Home / Romance / My Hot Billionaire Husband / Chapter 50 Ang Bonding Moments nina Liam at Yvette

Share

Chapter 50 Ang Bonding Moments nina Liam at Yvette

last update Last Updated: 2025-03-21 02:36:05

Hindi nga nagbibiro si Liam nang sabihin nito sa kanya na marami ngang style na maaaring gawin para masiyahan sila sa kanilang ‘pag iisa’, napagtanto ni Yvette. Marami kasi itong tinuturo sa kanya na talagang nakakapagpamangha sa kanya. Biruin mo ba naman pati aso, baka at dragon ay nadamay sa mga istilong kanilang ginagawa. Ngunit, kahit ganoon ay enjoy na enjoy naman siya. Pakiramdam niya kulang ang araw niya kapag hindi nila gagawin ang bonding na ito. Parte na kasi ito ng pang araw araw nil
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Perly DC
bkit wala na update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Hot Billionaire Husband    Chapter 52 Ang Plano ng Paga Around The World

    Kung noon ayaw na ayaw ipaalam ni Liam na ipaalam sa lahat ang tunay na estado ng kanyang buhay, ngayon naman ay gusto niyang ipangalandakan kay Yvette kung ano ang kaya niyang ibigay dito. Para tuloy gusto niyang pagtawanan ng kanyang sarili. Noong mga nakaraang buwan iniisip niya na ang babaeng pinagpaplanuhan ng ama niyang pakasalan ay gold digger, tapos ngayon ay ipinangangalandakan niya rito ang kanyang pagiging bilyonaryo. Kung sabagay asawa na naman niya ito kaya gusto na niyang patunayan dito na isa siyang lalaking karapat-dapat mahalin. “Mag-around the world kaya tayo?” biglang tanong niya kay Yvette pagkatapos nilang magtalik. Hinila pa niya ito dahil gusto niyang maramdaman ang ulo nito sa kanyang dibdib habang hinahaplos haplos niya ang malambot nitong buhok.Kung hindi lang niya inaalala na pagod na ito parang gusto pa niya muling humirit ng isang round kahit nakatatlo na sila. Siguro masyadong malakas ang resistensya niya kaya hindi siya kuntento sa helicopter, milit

  • My Hot Billionaire Husband    Chapter 51 Ang pisikal na pagbabago ni Yvette 

    Dahil kasal na talaga sila ni Liam, minabuti ni yvet na baguhin ang tuluyan ang kanyang sarili. Pagkaraan ay natawa siya. Parang maling salita ang kanyang napili. Ang mala-Manang niyang itsura ay hindi ang tunay niyang anyo. Nagpanggap lang siya at alam niyang dahilan ayaw niyang magpabola ulit.Malalim na buntong hininga ang kanyang pinawalan. Totoo ang sinabi niya kay Liam na nu'ng mahalin niya ito, nabura na sa puso niya si Henry subalit, iba naman ang sinisigaw ng puso niya, sa hinihirit ng kanyang isipan. Naisip niya kasi na kung hindi siya magiging magandang maganda sa paningin ni Liam ay baka ipagpalit siya nito sa iba – kay Janiz halimbawa.May tiwala siya kay Liam pero naiisip niyang lalaki rin ito. Hindi malayong gustuhin nito ang palaging nakakasama at nakakausap ay pirming kaakit-akit. “How do I look?” tanong niya kay Liam nang lumabas na siya sa silid gusto niyang surpresahin ito kaya naman pinauna muna niya itong gumayak.“Gorgeous!” hindi makapaniwalang sabi nito. Mu

  • My Hot Billionaire Husband    Chapter 50 Ang Bonding Moments nina Liam at Yvette

    Hindi nga nagbibiro si Liam nang sabihin nito sa kanya na marami ngang style na maaaring gawin para masiyahan sila sa kanilang ‘pag iisa’, napagtanto ni Yvette. Marami kasi itong tinuturo sa kanya na talagang nakakapagpamangha sa kanya. Biruin mo ba naman pati aso, baka at dragon ay nadamay sa mga istilong kanilang ginagawa. Ngunit, kahit ganoon ay enjoy na enjoy naman siya. Pakiramdam niya kulang ang araw niya kapag hindi nila gagawin ang bonding na ito. Parte na kasi ito ng pang araw araw nila. “Enjoy?” Tanong sa kanya ni Liam.“Sobra.” Dumukwang pa ito sa kanya para mapagmasdan ang kanyang itsura. Alam niyang nagniningning ang kanyang mga mata ng mga sandaling iyon kaya hindi na rin niya binalak itago kung anong ang kanyang nararamdaman. Basta nagagawa niyang ipakita sa kanyang asawa kung gaano siyang kasaya sa piling nito. “Kaya mo bang manirahan dito nang matagal?” tanong nito sa kanya. “Kahit habambuhay. Basta ikaw ang kasama ko,” walang pag-aalinlangang sabi niya. Talaga na

  • My Hot Billionaire Husband    Chapter 49 Ang Pag iibigan nina Liam at Yvette

    Dahil sa pareho na naman silang nag- I love you ni Liam sa isa’t isa, gustong isipin ni Yvette na the end na ang kanilang love story. Ibig sabihin ay magiging happily ever after na sila tulad ng istorya nina Snow White at Prince Charming, subalit, ang kanilang lovestory ay hindi magiging ganoon kadali lalo na at nasa tunay na buhay sila. Malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Ewan niya kung bakit nakakaramdam na naman siya ng negative vibes. Hindi niya kasi maiwasang isipin na tulad ng mga lovestory, mayroon ding mga kontrabida na nakapaligid sa kanila. Isa na roon si Janiz at kahit na wala silang komunikasyon ni Henry ay nakapagitan pa riin ito sa kanila ni Liam. Chapter 49 Ang Pag iibigan nina Liam at YvetteAng nais niya ay mag-concentrate na lamang kay Liam tutal ito naman ang kanyang asawa kaya natural na dito niya ibigay ang buo niyang tiwala, respeto at pagmamahal. “Liam…?” Mangha niya bulalas nang imulat niya ang kanyang mga mata. Naging pagbigla ang pagdilat niya

  • My Hot Billionaire Husband    Chapter 48 Ang Sorpresa ni Liam kay Yvette 

    "AALIS na naman tayo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Yvette kay Liam. Maang na maang siya sa sinabi nito kaya hindi siya agad nakakilos. Kakarating lang kasi nila nu'ng isang araw galing sa bakasyon tapos ngayon ay aalis na naman sila. Wala namang problema sa kanya iyon dahil ang nais naman talaga niya ay makasama palagi si Liam. Ang inaalala lang naman niya ay ang mga responsibilidad nito. Bahagya lang kumakalmante ang kanyang kalooban kapag sinasabi nitong may ama ito na maaaring mag-take over sa WilMar Mall habang wala ito. "Honeymoon natin," wika ni Liam. "Palagi naman tayong nagha-honeymoon," bulalas niya. Hindi pa niya ito napigilang ngusuan.Napahagalpak nang tawa si Liam. Bigla tuloy siyang napatitig sa asawa. Iyon kasi ang kauna-unahang pagkakataon na tumawa nang ganoon kalutong ni Liam. Napangiti lang siya nang mapagtanto niyang malaki angbkinalaman niya sa kasiyahang nararamdaman nito. At ganoon din naman siya. Mahal niya si Liam at gusto niyang isipin na ganoon din ang

  • My Hot Billionaire Husband    Chapter 47 Ang Pagpapakasal nina Liam at Yvette

    SHUCKS, wika ni Yvette. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nasa simbahan na siya at naglalakad papunta sa may altar. Siyempre, kasabay niyang naglalakad ang kanyang ama tulad ng pangarap nito. Ang maihatid siya kay Liam, sa lalaking gusto nitong makatuluyan niya. Nang tanungin siya ni Liam ng, Will you marry me again? Agad siyang sumagot ng 'yes'. Siyempre, hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa dahil talagang gusto rin niyang pakasalan ulit si Liam. "Why?" Naalala din niyang tanong ni Liam. "Kasi mahal kita," walang pag-aalinlangan niyang sabi. Iyon naman kasi talaga ang nararamdaman niya kay Liam. So, wala ng dahilan para magkunwari pa siya. "Mahal mo ako?" Naniniguradong tanong nito. "Oo nga," mariin niyang sabi dito. "Mahal din kita.""Mahal mo ako?" Hindi makapaniwala niyang tanong. "Yayayain ba kita ng kasal kung hindi kita mahal?" Sarkastikong tanong nito sa kanya. Ayaw na niyang manghingi pa ng paliwanag kay Liam kung bakit siya nito mahal. Ang mahalag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status