Share

The plan

Chapter 7

 “I will make you a woman” bulong ng binata sa isip habang naglalaro sa isip nya ang imahe ng magandang mukha ni Clariz.

“Sayang ang ganda mo, kung walang poporma sayo”dagdag pa ng isip niya habang may pilyong ngiti sa labi. May plano siyang nabuo at excited siyang gawin ito sa lalong madaling panahon.

******

Gabi na at hindi na oras ng trabaho ni Clariza ngunit hindi pa siya agad umuwi. Pinili muna niyang makipag kwentuhan sa mga staff na pang gabi tulad ng nakagawian niya. Wala naman gaanong guest na nag over night check in sa gabing iyon kaya hindi gaanong abala ang lahat. Hindi katulad noong nakaraang linggo na araw araw ay dagsa ang mga turista umaga at gabi. Wala silang panahon para magkwentuhan kaya heto siya ngayon at sige ang pakikipagbiruan sa mga staff. Nakaupo siya sa pasimano ng pasilyo habang kumukuyakoy ang mga paa. 

“Jorelle, ano ba ang pasabog mo sa birth day mo? My banda ba?” tanong niya sa kaibigan. 

Hindi sila naglalayo ng agwat ng edad siya ay dalawangput limang taon habang si Jorelle naman ay dalawangpu't tatlong taon sa kanyang kaarawan.

“Gusto mo ba maam? Aarkila ako ng banda para sayo basta ikaw ang bokalista” nakangiti nitong sagot sa kanya alam kasi nito na hindi siya marunong kumanta.

“Sige ba, basta ba walang magpapaalam na uuwi o magpupunta sa cr eh,deal tayo dyan!” lakas loob naman niyang sakay sa biro nito.

Sabay sabay silang nagkatawanan sa kanilang usapan.

“Ikaw naman baka naman swertehin ang bokalista ng bandang aarkilahin mo, bayad siya syempre tapos ako ang papakantahin mo? Mahal kaya ang talent fee ko”nakatirik ang mga mata niyang dagdag sa biro ng mga ito.

Lalong nagtawanan ang mga naroon dahil sa kanyang sinabi.  

“Basta maam, wag kang mawawala ah? Walang maingay don pag wala ka” dagdag pa ni Jorelle.

“Ay naku, wag na pala! hindi na ako pupunta clown pala ang role ko sa birthday mo, ano ka seven years old?” Dagdag banat pa niya.

Nagtawanan nanaman ang lahat. Bagay na narinig ni Kristian habang siya ay palapit sa nag uumpukang empleyado. Napakunot ang noo noya ng marinig ang boses ni Clariza na sige ang salita. 

Bigla naman nagsitahimik ang lahat ng mapansin ang presensya ng binata. 

Maging si Clariza ay unti unting naging seryoso ang mukha na kanina ay nambubuska ng kasamahan sa trabho.

“ Good evening sir!” sabay sabay na bati ng lahat ng tao sa lugar na iyon, bagay na lihim na ikinatawa ni Clariza.

“Akala mo maaamong kordero ngayon!” bulong ng isip nya na simpleng natatawa sa reaksyon ng mukha ng kanyang mga kaharap. 

“Good evening, mukhang abala kayo ah!” dinig niyang sambit ng kanilang big boss.

“Ah hindi naman po sir, ipinapaalala ko lang po kay Maam Clariz na sa saturday na ang birthday ko baka kasi makalimutan niya” mahinahong paliwanag ni Jorelle.

“Sir, kayo din po baka my free time po kayo sa saturday night invite ko na din po kayo kung hindi kalabisan sa inyo” nakangiti pang turan ni Jorelle sa binata. 

Tumango tango ito at pagdaka ay bumaling sa kanya.

“ Ms.Mendoza, bakit nandito ka pa? Hindi ba at 7pm ang out mo, malapit na mag 8:30 baka kung mapano ka sa daan niyan” deretso nitong salita sa kanya. Hindi niya malaman kung sinisita siya nito o nag aalala ito sa kanya, “pero bakit naman magiging concern sakin to?” kabig ng isipan niya.

“Ah sir, medyo napasarap lang ang pagtambay ko dito, saka isa pa namiss ko sila kabonding medyo na busy po kasi kaming lahat last week sa dami ng guests dito.” mahaba niyang paliwanag. 

“Pauwi na din naman po ako” dagdag pa niya at nagpaalam na sa mga kaibigan. 

“ Sige guys good night na, trabaho well huh, uwi na ko” baling niya sa mga kaibigan sabay baba sa kanyang kinauupuan. 

“ Pauwi na din ako, sumabay kana sa akin, papalalim na ang gabi baka kung maapano kapa, hindi ka dapat nagpapagabi kung hindi importante lalo at dito ka galing kargo ka ng resort na ito.” Supaldong sambit ng binata. 

Napataas naman ng bahagya ang kilay ng dalaga sa kanyang narinig.

“Hindi na po sir, kaya ko na po umuwi at malapit lang din naman ang tinutuluyan ko dito, saka kaya ko pong ingatan ang sarili ko.” May diin niyang sagot dito. 

“No! I insist, sumakay kana sa kotse ko para hindi ko na isipin pa kung may supervisor pa ba bukas ang resort na ito” matigas na pagpupumilit ng among binata. 

Wala na ngang nagawa ang dalaga sa pagpupumilit ng kanilang amo, nakakaagaw na kasi sila ng atensyon ng mga taong dumadaan sa bahaging iyon. Tanging tango na lamang ang kanyang naisagot at nauna na siyang lumakad palabas ng gusali.

Malalaki naman ang hakbang na sumunod ang binata sa kanya. Nagulat pa siya ng pag buksan siya ng passengers seat nito.

“Doon na lamang po ako sa likod sir” wika niya ng mabuksan ang pinto.

“No way! hindi naman ako driver diba? so, dito ka mauupo” pagtutol nito.

Napabuntong hininga na lamang siya sa kasungitan ng boss niya.

“Hayyst akala ko pa naman gentleman, masungit pala, hmp! Maginoong bastos!” mga katagang naglalaro sa isipan niya.

 Naiinis talaga siya sa binata ng mga oras na yaon. “Baka akala ng kumag nato eh working hour ko pa kaya pwede niya kong sungitan” nakairap na turan niya sa kawalan. Napalabi siya sa mga naiisip.

“Ms.Mendoza, kung iniisip mo pinakialaman kong ang free time mo kahit hindi na oras ng trabaho, well ayoko lang na may isang empleyadong napahamak galing sa poder ko lalo at babae, malaki ang magiging impact non sa resort” nadinig pa niya salita nito na akala mo nabasa ang nasa isip niya.

Napasimangot siyang lalo upang pagtakpan ang pagkagulat.

“Pag day off mo, malaya kang gawin ang nais mo kahit maghapon at magdamag kang makipag kwentuhan ay hindi kita papakialaman” dagdag pa nito.

Hindi na lamang siya kumibo. Mas pinili niyang manahimik at pag masdan ang daan sa labas ng bintana.

Ilang sandali pa ay natanaw na niya ang gate ng apartment na kanyang tinutuluyan.

“Pakihinto na lang po sa gilid ng pulang gate,sir salamat po” simple niyang pasasalamat habang nag aalis ng seat belt.

Huminto ang sasakyan, at bumaba ang binata upang pagbuksan siya ng pinto ng sasakyan.

“Hindi ko na po kayo iimbitahin na pumasok sa loob sir, mahirap na madaming matang mapang husga sa lugar na ito lalo at mag isa lang ako sa bahay” nakangiti niyang turan sa binata habang kumakamot sa ulo.

“ That's ok,Miss Mendoza atleast alam kong safe kang nakauwi ng bahay” seryoso namang sagot ng binata.

“Sige na pasok na, aalis na din ako” utos pa nito sa kanya. 

Kaya dali dali na siyang pumasok sa gate at inilocked ito.

******

Nang makapasok ang dalaga sa loob ng tinutuluyan nito ay sumakay na din si Kristian sa kanyang sasakyan ngunit pinagmasdan niya ang paligid na kinaroroonan ng dalaga. Bagamat may gate ang apartment nito ay sa tingin niya hindi ligtas ang dalaga sa lugar na ito. Sa di kalayuan kasi ay may natanaw siyang mga tambay sa tindahan at nag iinuman. Napailing siya sa kanyang nakita. Nag aalala siya para sa dalaga, bagaman kilos lalaki ito ay makaaakit parin ito ng kalahi ni Adan sa taglay nitong ganda at karisma. Hindi din assurance ang pagiging kilos lalaki nito upang ipag tanggol ang sarili sakaling may makaisip gumawa ng masama dito. Babae parin ang lakas nito at hindi sapat upang ipagtanggol ang sarili. Napabuntong hininga siya sa mga samot saring alalahaning dumating sa kanyang kaisipan. 

 

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status