Share

Her Proposal

CHAPTER 5

“Nothing sir!” sagot niya.

Ramdam niya ang paninitig ng boss niya sa kanya habang siya ay nakayuko. Hindi niya tuloy maiwasan ang mailang habang kumakain.

Samantalang aliw na aliw naman si Kristian habang pinagmamasdan niya ang dalaga. Sumilay ang isang simpleng ngiti sa kanyang labi.

“Boyish style huh! Tingnan ko nga kung gagana ang charm mo sa kanya Kristian”, naglalarong salita sa kanyang isipan. 

Pormal siyang tumikhim upang makuha ang atensyon ng dalagang kaharap. 

“So may i see the reports of this past few months of this resort, Miss Mendoza?”wika niya na diretsong nakatingin sa dalaga.

Mabilis naman ang naging kilos ni Clariza upang tugunin ang hinihingi ng kanyang big boss. My pagka professional siya kapag oras ng trabaho at tinitiyak niyang nasa ayos ang lahat ng kanyang gagawin.

  Inilabas niya ang folder na naglalaman ng lahat ng detalye na kailangan niyang iprisinta sa sa kanyang big boss at iniabot dito. 

 Pinasadahan naman ng tingin ng binata ang ang kanyang reports at simple siyang humanga sa pagiging creative ng dalaga, maging ang malinis at maayos na pagkakalagay ng bawat detalye ay napansin niya.

 Binasa niya ang bawat detalye na nakalagay sa papel at nakita niyang maayos ang takbo ng kanilang negosyo. Tumaas ang income ng hotel at marami silang naging bisita sa mga nakaraan buwan. Nakasaad din sa report ng dalaga ang mga feedbacks and comments ng kanilang naging mga bisita at lubos siyang nasiyahan. 

  

  “The staffs here are friendly,keep it up!”

 

 “Very accomodating”

  

“Thank you for the wonderful expirience in this place, We will be back!”

Ilan sa napakaraming magagandang comments na kanyang nabasa mula sa mga turistang naging bisita nila. Napangiti siya at nagpatangu- tango habang binabasa ang mga ito.

Nakita din niya ang proposal para sa list ng  salary increase ng ilang empleyado. Nagtaas siya ng ulo at tiningnan ang dalaga. 

“May I know the reason of this proposal for salary increase?” tanong niya sa dalaga.

“Ah yes, sir! Ilan lang naman po sila at sa tingin ko naman po ay deserving sila kahit konting increase, they are hard working at nakikita ko naman po ang malasakit nila sa lugar na ito at mahal nila ang kanilang trabaho. Loyal din po sila, and besides sila din po yung mga laging on duty sa twing dagsa ang turista sa lugar na ito at ni minsan ay hindi ko po narinig sa kanila ang magreklamo.” Nakangiti niyang turan sa binata. Para sa kanya ay nararapat lamang bigyan ang mga ito ng konsedirasyon sa pagiging  seryoso sa trabaho.

 

“So sa tingin mo how much do I have to increase hmm?” tanong nito na parang inaarok ang kanyang isip.

“You're the boss sir, so I think kayo po ang may karapatan para magdesisyon sa bagay na iyan. Hindi naman sila nanghihingi ng karagdagan ako po ang may suggestion  at wala silang alam tungkol diyan. Para sakin po kasi mas magiging inspired sila mag trabaho at gampanan ang kanilang tungkulin kung ipapakita natin sa kanila na nai aappriciate natin ang kanilang pagod.” Mahaba niyang paliwanag sa binata. 

“Ok na kaya ang 30% ng sahod nila ang idagdag natin?” seryosong tanong nito sa kanya. 

Nagulat naman siya sa mabilis na pagpayag nito. Napangiti siya sa sinabi ng binata. Malaking bagay sa tingin niya ang dagdag na sahod ng mga empleyado. 

“Thank you sir!, tiyak na matutuwa sila sa magandang balita na iyan.” Masigla niyang sambit.

Hindi malaman ni Joseph kung bakit ibang kaligayahan ang nararamdaman niya kapag nakikita niyang masaya ang dalagang kaharap. Gumagaan ang pakiramdam niya sa simpleng ngiti nito. 

 Ngunit sa isang bahagi ng pilyo niyang kaisipan ay naglalaro ang isang balak, ang palabasin ang feminine version ng babaeng kaharap. Boyish kasi ang kilos nito maging ang pananamit ay hindi katulad ng ibang empleyado. Maging sa paglakad ay may pagkaharagan ito. Ngunit nakapagtatakang hindi siya na turn off sa kilos nito kahit pa kabaligtaran ito ng ideal girl niya. Curious siya kung ano ang magiging itsura nito pag lumabas ang pagiging dalaga nito at hindi ang pagiging parang binata.

 Hindi niya makita ang lakad na katulad sa ibang babae na parang umiindayog ang balakang. Si Clariza ang tipo ng babae na parang pag nakabangga sa paglakad ay mabubuwal ang sinuman na makakasalubong. Laging nagmamadali ang bawat kilos. Walang kaarte arte sa katawan, maging sa pag sasalita ay prangka ito. 

“ Mukhang mahihirapan ka sa kanya Joseph” wika ng isip niya habang naglalaro sa isipan ang balak niyang gawin. Napapangiti siya ng lihim sa kanyang sarili at hindi niya namalayan na matagal na pala siyang nakatitig sa kawalan.

“Sir, pwede nyo pa naman pag isipan ang proposal na ginawa ko bago kayo magdesisyon tutal wala pa naman silang alam sa bagay na iyan at hindi ko rin naman po balak ipaalam sa kanila kung sakali ay sa mismong araw ng sahod nalang nila makikita ang increase nila.” Nag aalangang wika ni Clariza sa binata nakita niya kasi na malalim ang iniisip nito at baka nabigla lamang sa pagpayag. 

“Oh no, hindi! Thats not that, ok lng sakin,Ikaw naman ang mananagot sa akin kapag palpak yang proposal mo!” Sagot ng binata na nagpakaba sa kanya. 

Natigilan siyang bigla sa sagot nito. Nakangiti naman ang big boss niya pero bakit parang kakaiba ang ngiti nito?, parang hindi niya gusto.

Nadinig niya ang pagtawa ng binata. Hindi niya malaman kung pinag titripan ba siya nito. 

“Hala umiral nanaman po ang pagkapresko ng lalaking ito, akala ko pa naman first impression ko lang sa kanya yon!”bulong niya sa isip niya.

“Hayy naku pasalamat ka boss kita kung hindi nako lalayasan kita” nanggigil pa niyang bulong.

Habang si Joseph naman ay aliw na aliw sa nakikita niyang itsura ng dalaga, hindi niya malaman kung naiinis ito sa kanya o ninenerbyos dahil sa kanyang sinabi. 

“So I think, thats all for today Miss.Mendoza, nice meeting you again” nakanigiti niyang saad sa dalaga habang nakalahad muli ang kamay.

“Thankyou sir!, Nice meeting you too!”tugon niya habang iniaabot ang kamay sa binata bilang tanda na tapos na ang usapan. 

“ Just give me your phone number or your messenger account for the update, para mas mabilis ang communication natin besides tutukan ko na din itong Hotel kaya mas kaylangan natin mag cooperate sa isa't isa”, nakangiti paring wika ni Joseph sa dalaga. 

Nag aalangan man si Clariza ay wala na siyang magagawa kundi ibigay dito ang phone number niya at ang messenger account niya.My point naman kasi ito at valid ang reason.  Nagring ang kanyang cellphone matapos niyang ibigay ang numero sa binata. 

“Naninigurado lang!”wika nito sabay kindat sa kanya. 

Pinamulahan siya ng mukha sa ginawa nito hindi niya malaman kung dahil ba sa naiinis siya o dahil hindi siya sanay sa ganong gesture nito.

“Your cute when blushing!”, dagdag pa nito.

Napabuntong hininga na lamang siya at hindi na kumibo. Minabuti niyang magpaalam na sa boss niya dahil kilala niya ang kanyang sarili, malapit na siyang sumagot ng garapal. Tapos na din naman silang kumain kaya tumayo na siya.

“Mauuna na po ako sa inyo sir, madami pa po akong gagawin sa opisina” paalam niya na nakangiti at pilit na ikinukubli ang inis na nararamdaman. 

“Naku!, Pasalamat ka, mahal ko ang trabaho ko dito at malaki na din ang pagod kong lalaki ka, kung hindi lang naku baka nakalimutan kong boss kita!, Pakiramdam siguro ng lalaking yon lahat magkukumahog sa kanya hmp!”, inis niyang wika sa isip niya habang naglalakad pabalik ng opisina niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status