Share

KABANATA 2

last update Huling Na-update: 2021-10-12 15:44:49

Mula sa pagkakatayo sa may bar counter ay napapitlag si Alessandra nang biglang maramdaman ang brasong pumulupot sa kanyang bewang at may tumabi sa kanyang lalaki na hindi pa man niya nakikita ay nahuhulaan na niya kung sino iyon.

Binaklas niya ang braso nito at umusog palayo. Pagtaas niya ng mga mata ay agad na bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Lawrence. Isa itong parokyano sa bar na iyon na nakilala niya dalawang araw mula nang mag-umpisa siyang magtrabaho roon.

Walang pakundangan nitong sinabi sa kanya nang gabing una silang magkita na gusto siya nito. Halos gabi-gabi itong naroon na siyang palagi niyang pinagtiya-tiyagaan bukod pa sa mga tingin ng mga kalalakihan na nakasunod sa kanya.

Pabirong sinabi ni Sancho noon sa kanya na sinusuyo siya ni Lawrence. He never failed to give her flowers every day since the very first time they've met, which she accepted out of politeness.

Lalo pang tumindi ang mga ginagawa nito sa kanya, nito lang nakaraang linggo ay palagi siyang nakatatanggap ng kung anu-ano mula rito, sa pagkakataong iyon ay ipinapa-deliver sa kanyang tinitirhan. Kagaya na lamang ng mga mamahaling bag, sapatos, bulaklak, alahas at mga damit na palagi niyang pinababalik sa delivery man.

Kinompronta na niya ang lalaki nang nagdaang gabi upang klarohin kung ano ang intensiyon nito sa kanya at doon tumibay ang loob niya na iwasan ito. Lawrence was arrogant and he was a narcissist, she had all the reasons to distance herself from him. Though handsome and rich, she doesn't like his attitude. She just simply doesn't have an interest in him.

The man blatantly told her that he wanted her, he was proud and she hated his smug face. Right then and there, she candidly turned him down.

Nakita niya si Lawrence na tumayo at tinungo ang kinaroroonan ng restroom. Sinundan niya ito, balak niya itong komprontahin sa ikalawang pagkakataon.

"Puwede ba tayong mag-usap?" tanong niya pagkalabas nito mula sa banyo, tumango si Lawrence bilang tugon. Lumakad siya patungo sa backdoor ng bar at lumabas, nararamdaman niya ang pagsunod nito sa kanya.

"Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin, ha? Hindi ko kailangan ang mga binibigay mo, kaya please lang, tumigil kana!" kanyang sita sa lalaki, nakalarawan ang pagka-inis sa kanyang mukha.

"Kulang pa ba?"

Napakunot ang noo ni Alessandra sa itinanong nito. "Ano?"

"Kulang pa ba ang binibigay ko? I can give you more, Sandra. Puwede kang lumipat sa disente at malaking tirahan. I can finance you, be my lover, warm my bed when I needed you," nakangisi nitong pahayag.

Ngali-ngaling suntukin ni Alessandra ang nakangising mukha ng lalaking kaharap dahil sa inis. Subalit pinigilan niya ang sarili.

"Baliw ka ba? Anong akala mo sa akin, bayaran? I may be working in a bar but my job is decent, I don't do the dirty work! Kaya kung buhayin ang sarili ko at hindi kita kailangan!"

Nawala ang pagkakangisi nito sa sinabi niya at tumigas ang anyo. "Hindi ako nanunuyo ng babae, hindi ko sila binibigyan ng bulaklak dahil sila mismo ang lumalapit sa akin! But I can do those things for you. I really like you and I want you. Be my woman, Sandra, and I will give you everything you need."

"Alin ba sa hindi kita gusto ang hindi mo naiintindihan?! Tigilan mo na ako!" Aalis na sana siya ng pigilan siya nito sa braso. "Ano ba! Bitiwan mo 'ko!"

"I always get what I want, Sandra. 'Wag kang pakipot, 'wag kang magmalinis, don't act like a virgin, baka nga kung sinu-sino ng lalaki ang nakakuha sa 'yo! But I don't mind, why, you're gorgeous and you have a nice body." Malisyosong pinasadahan ni Lawrence ng tingin ang dalaga. Gustong manginig ni Alessandra sa galit dahil sa kabastusan ng lalaki, nangangati ang mga kamay niyang kalmutin ito sa mukha. "Just be obedient and I'll give you what you need."

Hinapit siya nito at akmang hahalikan nang marahas niya itong tinulak paalis sa kanyang katawan. "Wala kang karapatang insultohin ang pagkababae ko dahil nagtatrabaho ako ng disente! At wala kang pakialam kung sino man ang pagbibigyan ko ng sarili ko! You can have all those women but you can never have me!" Alessandra shouted in anger. Tumalikod na siya at nagmamadaling pumasok sa loob.

Hindi niya nakita ang pagtatagis ng bagang ng lalaki dahil sa rejection na natanggap.

Napabuntung-hininga si Alessandra sa pagka-alala sa nangyaring komprontasyon kagabi. How can she deal with him at this very moment?

"GOOD evening, Sandra," he said and a grin was plastered on his lips. He then perused her and hunger was written in his eyes.

Hindi niya gusto ang tinging ibinibigay nito sa kanya. Gusto niya itong singhalan nang tumagal ang tingin nito sa bahagi ng kanyang dibdib. Kahit pa nga ba iyon din ang ginagawa ng ibang mga lalaki sa loob ng bar tuwing tinitingnan siya ay hindi siya komportable roon. Hindi kailanman. Sino ba ang may gustong titigan ng kung sinuman na puno ng malisya ang mga mata? Hindi siya!

"Ito na, babe."

Inikotan niya ng mga mata si Lawrence bago binalingan si Sancho na natapos na sa ginagawa nito. Nginitian niya ito at nagpasalamat bago kinuha ang mga alak. Bahagya siyang nakahinga ng maluwag nang malayo kay Lawrence. Dinala niya ang mga inumin sa lamesa ng mga magbabarkadang umiinom doon.

May naramdaman siyang mga daliring lumapat sa kanyang hita habang inilalapag ang dala ngunit hindi niya iyon pinansin. May mga customer talagang bastos, lalo na kapag nakainom. Noong una niya iyong naranasan ay umiyak siya ng umiyak pagkauwi ng bahay at naratnang natutulog na ang mga kapatid. Hindi niya masasabi kung nasanay na ba siya sa mga advances ng ibang mga customer dahil hindi na lang niya pinapansin ang mga iyon.

Some even invited her to go out with them but she refused all of them. Alam niya kung ano ang ibig sabihin ng paglabas kasama ang mga ito. Hahantong sila sa kama at hindi niya masisikmura ang ganoon.

Hindi man mabuti ang tingin sa kanya ng ibang tao ay alam niya sa sarili niyang malinis ang kanyang pagkatao.

Nang mapatingin sa gitna ng make-shift stage ng bar ay sandaling natutok doon ang kanyang mga mata. Si Rose—ang kapitbahay niyang nag-alok sa kanya na magtrabaho sa bar ay nagsasayaw sa gitna niyon. May pole rin doon na ginagamit nito. Mahusay itong sumayaw at mang-akit kaya marahil nakatutok dito ang mga mata ng mga kalalakihan.

She had told a lot of times to try dancing but she doesn't have the guts to do that. Hindi siya handang sumayaw sa gitna na halos wala nang suot na damit at maging sentro ng mga mata ng mga lalaki. Kahit papaano ay nakakaya pa niyang magpakita sa iba na maliit na palda at hakab na damit ang suot. Ibang usapan na kung magpa-panty lang siya at magba-bra.

Wala siyang ikinakahiya sa katawan subalit hindi siya komportableng ipakita iyon sa ibang tao.

Inalis niya ang mga mata sa stage nang mapukaw sa palakpakan ng mga nanonood at lumakad patungo sa banyo nang makaramdam ng pagbigat ng kanyang pantog.

Pagkatapos umihi ay tinitigan niya muna ang sarili sa salamin at bumuntung-hininga. Kapagkuwan ay naghugas siya ng kamay at lumabas.

Nagulat siya nang pagkalabas na pagkalabas sa banyo ng mga babae ay may humigit sa kanyang braso at isinandal siya sa pader. "Bitiwan mo ako, Lawrence!" aniya sa galit na tinig nang makilala kung sino ang mapangahas na iyon.

She was pinned on the wall and his body was pressed on her. She can feel that throbbing part of his body on her belly. Nalalanghap din niya ang amoy ng alak sa hininga nito ngunit hindi niya masabi kung lasing na ba ito.

"Sandra, binabaliw mo ako sa pag-iisip."

"Pakawalan mo ako, ngayon na!"

"Have you think of my offer, hmm?"

"Sinabi ko na sa 'yo ang sagot ko. Hindi ako kailanman papatol sa 'yo kaya puwede ba!" Naiwas niya ang mukha nang lalo itong lumapit sa kanya at akma siyang hahalikan kaya tumama ang mga labi nito sa kanyang pisngi. "Ano ba!"

Sinubukan niyang bawiin ang kamay sa pagkakahawak nito ngunit malakas ito. Ang mga labi ay nagsisimulang gumapang sa kanyang leeg.

"May problema ba rito?"

Sabay silang napatingin ni Lawrence sa nagsalitang iyon. Ang may-ari ng boses ay isang matangkad na lalaki na mukhang pamilyar sa kanya, kalalabas lang nito banyo ng mga lalaki na katapat ng sa mga babae.

Sinamantala niya ang pagkawala ng atensiyon ni Lawrence sa kanya at mapuwersang binawi ang mga kamay mula rito. Kapagkuwan ay isang mabilis na sulyap ang ginawa sa lalaking nagligtas sa kanya at tumalikod para bumalik sa pagtatrabaho.

Pinahiran niya ang kanyang pisngi at marahas na bumuntung-hininga pagkatapos.

What a bad day!

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • My Foolish Heart   SPECIAL CHAPTER (GIVING BIRTH)

    SPECIAL CHAPTERNAGISING siya sa madaling araw na humihilab ang tiyan. Noong una ay hindi niya iyon gaanong pinagtuunan ng pasin. Akala niya'y simpleng paghilab lang iyon.Subalit hindi katagalan, the pain was becoming unbearable."Nick…" tawag niya sa asawa na natutulog sa kanyang tabi. Umungol ito bago iminulat ang mga mata."What happened? Are you okay?" she asked raspily."M-Manganganak na yata ako."Nanlaki ang mga mata ni Nick na biglang napabangon sa pagkakahiga at tiningnan ang kanyang tiyan. Napansin din niya ang bahagyang panginginig ng kamay at mga labi nito. Kung wala lang masakit sa kanyang katawan ay natawa na siya sa reaksiyon ng kanyang asawa.

  • My Foolish Heart   EPILOGO

    SHE looked at herself in the mirror and her eyes got misty. Matagal na niyang hinihiling na dumating ang araw na iyon, now it was happening.She sighed shakily and smiled at herself. Hindi niya hinayaang bumagsak ang luha mula sa kanyang mga mata dahil sa labis na kaligayahan. It would ruin her makeup na ilang oras ginawa ng makeup artist niya. Her hair was tied in a bun, strands of it were draping on the side of her face. She felt so beautiful, it must be the effect of happiness. Pati ang mga nakikita niya sa kanyang paligid ay gumaganda sa kanyang paningin.Napatingin siya sa pinto nang bumukas iyon at nginitian ang ama. Humahangang nakatingin ito sa kanya habang namamasa ang mga mata. Tumatanda na nga si Alessandro Sanford, nagiging emosiyonal na."You're so beautiful, darling. The most beautiful bride I have eve

  • My Foolish Heart   KABANATA 53

    KATAHIMIKAN ang sumalubong sa kanya pagkauwi niya galing sa opisina. Nagpasa siya ng indefinite leave kanina, nakipaghuntahan muna siya sa mga kasamahan kaya napatagal ang kanyang pag-uwi. "This is the worst day ever," bulong niya.Wala man lang nakaalala sa pamilya niya kung ano ang meron sa araw na iyon.It was her twenty-ninth birthday. Mula nang magising siya kanina ay wala man lang bumati sa kanya kahit isang kapamilya. Even Nick. Buti pa nga ang ibang kakilalang empleyado sa ASCF ay binati siya.Kanina pa masama ang araw niya at ngayon namang pag-uwi niya ay wala siyang nadatnan kahit isang tao man lang sa bahay nila.Baka nasa mansiyon ang mga bata, she thought. Marahil ay hindi pa nakakauwi si Adeline mula sa paaralan.Mabigat ang loob na nagtungo siya sa kuwarto at naglinis ng katawan. Nang makapagbihis ay lumabas siya ng bahay at naglakad patungo sa mansiyon. Naraan niya

  • My Foolish Heart   KABANATA 52

    HINDI na mawala-wala ang ngiti sa kanyang mga labi habang nakatingin sa mag-a-ama na naglalaro sa playground na nasa likod lang ng bahay nila. AC was playing with them too.Dalawang linggo na ang nakakalipas mula nang magkaayos sila ni Nick. Dalawang linggo naring ganoon ang set-up nila. Pumupunta ang binata roon para makasama ang mga bata, minsan naman ay roon ito natutulog. Mas gusto niyang makasama ito sa iisang bahay, pero masaya narin siya sa ganito. Masaya siya na narito ang binata, sobrang saya.Paunti-unti ay nakukuha na ni Nick ang tiwala ng kanyang ama maging ng kanyang mga kapatid. She saw how he worked hard to gain his family's trust and respect."Hey." Agad na napabaling ang kanyang paningin sa nagsalitang iyon."Ash," she said. Acknowledging his brother's presence."You're happy." It was not a question. But a confirmation. "You are happy with him.""I am, Ash

  • My Foolish Heart   KABANATA 51

    “Shh. I’m okay,” he hushed her up and smiled, he was trying to hide the grimace on his face because of his bruises. Pinahiran nito ang mga luha na tumulo mula sa kanyang mga mata.“L-let’s get out of here,” hihilahin na sana niya ito para umalis doon ngunit pinigilan siya nito.“No. We need to talk to them.” Puno ng determinasyon ang tinig nito.“But—““It’s okay. I’m okay. We’re gonna be okay. Trust me.”Tinitigan niya sa mga mata si Nick at tumango, pagkatapos ay hinila niya ito paupo sa pangdalawahang sofa.

  • My Foolish Heart   KABANATA 50

    SA LOOB ng bahay ay maririnig ang pagparada ng sasakyan sa labas na siyang ikinakabog ng dibdib ni Alessandra.Naroroon sila sa sala at hinihintay ang pagdating ng inaasahan nilang panauhin. She was nervous. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon ng kanyang pamilya. Noong huling nagpang-abot ang mga ito at si Nick ay halos patayin ng mga ito ang binata sa galit. Naiintindihan naman niya kung bakit galit ang mga ito, but it was all in the past now. They should live in the present enable for them to be happy.Naroon silang lahat ng gabing iyon. Her four brothers, her father, Ady, the twins and Alexander’s pregnant wife and their kids.“Daddy.” Tumakbo palapit ang kambal at sinalubong ang ama.Hinila ng mga ito si Nick palapit sa kinar

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status