"I, I, I, I-I've been runnin' through this strange life
Chasin' all them green lights Throwin' out the shade for a little bit of sunshine. Hit me with them good vibes Pictures on my phone like Everything is so fine A little bit of sunshine... A little bit of sunshine... A little bit of sunshine..." 🎶 Masayang inaawit ni Ellie ang kantang Sunshine ng One Republic habang naglalakad sa malaking parking lot ng mall. Pasayaw sayaw pa ito habang palihim na iniipit sa wiper ng mga sasakyan ang leaflets, na dapat sa loob lamang ng mall pinamimigay. Bawal ito sa patakaran ng mall pero talagang matinik siya. Diskarte ang sabi niya walang bawal sa kanya kung walang makakakita. Nagbakasakali na may kliyenteng makuha at matulad sa kanyang kasamang agent na naka cash on the spot sales dahil sa leaflet na nakuha sa ibabaw ng kotse, 10 million cash. Noong sinuma ni Ellie ang 3% commission times 10 million less 12% tax equal 264,000! Puwera pa ang incentives na makukuha. Buhay prinsesa siya sa halagang P264,000 kahit hindi muna siya magtrabaho ng tatlong buwan. Maria Samantha Eleanor Ledesma, 29 years old, newbie real estate sales agent ng Millennium Development Corporation o MDC. Ito ang top 2 developer ng mga high-rise condominium at vertical houses sa Pilipinas. One year palang sa real estate si Ellie, lakasan lang ng loob ng pasukin niya ito. Walang experience sa pagbebenta ng condo. Medyo nahirapan siya sa una pero sabi ni Bonne normal daw at masasanay din siya. Kaya naman todo ang pakikinig niya sa kanyang mga senior. At nag attend din siya ng mga free training na provided ng company. Dagdag asset na lang ang pagiging makutata at madiskarte. Kaya wala pang isang taon tatlong unit ng condo ang ambag niya sa team ni Bonne. Sa huli, nagustuhan niya ang pagiging sales agent dahil nasa field ang trabaho maraming nakilalang tao at may nagagawa sa ibang araw kung walang manning o duty. "Benta, benta, benta, a little bit sunshine..." sabi ni Ellie sa mga sasakyan. "Maging lucky car sana ang isa sa inyo. A little bit sunshine..." Nagpalipat-lipat si Ellie ng kotse. Sinugurado ng walang makakalusot na kahit isang sasakyan na hindi niya malalagyan ng leaflet. Nag-iingat siya na hindi makita ng mga nag-iikot na mga security guard baka isipin na carnapper o basag kotse gang siya. ENGG! ENGG! ENGG! ENGGGGGG! Nagulat si Ellie ng biglang nagsirena ng malakas ang SUV na nilagyan ng leaflet. "Lintek na!" ENGG! ENGG! ENGG! ENGGGGGGG! "Magbehave ka naman!" Patuloy ang malakas na sirena ng sasakyan. May patakbong security guard ang naglilibot sa parking lot ang papunta sa kanyang kinalalagyan. "Takbo na Ellie! Takbo!" sabi ng utak niya pero imbis na tumakbo lumakad siya ng mabilis na parang walang nangyari. Nakasalubong pa niya ang guard. "Kuya guard," pakikay na sabi n'ya. "Eskandaloso ang sasakyan na 'yon, nakakita lang ng maganda nagsirena na agad." Sabay turo ng sasakyan. Napatawa ang guard sa kanya. "Baka nasagi mo." "Hindi ah, dumaan lang ako biglang nagsisisigaw. Ang sabi, ang ganda! Ang ganda! Ang ganda-ganda!" Biglang siyang tumawa ng malakas. Lumabas ang pagkataklesa. Iniwan niya ang guard at pakembot-kembot na lumakad. Nasa loob na si Ellie ng mall. Nagpunas ng pawis sa mukha. Kanina hindi niya nararamdaman ang init pero ngayon nasa loob siya doon lang naramdaman ang tumutulong pawis sa kanyang likod. Pumunta siya sa booth kung saan nakalagay ang scale model ng binibentang high rise condo. Nadatnan niya ang dalawang kasamang sales agent na kampanteng nakaupo sa two seater couch sofa at nagkukuwentuhan habang nainom ng ice coffee in can. Imbes mamigay ng leaflets pinag-uusapan ang buhay ng ibang ahente. "Binasa na ang tinda natin," sabi niya ng lumapit sa mga kasamang sales agent. Pinagpag ang mga leaflets. "Mga suki bili ng condo! Condo kayo d'yan!" "Saan ka ba galing Ms. Ellie? Kanina ka pa namin hinahanap," sabi ni Kris ang sexy looks na agent. "Naglunch na kami hindi ka na namin nahintay," sabi naman ni Maan ang matabang sales agent. "Ayos lang, naglunch na rin ako," sagot niya pakunwari. "Dadating ba si sir?" Ang tinutukoy niyang sir ay kanyang managing director. "Malate ng dating si sir Bonne katetext lang sa akin," sabi ni Kris. "Ganon!" Napamaang si Ellie halatang nadismaya. "Talaga bang late lang si sir? Baka hindi na naman siya sumipot tulad noong isang araw. Grabe ha, wala na akong allowance." Ang totoo wala ng laman ang kanyang wallet, ang natitirang pera ay pinamasahe niya kanina. Sa contract na pinirmahan sa MDC, mapuputol ang monthly allowance kapag hindi siya nakabenta sa loob ng tatlong buwan. Sa ngayon, pang-apat na buwan na siyang walang benta kaya two months na siyang walang allowance. "Ewan ko," sagot ni Maan. "Kilala mo naman si sir sa sampung sinabi tatlo lang ang tama." Tumawa pa ito. "Sinabi pa naman na bibigyan niya ako ng allowance pagdating niya," Pagmamaktol niyang sabi. "Think positive, Ellie. Dadating siya!" Pagpapalakas niya sa sarili. "Parang hindi mo kilala sir kapag pera ang pinag-uusapan parang bulang biglang nawawala," dagdag pa ni Maan. "Ang hirap kaya utangan ang taong 'yon," sabat ni Kris. "Haist!" Nilapitan niya si Kris at umupo sa sariling binti paharap sa kasamang agent. "Ms. Kris, kapag hindi dumating si sir pahihiramin mo ako ng pamasahe." Hinimas-himas ang braso. "Wala pa akong sales ngayon samantalang kayo may benta na." "Kailangan mo ng mag double job Ms. Ellie." Biro ni Maan. "Double job ka d'yan! Lahat na nga pinasok ko. Jack of all trades na nga ako." Sabay tayo ng may makitang babaeng nakatingin sa scale model ng condo. "Hi ma'am condo po." Inabutan niya ng leaflets. "Tinitignan ko lang, wala pa akong budget," sabi nito pero kinuha ng leaflets sa kanya. "Ayos lang ma'am, libre 'yan. Baka sakaling tumama kayo sa lotto sa akin kayo kumuha." Hanggang tenga ang ngiti niya. "Kapag kumuha kayo may free kitchen showcase. Branded 'yon, ma'am. Hindi na ninyo problema ang lutuan at mga kaserola kapag nag move-in kayo." "Talaga, promo ba 'yan?" "Yes po! Kaya hindi maiinggit ang kapit-bahay ninyo dahil pareho kayo ng brand ng kitchen appliances. Puwera na lang ang ulam." Natawa ng babaeng kaharap niya. "Kakatuwa ka naman magsales talk. Magkano naman ang 2 bedroom unit at reservation dito?" Sinipat-sipat ang salamin ng scale model. "Php 8.2 million and Php50,000 ang reservation ma'am," agad niyang sabi. "Exclusive ang condo namin ma'am." Pagmamalaki pa niya. Alam naman niyang hindi ito bibili pero kailangang niyang i-entertain ang babae. Dahil posible naman maging referral ito. "Wow, ang mahal pala! Kailangan tumaya na ako sa lotto para makabili." "Simulan ninyo na ma'am tumaya ng lotto," ngiting sabi ni Ellie. "May 6/55 mamaya na bola, 100 M ang winning prize." "Updated ka sa lotto," nakangiting tugon nito. "Ang reservation ba ay refundable kung hindi itutuloy ang pagbili?" "Non-refundable na po. Automatic forfeited na po ito kapag lumagpas ng one month." "Oh, I see. Parang ayoko ng bumili reservation pa lang ang mahal na." "Maliit lang 'yan ma'am kung tatama naman kayo sa lotto ng 100 million putal lang 'yan. Saka ma'am 5 star ang condo namin sa cr pa lang hindi ninyo kailangan hawakan ang tank lever o 'yong handle pagkatayo ninyo sa inodoro automatic flushing." "May censor ha." "Yes ma'am na censor na wala ng wetpu sa inodoro." Tumawa uli ang babae. "Nakakatawa ka talaga." "Ganyan talaga ma'am para lahat masaya. Basta ma'am kapag tumama ka sa lotto ako ang kunin mong ahente. Heto ang pangalan ko buong-buo para hindi ninyo malimutan. Maria Samantha Eleanor F. Ledesma, Ms. Ellie for short. 'Yan po ang number ko 'wag ninyo pong iwawala. Mahal ang magpagawa ng calling card." Sabay abot ng calling card sa babae. Nakangiti parin siya. "Sige salamat," sagot ng babaeng tuwang-tuwa sa kanya. "Ipanalangin mo na tumama ako sa lotto." "Yes ma'am kahit sa lahat ng mga santo at santa. Balik kayo kapag tumama na kayo." Tumango at nag thumbs up ang babae ng umalis. Itinuloy na ni Ellie ang pamimigay ng leaflets sa mga naglalakad malapit sa kanilang booth. Marami ang tumatanggi na tila nandidiri sa papel. Meron namang tumatanggap ngunit balewala lang ito. Nasanay na siya sa attitude ng mga taong nakakasalamuha araw-araw. Iniisip niya, sa bawat isang leaflets na ipapamigay ay katumbas ng kanyang buhay. Tanggapin man o hindi ang kanyang leaflets, magpapatuloy parin siya. Hindi niya kailangang mahiya kahit deadmahin pa. Ang panuntunan niya sa real estate ay hanapin ang isang positive client sa isang libong tao. Tila isang karayom na nahulog sa dilim. Ang positive client ay isang diyamante. Sinundan ni Ellie ang isang babae na may dalang malaking paper bag mula sa kilalang brand ng panglalaking sapatos. Palihim siyang lumapit at inihulog niya sa loob ng paper bag ang kanyang leaflets. "Shoot! Lamang ang madiskarte."Ang lugar na pinagdalhan ni Gil kay Ellie ay kakaibang lugar, na may simpleng mga mesa na gawa sa kahoy at mga canvas painting na nakasabit sa mga dingding. Ito ang uri ng lugar na tila isang lihim, isang nakatagong hiyas sa pusod ng metropolis. "Kafeneio," basa ni Ellie sa pangalan ng shop. "Dapat kape namin." Gustong magpatawa ni Ellie ng lumapit sila ni Gil sa counter. Hindi napigilan ni Ellie ang mapangiti sa kanyang biro. Natawa tuloy ang dalawang lalake na nasa counter.Mahinang siniko ni Gil si Ellie. "Greek word 'yan na ang ibig sabihin ay coffee," mahinang sabi ni Gil kay Ellie. Natutop tuloy ni Ellie ang sariling bibig. Ngumisi na lang siya para hindi siya magmukhang tanga. "Iced americano ang sa akin," sabi ni Ellie. "With extra shot ha." "No," sabi ni Gil na nakataas ang kilay. "Hindi ka pa kumakain, kaya hindi ka p'wedeng magkape." sagot niya na malumanay ngunit matigas ang tono.Itinagilid ni Ellie ang kanyang ulo, patungo ang tingin kay Gil. Nakakunot ang kanyang no
Pumasok si Ellie sa mall, nagsisimula nang kumapal ang tao. Dito na siya dumiretso matapos makipagkita kay Mariz. Duty niya ngayong araw. Habang naglalakad bumubulong sa kanyang isipan ang pakikipag-usap kay Mariz, ngunit desidido siyang iwaksi ito. Pagkatapos ng lahat, mayroon siyang trabaho na dapat gawin, at hindi niya nais na makagambala ito. Habang palapit siya sa kanilang booth sinalubong siya ni Maan, nakita niya ang pananabik sa mga mata nito. "Miss Ellie!" Kaway ni Maan sa kanya. "Buti naman dumating ka na. Mayroon kang inquiry sa leaflet mo. Sinabi nila na tawagan mo sila kaagad. Heto ang cellphone number na iniwan nila kanina. Nandito lang sila sa restaurant kumakain." Bumilis ang tibok ng puso ni Ellie. Kahit negative vibes ang pinabaon sa kanya ni Mariz, mayroon naman Maan na may positibong pasalubong sa kanya. "Whoa! Magandang balita 'yan," sagot niya, ang boses niya ay napuno ng kumpiyansa. "Kapag positive buyer Ms. Ellie magpa-snack ka naman." Parang mainit
Nakatayo si Ellie sa tabi ng kalan, ang masarap na aroma ng bawang sa kawali ay pumupuno sa hangin habang siya ay naggigisa. Ito ang kanyang ritwal sa umaga ang magluto ng almusal para sa kanilang dalawa ni Ellery. Naputol ang maindayog na tunog ng spatula sa kawali. Narinig niya ang ring ng kanyang cellphone sa mesa sa sala. Huminto si Ellie, sumulyap sa orasan na nakasabit sa dingding. Maaga pa lang, hindi niya maiwasang magtaka kung sino ang tatawag ng ganoong oras. Imposible namang kliyente. Pinunasan niya ang kanyang mga kamay sa tuwalyang nakasabit at naglakad patungo sa sala. Sa screen nakaregister ang hindi pamilyar na numero, ang mga digit nito ay sumasayaw na parang isang palaisipan. Huminga siya ng malalim, kinuha niya ang telepono. "Hello?" "Ellie?" Pamilyar kay Ellie ang boses sa kabilang linya. "Mariz?" Hinayaan niyang magsalita si Mariz sa kabilang linya. Nakinig lamang siya. Hindi nagtagal ibinababa ni Ellie ang cellphone. "Bakit naman niya ako gu
Humahangos ang baguhang staff ni Dale sa pasilyo. Ang kanyang salamin sa mata ay nakapatong sa tungki ng kanyang ilong, ay mawala sa posisyon ng hindi sinasadyang mabangga si Dale sa kanyang biglang pagliko. "S-sorry sir Dale, hindi kita napansin," sabi nito. Ang boses niya ay may halong takot at panginginig. "N-nakuha ko na po ang dokumentong pinapahanap mo, sir." Pinandilatan ni Dale ang kanyang tauhan, isang tahimik na unos ang namumuo sa kanyang mga mata. Ang matalim na titig nito ay isang ekspresyon na maaaring magpadala ng panginginig sa gulugod ng sinumang makakita. "S-sir?" Nauutal na sabi nito. Nanlalaki ang mga mata sa pag-aalala ng baka masigawan siya. Nang magsimulang tumindi ang tensyon, sumilay ang ngiti sa mukha ni Dale at lumabas ang malalim na biloy sa pisngi. "Just kidding, Ms. Anne," sagot ni Dale, ang kanyang boses ay may halong pagbibiro. "Ang mga baguhang kong staff lagi kong tinatakot sa first day nila dito sa TheCompany. Tignan mo sila pinagtatawa
Iniharap ni Dante kay Gil ang mga dokumentong na-extract niya mula sa mga naka-archive na file ng lumang computer system habang ina-update niya ang software sa TheCompany. Sa kanyang pagsusuri doon niya nalaman na ang mga numerong nasa flash drive na binigay ni Gil ay magkatugma sa data base nang id ng empleydado. Nasa loob sila ng Manhattan Resto Bar sa mga oras na 'yon. "Tignan mo 'to, magkapareho ang id number sa number na nasa flash drive. Pero noong natrace ko ang taong may hawak ng id na ito ay pangkaraniwang empleyado lang. Imposibleng magkaroon ng access ito sa account dahil housekeeping ang trabaho niya." "Hindi kaya nililigaw tayo ng gumawa nito?" tanong ni Gil habang sinusuri ang mga dokumento. "Posible. Noong nag check ako sa data base lahat ng naritong pangalan ay wala na sa company." Ibinigay ni Dante ang isa pang papel kay Gil. "Nakalagay naman d'yan kung kailan sila nag-resigned. Nakakapagtaka lang dahil ang pagitan ng kanilang mga resignation ay halos tatlong araw
Dahil sa sinabi ni Ellie, hinubad ni Gil ang suot na suit jacket at nilapag sa mesa. Kanina pa nga siya naasiwa dahil marami ang napapatingin sa kanya habang naglalakad. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang tingin ng mga tao sa kanya. Pakiramdam niya may gusto pang magpicture. "Bakit hinubad mo President?" "Naiinitan ako." "Ows?" May halong pagbibiro sa boses ni Ellie. "Baka nahiya ka lang President dahil lahat ng tao dito pangkaraniwan ang suot. Ikaw lang kaya ang naiiba." Ginala ni Gil ang kanyang mata, totoo ang sinabi ni Ellie halos lahat naka casual. May ibang naka damit pang opisina pero hindi ganoon ka pormal na tulad ng suot niya. "Alam mo Ms. Ellie, ang dami mong napapansin. Isipin mo na lang naka-cosplay ako." "Cosplay?" Tinitigan ni Ellie si Gil na parang nag-isip ng karakter na babagay sa Presidente. "O, bakit ganyan ka makatingin, Ms. Ellie?" Habang tinitigan ni Ellie si Gil. Napansin niya ang laki pala ng pagkakahawig nito sa naiisip