Share

FALL!

Chapter 12

“Shit na malagkit!” wika ng isip ni Clariza, tutop ang bibig niya habang wala sa sariling naglalakad papasok ng apartment.

“Bakit ba kasi natulog ka ng mahimbing sa sasakyan ng boss mo ha Clariza? Lukring ka! eh di hayan suot mo ang damit ng amo mo, kapal talaga ng mukha mo!” panenermon pa niya sa sarili.

Napabuntong hininga siya habang kumukuha ng damit na gagamitin sa pagpasok niya sa hotel. Pagkatapos ay tinungo niya ang banyo upang maligo. Isang simpleng white polo shirt ang pinili niyang isuot at tinernohan niya ng denim jeans. Hanggang alas tres lamang ng hapon ang pasok niya ngayon at sa tingin niya ay wala naman siyang masyadong gagawin natapos na niya ang karamihan sa mga nagdaang araw. Itinali niya ng isahan ang kaniyang buhok at nag lagay ng konting pulbos at lip tint at isinuot niya ang puting rubber shoes.

Pagpasok pa lang niya ng hotel ay nakita na niya ang kotse ng kanyang boss sa parking area. Deretso siyang lumakad na parang walang nangyari. Sinikap niyang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status