Share

MFAMLL 03

Chapter 03:

Breathtaking Mall Scenes

Messhanie Grace POV

*yawn*

*stretch*

*stretch*

*stretch*

" Good morning Sunshine," bulong ko agad habang nakatanaw sa veranda. Ang taray ng dorm nila dito noh may veranda.

Kagabi dumiretso na lang ako dito sa kwarto ng dorm ko kaya di ko pa alam kung anong meron pa dito.

Kulay rosas naman ang buong room ko pati mga gamit dito. May walk in closet din sila dito at may comfort room naman dito sa loob.

Maghilamos at mag mumog muna tayo, baka may biglang sumulpot diyan, naku mahirap na noh.

Pagkatapos kung gawin yong morning routines ko, lumabas na ako sa kwarto.

Kulay puti at rosas naman dito. May mini sala dito. May isang flat screen TV at CD dito. Tapos one set of sofa.

Speaking of Sofa, hayt! Bat kaya di ko siya nakita kagabi sa cafeteria tss. Ano yon susulpot lang siya pag gusto niya, makita lang kita dudumugin ko talaga yung abnoy na 'yon tss kainis, so much for that self. Wag muna isipin yon masira lang araw mo argh! Lets tour na lang.

Lumakad ako sa gilid, at doon may mini kitchen dito pero kompleto naman gamit.

Tiningnan ko yong refrigerator, baka display lang to walang laman hahaha who knows diba.

Pag bukas ko WOAHHH!!! Ang daming laman mga besh. Pero ang nakaagaw talaga ng pansin ko yong chocolate cake hahaha halata niyo naman siguro noh, I love chocolate cakes yieee.

Kinuha ko yong cake at may nakalagay don.

" Welcome"

Ano to! Expected na mag thank you yong bibigyan mo kaya, may welcome na naka indicate dito haha. Pero shaks lang, siguro welcome stuff ng academy.

Binalik ko muna ito don at kumuha ng two eggs and butter.

Kinuha ko yong heater para mag painit ng tubig malamang hehehe. Tas kumuha ako ng flour, baking powder and Vanilla for my Pancakes ingredients for my breakfast now.

Di ibig sabihin na taga probinsya tayo di natin alam kung ano ang mga ito at di natin alam kung paano gamitin ang mga ito. Tss meron kaya kaming mga ganito doon.

Tas may sarili kaya akong cooking room doon sa bahay namin, kasi you know I love cooking especially baking. That's why obvious naman na Hotel and Restaurant Management (HRM) nag kukunin ko dito noh.

Di naman talaga masyadong mahirap kami kung baga may kaya lang hahaha ewan basta. Mayor kasi papa ko don at Gobernador naman lolo ko don sa probinsya. Pero kahit ganyan lumaki pa rin akong isang normal lang na bata yon bang pantay pantay lang paningin ko sa mga tao kahit nasa taas ako. I never dare use my power to manipulate people noh tss.

Pero kahit gano'n di ko inabuso yong mga bagay na meron ako kaya nga I take scholarship sa Gem Stone Academy para di na nila ako problemahin. Kung tutuusin ay kaya naman naming mabayaran tuition fees dito pero tss ang laki kasi, imagine 1, 000, 000 lang naman yong school year dito 100, 000 every month. Juskoh! Siguro sa iba dito sa Maynila barya lang yon pero don sa amin naku pooo malaking halaga na yon.

Syempre tumutol sina mama sa plano kung pumasok dito. Kesyo malayo daw tas first time kung mahiwalay sa kanila. Plano kasi nila na do'n lamang ako nila papaaralin sa paaralan na pinapasukan ng mga kapatid ko.

Yup, tatlo kaming magkakapatid may ate at kuya ako. Si kuya Michael yong panganay namin na ang susunod sa hakbang ng pamilya namin sa politika kaya kursong political science ang kinuha niya, 4th year College na siya ngayon. Tas si Ate Michelle naman yung pangalawa, nasa 3rd year College na siya ngayon taking a medicine course, gusto niya kasing maging doctor. And then ako ang pangatlo, ang bunso nila.

That's why ginawa ko lahat para mapasa ko yong scholarship examination nila kahit na aayaw sila. Actually umalis ako don nang magulo tss never mind maalala ko lang.

Kinuha ko yong maleta ko kahapon na dinala na ng mga staff dito. Nasa kaliwang sofa yon nakalagay, may Bluetooth speaker kasi akong dinala.

Kinuha ko yong speaker at kinonek sa phone ko. At nagpa music.

Bumalik ako sa kusina para iluto yong pancakes ko. Tas sakto din uminit na yong heater, may nakita kasi akong tea do'n.

After a few minutes natapos na ang pancakes ko and my breakfast meals are already.

I grab the chocolate syrup and put it together with my pancakes. Hmm! Sharapp! So yummy try niyo pramis mesherep hehe.

Pagkatapos kong kumain hinugasan ko na din ito agad. Pinatay ko yong speaker.

Dinala ko sa kuwarto ang maleta ko para i-arrange yong mga gamit ko. Kunti lang naman dala kong mga damit, bibili na lang ako. Para saan pa tong credit card ko kung diko to gagamitin, bahala na sila don kung patuloy pa rin nila itong lalagyan.

May klase man o wala, ang allowance namin every month 'yon hinuhulog sa credit card namin. Grade seven kami nag start bigyan nito. Five thousand pesos per month yung budget allowance namin. Dagdag five thousands uli every grade level. Kaya malaki laki ding pera ang nasa card ko, di ako pala gimik eh.

I love hello kitties stuffs, kaya nga kwarto ko don sa buhay puro rosas na pusa hahaha. Eh sa gusto ko sila eh.

Ayt! Wala pa nga akong gamit pang school, di bale may tatlong araw pa naman bago yong first day of school namin kaya may time pa akong bumili.

*ding!! *dong!! *ding!!*dong!!

"AYY BUTIKI!!!"

May doorbell pala dito? Di ko napansin kasi kahapon ah. Lumabas ako sa kwarto para buksan ang pinto kung sino man ito.

" Hey girl," bungad sakin ni Chessca at b****o pa sakin. Ayt kahiya naman, siya pormang porma mukhang may lakad tas ako di pa nga ako naliligo eh. Bat kaya nandito 'to, kaaga pa ah.

" Ikaw pala Chess anong meron?" tanong ko sa kanya. Habang ngumingiti ngiti naman itong nasa harapan ko.

" Uhm Tito ordered me na samahan ko daw kayong mamili ng mga gamit niyo," excited na sambit niya like parang nag twinkle twinkle pa yong eyes niya. So gagala pala kami ngayon tas problem solve, bibili na rin ako ng mga gagamitin ko dito.

" Nag aayos na din sila Krystal, kaya mag ayos ka na din, doon na lang kami mag aantay sa ground floor," dagdag niyang sabi sabay alis. Tss pumayag ba ako? Kung di kaya ako sasama. Pero joke lang haha.

Ginawa ko na ang dapat kong gawin, naligo, nag toothbrush at nagbihis na ako.

Navy blue fitted rip jeans at white off shoulder top lang yong sinuot ko. Wala ako sa mood mag dress ngayon besides wala akong pampares di ko nadala mga doll shoes at pump shoes ko eh. Tinernohan ko naman ito ng black rubber shoes ko.

I blower my hair. Nag pulbo at nag liptint na lang ako. Diba ang simple ko lang. Sabi nga nila "simplicity is beauty" kaya okay lang yan haha.

Kinuha ko yong medium size pink pouch ko. Nilagay ko don yong wallet ko, black cards, lip tint, powder, dorm key, handkerchief and phone ko. Yeah Gura na!!!

Nilock ko yong dorm at bumaba na sa ground floor. Sana di sila nabagot don haha.

" Lets go, yong car ko na lang gamitin natin," salita agad ni Chessca pagdating ko do'n at nauna ng naglakad. Woahh excited much, kala mo ngayon lang nakapunta ng mall tss.

" You look pretty Mesh," puri sakin ni Hannah. Kasama din pala sila as I expected.

" Hahaha thanks, kaw din," sagot ko naman sa kanya.

"Nasan pala sila Krystal?" tanong ko sa kaniya habang inaayos ko yong postura ko. Sila lang kasi ni Chessca nandito noh.

"Nauna na sila ni Myka don sa mall, may dadaanan pa kasi si Myka kaya sinama na niya yung apat,"

"Ahh okay,"

Ngumiti na lang ako sa kaniya bago namin sinundan si Chessca. Hayt so ano to ngayon OP ako sa dalawa nato tsk. Di man lang nagpaiwan kahit isa sa kanila tss akala ko ba kaibigan na kami bat nang iiwan sila hmp! Shuss lang hahaha.

Sumakay kami sa kulay pulang sasakyan ni Chessca. Woahh sana all talaga may sariling kotse noh kainggit naman hahaha.

" Kyahh!!! I'm so excited na!!!!" Hyper na tili ni Chessca, ganito ba talaga reaction nito pagpupuntang mall naku!!!

" Oo nga Chess! Lalo na ngayon na may kasama na tayo yeheyy!!" Sang ayon naman ni Hannah kay Chess. Luhh! Ganoon sila ka excited. Bahala nga sila diyan.

Tumitingin lang ako sa labas. Ibang iba talaga ang siyudad at probinsya. Doon halos mga kulay berde ang makikita mo dahil sa mga pananim don. Habang dito naku puro estruktura at mga sasakyan makikita mo.

" Messhan anong course kukunin mo? Ako kasi fashion designer tas si Chessca naman HRM." Kalabit ni Hannah sa akin. Ah kaya pala ang ganda nitong manamit kasi hilig niya fashion.

" Woah talaga HRM din kukunin mo Chess, cool pareho tayo," baling ko kay Chess. Atleast may kakilala na ako diba pag mag start yong class. Atleast di na ako magmukhang tuta don sa gilid. Hahaha

"Woahh! Talaga? Sana magkapareho tayo ng schedule noh,"

" Ha? Kala ko ba magkakaklase pag pareho course niyo,?"

" Hindi no, kala mo lang yon," ayt! Nabura lahat iniisip ko kanina. Naman eh! Tss.

Hininto na ni Chessca yong kotse sa tapat ng isang napakalaking building. Kaya lumabas na kami malamang haha alangan namang tatanga lang kami don haha.

Binuksan ni Manong guard ang pintuan.

" Good morning Ma'am Chessca, Good morning Ma'am Hannah and Good morning to you ma'am," Manong guard.

Woahh bongga, kilala sila ng mga guards dito baka lagi sila dito.

" Kung nagtataka ka kung bakit kilala kami ng mga guards and staffs dito Mesh, kasi mall to nila Hannah," Chessca explained to me. Kaya pala fashion designer ang kukunin nito kasi may sariling mall pala.

Nag cute pause naman si Hannah. Diba ang yayaman nila mall owners, school owners. Naol talaga.

Sa first floor, food stools, cafe, restaurant and eatery ang nandito. Woahh ang cool ng mall nila noh. Madami din mga tao dito, may magkapamilya, magkakaibigan at syempre yong magkasintahan awiee sana all may jewe haha.

" Nasa Cafeteria daw sila Myka," biglang sabi ni Hannah habang tinitingnan yong phone niya. Kaya diretso na kami do'n.

Pagpasok mo sa loob ng Cafeteria yong style and arrangement nila ang una mong mapapansin. May mini library din dito na puwede mong basahin habang nag rerelax ka dito. Tapos may mini stage din dito na may mga band set. Siguro may nag peperform dito.

Madali lang namin nahanap sina Myka kasi nasa malapit lang sila nakapwesto sa may pintuan.

" Hi guys," bati ko sa kanila at tumabi kay Corrine na umiinom sila ng coffee.

" Hello, coffee?" Alok samin ni Myka.

"Yeah sure," sabi ni Chessca at umupo sa tabi ko.

" WAITER!!!" tawag naman ni Myka at may lumapit naman ditong isang matangkad na morenong lalaki na naka uniporme.

" How may I help you ma'am?" Tanong nito sa kanya.

"One cup of coffee latte, brown coffee and hot chocolate coffee. Then one slice of cheesecake, mocha cake and black forest chocolate cake," Myka ordered.

" Right away Ma'am," he genuinely said.

" Let's take a rest for awhile tas mamimili na tay,o" sabi ni Hannah at tumango na lamang kami.

Buti naman. Alas siyete pa naman ng umaga pero marami na ang tao how much more kung mamaya pa diba, kaya pahinga muna kami.

" Here's your order ma'am, one cup of coffee latte, brown coffee and hot chocolate coffee. Then one slices of cheese cake, mocha cake and black forest chocolate cake. And here's your bill maam, Enjoy" the waiter said and put our orders on the table and our bill then he left us. Woahh bilis lang ahh, kaka-order lang ehh meron agad.

" I assume that chocolate is your favorite Messhanie, dahil sa kinain mo kagabi sa school cafe," sabi ni Myka sa akin at inabot sa akin yung hot chocolate coffee at black forest chocolate cake.

Naks, she's observant.

" Yeah you're right Myka, I love chocolate thanks." Nakangiti kong sabi sa kaniya. Yeah ewan basta inlove na inlove talaga ako kay tsokolate mas inlove pa nga yata ako sa tsokolate kaysa sa kaniya ehhh awiiieeee enebe HAHAHAHA.

After minutes, umalis na kami don sa cafe. Tas si Myka naman yong nag bayad sa bill, treat niya daw eh. Kaya thanks to her.

Umakyat na kami sa second floor, naghagdan na lamang kami katagal kasi ng elevator daming nag aabang kaya gura na sa hagdan.

Madamin din talaga tao dito. Tas nakakailang dahil halos tumitingin sila sa gawi naman, siguro dahil sa kasama naman.

"Witwew!!!" Whistle ng mga kalalakihan tas okay sana kung mga pogi to tsss mukha pang mga addict bwahahaha di na nahiya ay nagsasabi lang ako ng totoo. Inilalarawan ko lamang ang nakikita ko.

" Diba sina Chessca yan, ang gaganda pala talaga nila sa personal,"

"Idol pa autograph,"

" Woah ang sexy pre ang hahaba ng legs,"

" Oo nga tas ang ganda ng katawan dude, para silang living barbie,"

" Langya, parang nagalit si birdy,"

" Kainggit sila, mayaman na nga maganda pa, yieee sana all talaga,"

" Kyahh!!!"

Sari saring komento ng mga tao dito. Sikat talaga sila, eh di wow haha. Kapangit kaya non daming nakakakilala sayo. I hate attention kasi.

" Tas sino kaya yang mga kasama nila?"

" Personal assistant yata nila o maid nila,"

" Tingnan mo oh! Ang pangit non,"

" Bwahahaha oo nga ang layo ng mga mukha nila,"

" Tas yong isa tingnan mo tol mukhang aso hahaha,"

" Ma-donate nga mukha ko pre, kawawa naman ang tigyawat wala ng malalagyan,"

WOAH AS IN WOW HA! May mga tao nga talagang ganito makapanglait tas mukha naman silang di tao ah. Di uso salamin sa kanila, kung manlait make sure na perfect ka, wew tapang mo Mesh ah, shhhh atin atin lang yan HAHAHAHA.

Nakayuko silang Krystal, Corrine, Stella at Jenielyn. Tas sila Chessca naka what the, did I see her smirk? Naman oh! Ang aga pa lang para lumantad ang totoong ugali, hey plastic friend hehehe.

" Wag niyo na lang silang pansinin, tatahimik din yan," sabi ni Myka. At walang pakialam itong pumasok sa isang store kaya sumunod naman kami.

" Oo nga mga frenny, inggit lang yan sila kasi nakasama niyo kami," ngiti ni Hannah. Ewan ko kung totoo ba ang pinapakita nitong dalawa nato tss.

" Ohhh guys, Im sorry di ako makakasama sa pamimili ninyo, may pupuntahan lang ako." Arteng sabi ni Chessca na para bang kinikilig, neknek niya. Kay gandang umarte naman nito. One day karma will strike you bwahahaha.

" Tss pustahan, andito sila pinsan mo nohh at of course the man in your dreams," parang naiinis na sabi ni Hannah, kahit ako naiinis din kalakas loob niyang mag imbita tapos di naman pala sasama. What a good friend.

" Tsss. Ano pa ba," segunda naman ni Myka nh nakakunot ang noo at naka-straight ang kilay. Di halatang naiinis ah.

"Sige na bye na guys, sorry talaga. I need to go," paalam saby beso niya sa amin. Parang bingi lang. Walang narinig? Di man lang sinagot si Hannah tss tsss. Woahh di naman siya excited noh tss.

Tuluyan na kaming pumasok sa store. School Supplies Store pala ito, sa bag section naman kami unang pumunta. Bibili din pala sila Myka ng gamit.

"HAYSSS! Kutang kuta na talaga ako sa ugali ni Chessca grabe nakakainis na," Myka.

" Dahil lang sa Zian na 'yon naging ganyan na siya ka praning Juskoh ganyan ba nagagawa ng pag ibig?" Hannah.

Pagmamaktol nila Hannah at Myka habang namimili ng bags. Siguro boyfriend ni Chess yon. Grabe naman obsess yata sa bf niya.

Kinuha ko yong String bag na kulay pink at may golden string ito.

" Uhm matanong lang ah, gano'n ba ka obsess si Chessca sa boyfriend niya? Basi kasi sa expression niya kanina," tanong ni Jenielyn sa kanila, na nakapili na din ng bag. Habang papunta naman kami sa notebooks, art materials section.

" Ha? Yan ang nakakatawa. Buti sana kung boyfriend niya Jenie, pero di eh dying hard fan lang HAHAHAHA," Myka.

" Tas ang masaklap pa, parang wala namang interest si Zian sa kanya, HAHAHAHA pag ibig nga naman, kawawang Chessca," Hannah.

Natatawang sabi nila Hannah, eh diba kaibigan sila ni Chessca bat ganyan sila makapagsalita sa kanya? Nakikinig na lamang ako sa usapan nila at namili na ng supplies, binder na lang gagamitin ko para easy lang.

" Tas alam niyo president pa yan sa 'Zianatic' fans club namin nung highschool kami tas plano pa yatang dalhin nila fans club nila till college na. Naku baliw na baliw talaga kay Zian yon. Gusto niya siya lang nakakalapit sa kanya, tapos kung malaman niyang nilalapitan mo si Zian naku humanda kana sa kalbaryo ng buhay mo," Myka.

Woahhh grabe namang love yan, di pa nga sa kaniya possessive na. Pano pa kaya pag sa kanya na, itatago niya siguro bawal makita ng iba pfttttt!!!

" Luhh katakot naman pala magmahal si Chessca kabaliw," Jenielyn.

" Kaya nga ayaw kung mag mahal ehh," Stella.

" Kasi alam mong di ka kayang mahalin pabalik, sus itsura mo," asar ni Krystal kay Jenielyn. Here we go again, bangayan na naman.

" Maka itsura to nakakahiya naman sa mukha mo tal haha, ganito ganito lang to pero daming nahumaling dito noh," Stella.

" Sino ang mga adik ba sa kanto tinutukoy mo Stel?" Krystal.

" At least may nagkakagusto pa din hmmmp!" Stella.

" HAHAHA katuwa talaga kayo, kaya nga gusto ko kayo makasama eh di boring tas nakikinig pa sa kwento ko," Hannah.

" Kasalanan ba naming lagi ka lang sumasatsat diyan, nakakaumay na pakinggan Han," Myka.

" Si Chessca kasi parang may sariling mundo yan pagdating kay Zian," Hannah.

" Speaking of that alam niyo bang halos patayin no'n ni Chessca si Hannah dahil lang sa nagkatabi sila ni Zian ng upuan sa isang subject at nagkapartner sila sa activities, pinabugbog niya ito sa fans club member at isang linggo din siya na confined, kaya wag niyo ng balakang lumapit kay Zian. Simula no'n wala ng naglakas loob lumapit kay Zian at takot na kay Chessca," Myka.

Woahh totoo ngang " Looks can deceive people's eye" akalain niyo yon, magagawa ni Chessca yon dahil lang sa love? Sa likod ng kanyang maamo at kahanga hangang mukha, isang napakadelikadong tao pala ang nakakubli. Pag-ibig nga naman tsk tsk tsk.

" Grabe, dahil lang don pinabugbog ka na nila Han, di ba kayo nagsumbong?" Nagtatakang tanong ni Corrine sa kanila. Oo nga naman why on the sudden magkaibigan parin sila? Well hello pamangkin po siya ng dean so what you expect.

"Nagsumbong kami. Kaya ayon one week suspended siya tas pinahingi ng tawad sa akin sabi di na daw mauulit kaya pinatawad ko na lang siya besides magkaibigan naman kami. Naiintindihan ko naman siya, nagmamahal lang naman din si Chessa." Hannah.

As in O to the M to the G, as in OMG!!! Grabe naman tong si Chessca, obsess na obsess tas take note hindi sila mag on, fangirl lang as in FAN GIRL lang siya umayyy, so sorry na lang siya. Buti na lang mayroong mabuti at napakaunawain siyang mga kaibigan.

May pagkasatsatsera pala tong dalawa nato. Akalain niyo 'yon namimili sila ng gamit habang nagkwekwentuhan, abay hanep. Siguro totoo tong pinapakita nilang friendship, hoping so.

" Kyaahhhh! Nandito sila gosh!"

" OMO!!! Ang popogi talaga nila wahhh!!!"

" Ghadness nandito si Zian wahhhh"

" My future ayiee ang hot besh!"

" OMG! Ang daming panty nalaglag sa sahig, pulutan na HAHAHAHA"

" Look ang cool ni Xander baby yieeee"

" Uwaahhh! Ang cute ni Vladimir, how to be you po!!!"

" Tingnan mo si Clark ang pogi talaga hayyss"

" Uyy akin si Clarence hubby hmp! Agawin niyo lang magkamatayan tayo!"

" Kiyahhh! Ang sexy ni Luis kita niyo ang lapad ng dibdib mga besh wahhh pahawak ako"

Napakunot na lang ako sa noo ng biglang umingay ang loob ng store nang pumasok sila. Grabe makatili at makasigaw tong mga babae nato kala mo mamatay na naku!

Di tuloy kami naka pa-counter agad dahil pati cashier nakibuyog din don tsss.

Napausisa na lang ako ng biglang tumigil ang tilian nila at tumingin sa gawi namin. Luhh like what? Problema nila? Napansin din ng mga kasamahan ko na nakatingin sila samin, ang weird nila sobra.

May tingin na naiinis.

Namimintas.

Nakangiti.

Nakataas ang kilay.

Galit.

" Problema nila?"

" Bakit sila nakatingin sa gawi natin?"

" Aba! Ewan ko!"

Bulungan nila Hannah. Humawi naman yung mga taong kering king do'n. At lumabas sina umayyy,

O-O

" Woahh! Andito din pala kayo? what a coincidence haha," salita ni Clark habang papalapit samin. Nakasunod naman sa kanya si jhhhjhhh ^o^

⊙_⊙

what the---

*dug *dug * dug *dug*

" Hi girls," bati ni Clarence at humalik sa pisngi nila Hannah at Myka. Ayy invisible ba kami? Wala ba kaming halik? Unfair naman chusss lang HAHAHAHHA.

Katanga ko talaga para di mapansin kung sino yong 'Zian' na isa sa mga barkada nila at ang patay na patay sa kanya na si Chessca.

Juskoh! Help me di ko alam ang gagawin ko dito brrrrr, ehhhh sa nanlalamig ako sa kaba dito for how many years nakita ko na din siya.

Grabe hearty behave ka muna diyan, parang lalabas ka na sa rib cage ko umayyy!

Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya. Langya naman! Napapamura tuloy ako hmp.

"Hi Mesh," bati ni Alexander sa akin, ngumiti naman ako sa kanya.

"Heart,"

O-O

.

Goshh Help meeeee O-O

" Heart, " tawag niya ulit sa 'kin sabay lapit. Wahhhhhhhhh naiihi na ako. Di ko na tinangnan mga reactions nila, alam kong naiinggit este nakanganga or let's say nakalaglag pa nga uwahhhhhhhh.

Hinawakan niya baywang ko and kiss me in my cheeks. Feel ko kamansanas na ako kapula sa hiya dito sa harap pa ng maraming tao juskoh! Uwah nataob na yata ako dito huhu kahiya.

Goshness overloadddd!!!

O-O

" Luhh! Sino yung girl na yan?"

"Bat siya niyakap ni Zian?"

" And take note hinalikan pa siya sa pisngi"

"Alam ba to ng fans club niya, tas yong Chessca?"

" Girlfriend niya yata kainggit naman si girl,"

" Girlfriend? Imposible ngayon ko lang nakita yang babae na yan eh, kainggit naman siya kyahh!"

" Masakit man tanggapin pero bagay sila huhu,"

Bulong bulungan nila. Waahh kaya as if it is the cue para matauhan ako. Juskoh! Ginagawa mo! Goshness Lord help me what to dooooo!!!

" WHAT THE HE--hmp"

⊙_⊙

Did he just kiss me in front of many people, UWAHHHH!!!!

UWAHHHHHHHH kainis na siya eh.

" Remember One Curse, One Kiss," gosh may ganiyan ba siyang policy pwes ako din meron. Ready your face dear.

" Ouch!!!"

" HALA!!!"

"Wag!"

" Remember One kiss, One slap," panggagaya ko sa kaniya kanina tss. Kala mo ha, sakit sa kamay tss.

" Tss*chuckle*" he smirks and touches his left cheek. He didn't bother but instead he smelled my hair. Owshiii I miss him so much. God knows how much I wanted to hug him tightly but not in front of many people. Kahiya sobra.

" Oh My Ghad! Namalikmata lang ba ako? Ngumiti si Zian?" sigaw ni Hannah na di makapaniwala, bakit di ba to ngumingiti?

" Teka, teka lang ha, di pa totally na digest lahat ng nakita ko kanina, can someone explain it?" Palakad lakad pang tanong ni Myka. Kaya nga, bilis ng pangyayari ehhh.

Langya talaga kasi tong abnoy na to, hilig sa surprise goshhhh.

" Tss Obviously she's my girl, isn't that obvious?"

" Woahh! Kita niyo na,"

" Narinig niyo 'yon uwahhhh!"

" Gosh, Zian confirms it!!"

" Ohh daming na heartbroken ah, bigti na kayo BWAHAHAHA"

Nak nang pinagsasabi ng abnoy na 'to. Aber! Kailan ko siya sinagot at kailan siya nanligaw, ohwss asa pa self di nga yan marunong magluto eh manligaw pa kaya tsss.

They still in shocked in condition tas yong iba naman naka nganga at nakadilat pa ang mga mata sa kakagulat. Seryoso ang OA ng reaction nila, ako din eh nagulat pero di naman ganyan ammmp HAHAHA.

Tiningnan ko isa-isa mga reactions nila. As in they are all shocked and surprised. Di pa rin makapaniwala. Ako nga din ehh, napakabilis ng pangyayari UWUUUUUU.

" Teka lang Kyle ano ba! Yung mga gamit ko don, tas yong mga kaibigan ko," pagpupumiglas ko sa kanya. Nakakahiya na grabe. Parang nag stop ang mga tao sa mall tas dalawa lang kaming nakagalaw.

Bigla bigla niya lang kasi akong hinila palabas sa exit, langya ano bang nangyayari???

Uwahhh lamunin mo na ako lupa HUHUHU . Bat ba ang big deal sa kanila to, mamatay na siguro ako.

Lord ikaw na lang bahala sa nangyari ngayong araw na 'to, WAHHHHHHHHHH!!!!

*****

How it could be? Panong nangyari na magkakilala silang dalawa? Pano nga ba nagsimula ang kanilang love story? Ano kayang susunod na mangyayari? Jump into the next chapter para malaman at masagutan ang mga tanong ninyo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status