Share

Birthday Celebration!

Chapter 9

Hindi niya ma imagine ang itsura niya habang nakasuot ng skirt. Gusto niyang magprotesta sa sinasabi ng binata pakiramdam niya ay para lamang sa kanya ang rules na pinatupad nito.

Siya lamang kasi ang bukod tanging naka pants sa pagpasok. Naninibago siya sa bagong atmosphere ng resort na ito mula nang dumating ang binata. Nakasanayan na niya kasi na si Emman ang lagi niyang kaharap bilang representative ng kanilang boss.

Effective ang rules na ito na magsisimula pagktapos ng treat na ibibigay sa kanila nito. May panahon pa siya para makumbinse ang sarili sa bagay na yaon.

****

Laglag ang balikat at animo binagsakan ng langit ang itsura ni Clariza habang pabalik sa kanyang opisina. Hindi parin natatanggap ng kanyang sistema ang pagsusuot niya ng skirt.

“ Oh maam, ano ang nangyari sayo? May masakit

ba sayo?” tanong ni Grace nang napansin na parang wala siya sa mood gumalaw.

“ Wala, ang unfair lang ng rules ng boss nyo” nakatirik ang mata niyang sagot na ikinatawa naman
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status