10:20 ng gabi ng makauwi si Ellie, naratnan niyang nakaipit sa gate ang billing statement ng ilaw at tubig. Napabugtong-hininga siya bago kinuha ang mga sobre. Bayaran na naman pero wala pa siyang pambayad. Dagdag pa ang renta ng inuupahan nilang bahay. Pagpasok niya sa loob ng bahay agad siyang dumiretso sa kusina. Ibinaba ang bag sa mesa. Nagbungkal ng kaldero. Marami pang kanin pero wala siyang nakitang ulam. Binuksan ang cabinet kung saan nakalagay ang stock ng delata, nakita niya ang nag iisang lata ng sardinas sa sulok. Agad niya itong kinuha at binuksan. Sumandok ng kanin.
"Nanginginig na ako sa gutom." Kinakausap niya na ang sarili. Sumubo ng kanin at sardinas. Tulad ng inaasahan hindi dumating ang boss nilang si Bonne mabuti na lamang pinautang siya ni Kris ng pamasahe kundi maglalakad siya pauwi. "Ang malas ko talaga sa mga boss! Sa loob ng 8 years puro sablay ang nakukuha kong boss. Ang una, maniac! Pangalawa, narcissist ngayon naman indiyanero na kuripot pa. Paasa talaga! May araw din sa akin ang panot na 'yan!" Tumayo siya at kumuha uli ng kanin sa kaldero. Sinadya niyang ibagsak ang takip ng kaldero dahil sa inis. Inaasahan pa naman niya ang allowance kanina. May nakukuhang allowance si Ellie kada buwan at diretso ito sa kanyang bank account. Pero dahil apat na buwan na siyang walang sales automatic mapuputol ito. Policy ito ng kanilang developer. Babalik lang ang kanyang regular allowance kapag nakabenta na siya. Ang inaasahan niyang allowance ay cash advance at kakaltasin ito paglabas ng kanyang commission. "Naturingan manager pero hindi asal manager. Ginugutom niyang ang mga ahente niya!" Kahit panay ang reklamo diretso parin ang kain. "Pag ako nainis lilipat ako ng ibang manager. Mawawalan siya ng mala-diyosang ahente!" "Wow naman! D'yosa talaga, ate?" mula sa likod ang boses. Si Ellery, kapatid ni Ellie. "May d'yosa bang patay-gutom kung kumain?" sabi nito sabay tawa ng malakas. Napalingon si Ellie. Nakakuwadro ang kapatid sa pinto ng kuwarto nito. Para itong si Joker kung makangisi. Ang half brother ni Ellie ang kasama sa bahay. Ulila na sila sa ina. Hindi nakilala ni Ellie ang kanyang ama. Patay na daw ito base sa kuwento ng kanyang ina, pero alam niyang hindi ito totoo. Natatandaan niya noong bata pa siya, may nagpapadala lagi sa kanya ng regalo tuwing birthday. Kapag Pasko may natatanggap siyang pera. Sinasabi lang ng nanay niya na bigay ito ng ninang niya galing sa ibang bansa. Pero hindi siya naniniwala. Kapag tinatanong niya kung kung ano ang kinamatay ng ama niya hindi siya sinasagot ng ina. Kaya naman hindi na niya inalam kung ano talaga ang totoong nangyari sa kanyang ama. Nawalan na siya ng interes na alamin ito. Samantala, ofw sa Saudi ang ama ng kapatid. Ito ang nagpapaaral sa kolehiyo pero tumutulong din siya sa mga pangangailangan nito sa university. "Nasa harapan mo na," sagot niya habang nanguya. Hindi papahuli sa hitsura si Ellie, totoong maganda siya. Bilugan ang kanyang mata at kapansin-pansin ang pulang nunal nito na hugis puso sa kaliwang mata. Noong high school at college lagi siyang kinukuhang muse at marami ang nagsasabi na pwede siyang mag artista, perfect ang face niya. Hindi lamang siya na biyayaan ng magandang height. Ang taas niyang 5'2" at med-size body mas madalas siyang pagkamalang bunso. Mataas si Ellery ng pitong pulgada gayong 22 years old lang ito. Lumapit si Ellery sa mesa. Dumukwang sa harapan ni Ellie. "Sarap na sarap ka sa tangang isdang pumasok sa lata. Hindi mo man lang ginisa." "Sa taong gutom hindi na uso ang ginisang sardinas," sagot niya habang nanguya. "Ang lansa kaya niyan." "Walang malansa sa taong gutom. Saka narito ka na kanina pa, bakit hindi ka nagluto ng ulam? Inasahan mo pa talaga ako." "Ate, parang sinabi mo kanina na huwag na akong nagluto dahil bibili ka na lang ng lutong ulam," katwiran ni Ellery. "Sinabi ko ba 'yon?" Napaiisip si Ellie, saglit na tumahimik tila inaalala sinabi ng kapatid. Ngunit hindi niya talaga maalala. "Hindi ko matandaan, alam mo naman kapag gutom ako wala akong natatandaan. Hindi nakakapag-isip ng tama ang utak ko." "Halata nga. Sa sobrang gutom mo hindi mo nga nginunguya. Baka hindi ka matunawan niyan." Talagang gutom si Ellie, hindi siya naglunch. Kulang na siya sa budget. Mabuti na lamang nag heavy breakfast siya kaninang umaga, bago umalis ng bahay. Ang buhay ng ahente walang kasiguraduhan. Pwedeng buenas at pwede ring malas. Posibleng magkaroon ng positive client sa isang araw, na magbibigay ng reservation o magbibigay ng downpayment on the spot. At pwede ring zero, kahit isang client inquiry ay wala. Tapos na si Ellie kumain. Tumayo siya at hinugasan ang kanyang pinagkainan. Saka nagtimpla ng kape. Inalok niya ang kapatid pero tumanggi ito. Pumunta siya sa sala at binuksan ang TV. Nakabuntot si Ellery sa kanya. "Nakamanning ka hanggang gabi, halos 12 hours din 'yon? Ang tibay mo talaga ate," sabi ni Ellery. Humilata ito sa sopa. "May inquiry ka naman? Pwede na sa akin ang studio type, ate." Gumalaw ang mata ni Ellie patungo sa nakahigang kapatid. May nararamdaman siyang signos. Signos ito na hihingi na naman ng pera ang kapatid. Inabot niya ang tasa ng kape at humigop. Law student ang kapatid ni Ellie, nasa huling taon na ito. Kahit scholar sa university may mga pangangailangan parin ito na hindi sakop ng scholarship. Kaya naman kung todo ang kayod niya pati ang ama nito sa Saudi. Ang personal savings niya nagalaw na din, para lang masuportahan ang kapatid. Pinangako niya sa inang namayapa na magiging abogado ito. Tanging si Ellery na lamang ang nag-iisa niyang kamag-anak. Kaya suportado niya ito. "Magkano ba ang kailangan mo?" kaswal na tanong niya. Alam niya kapag madaldal ang kapatid na signos ito na uungot na naman ng pera. Ilang araw ng atrasado ang padalang pera ng ama ni Ellery. "'Yon na nga ate," automatikong bumangon sa pagkakahiga, tumabi sa kapatid at umakbay sa balikat. "Kailangan ko ng P3,780 bibili ako ng dalawang libro. Kailangan ko rin ng bond paper at ink ng printer. Mag observe din kami sa assigned legal case. Kasama ang food at fare sa 3,780." Sunud-sunod na sabi nito sa kanya. Nang marinig ito ni Ellie agad na tinanggal ang kamay ng kapatid sa kanyang balikat. "Pakiramdam ko nagkukulang ng oxygen dito sa loob ng bahay, kinakapos ako ng hininga." Binaba niya ng tasa ng kape at pinaypay ang dalawang kamay sa mukha." Hindi mo pa ginawang 4,000 nagputal ka pa talaga. Ganyan na ba kamahal ang libro at bond paper at ink? Pumunta ka na lang sa library. Saka wala bang mga sasakyan mga kaklase mo? Maki sakay ka na lang." "Ate hindi lahat ng libro nasa library." "E di, mag search ka na lang sa computer. Twenty first century na ngayon! Halos lahat matatagpuan na sa internet." "Ano ka ba ate, hindi ito searchable sa net." "Napakamahal na libro naman yan!" "Saka ate kung aangkas ako sa kaklase ko kailangan ko rin ng share sa gasolina. Alangan naman na libre. Wala ng libre sa panahon ngayon." Tumango si Ellie, sangayon siya sa sinabi ng kapatid. "Tama ka d'yan. Wala ng libre ngayon. Pero walang bang tawad d'yan sa hinihingi mo?" "Computed ko talaga 'yan 'te. Gusto mo ipakita ko ang computation?" "Objection! Hindi na!" Sabay taas ng kamay. "Baka magmultiply pa yan kapag pinakita mo. Kilala kita! 'Yun 100 nagiging 200, hay naku! Bagay nga sa'yo ang abogado nag-aaral ng kasinungalingan. Hindi mo na ako mauuto." Natatawa si Ellery sa sinabi ni Ellie. "Need ko ang books next day, ate." "So." Pinandilatan niya ito ng mata. "Ate, kailangan ko talaga ang books na 'yon." "Kailangan agad-agad na ibigay ko ang 3,780? Ano ako ATM machine? Nagluluwa ng pera! Ang ATM nga nag off-line, ako pa! Kahit sa kalye wala ka ng mapupulot na piso." "Ate naman." "Oo na! Oo na! Mag-iisip pa ako kung saan ako raraket. Lagi akong abonado s'yo." "Makikinabang ka rin sa akin sa huli ate. Pagkagraduate ko." "Kailan ka ba gagraduate? Tapos magbar exam ka pa! Gastos na naman 'yon. Harinawa makapasa ka!" "Ako pa. Syempre makakapasa ako," confident na sabi ni Ellery. Inilagay ang dalawang kamay sa likod ng ulo."Makikinabang ka rin sa kapatid mo, ate. Mark my word." "Tama, makikinabang ako sa notaryo mo! Lumayas ka nga sa tabi ko bigyan mo ako ng space!" Sabay tulak sa kapatid. "Siguraduhin mo lang na makakagraduate ka!" "Maliban sa notary, ako ang bahala sa legal matters mo 'te. Basta ang 3,780 huwag mong kalilimutan." "Haist! Sakit sa ulo ang pera!" sabi ni Ellie.Ang lugar na pinagdalhan ni Gil kay Ellie ay kakaibang lugar, na may simpleng mga mesa na gawa sa kahoy at mga canvas painting na nakasabit sa mga dingding. Ito ang uri ng lugar na tila isang lihim, isang nakatagong hiyas sa pusod ng metropolis. "Kafeneio," basa ni Ellie sa pangalan ng shop. "Dapat kape namin." Gustong magpatawa ni Ellie ng lumapit sila ni Gil sa counter. Hindi napigilan ni Ellie ang mapangiti sa kanyang biro. Natawa tuloy ang dalawang lalake na nasa counter.Mahinang siniko ni Gil si Ellie. "Greek word 'yan na ang ibig sabihin ay coffee," mahinang sabi ni Gil kay Ellie. Natutop tuloy ni Ellie ang sariling bibig. Ngumisi na lang siya para hindi siya magmukhang tanga. "Iced americano ang sa akin," sabi ni Ellie. "With extra shot ha." "No," sabi ni Gil na nakataas ang kilay. "Hindi ka pa kumakain, kaya hindi ka p'wedeng magkape." sagot niya na malumanay ngunit matigas ang tono.Itinagilid ni Ellie ang kanyang ulo, patungo ang tingin kay Gil. Nakakunot ang kanyang no
Pumasok si Ellie sa mall, nagsisimula nang kumapal ang tao. Dito na siya dumiretso matapos makipagkita kay Mariz. Duty niya ngayong araw. Habang naglalakad bumubulong sa kanyang isipan ang pakikipag-usap kay Mariz, ngunit desidido siyang iwaksi ito. Pagkatapos ng lahat, mayroon siyang trabaho na dapat gawin, at hindi niya nais na makagambala ito. Habang palapit siya sa kanilang booth sinalubong siya ni Maan, nakita niya ang pananabik sa mga mata nito. "Miss Ellie!" Kaway ni Maan sa kanya. "Buti naman dumating ka na. Mayroon kang inquiry sa leaflet mo. Sinabi nila na tawagan mo sila kaagad. Heto ang cellphone number na iniwan nila kanina. Nandito lang sila sa restaurant kumakain." Bumilis ang tibok ng puso ni Ellie. Kahit negative vibes ang pinabaon sa kanya ni Mariz, mayroon naman Maan na may positibong pasalubong sa kanya. "Whoa! Magandang balita 'yan," sagot niya, ang boses niya ay napuno ng kumpiyansa. "Kapag positive buyer Ms. Ellie magpa-snack ka naman." Parang mainit
Nakatayo si Ellie sa tabi ng kalan, ang masarap na aroma ng bawang sa kawali ay pumupuno sa hangin habang siya ay naggigisa. Ito ang kanyang ritwal sa umaga ang magluto ng almusal para sa kanilang dalawa ni Ellery. Naputol ang maindayog na tunog ng spatula sa kawali. Narinig niya ang ring ng kanyang cellphone sa mesa sa sala. Huminto si Ellie, sumulyap sa orasan na nakasabit sa dingding. Maaga pa lang, hindi niya maiwasang magtaka kung sino ang tatawag ng ganoong oras. Imposible namang kliyente. Pinunasan niya ang kanyang mga kamay sa tuwalyang nakasabit at naglakad patungo sa sala. Sa screen nakaregister ang hindi pamilyar na numero, ang mga digit nito ay sumasayaw na parang isang palaisipan. Huminga siya ng malalim, kinuha niya ang telepono. "Hello?" "Ellie?" Pamilyar kay Ellie ang boses sa kabilang linya. "Mariz?" Hinayaan niyang magsalita si Mariz sa kabilang linya. Nakinig lamang siya. Hindi nagtagal ibinababa ni Ellie ang cellphone. "Bakit naman niya ako gu
Humahangos ang baguhang staff ni Dale sa pasilyo. Ang kanyang salamin sa mata ay nakapatong sa tungki ng kanyang ilong, ay mawala sa posisyon ng hindi sinasadyang mabangga si Dale sa kanyang biglang pagliko. "S-sorry sir Dale, hindi kita napansin," sabi nito. Ang boses niya ay may halong takot at panginginig. "N-nakuha ko na po ang dokumentong pinapahanap mo, sir." Pinandilatan ni Dale ang kanyang tauhan, isang tahimik na unos ang namumuo sa kanyang mga mata. Ang matalim na titig nito ay isang ekspresyon na maaaring magpadala ng panginginig sa gulugod ng sinumang makakita. "S-sir?" Nauutal na sabi nito. Nanlalaki ang mga mata sa pag-aalala ng baka masigawan siya. Nang magsimulang tumindi ang tensyon, sumilay ang ngiti sa mukha ni Dale at lumabas ang malalim na biloy sa pisngi. "Just kidding, Ms. Anne," sagot ni Dale, ang kanyang boses ay may halong pagbibiro. "Ang mga baguhang kong staff lagi kong tinatakot sa first day nila dito sa TheCompany. Tignan mo sila pinagtatawa
Iniharap ni Dante kay Gil ang mga dokumentong na-extract niya mula sa mga naka-archive na file ng lumang computer system habang ina-update niya ang software sa TheCompany. Sa kanyang pagsusuri doon niya nalaman na ang mga numerong nasa flash drive na binigay ni Gil ay magkatugma sa data base nang id ng empleydado. Nasa loob sila ng Manhattan Resto Bar sa mga oras na 'yon. "Tignan mo 'to, magkapareho ang id number sa number na nasa flash drive. Pero noong natrace ko ang taong may hawak ng id na ito ay pangkaraniwang empleyado lang. Imposibleng magkaroon ng access ito sa account dahil housekeeping ang trabaho niya." "Hindi kaya nililigaw tayo ng gumawa nito?" tanong ni Gil habang sinusuri ang mga dokumento. "Posible. Noong nag check ako sa data base lahat ng naritong pangalan ay wala na sa company." Ibinigay ni Dante ang isa pang papel kay Gil. "Nakalagay naman d'yan kung kailan sila nag-resigned. Nakakapagtaka lang dahil ang pagitan ng kanilang mga resignation ay halos tatlong araw
Dahil sa sinabi ni Ellie, hinubad ni Gil ang suot na suit jacket at nilapag sa mesa. Kanina pa nga siya naasiwa dahil marami ang napapatingin sa kanya habang naglalakad. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang tingin ng mga tao sa kanya. Pakiramdam niya may gusto pang magpicture. "Bakit hinubad mo President?" "Naiinitan ako." "Ows?" May halong pagbibiro sa boses ni Ellie. "Baka nahiya ka lang President dahil lahat ng tao dito pangkaraniwan ang suot. Ikaw lang kaya ang naiiba." Ginala ni Gil ang kanyang mata, totoo ang sinabi ni Ellie halos lahat naka casual. May ibang naka damit pang opisina pero hindi ganoon ka pormal na tulad ng suot niya. "Alam mo Ms. Ellie, ang dami mong napapansin. Isipin mo na lang naka-cosplay ako." "Cosplay?" Tinitigan ni Ellie si Gil na parang nag-isip ng karakter na babagay sa Presidente. "O, bakit ganyan ka makatingin, Ms. Ellie?" Habang tinitigan ni Ellie si Gil. Napansin niya ang laki pala ng pagkakahawig nito sa naiisip