Share

Chapter 41 Ang Kutob ni Yvette

"AKO ba ang laman ng isip mo?"

"No," mariing sagot ni Yvette sa malambing na tanong na iyon ni Liam. Hindi naman kasi siya ang tipo ng tao na magsasabi ng kasinungalingan para lang masiyahan ang nagtatanong.

Marahas na buntunghininga ang pinawalan nito kaya agad lumipad ang tingin niya rito. Huling-huli rin niya kung gaano katalim ang tingin nito sa kanya. Kung hindi niya kilala si Liam ay siguradong makakaramdam siya ng kilabot sa uri ng tinging ibinibigay nito sa kanya. Para kasing gusto na siya nitong sakalin.

Mabuti na lang talaga at wala itong kakayahan na makapagbato ng patalim sa pamamagitan ng pagtitig. Kung nagkataon kasi, siguradong kanina pa siya bumulagta. Hindi lang dahil sa nagkasugat-sugat ang kanyang katawan kundi dahil naghihingalo na siya.

"Ang lalaking iyon ba ang iniisip mo?" Buwisit nitong tanong.

Sa ilang saglit ay bigla siyang natulala. Hindi niya kasi alam kung bakit ganoon ang tanong ni Liam at kung sino ang lalaking tinutukoy nito ngunit pagkaraan ng ilan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status