Share

KABANATA 41

MATULING lumipas ang mga araw at bawat pagdaan niyon ay lalong tumindi ang kanyang anxiety. Sino ba namang hindi mabubuwang kung palaging sumusulpot si Nick sa kanilang buhay. Hindi niya ito maitaboy kahit anong gawin niya dahil hindi naman siya nito pinapansin.

Naroong umaabot na siya sa punto na gusto niyang puntahan ang asawa nito at sabihin ang pinanggagawa nito. Ngunit hindi niya magawa, hindi niya kaya. Kahit na hindi siya pinapansin ni Nick o kahit tapunan man lang ng tingin kapag pumupunta ito sa kanila ay nagbubunyi ang kanyang puso tuwing nasa malapit ito. Martyr na nga siguro siya, mahal parin niya ito sa kabila ng lahat.

Ilang gabi narin siyang puyat dahil sa kakaisip dito at sa mga kakaiba nitong ikinikilos. Malakas ang kanyang kutob na may alam si Nick tungkol sa kambal, ang alalahaning iyon ay unti-unting nagpapawala sa kanyang katinuan. Hindi na siya uli nakahanap ng pagkakataon na komprontahin ito dahil palagi itong umiiwa

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status