Share

Chapter Six

Walang alam si Yasir kung sino ang ama ng triplets. Ngunit nang makita nito ang lalaking nasa harapan nila ngayon ay biglang kinutuban ang binata. Lalo pa at parang nakakita ng multo si Celeste nang makita ang lalaking bumati sa kanya.

Nakaramdam ng selos si Yasir. Noon pa man ay nagpaparamdam na ito sa dalagang ina, ngunit parating ginagawang biro lang ng dalaga ang pagpapalipad hangin nito sa kanya.

Nanlalamig ang buong katawan ni Celeste. Hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan. Kung hindi pa ito hinawakan ni Yasir ay hindi ito gagalaw.

“Are you okay? Maupo na tayo,” aya ng binata sa kanya at iginiya papaupo kalapit sa kinauupuan ni Nizar. Hindi malaman ng dalaga kung dapat ba siyang kabahan o magpasalamat sa pagkikita nila ng dating matalik na kaibigan.

“So, how are you? It's been six years when I last saw you. Are you perhaps. . .” kumusta nito sa kanya at saglit na sumulyap kay Yasir na katabi lang ng dalaga bago ipinagpatuloy ang tanong nito, “. . . married?” may lamig sa huling tanong ni Nizar.

Bigla na lang lumakas ang pintig ng puso ng dalaga. She's really nervous. Agad itong umiling bilang sagot.

“N-no. I. . . Ahm, I mean, we are not married. He's my business partner.” Nauutal na sagot ni Celeste sa binata. Hindi alam ng dalaga kung namamalikmata lang siya, pero nakita nitong parang nabunutan ng tinik ang dating kaibigan.

“That’s good to hear. By the way, I want to hear your proposal first. Pagkatapos kong marinig ang proposal mo ay may importante akong proposal na i-a-announce.” Malamig pa rin ang boses na wika ni Nizar.

Pilit namang pinapakalma ni Celeste ang kanyang puso. Nang muling makita ang binata ay bigla na lang naging abnormal ang tibok ng puso niya.

Tumango ang dalaga sa sinabi ni Nizar. They need to be part of their company. Malaki kasi ang maitutulong ng The World Great Cuisine Restaurant sa kanilang negosyo.

Hindi dapat palampasin ng dalaga ang pagkakataon na ito. Kahit na kabado siya dahil nasa paligid lang ang dating kaibigan na nagawa niyang maka-one night stand at siyang pinagtataguan niya ng matagal na panahon ay pinatatag pa rin ni Celeste ang sarili.

Inisip na lang nito na hindi si Nizar ang nasa harapan niya. Kailangan niyang mag-focus sa gagawing presentation.

Nagulat si Celeste nang hawakan ni Yasir ang kamay niyang nasa ibabaw ng mesa. Nakalimutan niyang kasama pala nito ang binata.

Napalingon ito kay Yasir at nagtatanong ang mga mata itong tiningnan.

“Are you okay? Do you want me to present our proposal? You look nervous,” masuyo na wika ng binata. Nag-aalala ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

Pilit na ngumiti si Celeste rito.

“Don’t worry, I can handle this. You don't need to worry,” wika nito. Mukhang sa sarili pa niya ‘yon sinasabi kesa sa kaibigan.

Nang lingunin niya si Nizar ay nakatitig ang mga mata nito sa magkahugpong na kamay nila ni Yasir. Matatalim at madilim ang mukha nito. Biglang kinabahan si Celeste at pasimpleng hinila ang kamay nito sa pagkakahawak ni Yasir.

Alam niya ang ugali ng dating kaibigan. He's very protective and kinda possessive.

Umiinit ang ulo ni Nizar nang makitang hawak ng lalaking katabi ni Celeste ang kamay ng huli. Kung nakamamatay nga lang ang mga titig niya ay baka kanina pa pinaglalamayan ang binata.

They seems close to each other. Bigla na lang nakaramdam si Nizar ng selos sa kanyang puso.

Siya lang ang bukod tanging lalaking nakalapit sa dalaga noon. At naging matalik na kaibigan.

‘Because she thought that you are a gay, that's why naging malapit ka sa kanya.’ Ani ng isipan ng binata.

“You may start your presentation.” Malamig na wika ni Nizar.

Abot langit ang panalangin ni Celeste. Kailangan niyang paghandaan ang magiging katanungan nito kung bakit ito umalis anim na taon na ang nakakalipas.

Sana lang ay hindi nito malaman ang tungkol sa mgy anak nila. Natatakot ito sa pwedeng idulot na kahihiyan sa kanilang mga pamilya.

Malalim na bumuga ng hangin si Celeste. She also cleared her throat.

Nagsimula ng magsalita si Celeste. Habang si Nizar ay nakatitig lang sa dalaga. Wala siyang maintindihan sa sinasabi nito. Tanging sa mukha at presensya lang siya ng dalaga naka-focus.

Ang daming tanong sa isipan ng binata pero may tamang oras para doon.

Pagkatapos na mag-present ni Celeste ay nagpalakpakan ang lahat. Halos lahat ng mga tao sa loob ng private room ay sang-ayon sa kanyang proposal.

“Congratulations! You did a great job!” masayang bati ni Yasir sa dalaga. Nakahinga naman ng maluwag si Celeste. Nagawa nito ng maayos ang kanyang presentation.

Umiinit na naman ang ulo ni Nizar dahil sa pagyakap ng binata sa kanyang matalik na kaibigan. Wala siyang magawa kundi ang pagmasdan sila.

Ngunit, may alas ito, at iyon ay ang kanilang mga anak. At dahil nalaman na niya ang tungkol sa mga bata ay sisiguraduhin niyang mapasakanya ang babaeng ina ng kanyang mga anak.

Tumayo si Nizar at inilibot ang kanyang paningin sa loob ng silid.

“Everyone, I have an important proposal today. At sana, oo ang magiging sagot sa akin.” Nakangiti na anunsiyo ng binata sa mga tao sa loob.

“Oy! Mukhang ibang proposal ang naaamoy ko!” kantiyaw ng isa sa investor ni Nizar. Malakas namang tumawa si Nizar sa sinabi ng matanda.

Hinawakan ng binata ang maliit na kahon sa kanyang bulsa.

Biglang kinabahan si Celeste nang tingnan ito ni Nizar. May kakaiba rito.

“Miss Celeste Lyra Valdemor, can you join me here?” may lambing at pakiusap nito sa kanya.

Kahit kinakabahan ang dalaga ay ayaw niya namang mapahiya ang dating kaibigan. May malaki pa nga siyang kasalanan dito, at malaking sekretong tinatago. Pahihiyain pa ba niya?

Tumayo si Celeste at nagtungo sa harapan ni Nizar. Ngunit nanlalaki ang mga mata ng dalaga nang bigla na lang lumuhod si Nizar sa kanyang harapan.

Biglang namatay ang ilaw at nang lingunin niya ang projector ay may pini-play na video roon. Halos mga larawan ‘yon nilang dalawa ng binata. Biglang naging emosyonal si Celeste.

Naalala niya ang nakaraan nila ni Nizar. Para silang tuko, dahil hindi mapaghiwalay. Ngunit ngayon ay iba na ang sitwasyon nila.

Pero naitanong ng dalaga sa kanyang isipan.

‘Bakit niya ito ginagawa sa kanya?’ Nang lingunin niya si Nizar ay seryoso ang mga mata nitong tinitigan si Celeste.

Inilabas nito ang maliit na kahon na may lamang engagement ring. Binuksan ‘yon ni Nizar at tinanong ang dalaga.

“Celeste Lyra Valdemor, will you marry me?” tanong nito sa dalaga.

Nagulat at naguluhan bigla ang dalaga. Hindi ito nagpunta rito para sa marriage proposal ni Nizar.

Dahil sa gulat, kaba, kalituhan at hiya na sama-sama niyang nararamdaman sa oras na iyon ay bigla na lang tumakbo si Celeste papalabas ng silid na iyon.

Naninikip ang kanyang dibdib at sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Naguguluhan siya sa mga nangyayari.

Akala ni Celeste ay walang alam si Nizar tungkol sa mga anak nila.

Nagulat si Nizar nang tumakbo ang dalaga. Bigla siyang napailing at napangiti. Wala siyang nararamdamang hiya dahil sa pagtakbo ni Celeste sa proposal niya.

“Nabigla yata sa proposal ko.” Naiiling at natatawa na wika nito.

“Gulat na gulat nga. Ikaw naman kasi, saan ka pa nag-propose, eh sa meeting pa natin. Eh, ‘di nahiya ‘yon.” Nakangiting wika ng isa sa board member ng kompanya niya.

Masama namang tiningnan ni Yasir si Nizar. Nagtitigan ang dalawang lalaki at ni isa sa kanila ay ayaw magpatalo.

Humakbang si Nizar papalabas ng silid nang hawakan ni Yasir ang kanyang kamay.

“Get off your hands on me.” Mariin na utos ng binata sa lalaki.

“We are here for our proposal. Hindi para mag-propose ka kay Lyra.” Mariin na wika ni Yasir. Piniksi ni Nizar ang kamay na hawak nito.

“I know her. She is my best friend, kaya huwag kang makialam sa aming dalawa. You are just her business partner.” Madiin ding wika ni Nizar sa binata sabay talikod dito at patakbong sinundan ang dalaga.

Mabuti na lang at hindi pa nakakalayo ang dalaga. Hinawakan ni Nizar ang siko ni Celeste.

“Let’s talk.” Wika ng binata. Kahit nagdadalawang-isip si Celeste ay sa huli pumayag na rin ito.

Naisip niyang hindi habang-buhay ay matatakasan niya si Nizar, lalo na at malalaki na ang mga anak nila. Darating ang panahon na hahanapin na nila ang kanilang ama. Nagsisimula na ngang magtanong ang isa sa anak niya.

“Sige. Mag-usap tayo.” Pagpayag ni Celeste.

Iginiya naman ni Nizar sa isang malapit na coffee shop ang dalaga at hindi man lang tumutol si Celeste nang hawakan nito ang kanyang siko.

Nang mailapag ang order nila ay ilang sandali na natahimik ang dalawa. Para bang tinitimbang nila ang kanilang emosyon.

Hindi na napigilan ni Nizar ang katahimikan na namamagitan sa kanilang dalawa kaya ito ang unang nagsalita.

“How are you? Alam mo bang matagal na kitang hinahanap? Why did you left? Is it because. . .” ibintin ng binata ang sinasabi nito. Bigla namang kinabahan si Celeste sa sinabi ng dating kaibigan. Napakagat-labi na lang siya rito, “We did it that night, right?” parang bomba kay Celeste ang tanong ni Nizar.

Umiwas ito ng tingin sa binata. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ito sa nagawang kasalanan, though hindi naman niya pinagsisisihan ang nangyari dahil nagkaroon ito ng tatlong makukulit na mga anak.

Tumikhim muna si Celeste bago nagsalita.

“Ahm. . . A-no k-kasi. . .” hindi man lang niya matuloy ang kanyang sasabihin.

“We have a kids, right?” nanlaki ang mga mata ng dalaga dahil sa tanong ni Nizar. Nanlamig ang buong katawan niya. Natatakot siyang kunin ng binata ang kanyang mga anak. Hindi ito nakapagsalita man lang.

“Paano ko nalaman? Well, I saw you at the park with the kids. At hindi maipagkakailang ako ang ama ng tatlong bata na ‘yon. We have the same face. And then, I remembered the night that I had a one night stand. Hindi ko kilala kung sino ang babaeng nakaniig ko. I was devastated and frustrated at the same time nang magising ako kinabukasan at tanging pulang likido na lang ang nadatnan ko na naging ebidensya na may nakaniig ako. Plus nakita ko ang kwintas mo sa silid ko. Nalito ako. Mas naghinala ako na kilala mo ang kaniig ko ng gabing ‘yon dahil bigla ka na lang nawala kinabukasan. Lahat kami ay alalang-alala sa ‘yo, alam mo ba ‘yon? Ilang buwan ding hindi nakakain ng maayos si Ninang Luna. She's worried sick about you.”

“Kaya nagpa-imbestiga ako pagkatapos kong makita ang tatlong bata at ikaw sa park. Malakas ang kutob kong anak ko ang tatlo. So, I was desperate to have you, to give my children a happy and complete family. So, I planned to propose to you. But, sadly, you left me there standing alone.” May pait sa boses na pahayag ni Nizar sa dalaga.

Isa-isang tumulo ang luha sa mga mata ni Celeste. Hindi niya mapigilan ang maging emosyonal. Tumayo si Nizar at niyakap ang dalaga.

“Shh. . . Don't cry. Tell me what happened. Did you perhaps raped me while I'm drunk?” biro ni Nizar para mapagaan ang atmospera ng paligid.

“Nizar Kale!” malakas na sigaw ng dalaga sa buong pangalan ng binata. Malakas namang tumawa si Nizar.

“Just kidding, so tell me. I will listen at hindi kita huhusgahan, after all ang ga-gwapo naman ng mga anak natin. Mana sa akin,” biro ulit ni Nizar sa dalaga. Dahil sa hiya ay kinurot ni Celeste ang binata.

“Ganito kasi ‘yon. . .” umpisang wika ni Celeste. At doon ay i-kweninto nito ang buong nangyari. Pero, hindi niya binanggit na sarap na sarap siya sa ginawang pagkain sa kanya ni Nizar, souvenir na lang daw niya ‘yon para sa sarili.

“Ginawa ko lang naman ‘yon para patunayan sa Ivana na ‘yon na hindi ka bakla. At sorry dahil sa nangyari. I am scared and ashamed for what I did kaya I decided na umalis na lang at magtago. But, fortunately ay nagbunga ang isang gabi nating ‘yon. Grabe naman kasi ‘yang sperm mo! Akala yata inahing baboy ako at tatlo agad ang nabuo!” may inis sa wika ni Celeste sa huling sinabi.

Malakas namang tumawa si Nizar.

“Baka naman kasi, sarap na sarap ka kaya naging tatlo ang anak natin?” Nizar teased Celeste.

“H-hindi ah!” tanggi ng dalaga.

“Hindi pero ginapang mo naman ako habang lasing ako. Akala ko noon, I forced someone to have a wild night with me. Mabuti pala at hindi ako ang namwersa, ako pala ang ginapang.” Malakas na natawa si Nizar nang makitang matalim na ang mga tingin ng dalaga sa kanya.

“Tigilan mo ako! Nag-e-emote pa ako rito.” Wika ng dalaga.

“Dapat sinabi mo kaagad sa akin. Maiintindihan ko naman eh. At kaya ko namang i-offer ang sarili ko sa ‘y-”

“Shut up! Ang seryoso ng usapan natin dito! At saka, bakla ka ‘di ba? Alam ko namang pandidirihan mo lang ak-”

“You are not me. Kaya sana huwag mo akong pangunahan, Celeste. I know myself better than anyone, even you.” May inis na sa boses ni Nizar.

“Still, I'm sorry.” Paghingi ng tawad ng dalaga.

“You are forgiven.” Malambing na ang boses na ani ni Nizar sabay yakap dito.

“Totoo bang girlfriend mo si Ivana?” nahihiyang tanong ni Celeste. May konting selos siyang nararamdaman para kay Ivana. She's Nizar first girlfriend.

“Yeah, one week lang naman. Sobrang kulit niya kasi at isa pa, I used her para pumayag ang Ninong nito na makipag-meeting sa akin.” Honest na sagot ng binata.

“Ang selfish mo naman. You hurt her!” singhal ni Celeste sa dating kaibigan.

“I don't care. She deserves it, tingnan mo nga ang pinagawa niya sa ‘yo? But, I'm happy though, nagkaroon naman ako ng mga anak.” Nakangiti na wika ni Nizar.

“Tsk. Ewan ko sa ‘yo.” Si Celeste.

“Can I meet them?” seryosong pakiusap ni Nizar sa dalaga.

Biglang natakot si Celeste, ngunit kalaunan ay ngumiti ito at tumango.

“Sige, ihahanda ko ang mga anak k-”

“Anak natin. Kasama ako sa gumawa sa kanila.” Seryosong nakatitig si Nizar sa mga mata ni Celeste.

Parang nahihipnotismong napatango na lang ang dalaga sa binata.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Eloisa Pesimo Ladi
hahaha ..galing nga papa nizar tatlo agad so ibig sabihin boy sya.hahahhaa
goodnovel comment avatar
emzbranzuela
oo nga kasama nwman sya gumawa ng bata sperm nya kaya naka tatlo... at di sya bakla...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status