan pala hahaha.

" Hey Im Chessca Curtiz, nice meeting you." Kalabit ng babae na may mahabang buhok, morena, matangos ang ilong at saka mukhang galing sa pamilyang mayaman dahil sa pamamaraan ng kanyang pananamit at base na rin sa pananalita niya.

" Ako naman si Stella Salvador, baguhan din gaya mo," sabi naman ng naka plain white t-shirt at black jeans na babae na maalon alon yong buhok niyang kulay itim na itim at ang kutis nitong di masyadong maputi ito. 

" Hello Im Krystal Jane Del Vega, nice meeting you," sabi naman nong may mabilog bilog na mata, maputi ito kumpara kay Stella, may maikling buhok at naka mini skirt ito at naka off shoulder.

" Hi po. Ako po pala si Jenielyn Marquez, tawagin mo na lamang akong Lyn-lyn," sabi naman nitong cute girl na ito. Ang cute ng boses niya ang childish na mahiyain. Di siya gaano katangkad dahil chubby siya, ang kinis ng mukha. Makurot nga pisngi nito pag maclose na kami shhh lang hehe.

" Tawagin mo na lamang akong Corrine Mae Sanchez, isang baguhan din actually lahat tayo baguhan dito," salita na naman nung isang naka ponytail at naka salamin. May tigyawat siya at may bangs pa ha, may pagka baduy yong pananamit niya pero for sure maganda to pag mag ayos to pustahan pa. Woah so totoo talaga ang mga ganito, ito na ba ang nerd? Sa amin kasi don sa probinsya di uso ganitong pormahan eh tsaka sa w*****d ko lang to nababasa at ngayon may nakita na ako for real.

" I'm not newbie talaga, since grade school sa GSA na ako nag-aaral," biglang sabi ni Chessca. Napahanga naman ako, kami sa sinabi niya. Iba talaga pag may angking pera.

"Nice meeting you all too,  Im Messhanie Grace Monteverde, just call me everything you want," pakilala ko naman sa kanila na nakangiti. Eh sa gusto kong mag ingles eh hahaha pabayaan niyo na minsan lang naman eh. Sa tingin ko parang sanayin ko na sarili ko na makadinig ng nag iingles kahit nasa Pilipinas tayo hakhak. Di naman sa di ako marunong, di lang sanay. At aba hoy! Best in English ako nong elementary noh! Wala shinare ko lang hehehe peace.

" So scholars din kayo?"  tanong ko sa kanila habang humaharap sa kanila. Mahirap na baka ako lang pala kutong lupa dito haha. Tss kutong lupa man pero di maipagkakaila na may maganda akong panlaban noh hmp! Self support shhhhhh!

" So you mean you're one of the scholars too? I think you're from a rich and  well known family?" tanong ni Chessca sakin. Woah grabe naman to makapag sabi. Well maputi kasi ako, sakto lang yong height, payat pero may kurba sa katawan, may mukha din naman kahit papaano haha matangos din naman ang ilong ko at may medyo brownish ang buhok ko na bagsak na bagsak na di masyadong mahaba kagaya kay Chessca. Kaya siguro napagkamalan ako ni Chessca psh!

"Oo scholars din kami kagaya mo pero except kay Chesca mayaman eh, pero seryoso kala ko din mayaman ka," sabi naman ni Stella. Hayt! Grabe talaga iba talaga appeal ko bwahaha. Gondong pong moyomon owshiii neheheye ekeee enebeee eheee.

" Wahh! Di ah. Kayo naman hehe. Kala niyo lang yon, si Chesca pala big time dito eh," nahihiya kong sambit sa kanila. Eh sa neheheye eke eh. Haha maganda ba talaga ako haha. Oo daw sabi ni sarili ko. Naks lakas maka ggss, gandang ganda sa sarili beh hahaha.

" TSS, not me my parents, actually tito ko yong may ari ng school," sabi niya. Woah! TALAGA!!! Kayaman naman pala talaga nito. Imagine kapatid ng parents mo ang nagmamay ari ng Gem Stone Academy na tinitingala at inaasam asam ng bawat estudyante na makapasok woah, cool talaga. Makaka--

Sana all, sana all mayaman.

"Woahh sana all talaga, sana all lahat," sabi naman ni Stella.

"Oo nga no"

"Kainggit"

"Ang yaman wala tayo sa kalingkingan"

"Makakasana all talaga, sana all Chessca"

Sabay sabay naman nilang sang ayon. Naks naman talaga.

Maya maya pa ay biglang huminto yong limousine na sinasakyan namin. Sinilip ko naman kung nasan na kami

WOAHH!!! Nasa loob na pala kami ng Academy. Wow talaga as in shock and priceless pa din ako na naabot ko na ang isa sa mga pangarap ko, ang nakatungtong sa isang prestigious school na bihirang estudyante ang makapasok dito dahil sa pagkamahalang tuition fee nito. Kaya Im so thankful na napasa ko yong entrance and full paid scholarship examination. Kasi kada bagong pasukan kumukuha lang sila ng limang estudyante na makapasok at full paid scholarship and luckily kasama ako sa lima and probably sina Corrine, Stella, Krystal at Jenielyn yong apat pa. So it means matatalino din pala tong mga kasama ko hindi basta basta, ewan ko kay Chessca di ko alam hihihi.

We're fully paid scholars, so it means that our miscellaneous tuition fees, foods, shelters, allowances and all our needs will give it and sustain us.

That's what I like about this Academy because they are giving chances and opportunities for those students who want to attend this school with their knowledge weapons only to study here. I really love it because that's the way, that's the reason why I am here right now, standing in the school yard and mesmerizing the new ambiance of my eternal life.

Gem Stone Academy, expect my loyalty and honesty to take that opportunity seriously and I will use it as my inspiration and motivation to be a good student and a role model for this school.

Inilabas na ni sir Eddison yong mga gamit namin sa limo habang kami especially ako ninamnam muna ang bagong presensiya minamasdan ang bawat sulok nitong eskwelahan na dati ay sa internet ko lamang nakikita.

Napakakulay nitong Academy parang isang bahaghari. Mula sa gate na kulay rainbow ang pintora at ang bawat letra na nakaukit nito ay may mga mukhang glitters dahil sa kumikintab ito at may mga gem stone ding nakalagay doon. Kaya nga bagay sa name ng school ang Gem Stone Academy, dahil sa iba't ibang uri ng mga bato ang nakaukit at sa bawat kulay na nakapresenta dito.

Ang unang natatanaw mo pagpasok ay ang malawak na school field at ang mga club rooms. Tas sa gilid nito ay ang Admission Office ng Dean na kung saan nandito kami ngayon.

Tapos sa kaliwang gilid andon na ang mga school building departments na iba iba ang kulay representasyon ng mga grado at kurso mo.

Actually may tatlong ward tong academy, may elementary ward, secondary ward and tertiary ward. Kaya naman napakalaki ng school na ito hooh!

Tas yong mga dormitoryo dito, yup may dorm dito doon daw sa likuran ng school buildings na pinagigitnaan ng Canteen.

" Aren't we going inside, are we?" Pagmamaktol na tanong ni Chessca. Tsss palibhasa kasi sanay na sa mga ganito, lumaking may gintong kutsara. Gintong kutsara? Ano yon? Kumikinang na ginto? Hakhak.

" Wait lang Chess, kitang ninamnam pa ang bagong presensiya eh, kj mo," sambit naman ni Jenielyn habang nakapikit pa talaga, awootss ang cuteeee. Feel na feel talaga, tulad ko para akong nanaginip pa din, di makapaniwala. Thank you Lord.

"Uhm excuse me ladies, if you don't mind the Dean was already waiting inside. Just knock it out. We'll just put your baggage and things in your respective dormitory," Sir Rodriguez told us. Tumango na lamang ako. Mahirap na baka mabagot yong dean tas babawiin yong scholarship, NOOO! di dapat noh.

"I told you, Lets go," kanina pa to nag eenglish si Chessca ah, di ba to marunong magtagalog tss maturuan nga minsan ito. At nauna na siyang lumakad, wag kaya  naming sundan to hahaha bad shan ha, hehehe charowt lang naman.

"Tara na," sabi ni Corrine at sumunod na kay Chessca. Sumunod naman din sina Jennielyn, Stella and Krystal. Nagpahuli na lamang ako para makasilip silip pa ako sa likuran. Eh sa gusto ko eh hmp!

Nakabukas na yong pintuan kasi nauna nang pumasok si Chessca, tito niya kasi ang dean kaya walang hiya hiya na haha.

Pumasok na kami and woah maganda din ang mga disenyo nito sa loob. Ang unang mapapansin mo talaga ay yong mga nakaparadang certificates, medals, trophies and plaques to show how incredible, sporty, talented, knowledgeable, amazing and cool this academy.

" Good afternoon po," sabay naming bati sa dean. Kala ko gurang na si dean di pa pala, nasa mid-40s pa siya at di mo maipagkakaila na makisig at may mukha din ito, malamang self noh  kabahan kana kung walang ulo yan hahaha. Siguro heart rob ito nung time nila, may anak kaya itong lalaking kaedad ko, ma-hunt nga hahaha landi beh.

" Good afternoon please be seated," woah taray ng upuan nila sofa haha. Iba iba din kulay nito may emerald, ruby, sapphire and many more.

Tumabi ako kay Chessca na nagseselpon na. Woahh cool lang tito niya yan eh.

" By the way I am your Dean Jonas Curtiz, pamangkin ko yang si Chessca at may anak din ako dito sa school," sabi ni dean Jonas, woah may anak nga siya. Sana lalaki haha landi talaga.

" This is the School Terms and Policies Textbooks. This is your class schedule. This is your scholar card for your allowances. And these are your individual keys for your room in your dormitory. Even though, you were just in the same floor but you have individuals room except for Chessca she will be having different from the five of you because she will be with her cousins,'' sabi niya sabay bigay sa amin nong mga textbooks, black cards at nong brown envelope para sa schedule namin. 

" Salamat po"

"Opo"

"Sige po"

Sabi nina Corrine, Stella at Krystal. Tinanguan at nginitian naman sila ni Dean Jonas.

" That's okay it's our duty, Chessca will lead you  the way of your dorm. I need something to cope up with sorry but I need to go, have a good day and welcome to Gem Stone Academy amazing students, Enjoy!!!" sabi ni Dean Jonas at lumabas na sa pintuan. Ngayon ko lang napansin na parang may lakad siya dahil di siya naka office suit, mukhang kami nga lang yong inantay niya, ka-wow naman.

Lumabas na din kami sa admission office. Wala pang masyadong estudyante pagala gala ngayon. Alas singko pa naman ng hapon, siguro nasa dorm na nila.

" Students like you have their own dorms, the Andesite dormitory for the students whose full paid scholars. They separate you from us to have your full privacy, you know living with your own interest, books interest and academics are very grateful isn't that amazing. And beside that it will be easy for the maintenance to look after you and observe you," Chessca explained it to us while leading our way in our dormitory. Shaks! Nahawa tuloy ako sa kakaingles ni Chessca. Yong totoo kanina pa ingles ng ingles mga tao dito. Dudugo na ilong ko diyan eh.

" Chessca matanong lang ha, di kaba marunong magsalita ng tagalog? Kunti na lang talaga dudugo na ang ilong ko dito oh," sambit ni Jenielyn habang nakahawak pa sa ilong niya.

''Oo nga nano-nosebleed na din ako," segunda naman ni Krystal. HAHAHAHA may pagkabungangera din pala ang mga ito.

" Wee bakit may ilong ba kayo ha?" tawa tawang pang aasar ni Stella. 

" Kung wala kaming ilong Stella bulagta na kami, utak mo nasaan?" inis na sagot naman ni Krsytal.

" Ang ingay nyo, pare pareho lang naman kayo" awat sa kanila ni Corrine. Ganoon sila ka close para mag asaran ts kakaiba.

" Hiyang hiya naman kami sayo nerdy Corrine,"  Krystal.

" Kaygandang pangalan di naman bagay sayo haha," Stella.

" Hoy ano ba magkasakitan na kayo diyan," Jenielyn.

" Ayyt pagpasensyahan niyo na mga yan, sanay na kasi silang mag ganyanan eh hehe," sabi ni Krystal. Kaya napatango na lang ako.

" Syempre marunong, pero mas bet ko lang talaga mag ingles eh kaya sorry," yan naman pala eh marunong naman pala. Intindihin na lang natin galing sa mayaman eh mga englishera haha diba ang unfair. Pag mga mahihirap mag ingles sabihin  " Abnoy di bagay sayo oy "  pero pag mga mayayaman naku ang cool pa tsk tsk. Unfair ni Earthy!

Huminto si Chessca sa dalawang kulay abo na may pagka silver na buildings.

" Sa left side building yong boys at sa right side naman ang girls dorm," sabi ni Chessca at pumasok na sa loob ng girls dormitory. Para naman itong isang napakalaking bahay.

Pag pasok namin don sa loob may nakita na kaming mga kababaihan ditong samu't sari ang mga ginagawa. May naglalaro, chikahan, nood ng TV, nag-aayos ng mga materials and so on.

" Sa First floor may kitchen dito, sala, living room, movie room  and comfort rooms para sa lahat dito and the second floor to tenth floor iyon na ang individuals room niyo. Under constructing pa ang elevator dito kasi hanggang third floor pa lang ang na occupied and every floor consist of twenty rooms so probably sa third floor kayo and just take a look of your keys kung anong number ng dorms niyo, you don't have any choice kundi mag hagdan na muna maybe tomorrow after tapos na yong elevator. So pano dito na lang ako at pagod na din ako. Bye and Enjoy," the tour guide, Este Chessca explained to us while tumatango na lang kami. That explains kung bat may ganito sa ground floor, okay. She hugged us and beso beso before she left. She's kinda nice. 

Umakyat na kami, di naman masyado nakakalula hagdan nila dito. Tas di naman din masyadong mataas kaya kaya to, kami pa ba.

"Number 60 yong room ko, ney last talaga eh" maktol naman ni Corrine.

" 58," Krystal.

"59," Jenielyn.

"57," Stella.

Tiningnan ko ang dorm key ko.

" 56 mine," sabi ko sa kanila habang hinahanap yong dorm number namin. Madali lang naman siya mahanap kasi yong forty-one to fifty ay occupied na, tas ang kaharap naman ng mga ito ay fifty-one to sixty. 

" Dito na dorm number mo Mesh,"  woah may tawag na si Krystal sakin ahhh.

"Yeah at don pa ang sa inyo," sabi ko naman sa kanila at lumakad naman sila palapit don.

" Sige guys pasok na ako, bukas nalang ulit. Nice meeting you all," sabi sa kanila na nakangiti at kinaway yong kamay ko.

"Bye Mesh," paalam naman nila. Pinasok ko na yong dorm key ko. Kyahh! Im so excited na makita ko yong interior designs at makapagpahinga na ako. Nakakapagod ang byahe super!

Pagbukas ko sa pintuan. Hala!!!

O---O

Bat naka off lights pa😑. Di ko tuloy nakita pa hmp! 

Sinarado ko muna ang pintuan. Tas kinapa kapa yong switch ng ilaw. Kadalasan kasi nasa gilid ng pintuan yong switch diba?

Finally nahanap ko din. Agad ko itong iniswitch unto on. At unti unting nagkaroon ng ilaw ang buong silid.

O-----O 

gulp.

Parang nalunok ko dila ko bakit may----

⊙_⊙

⊙_⊙

⊙_⊙

⊙_⊙

"WAAAHHHH GOSHNESS!!!!"

*********

Author's note:

Ano kaya ang nakita ni Mesh?

Bakit kaya naging ganoon ang kaniyang reaction?  Just scroll to the next chapter to answer that question. Enjoy!!!

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Yssha
naksss its Catchy
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status