Share

MFAMLL 02

Chapter 02:

Meeting Them

Messhanie Grace POV

"WAAAHHHH!!!!" Tili ko nong may nakita akong pigura ng isang lalaking nakahiga sa kulay pink na sofa. Nakatakip ang mga braso nito sa mukha niya kaya di ko makikita yung mukha niya. Pero base sa pananamit niya mukhang pogi ito kyahhhhh!! Hehehe landi selp.

Tiningnan ko uli key number ko, number 56 nga to, luhh ano na? Ano na gagawin ko. Bakit may lalaki dito ano to welcome gift ng academy uwahhh ayaw ko na!!!

Kala ko naman makapagpahinga na ako agad-agad. Bat kasi may tao dito, sino ba to, parang prenteng prente itong nakahiga, lapitan ko kaya, nah! Wag na baka mapagkamalan pa ako, ano na selp? Uwahhhh. 

AHA!!

Makapunta nga muna kina Krystal, tatanungin ko lang kung may tao din ba don sa dorm room nila. Pero sabi naman ng dean kanina may tig iisang room kami, so wala kaming ka roommate ganern.

Pero bakit sa room ko meron? Imposibleng roommate ko to dahil di naman to mukhang walang kaya. Kami bay pinagloloko ng dean?

Hinawakan ko na ang knob, lalabas na lang muna ako, ano naman gagawin ko dito?

Aantayin siya na magising? Nah? Masyado akong pagod para gawin yon. Tas ang sakit kaya sa paa no'n.

O di kaya gigisingin ko ito? Tapos ano? Anong sasabihin ko, 'Hoy bakit ka nandito lumabas ka di ito room mo', ganoon ba? No thanks baka rapist pa to eh uwahhh. 

I pulled the knob and ready myself para lumabas na.

" Where do you think you're going? I'm too bored waiting for you here then you will just leave me tss ."

O----O

Para naman akong na statwa nong magsalita siya. Wahh ganda ng boses niya makalaglag panty este panga pala hehehe kaaga aga naglalandi ka selp.

Anong sabi daw? Kanina pa niya ko inaantay so it means di ako nagkakamali ng pinasukan, at bakit naman niya ako inantay sino ba siya? Ano kailangan niya sa akin at paano siya nakapasok dito. Magkakilala ba kami?

Nakaramdam akong tumayo siya sa sofa at naglalakad. Nakaharap kasi ako sa pintuan. Tapos nararamdaman ko na papalapit siya sa akin and then, 

O---O

" UWAHHH!!! ANONG GINAGAWA MO MANYAKIS! PERVERT!!!" Pagpupumiglas ko. Wahh baka ma-rape na ako dito. OMO!! Di pedi yon ano yon mawala yong virginity ko tas di ko man lang nakita ang mukha nito uwahhh tulungan niyo ako. TULONGG!!!

" Shhh! I miss you so much," bulong niya sa akin na malambing yong boses habang nakayakap pa din siya sa akin sa likuran at nakapatong yong ulo niya sa balikat ko. OMO!! 

Ghadnesss, anyare ba sa world? HUHUHU nanginginig na ako dito shemay naman. Ikaw kaya may nakayakap sa likod mong stranger di ka ba kakabahan ng todo max umayyyyy! 

Ansabi niya daw? Nabingi na ba ako? Magkakilala ba kami nito? 

I feel his arms hugging my back so tightttt. Yong hininga niya sa leeg ko, shemayy para akong nakikiliti na ewan. 

Dunno out of nowhere I felt so secure on his embrace. 

Di ako pumiglas at hinahayaan na lang. 

Nakaramdam ako ng pangungulila at tahanan. 

Honestly parang nawala yong takot at kaba ko kanina at parang may nabuo sa pagkatao kong matagal ng nawala. Uwahh! Sino ba kasi to! Swerte niya nakayakap siya sa akin.

"PINAGSASABI MO MISTER! MAGKAKILALA BA TAYO , BITAW! ABA ANG SWERTE MO NAMAN NAKAYAP MO AKO." pagkasabi ko non as if its a cue para bitawan niya ko. Hooh! Buti naman. Yon lang pala kailangan sabihin para makawala ako sa mahigpit niyang yakap. 

Nagtaka ako bat automatic nakabitaw agad siya? Is there something bad sa sinabi ko? 

Lumingon ako sa taong manyakijgjhjhjhjhjbjjjh

O------O

Woahhh! Ampogi besh kyahahh!!!

Mala porselana ang balat niya, matangkad, nakamessy hair yong brownish hair niya, woahh gray eyes, mahabang pilikmata tas yong ilong niya ang tangos, woahh kahiya naman. Para na itong Greek God nasa harapan ko.

" Tss don't you recognize me, do you?" Sabi pa niya na may bahid sa tonong naiinis tss wala talaga akong hint na kung sino tong nasa harapan ko promise!!!

Tinitigan ko na lamang siya habang sinasabunutan niya ang kaniyang buhok , sabi nga nila frustrated daw pag ganern, so frustrated siya gano'n ba? 

Ang cute niya yiee. Whaha shh ka lang selp.

"Bakit magkakilala ba tay--hmmmpph"

*dug *dug *dug *dug* dug

⊙_⊙

⊙_⊙

⊙_⊙

⊙_⊙

⊙_⊙

Loading......

Processing.....

Uwahhhh!!!

Did he just kissed me in my lips? What the f! Natulala ako at dahan dahang hinawakan ang lips ko. 

*dug *dug *dug *dug

" Now, tell me don't you still recognize me ha, Welcome back Heart." Nakakunot niyang sabi at lumabas na.

Hinawakan ko ang dibdib ko na nagsimula ng magkarera ito. Para akong kinikilig na ewan. This is not my first kiss because what the! Di kaya siya yon, di kaya si ano yon. Siya lang naman nagpapatibok nitong puso ko since then. Uwahh! 

Now, tell me don't you still recognize me ha, Welcome back Heart

Heart

Heart

Heart

Heart

*duggg dugg duggg*

Binitawan ko yong mga dala dala ko at lumabas para sundan ito kung totoo man ang hinala ko.

Di ko namamalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Hinayaan ko lang rumaragasa ito. Tumakbo ako at hinanap sa bawat sulok. Goshhhh where are you?

"Strength?"

Tumakbo ako pababa. Wala akong pakialam kung may nakakita sa akin but gladly wala na mga tao dito. Why is that ang tahimik naman dito sobra. 

" KYLLEEE!!!!!!"

Saan na ba siya, nawala na naman siya, Kyle where are you, Im sorry.

I hold my ring para kumuha ng lakas. Kyle, my Strength where are you, bakit di ka nagpapakilala sa akin?

Pagdating ko sa first floor nagulat ako ng maraming mga estudyante ditong nagsisiksikang lumabas, anong meron?

Nakita ko sina Corrine doon sa tabi, kahit sila andito, anong meron ba?

Kinawayan ako nina Corrine. Pasimpleng pinunasan ko muna mga luha ko at inayos ang sarili bago lumapit sa kanila.

"Anong meron, bat kayo nandito?" tanong ko sa kanila. Tumayo naman sila.

" Di mo pa binabasa ang Terms and Policies Textbook noh?" Tanong ni Krsytal.

"Hehehe di pa eh," sagot ko sa kanya. 

" Kaya pala. Every 6pm daw pupunta lahat ng mga estudyante dito sa canteen para sabay sabay kumain ng dinner tapos libre pa," paliwanag ni Stella. Ahh kaya pala buti naman at na swertehan ko nong pababa ako. Tumango na lamang ako.

"Mesh okay ka lang ba parang balisa ka kanina ah?" Lumingon ako kay Jenielyn at nginitian na lamang siya ng pilit para matakpan ang totoo.

"Oo naman, ano ka ba hehehe " Pangiti ngiti ko pang sabi sa kaniya. Hehehe actually di ko alam kung ano ba dapat mararamdaman ko ngayon. Haist!!!

" Tayo na," aya ni Corrine at nagsimula na kaming naglakad. Sinundan na lang namin yung direksiyon na pinupuntahan ng mga estudyante. 

"Magkaibigan na pala kaming apat simula pagkabata nina Corrine Mesh kaya gano'n na lamang kami ka-close kung napapansin mo." Kalabit ni Krystal sa akin, ah kaya pala. Tumango na lamang ako dahil palinga-linga pa din ako baka sakaling makita ko siya, awiee so nandito siya, nandito siya. Sana nga makita ko siya uwahhhhhh! 

" Kaya pala gano'n kayo ka komportableng mag asaran," Mesh.

" Hahaha Oo eh sorry Mesh kung naiingayan ka sa amin hehe," Corrine

" Okay lang yon nakakatuwa nga kayo eh," Mesh.

" Haha napag gawian na kasi naman ito, pag aasaran pero walang seryosohan haha," Jenielyn.

" Ahh, so pinagplanohan talaga to ninyong magkakaibigan?" Mesh.

" Ahh oo naman, hirap hirap kaya kaming mag review at sa tulong ng isa't isa nakapag review kami ng maayos hehehe," Stella.

" Kaya laking pasasalamat namin na sa awa ng Diyos nakapasa kami diba guys,"Krystal.

" Naman," Stella.

" Oo nga," Jenielyn.

" Yeah, Thank You Lord," Corrine.

Kainggit naman sila, may circle of friends unlike me nah! Nevermind.

Ilang sandali pa narating na namin yong canteen nila. As I expected malaki at elegante ito.

Sabi daw don sa text book, pumila ka lang daw at kumuha ng gusto mong kainin sa naka food display for free. 

May mga ilang estudyante ding nakatingin sa amin. Siguro dahil ba sa kakaiba kami sa kanila. May mga matang namamangha at may mga matang namimintas. 

Yumuko na lamang ako at di na pinansin ang mga tao sa paligid.

Kaya ayon sumunod na lamang ako sa kanilang apat. Pinagigitnaan naman ako nina Stella at Corrine.

Di mo talaga maipagkakaila na halos na magaganda at pogi yong mga estudyante dito. Mukhang halos mayaman pa. Napaka eleganteng tingnan.

Buti naman walang issue dito na humihiyaw at tumitili ang mga babae dito. Kung tutuusin di pa naman din ito simula pa sa pasukan, who knows. 

Buti sana kung wala talaga, lalong nagdudulot yon ng air pollution tas ang iingay pa din non.

I hope so walang bullies dito, naku pang high school at elementary lang yon eh, sana wala dito.

" Ano satin ineng?" tanong nong Ale sa canteen.

"Uhm light meal na lang po and a can of soda," sagot ko naman sa kaniya sabay ngiti. 

" Di na ako nagulat sa order mo ineng para sa isang magandang katawan na inaalagaan haha tawagin mo na lang akong Manang Gloria," sabi niya nang makuha niya ang mga gusto ko. 

"Haha katuwa naman po kayo manang Gloria, tawagin mo na lang din akong Mesh po," sabi ko naman sa kanya pagkakuha ko ng tray.

"Sige Mesh." Paalam niya at tumabi naman ako nina Corrine para antayin sina Jenielyn at Stella.

" Yan lang kakainin mo Messhanie?" tanong ni Krystal sakin. Tiningnan ko naman ang laman ng tray ko. One small size of hamburger, small size of fries and one slice of chocolate raspberry with one can of soda.

" Di kasi siya katulad mo Krystal halos ubusin na lahat pagkain don, siguro kung may paglalagyan pa yang tray mo. Naku Tal ang takaw mo talaga di ka naman tumataba haha," asar ni Corrine kay Krystal. Napangiti na lang din ako sa asaran nila. True color of friends. 

"OA mo Corrine. Libre na nga yon kaya go lang, tss food is my life kaya gura na noh, ayaw ko mag diet noh baka mawala yong 'T' baka ma die na ako noh," sagot naman ni Krystal na parang bata lang. 

" TSS ewan ko sayo Tal dami mong alam," Corrine. 

Satsat ng satsat sila dito habang nililibot pa din paningin ko. Nagbabasakaling makita ko siya. 

"Baka sakaling makita kita muli

Pagsapit ng araw, paglipas ng gabi"

Tss nakisabay pa si Moira. Naku naman sagad!

"Tara na hanap na tayo ng mesa natin," sabi at naunang naglakad na si Corrine sumunod naman ako sa kanila at nasa likuran ko naman sina Stella, Krystal at Jenielyn.

Kumakain na din yung mga estudyante dito. Siguro nakaregister na siguro sila dito. Di naman masyadong maraming estudyante pa dito. Next week pa naman start ng klase eh.

Makikita mo talaga kung paano sila kumain na may manners talaga. Galing talaga sa marangyang pamilya at meron na mang ibang walang pakialam sa paligid basta kain lang haha.

"GUYS OVER HERE!!!" naagaw naman ng pansin namin si Chessca na kumakaway sa gawi namin.

Napalingon naman ang ibang mga estudyante kay Chessca at makikita mo sa kanilang mga mata ang paghanga sa kagandahan at respeto dahil siguro sa pamangkin siya ng may ari ng paaralan na ito.

Nasa pinakagilid sila Chessca nakapwesto na naiiba ang  mesa kasi napakahaba nito kumpara sa mga mesa dito. 

Nginitian na lang namin siya habang papalapit sa gawi nila. May limang lalaki at dalawa siyang babaeng kasama dito.

" Dito na lang kayo umupo guys," hyper na imbita ni Chessca sa amin ngumiti naman at tumango na lamang kami.

Umupo na lang kami. Katabi ko si Chessca at kaharap ko naman ang isang guy na kasama nila.

" Guys sina Corrine, Krystal, Stella, Jenielyn at Messhanie pala the new scholar this year," pakilala sa amin ni Chessca at tinuro kami isa isa. Nag hi, hello naman sila pero ngumiti na lamang ako sa kanila at kumain na lang.

" Hi beautiful ladies, I am Luis Villacorte, just call me babe," sabi nung naka polo na open naman ang tatlong botones tsk pervert pero pogi naman siya. 

Tas may pakindat kindat pang nalalaman to, playboy nga.

"Hi babe"

⊙_⊙

Muntik na akong mabilaukan nong tinawag ni Jenielyn si ano nga yon, si Luis. Pumatol talaga haha.

"Hoy lyn lyn maghunos dili ka nga, kahiya ka," Suway ni Krsytal sa kanya sabay batok. Buti naman sa kanya.

"Luhh bat ba? Sabi niya 'just call me babe' kaya sinunod ko lamang ang sinabi niya noh, ako pa mali tsss mga tao talaga di maintindihan, hayys Buhay parang layppp," depensa naman ni Jenielyn kay Krystal. Mga abnormal talaga pero I love them kung paano nila ipinapakita sa public kung ano talaga sila, di sila nahihiya kahit mukhang sopistikado at sopistikada tong kasama namin sa table.

"Makasalita ka, para ka namang di tao ah, kumain nga na lamang kayo at mahiya. Pasensya na po sa mga inasal ng mga kasamahan ko hehehe," saway ni Corrine sa kanila at paghingi ng paumanhin sa mga kasama namin sa mesa. I like Corrine for being a leader to them. At tumahik naman sila.

"Oh No it's okay, katuwa nga sila eh. Im Myka Mendoza pala," sabi ng babaeng may maikling buhok at ang cute ng dimple niya. Para siyang Chinese, masingkit din kasi mata niya tas maputi din.

" Hannah Cruz is my name. Salamat naman at madagdagan na yong squad namin boring kasi tong dalawa kasama eh,"

"Hey, ako pa"

"Luhh! I hate you"

Pagmamaktol naman ni Myka at Chessca haha. So speechless mukha nilang dalawa bwahaha.

Napatigil ako sa pag nguya ng napansin kung kanina pa tong harapan ko nakatingin sa akin. Problema nito. Kanina ko pa to hinuhuli ng tingin pero boom! Nahuli ko na din tss. Naka black clean cut hair ito. Matangos ang ilong, maputi, at naka sweat shirt ito na bakat bakat na may katawan itong ipagyayabang. Tas may itsura naman din to.

"May problema ba? Kanina pa kita napansin ah?" tanong ko sa kanya at tinungga yong soda ko.

"TSS *chuckle* you look so familiar. I think I saw you somewhere, had we already met?" tanong naman niya sakin. Wee talaga di ko nga siya kilala eh.

"Nope, ngayon lang kita nakita noh," sagot ko naman sa kanya.

"Oo nga dude napansin mo din parang nakita ko na din siya," sambit naman nong naka golden hair. Astig niya tingnan dude.

" Weird but same as here," sabi naman nung naka hoodie na jacket at may headphone pa. Music is his world.

" Oo nga noh! Parang pamilyar, saan ko nga ito nakita," sabi naman nung naka-nerdy glass. At sabay pose na nag iisip siya.

" Luhh baka kamukha ko lang yon," depensa ko sa kanila. How come na pamilyar ako sa kanila na ngayon ko nga lamang nakita sila. Di naman din ako model para makita ako sa mga magazines ammp. 

" Oo nga baka kamukha niya lang yon," sabi naman ni Hannah at ngumiti sa akin. Ngumiti na lang na din ako sa kanya.

" AY! ALAM KO NA KUNG SAAN KO NAKITA sa hmmmm ayy baka kamukha niya lang yon," sabi nong naka nerdy glass. Siguro kamukha ko lang yon haha. So weird men. 

"So much for that, Hey Im Clark Curtiz, pinsan ni Chessca. Nice meeting you all," pakilala nong nasa harapan ko, so it means siya yong anak ni Dean Jonas, pogi din pala 'to.

" Vladimir Franco," sambit nong naka hoodie.

" Alexander Lee" yong naka nerdy glasses. Absolutely may lahing chinese to. So weird simula kanina, pasulyap sulyap na siya sa gawi ko. Siguro iniisip niya siguro kung magkamukha ba kami nong weird na sinasabi nila kanina.

" Clarence Curtiz, fraternal twin of Clark," sabi nung naka golden hair. Kaya pala may pagkakahawig sila pero konti lang.

" Nasaan pala si Zian, bat wala siya dito?" tanong ni Chessca sa kanyang mga pinsan.

" Ewan ko don, nawala yata sa mood. Kanina lang nauna pa siyang pumunta dito tapos kani-kanina lang din biglang nawala sa mood, ano kayang nangyari do'n," sagot ni Clarence. 

" Parang di naman kayo sanay kay Zian tss," sabi naman ni Vladimir habang umiinom ng soft drinks.

"Wag mong sabihing kaya ka nandito na sa academy Chess dahil alam mong pumunta na dito si Zian noh?" pang aasar ni Clark kay Chessca. Naku! May something yata sila eh.

" Tas uuwi ka na lang din namang luhaan naku! Chessca kailan ka pa ba matauhan! Marami namang iba dyan ah, handang magpakatanga para lang mahalin ka " Alexander said. Woahh feel something fishy here. Yung bang di ka crush ni crush, kasi may ibang crush si crush, tas yong crush ni crush may crush ding iba. Nalilito ka no? Ganyan daw ang pag ibig nakakalito mwehehehe. 

" TSS I told you also, I won't give up on him because he's been my love since when we were young! At kung sino man ang babaeng makakaagaw pansin niya, Zian will make it sure na malaki ang laman niya sa akin and expected to taste her the wrath of my hell!!!" Chessca. 

⊙_⊙

⊙_⊙

⊙_⊙

Woah! Grabe naman to magmahal si Chessca self-centered and selfish naman. Wala siyang pakialam sa ibang nararamdaman kundi ang kanyang nararamdaman lamang. Tss

Ang seryoso niya besh! Nakakuyom pa mga kamay habang binabanggit niya yon.

" Even if it's one of your friends?"

⊙_⊙

Napintag naman mga tenga namin sa tanong ni Vladimir. Nakuw! Ang seryoso naman ng usapan nila.

" Tss No Exception." Mean Chessca said. 

-Grabe siya na, siya na talaga kakaibang magmahal grabeeee.

" Oh my gosh! Just chill girl ang hot mo," biro naman ni Hannah para mawala yung heavy atmosphere dito.

" Uhm, mauuna na lang po muna kami sa inyo, medyo pagod pa din kasi kami sa byahe eh," pagpapaalam ni Corrine sa kanila.

"Uhm sige we understand naman, bye goodnight," pagpapaalam din ni Myka. At tumango na lamang ang mga lalaki.

Tumayo na lang din ako. Aba! Di ako mag papaiwan dito noh.

" We need to take a rest for our jet lag, so for now Goodbye and thank you for sharing your table. Goodnight!!!" paalam ko sa kanila.

"Hatid ko na kayo," Clark volunteer. What a gentleman. 

" Wag na salamat, bye all nice meeting you all," paalam uli ni Corrine at binitbit yong tray niya at sumunod naman kami sa kanila.

"Bye," koros na paalam nila habang kumakaway. Naku! Buti naman nakawala na kami don, ang init kasi ng topic nila eh, nakaka stress.

Bumalik na kami sa dorm namin. Alas diyes na ng gabi hayyssss kailangan ko ng matulog. So much for this long and tiredly day. See you Kyle, sana makita na kita bukas. 

Goodnight My Strength...

*******

AN:

Ano nga bang nakaraan nina Kyle at Messhanie? Kung bakit ganoon na lamang ang kanilang nararamdaman? Ano kayang mangyayari pag nagkikita na sila? Ano kayang maging papel ni Chessca Curtiz sa kanilang dalawa? Ipagpatuloy mo lang ang pagbabasa at ng iyong malaman. Salamat.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status