Share

Chapter Two

Lumabas ng sasakyan si Nizar. Sinusundo niya ang kanyang kaibigan na si Celeste.

Nag-doorbell ang binata. Nang makilala ng katulong ay mabilis na pinagbuksan ito ng gate.

“Magandang umaga hijo,” bati ng kasambahay sa binata. Ngumiti naman si Nizar dito.

“Magandang umaga naman po. Si Celeste?” tanong nito.

“Nasa loob pa po, pasok muna kayo.” Paanyaya ng kasambahay. Pumasok si Nizar sa mansion ng Valdemor. Bawat sulok at parte ng bahay ay kabisado na nito. Ganoon din naman si Celeste sa bahay nila. Dahil para lang silang kambal-tuko, ayaw mapaghiwalay.

Lumabas ng kusina si Luna para tawagin ang anak nang makita nito ang inaanak na si Nizar. Malapad namang napangiti ang ginang pagkakita sa binata.

“Good morning, Nizar!” bati nito sa bagong dating. Niyakap naman siya ng binata.

“Good morning, Ninang. Sinusundo ko po si Celeste.” Wika nito pagkatapos batiin pabalik ang ginang.

Mas lalong lumapad ang ngiti ni Luna.

“Naku! Nasa itaas pa, baka nagpapaganda. Wala pa bang boyfriend ang anak ko?” simple nitong tanong sa binata. Nakita ni Luna ang biglaang pagka-blangko ng ekspresyon ng binata na labis niyang pinagtaka.

“Wala pa naman po, Ninang. Sa akin muna dadaan ang mga magtatangkang manligaw sa kanya.” Malamig ang tono ng boses nito. Pansin ‘yon ni Luna, ngunit hindi niya na lang pinansin.

“Sige, na akyatin mo na lang doon ang kaibigan mo. Alam mo naman ‘yon, kapag hindi pa pinuntahan ay hindi pa bababa.” Utos ni Luna kay Nizar.

Ngumiti naman ang binata rito.

“Sige po, Ninang. Akyat na po ako.” Paalam nito.

“Ahm, hijo, sandali lang. May girlfriend ka na ba? O kaya naman ay nililigawan?” tanong ni Luna sa binata.

“Wala pa ‘yan sa isipan ko, Ninang. Focus muna ako sa company ko.” Sagot nito.

Tumango-tango si Luna sa sinagot ng binata.

“Hindi na kayo bumabata. Kung ako lang ang papipiliin ay mas gusto kong ikaw ang makatuluyan ng anak ko. Bukod sa inaanak kita ay kilalang-kilala na kita maging ang pamilya mo.” Seryosong pahayag ni Luna sa kanyang inaanak.

Mahinang tumawa si Nizar.

“Naku Ninang, kapag narinig ka ni Celeste, mandidiri ‘yon sa sinabi mo.”

“At bakit naman?” taas ang kilay na tanong ni Luna.

“Basta po. Sige na akyat na ako at baka ma-late kaming parehas ni Celeste sa trabaho.” Paalam ni Nizar at nagmamadaling umakyat sa ikalawang palapag. Binaybay nito ang daan papunta sa silid ng kaibigan.

“Kung hindi ko lang kayo kilalang dalawa ng anak ko ay iisipin kong mag-nobyo kayong dalawa.” Bulong ni Luna sa sarili at saka bumalik sa kusina.

Pinihit ni Nizar ang seradura at pumasok sa loob.

“Damn it!” malakas na napamura si Nizar nang makita ang hitsura ng matalik na kaibigan. Nakasuot lang ito ng panty at bra.

Narinig niya ang mahinang tawa ng dalaga.

“Oh! Bakit nakatalikod ka d‘yan? As if naman titigasan ka,” natatawang ani ni Celeste sa binata. Marahas na bumuntonghininga si Nizar bago humarap sa dalaga. Nakita ni Celeste ang inis sa mukha ng kaibigan.

“Don’t you know how to lock the door?!” parang dragon nitong tanong sa kaibigan. Pinasadahan pa ng tingin ni Nizar ang katawan ng kaibigan.

Malakas lang na tumawa si Celeste.

“You’re so OA. Haler! Sino naman ang magtatangkang pumasok sa silid ko? Kumakatok muna ang mga kasambahay at tinatawag ako, hindi sila basta-basta pumapasok sa aking kwarto no! Maliban sa ‘yo, of course!” paliwanag ng dalaga dito.

“Kahit na! Always lock your door, lalo na kapag nagbibihis ka!” inis pa rin nitong pahayag.

“Whatever!” pagsuko ni Celeste sa sinasabi ng kaibigan. Very conservative si Nizar, lalo na sa pananamit ng kaibigan.

Napatitig si Nizar sa dibdib ng dalaga. They are firm, not so big and not too small. Tama lang ang laki nito.

“Do you want to have this kind of breast?” napakurap-kurap ang binata nang marinig ang tanong ni Celeste. Nag-angat ito ng tingin sa dalaga. Medyo nag-iinit ang kanyang mukha dahil nahuli itong nakatitig sa kanyang dibdib. He cleared his throat.

“It’s impossible.” Maikli na lang nitong sagot.

Malakas na tumawa si Celeste rito.

“There’s no impossible nowadays! Ang dami na kayang nagpapa-surgery para lang matupad ang mga pangarap nila. Bakit hindi mo subukan?” suhestyon ni Celeste sa kaibigan nitong binabae. Hindi nga lang halata sa hitsura ni Nizar dahil lalaki pa rin itong, kumilos, magsalita at manamit.

Marahas na namang bumuntonghininga ang binata.

“I don’t want to have a surgery. Bilisan mo na d‘yan! Huwag mong nililiko ang usapan.” May inis na naman sa boses nitong pahayag.

“Want to touch my breast? Malay mo naman magbago ang isip mo kapag nahawakan mo na ang aking dibdib.” Nakangiting wika ni Celeste. She’s teasing her best friend.

Nagulat si Nizar sa sinabi ng dalaga at bigla na lang na napalunok. He is sweating. His heart beat rapidly. Ilang beses pa itong napamura sa kanyang isipan.

“Magbihis ka na nga! Kung ano-ano ‘yang mga sinasabi mo!” kunwa’y galit na wika ng binata. Napasimangot namang kinuha ni Celeste ang damit nito para isuot.

“But if you change your mind, tell me. I promise, hindi ko sasabihin sa iba, just like what I promised to you na magiging secret lang natin ang pagiging bakl-”

“Celeste!” saway ng binata rito. Tumahimik na ang dalaga at baka mapuno na sa kanya ang kaibigan at maiwan pa siya.

Napatitig na naman si Nizar sa mapupulang labi ng dalaga. Mas pumula pa ‘yon nang lagyan niya ‘yon ng lipstick.

“Hoy! Nagustuhan mo ba ang kulay?” nakangiti na tanong nito sa nakatulalang binata. Umiling si Nizar.

“Duh! Pakipot ka lang eh! Wait!” sabi ng dalaga.

Nagulat ang binata nang hawakan ni Celeste ang panga nito at mabilis na hinalikan ang kanyang labi. Nanlalaki ang mga matang tiningnan ni Nizar ang kaibigan.

“Yan! Nalagyan din kita ng lipstick. Bagay sa ‘yo!” masayang wika ni Celeste at inayos ang pagkakalagay ng lipstick sa labi ng kaibigan.

Habang nasa daan ay parang wala sa sarili si Nizar. Nagpabalik-balik sa isipan nito ang ginawa ng kaibigan.

You are a gay. Act like one! Kastigo ng utak ng binata.

“Sabay tayong mag-lunch okay? I already warned you, no lunch meeting for you.” Madiing bilin ni Celeste sa kaibigan. Ngumiti si Nizar dito.

“Yes, boss!” natatawa nitong sagot na ikinairap ng dalaga.

“Alam mo, bagay talaga kayo ni Sir Nizar. Kung hindi ko lang talaga kayo kilalang dalawa ay mapagkakamalan ko kayong mag-nobyo.” Sabi ni Twyla.

“Huwag ka ng umasa. Bakit ba ang daming na-scam sa pagiging kaibigan namin ni Nizar? Duh! Ilang beses ko na bang sinabi na mag-best friend lang kaming dalawa.” Paliwanag pa ng dalaga.

“Fine! Basta ako, gusto ko kayong magkatuluyang dalawa! You are a perfect couple!” kinikilig na saad ni Twyla na nginitian na lang ni Celeste.

Kinakausap ni Twyla, ang assistant manager ni Celeste ang lalaking may hawak na bulaklak.

Habang malalaki ang hakbang na tinungo ni Nizar ang kinaroroonan ng dalawa.

Tumikhim ito para maagaw ang atensyon ng dalawa.

“Oh! Sir! Wala pa namang lunch ah!” si Twyla sa kanya. Isang beses niya lang tinapunan ng tingin ang babae at agad na itong natahimik.

Binalingan niya ang lalaking may hawak na bulaklak.

“What are you doing here?” mariin niyang tanong sa lalaki. Ngumiti naman ang kaharap nito. Mas lalong nagdilim ang mukha ni Nizar. Gwapo ang lalaki, halata ring nasa mataas na lipunan ang pinagmulan nito.

But I don’t care. Sa isipan ng binata.

“I’m here for Celeste, any problem with that?” taas ang kilay nitong tanong kay Nizar.

“Yes, I have a problem with you, courting her.” Deretso niyang sabi.

Nakakalokong ngumisi ang binata sa kanya.

“Who are you? Wala namang sinabing may boyfriend si Celeste ah. And I don’t like people who are blocking my way,” madilim na rin ang mukha ng lalaking kaharap ni Nizar.

“You are asking who am I? Well, I’m Celeste’s best friend. So, better back off before I break every bone in your beloved body.” Pagbabanta ni Nizar dito.

“You are just her best friend! Kung makaasta ka ay para ka niyang boyfriend! If you’ll excuse me, I want to tal-” hindi na natapos pa ng lalaki ang sasabihin nito nang bigla na lang itong suntukin ni Nizar.

“I said back off. Guard! Alisin niyo nga ang basura rito!” utos ni Nizar sa gwardya na agad namang sinunod ang pinag-uutos nito.

Kaya sa tuwing may manliligaw ang dalaga ay hinaharang kaagad nito. Kaya walang kahit isang nakalusot sa binata.

Nagpupuyos sa galit si Celeste nang malaman nito ang ginawa ni Nizar. Matapos makausap ang isang manliligaw na pinagbantaan ng binata ay mabilis na pumasok sa loob ng opisina niya si Celeste.

She call Nizar. Mabilis namang sinagot ng binata ang tawag nito.

“Come to my office now.” Hindi na hinayaan pa ni Celeste na makasagot ang binata.

Nang makapasok si Nizar sa office ng kaibigan ay bigla itong kinabahan.

“Bakit mo ginawa ‘yon?” tanong agad ni Celeste.

“Anong ginawa ko?” naguguluhan nitong tanong.

“Huwag kang magmaang-maangan! Sinasabotahe mo ang mga pumupunta ritong manliligaw ko!” galit na nitong pahayag.

Nagulat ang binata sa sinabi nito. Marahas itong bumuga ng hangin.

“Fine! Ginawa ko lang naman ‘yon para sa ikabubuti mo! Alam ko ang mga pakay ng mga ganoong lalaki. Lalaki rin ak-”

“Lalaki? Are you hearing yourself? You are a gay! Hindi tayo parehas ng pananaw! O baka nagseselos ka dahil nanliligaw sila sa akin, at ikaw walang nagtangkang ligawan ka ng mga lalaking gust-”

“Hindi ‘yon ganoon! Listen to me. You are important to me, okay? I’m just protecting you. Katulad ng pagpo-protekta mo sa sekreto ko.” Mahinahong paliwanag ni Nizar.

Malalim na bumuntonghininga ang dalaga.

“Fine! You are forgiven, kung hindi lang talaga kita best friend, nunka kitang papansinin at patatawarin. Pero this is the last time na pakikialaman mo ang mga manliligaw ko. Maliwanag ba?” may inis pa rin sa boses ng dalaga.

Inihatid na ni Nizar ang dalaga sa bahay nila.

“Celeste?” tawag ni Nizar sa dalaga.

“Hmmm?” inaantok nitong sagot.

“I have something to tell you, I a-” hindi na natuloy pa ng binata ang sasabihin nang makitang nakatulog na ang dalaga. Napangiti na lang ang binata nang marinig ang mahihina nitong paghilik.

“I am not jealous.” Sabi na lang nito.

“Mama! Alis po muna ako!” pasigaw nitong paalam sa kanyang ina.

“Anak! Saan ka pupunta? Hindi mo ba kami sasabayan ng Papa mo at kapatid mong mag-agahan?” tanong ng ina ng dalaga.

Nagpaalam na ang dalaga sa mga magulang nito nang sabihing hindi siya makakasabay sa kanila.

“Hija, anong ginagawa mo rito? May lakad ba kayo ng anak ko?” salubong ni Karylle sa dalaga.

“Biglaan lang po ang alis ko. Gusto ko sanang magpahatid kay Nizar eh. Nasa taas po ba siya?” tanong ng dalaga.

“Oh! Nasa taas siya, hija. Puntahan mo na lang.” Wika ng ina ng binata.

“Sige po Tita, salamat!” pasalamat ng dalaga sa ginang.

Pagpasok niya ay tumambad sa dalaga ang naka-boxer brief na binata. Nanlalaki ang mga mata ng dalaga. Tayong-tayo kasi ang sandata ng kaibigan. Nagulat pa si Celeste nang gumalaw ‘yon.

“Huwag mo kasing titigan para hindi gumalaw,” hindi nakagalaw si Celeste sa kinatatayuan nito kahit pa nga narinig nito ang boses ng kaibigan na sinasaway siya sa pagtitig sa alaga nito.

“Celeste! Eyes up!” sigaw na saway ng binata sa kaibigan. Napakurap-kurap ang dalaga. Nag-angat ito ng paningin kay Nizar.

“Tinitigasan ka rin pala?” mangha nitong tanong sa binata.

“It’s normal. Ganito talaga kaming mga lalak-”

“Hindi ka lalaki.” Pagputol ng dalaga sa sinasabi nito.

“Still, lalaki pa rin ako kahit na ano pa ang gender reference ko. Morning erection is normal.” Paliwanag ng binata. Tumayo ito at isinuot ang bathrobe.

“Whatever! Wala naman kasi akong alam sa mga ganyan. Maybe kapag nag-asawa na ako ay malalaman ko na ang tungkol sa mga lalaki.” Nakangisi nitong pahayag.

“Kung makakapag-asawa ka pa,” pabulong na wika ng binata.

“Anong sabi mo?” kunot-noong tanong ni Celeste sa kaibigan.

“Ang sabi ko bakit ka nandito? Hindi ba at sabado ngayon?” tanong ng binata.

“Ahm, magpapahatid sana ako sa ‘yo sa restaurant eh. May gagawin lang sana ako.” Sagot ng dalaga.

“Bakit wala kang nabanggit sa akin kagabi?”

“Nakalimutan ko. Sige na! Bilisan mo ng maligo d‘yan! Hihintayin kita rito.” Pagkatapos sabihin ‘yon ng dalaga ay nahiga ito sa kama ni Nizar.

“Sa ibaba mo na ako hintayin.” Taboy nito sa dalaga.

“Ayaw ko!” wika nito sabay bangon.

“Celeste! Magbibihis ako rito!” may inis na sa boses ng binata.

Tinaasan ito ng kilay ni Celeste.

“So? Nagbihis nga ako sa harapan mo eh. As if naman re-reypen kita!” nakaingos na sagot ni Celeste. Walang nagawa ang binata kundi ang hayaan ang kaibigan sa gusto nitong gawin.

Naging busy si Celeste sa pagluluto sa kusina. Pagdating ng lunch ay nagplpahinga muna ang dalaga sa office nito. Nagulat pa si Celeste nang bumukas ang pinto at iniluwa ang kaibigan niyang si Twyla.

“Celeste! Bangon ka dali!” nagmamadaling tawag ni Twyla sa dalaga.

“Ano?” may inis sa boses nitong sagot sa kaibigan.

“Nasa labas si Duke Johnson! My goodness! Nakilala ko talaga siya. Bilisan mo at makipag-usap ka! Pinatawag ang may-ari nitong restaurant!” nagmamadaling wika ni Twyla sa kaibigan.

“Good afternoon, Sir Duke! What can I do for you?” nagpapa-cute na tanong ni Celeste sa customer nitong si Duke Johnson. Ultimate crush niya. Isa itong singer at model.

Tumingala sa kanya ang binata at nginitian ang dalaga.

“You are the owner?” swabeng tanong ng binata. Mas lalong nagpa-cute si Celeste rito.

“Yes, I’m the owner.” Sagot nito.

“I love your foods here. Pwede ko ba kayong kunin sa catering ng fan meet ko after the concert?” tanong ng binata.

“Of course!” pagpayag kaagad ng dalaga.

“Can I invite you for a date? Bago man lang maging busy ang schedule ko this week.” Yaya ng binata kay Celeste.

“Sige. It’s my honor na makipag-date sa isang ultimate crush ko!” hindi na napigilan pa ni Celeste ang pag-amin kay Duke. Isang ngiti lang ang ibinigay ng binata.

“Susunduin kita bukas dito. Six pm sharp.” Imporma nito. Tumango lang si Celeste sa binata.

Masayang-masaya ang dalaga sa date nila ni Duke. Ang smooth lang ng usapan nilang dalawa. Gentleman din ang binata kaya nag-enjoy talaga si Celeste.

Si Duke na rin ang naghatid sa dalaga sa bahay nila.

“Thank you sa pag-invite mo sa akin. It’s such an honor.” Masayang pasasalamat ni Celeste sa binata.

“It’s my pleasure. See you when I see you. Busy na ako sa aking live concert. Bye! And thank you for your time.” Nakangiting paalam ng binata.

Sa bawat concert ni Duke Johnson ay nandoon si Celeste. Masayang-masaya ang dalaga dahil kahit papaano ay nakikita niya ang binata kahit na nasa malayo siya.

Tapos na ang concert nito kaya naman bumalik na rin si Celeste sa bahay nila.

Araw ng linggo. Dahil sa isang linggong pagpalipat-lipat ni Celeste ng lugar dahil sa live concert ni Duke Johnson ay pagod na pagod ang katawan ni Celeste kaya tininghali ito ng gising.

Habang si Nizar sa kabilang banda ay nalaman ang pinaggagawa ng kaibigan sa loob ng isang linggo.

Nakaramdam ito ng panibugho at selos para sa lalaking sinusundan ni Celeste.

Kaya sa loob din ng isang linggo ay wala sa mood ang binata kaya panay ang singhal nito sa kanyang empleyado dahil sa inis.

Kaya maaga pa lang ay umiinom na si Nizar ng alak.

Nakahiga pa rin si Celeste sa kanyang kama nang bumukas ang pinto ng silid nito. Nakita niya ang pagpasok ng kapatid.

“Kuya, anong ginagawa mo rito?” tanong ni Celeste sa kapatid.

“Tsk! You lied to Nizar. Hindi business ang ginawa mo sa loob ng isang linggo. Kundi nanood ka ng concert ng ultimate crush mo. Kaya ayon, nagtampo ang best friend mo sa ‘yo.” Imporma ng kapatid niya sa kanya.

Nang makapagbihis at makapag-ayos ng sarili ay pinuntahan ni Celeste ang matalik na kaibigan sa bahay nila.

Nakasalubong ng dalaga ang Tito Ignaz nito.

“Hi Tito! Si Nizar?” tanong ng dalaga sa ama ng kaibigan.

“Baka nasa itaas hija. Puntahan mo na lang.” Nakangiti nitong sagot.

“Sige po! Akyat na ako!” paalam ng dalaga na tinanguan lang ni Ignaz.

Pagpasok pa lang ni Celeste sa loob ng silid ng kaibigan ay naamoy nito ang amoy ng alak.

Si Nizar ay nakahiga sa kama nito habang nakapikit ang mga mata.

Agad na tumalon si Celeste sa kama ng kaibigan. Nagising si Nizar sa ginawa ng dalaga.

“Anong ginagawa mo rito?” inis na tanong ng binata sa dalaga.

“Sorry na, patawarin mo na ako.” Pagpapa-cute ng dalaga rito.

“Hindi mo man lang pinahalagahan ang pagkakaibigan natin.” May tampo sa boses ng binata.

“Hindi ‘yan totoo.” Si Celeste.

“It’s true. Mas mahalaga ang Duke na ‘yon kesa sa akin.” Nagtatampo pa ring sabi ng binata.

Kiniliti ni Celeste ang binata. Tawa lang ng tawa si Nizar dahil ‘yon ang kahinaan niya.

“Patatawarin niya na ako! Uy!” panay pa rin ang pagkiliti ni Celeste sa kaibigan.

Dahil sa kakatawa ni Nizar ay kiniliti rin niya pabalik si Celeste hanggang sa hindi nila namalayang nahulog sila sa kama. Si Nizar ang nasa ilalim at nasa ibabaw naman si Celeste.

Napasinghap ang magkaibigan nang maglapat ang labi nilang dalawa.

Dahil sa gulat ay hindi kaagad nakagalaw sina Nizar at Celeste para ilayo ang sarili sa isa’t-isa, siya namang pagbukas ng pinto ng silid ng binata.

“Oh my goodness!” gulat na gulat na sigaw ng ina ni Nizar dahil sa nakitang ayos nilang dalawa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status